• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 4th, 2020

Construction ng Quezon Memorial Station ng MRT 7, station tuloy na

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INALIS na ng lungsod ng Quezon City ang suspension order nito na nagpahinto sa construction ng Quezon Memorial Station ng Metro Rail Transit Line 7.

 

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na inalis na niya ang cease at desist order na kanilang binigay noong Pebrero 18 matapos na magbigay ang contractors ng isang revised na design ng Quezon Memorial Station kung saan inalis na ang paglalagay ng isang mall sa nasabing heritage site.

 

Ayon kay Belmonte, ang bagong plano ay isang “win-win” solution sa pagitan ng San Miguel Corporation (SMC) at ng lungsod ng Quezon City kung saan sa bagong plano ay inalis na ang obstructed view ng pylon na isang national landmark na siyang nagsisilbing simbolo ng mga nagdaang dekada.

 

“There will be no obstructions at the burial site of President Manuel Luis Quezon. Aside from that, there will be open space for residents because there will be no mall,” ayon kay Belmonte.

 

Ang dating planongpagtatayo ng 11,000 square meter na building ay naging isang above ground structure na lamang na isang utility room na may taas na 6 or 7 meters at naging 426 square meters na lamang.

 

“The proposed floor area of the building was five times more than that indicated in the permit and clearance for the project. The design change was approved without consultation with the city government,” dagdag ni Belmonte.
Ang halt order ay tinanggal ayon sa Department of Transportation (DOTr) matapos ang lungsod ng Quezon City at environment at heritage advocates ay pumayag na sa bagong design ng Quezon Memorial station na siyang binigay ng SMC at EEI Corp.

 

“What this exercise shows is that when the national government, local government and the private sector work together and cooperate, all with the same obsession – all for transparency and development – things will be solved and improved swiftly,” sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

Nagbigay naman ng assurance sa Quezon City government at mga stakeholders ang SMC na kanilang susundin ang redesigned at final plan ng Quezon Memorial station.

 

Ang MRT 7 ay ang P63 billion na proyekto na ginagawa ng SMC na mabakabawas ng travel time mulasa Manila papuntang Bulacan.

 

Ang MRT 7 ay ang 23-kilometer railway na may 13 stations na siyang magdurugtong sa San Jose Del Monte, Bulacan at North avenue sa Quezon City namakakabawassa travel time mula Manila hanggang Bulacan. Inaasahang ang travel time ay magiging 34 minutes na lamang.

 

Kung maging operational ang MRT 7, ito ay inaasahang makapagsasakay mula 300,000 hanggang 850,000 na pasahero kada araw at mayroon itong room capacity pa para sa expansion upang makapagsakay pa ito ng mas marami sa darating na panahon. (LASACMAR)

Biyaheng SoKor, pwede na ulit

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga Filipino na bumiyahe patungong South Korea maliban sa buong North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, kung saan ang virus outbreak ay concentrated.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ito ang napagdesisyunan sa isinagawang 9th IATF Meeting kasama ang Department of Health – Central Office kung saan ay tinalakay ang kalagayan ng sitwasyon ng (COVID-19).

 

Ang lahat ng mga Pinoy na naghahangad na bumisita sa ibang bahagi ng South Korea ay kailangang gumawa at lumagda ng isang deklarasyon na nagpapahiwatig na batid at naiintindihan nila ang panganib na kaakibat ng kanilang pagbyahe.

 

Isang health advisory pamphlet ang bitbit ng mga ito sa kanilang pag-alis ng bansa.

 

Sa kabilang dako, ang pag-ban o pagbabawal na magpa-pasok ng mga foreign nationals na bumiyahe mula North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, sa teritoryo ng Pilipinas ay nananatiling epektibo.

 

“Guided by the Health Security Risk Assessment Matrix, which evaluates the hazard, exposure and context relative to the risks involved, the IATF has also agreed that there are to be no new imposition of travel restrictions or lifting of the same as regards other countries or jurisdictions. The IATF assures that the review concerning travel restrictions and protocols to and from the Philippines shall be regularly conducted by it,” ang paliwanag ni Sec. Panelo.

 

Samantala, naghahanda naman ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation ng 148 Filipino mula Macau via chartered flight, habang inaayos naman ng Overseas Workers Welfare Administration ang pag-repatriate ng 48 na aktibong miyembro sa pamamagitan ng isang commercial flight.

 

Ang IATF ay kinabibilangan ng mga miyembro ng ahensiya ng pamahalaan, at nananatiling “on top of the situation” kontra COVID-19 at ang Office of the President (OP) naman ay kinikilala ang konkretong pagsisikap sa pakikipaglaban sa nasabing virus habang nilalayon ng pamahalaan na protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng lahat ng mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)

DEDMA SA SRP, KULONG

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na may ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa baboy, manok at iba pang agricultural products, may mga vendor sa Metro Manila ang napag-alamang hindi sumusunod.

 

Gayunman, ayon sa Department of Agriculture (DA), bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga nagtitinda na makapagpaliwanag kung bakit mas mataas ang kanilang presyo lalo na sa baboy.

 

Batay sa itinakda ng ahensiya ng gobyerno na nauna nang inilabas, P190 per kilo ang SRP para sa pigue at kasim ng baboy, P130 per kilo sa fully dressed chicken, P162 per kilo sa bangus, P120 per kilo sa tilapia at P130 per kilo sa galunggong.

 

Nagtakda rin ng SRP para sa bawang na P70 kada kilo para sa imported at P120 kada kilo para sa local; P95 kada kilo naman ang pulang sibuyas at P50 kada kilo ang refined sugar.

 

Babala sa mga susuway, sa ilalim ng Price Act, ang mga magmamanipula sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura ay mahaharap sa parusang pagkakakulong at multa.

 

Tama lang na may SRP lalo na sa mga pangunahing bilihin, sa pamamagitan nito ay napoprotektahan ang mga mamimili mula sa mga abusado.

 

Pero, paano naman ang mga tindero na umaaray sa presyo na kanilang nakukuha mula sa kanilang mga supplier?
Madalas na reklamo lalo na ng maliliit na negosyante ay kung paano nila maipapasa ang produkto sa itinatakdang presyo kung sila naman ang malulugi?

 

Kaya mainam talagang magkaroon din ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno, mga negosyante at vendor at sana ay magkaroon din ng kinatawan ang mga konsiyumer para naman may direktang kaalaman sa kung paano nagtatakda, nagtataas o nagbababa ng presyo ng mga bilihin.

3 mangingisda, timbog sa P142K shabu

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, Edward Dizon, 26, ang isang 16-anyos na binatilyo, pawang residente sa lungsod.

 

Ayon kay P/Col. Balasabas, alas-alas-8:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao kontra sa mga suspek sa M. Domingo St. Brgy. Tangos North.

 

Nagawang makabili ng isang sachet ng shabu kay Miranda ng isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

 

Nang magkaabutan na ng bayad at droga, agad sumugod ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang suspek, kasama si Dizon at ang binatilyo na sinasabing umiiskor ng droga kay Miranda.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 21 gramo ng hinihinalang shabu na may correspondeng standard drug price na P142,800 at buy-bust money. (Richard Mesa)

Nominasyon sa PH Sports Hall of Fame, simula na

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY tsansa ang lahat ng mga Pilipino maipakita ang suporta sa kanilang mga iniidolo sa sports sa pagsumite ng kanilang nominasyon para maipakita at maisama sa kasaysayan ang kanilang iniambag na kabayanihan sa taong 1924 hanggang 1994 sa sunod na tatlong buwan simula nitong Marso 1.

 

Binuksan na nang Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) Review and Evaluation Committee ang proseso para sa nominasyon, ang unang parte ng pilian sa mga pambansang atleta na posibleng makasali sa ikaapat na batch ng iluluklok sa Sports Hall of Fame ng bansa bago matapos ang taon.

 

Nasa Republic Act No. 8757 o ang PSHOF Act, na bukas ang nominasyon para sa mga dating amateur at professional athlete at coach/trainer na nagbigay ng malaking distinksiyon, dangal at karangalan sa bansa sa kanilang piniling sport.

 

Ang 2020 selection committee, na pinamumunuan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sinundan ang mga nakaraang komite na magbigay lang ng kabuuang 10 inductee kada dalawang taon.
Napagkaisahan sa unang miting ng selection committee na itakda ang pagsisimula ng nominasyon sa Marso 1 at matatapos sa Mayo 31.

 

“We recognize the valuable knowledge of our sports chroniclers when it comes to this, so we will ask for their help,” sabi ng sports agency chief sa miting. (REC)

Eala may parangal sa PSA

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KABILANG sa talaan ng mga young at promising athlete ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ang rising tennis star na si Alexandra Eala.

 

Pasok ang 14-anyos sa 10 atleta na kikilalanin bilang 2019 Tony Siddayao awardees sa nasabing pagtitipon sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Ipinagkakaloob ang parangal sa mga atletang may 17-taon at pababa na sinunod kay dating Manila Standard sports editor Antonio ‘Tony’ Siddayao na kinokonsiderang Dean ng Philippine sportswriting.

 

Naging malaking puntos sa tennis career ni Eala ang pagsungkit ng Top 10 world junior ranking bago matapos ang 2019, kaya kinonsidera itong Pinoy na atletang may malaking ambag sa Pilipinas.

 

Sinundan pa niya ito ng titulong grand slam matapos manalo sa Australian Open girls doubles tournament kasama ang partner na si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia nitong Enero 2020.

 

Kabilang din sa karangalan sina swimmers Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryant Dula, bowlers Dale Lazo at Jordan Dinam, karateka Juan Miguel Sebastian, chess Woman FIDE Master Antonella Racasa, powerlifter Jessa Mae Tabuan at nakakatandang kuya ni Alexandra na si Michael Eala.

 

Nakatanggap na rin dati ng katulad na parangal sina chess Grandmaster Wesley So, Eumie Kiefer Ravena, Felix Marcial, Jeron Teng, Markie Alcala, Pauline del Rosario, Aby Arevale, at Maurice Sacho Ilustre sa taunang pagtitipon ng mga sportswriter na pangungunahan ni Manila Bulletin Sports Editor Eriberto S. Talao Jr. at mga handog ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine. (REC)

Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary.

 

Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong sementeryo at suportado dito sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Joel Chua, Second District Councilor Darwin “Awi” Sia at miembro ng Manila City Council.

 

Sa bagong sementeryo, kabilang dito ang pagpapatayo ng Cultural Hall gayundin ang paglalagay ng isang plantilla para sa mga bagong personnel na magtratrabaho sa ilalim ng Muslim Cemetery Division.

 

Ang itatayong Manila Muslim Cemetery na sakop ng 2,400 square meters ay magsisilbing exklusibong lugar para sa interment at paglilipat ng labi ng mga namatay na Muslim na residente ng Maynila.

 

“It is hereby declared the policy of the City Government of Manila to confer recognition to the Muslim community in Manila with their inherent cultural attributes and customary traditions, especially in terms of caring for the remains of their departed, by defining a burial ground in the South Cemetery and a special body intended to manage [it],” nakasaad sa ordinansa.

 

Papatakbuhin ito at may kontol ang Manila Health Department (MHD).

 

Paliwanag ni Domagoso na pinirmahan ang nasabing ordinasa para kilalalanin ang kultura at kaugalian ng Manila’s Muslim community.

 

“Ito ay isang tanda ng ating paggalang sa kasaysayan ng ating minamahal na lungsod na noon ay pinamumunuan tayo ng ating mga kapatid na Muslim, mga Rajah, mga Sultan,” ayon kay Domagoso.

 

“Sa ganitong paraan lamang, muling naipaalala kung paano nagsimula ang Lungsod ng Maynila bago pa dumating ang mga kastila,” dagdag pa nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

9 senador pabor sa extension ng ABS-CBN operation

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SIYAM na senador ang naghain kamakalawa ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.

 

Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, at Sens. Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Nancy Binay, Sonny Angara, Grace Poe, at Manny Pacquiao.

 

Sa nasabing resolusyon, hiniling din sa National Telecommunications Commission (NTC) na mag-isyu ng provisional authority sa ABS-CBN Corporation habang dinidinig pa sa Kongreso ang kanilang prangkisa.

 

Sa paghahain ng resolusyon, ipinunto ng mga senador na ang pagsasara ng ABS-CBN ay magreresulta sa kawalan ng trabaho ng halos 11,000 mang-gagawa ng network.

 

“The removal of a market leader such as ABS-CBN would significantly impact not only on competition within the broadcasting industry, but also on the economy as a whole,” ayon sa resolusyon.

 

“In fact, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia was quoted as saying that the non-renewal of the franchise of ABS-CBN may affect investor confidence and get in the way of promoting diversity in the economy and fostering competition,” dagdag pa doon.

 

Kailangan din umanong magkaroon ng ‘intervention’ ang gobyerno para matiyak na makakapagpatuloy ang operasyon ng network habang nakabinbin ang deliberasyon sa franchise renewal nito sa Kongreso. (Daris Jose)

DOTr sa LTO: Driver’s license exam, isalin sa iba’t ibang wika

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na magiging limitado sa lengguwaheng Filipino at English ang ibinibigay na pagsusulit ng Land Transportation Office (LTO) para makakuha ng driver’s license ang isang indibiduwal.

 

Sa Department Order 2020-003 na pinirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang LTO na maglabas din ng driver’s licensure exam na mababasa sa English, Filipino o anumang lengguwahe ng kukuha ng lisensiya.

 

Ayon kay Tugade, ito ang resulta ng naging dayalogo nila ni Davao Oriental 2nd District Representative Joel Mayo Almario.

 

“Sa isang pulong, hiningi ni Cong. Mayo na isalin sa iba’t ibang lengguwahe ang examination questions.

 

Napakagandang suhestiyon niyan kaya bakit hindi natin tatanggapin at ipatutupad?,” saad ni Tugade.

 

Layon umano nito na bigyang konsiderasyon ang mga kukuha ng exam sa Visayas at Mindanao, at iyong hindi nakakaintindi ng English o Filipino.

 

“I instructed the LTO, all examinations shall now be done in English, Tagalog, or the local language of the examinee,” aniya.

 

“We have already created a team for each of the major dialects. The assigned team will translate the driver’s license examination. The translation will be checked by experts of the language to ensure that the terms are accurate and official,” dagdag pa ng LTO chief.

 

Samantala, mahigit 100 public utility drivers ang nagpositibo sa nationwide random drug tests na isinagawa ng LTO, ayon sa isiniwalat sa isang Senate hearing kahapon (Martes).

 

Base sa datos na ipinrisinta ni LTO-National Capital Region Director Clarence Guinto, 116 sa 4,762 na sumailalim sa drug test sa limang rehiyon sa bansa ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga mula Hulyo 2019 hanggang Pebrero 2020.

 

80 sa mga nagpositibo ang mula Metro Manila, 13 mula sa Gitnang Luzon, 15 mula sa Calabarzon, dalawa mula sa Mimaropa, habang anim ang mula sa Bicol region.

 

Hinimok ni Senador Ronald Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, ang pagkakaroon ng proactive steps sa pagpapatupad ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 upang iwasan ang drug-related road crashes.

 

Iminungkahi rin ni Senador Francis Tolentino na amyendahan ang Section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang mabilis na pagpapasok sa mga public utility drivers sa mga rehabilitation centers na nasa impluwensya ng iligal na droga.

 

Ayon sa Article VIII ng naturang batas, kailangan munang mag-secure ng Court order upang ma-admit sa rehabilitasyon ang sinumang nagpositibo sa paggamit ng droga.

Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1.

 

Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng marquee player na nabingwit. Buhat sa North Luzon Expressway, dumaan lang si John Paul Erram sa Blackwater na garahe sa Talk ‘N Text.

 

Nalambat ng Elite sina Marion Magat, Yousef Taha at Eduardo Daquioag Jr., mula KaTropa, pinakawalan naman sina Anthony Semerad at Rabeh Al-Hussaini pa-Road Warriors.

 

Kalahating miyembro ng koponan ay mga bagong dating o hindi pa nakabubuo ng isang kumpletong season sa Blackwater.

 

Pinalitan pa ng Elite si coach Aristeo Dimaunahan pagkatapos nang nagdaang season, tinapik si Raoul Cesar Racela para magtimon sa team o bilang coach.

 

Ang natangay ng Elite sa nagdaang draft ang mga buhat sa FEU Tamaraws na sina Richard Escoto at Hubert Cani wala pa sa final roster.

 

Sa pinakahuling trade, mababago pa ang final lineup ni Racela. Top pick ng Elite sa draft noong Disyembre si Maurice Shaw na No. 2 pick overall, kasunod ni Roosevelt Adams ng Columbian.

 

Sina Rey Mark Belo, Carl Bryan Cruz, Mike Tolomia at Ron Dennison pa ang former FEU players ni Racela.
Kaya lang si Cruz ay injured pa at si Belo ay kaoopera lang ng tuhod. Hindi pa sigurado kung kailan makakabalik-hardcourt sila.