Kasabay nang bababala sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases sa bilangguan, nanawagan si Anakalusugan Party List Rep. Michael Defensor sa agarang pagsasagawa ng confirmatory testing sa lahat ng inmates at correction officers na nagpapakita ng maaagang sintomas ng naturang nakakahawang sakit.
“Nobody should be left behind in terms of prompt access to free testing as well as patient care, support and treatment just because they happen to be in prison,” ani Defensor, House health committee vice chairperson.
Nangangamba ang mambabatas na baka tumaas pa ang COVID-19 case fatality rate sa mga inmates ng na rin sa poor nutrition, limited access sa health care at high rates of undiagnosed pre-existing conditions, kabilang na ang tuberculosis at human immunodeficiency virus (HIV) infection.
Umaasa si Defensor sa Department of Health at Department of Justice na magsasagawa ng agresibong hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng kulungan.
“There’s no question that on account of severe overcrowding, all of our correction facilities across the country are extremely high-risk closed settings for transmission, rendering both inmates and correction officers exceptionally vulnerable,” pahayag pa ni Defensor.
Batay sa istatistika ng Bureau of Corrections (BuCor), sinabi ni Defensor na nasa 49,114 inmates ang nakakulong sa walong bilangguan na para lamang sa 11,981 ibdibidwal.
Sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, halimbawa aniya na para lamang sa 6,435 convicts ay mayroong 28,885 inmates o may congestion rate na 349%.
Habang ang Davao Prison and Penal Farm sa Panabo City, Davao del Norte ay 384% congested (na may 6,555 inmates para sa 1,354 kapasidad lamang); Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City na 235% congested (3,371 inmates kumpara sa 1,008capacity), Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan ay 314% congested (2,793 inmates vs 675 capacity; Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ay 168% congested (2,665 inmates vs 994 capacity; San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City ay 212% congested (2,288 inmates vs 733 capacity; Leyte Regional Prison sa Abuyog, Southern Leyte ay192% congested (1,982 inmates vs 679 capacity; at CIW-Mindanao sa Sto. Tomas, Davao del Norte ay 463% congested (575 inmates vs 102 capacity).
Iniulat din ng BuCor ang 195 confirmed COVID-19 cases – na kinabibilangan ng 161 inmates at 34 correction officers – sa NBP at CIW sa Mandaluyong.
Kasama sa naturang bilang ang 49 anyos na correction officer sa NBP na umuwi sa kanyang probinsiya at siyang unang nakumpirmadong COVID-19 case sa Itogon, Benguet nitong Mayo 29.
Tatlong inmates at tatlong opisyal ang nawasi dahil sa naturang sakit. (Ara Romero)