• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 26th, 2020

Mga NBA players na COVID-19 positive, umaasang makakalaro pa rin sa season restart

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kampante ang mga karagdagang NBA players na dinapuan kamakailan ng coronavirus na makakapaglaro sila sa oras na magpatuloy nang muli ang 2019-20 season sa susunod na buwan.

 

Ayon kay Sacramento Kings forward Jabari Parker, maganda raw ang usad ng kanyang recovery matapos sumailalim sa self-isolation sa Chicago.

 

“Several days ago I tested positive for COVID-19 and immediately self-isolated in Chicago which is where I remain,” wika ni Parker. “I am progressing in my recovery and feeling well. I look forward to joining my teammates in Orlando as we return to the court for the resumption of the NBA season.”

 

Ganito rin ang pahayag ni Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon, at balak nito na sumama sa kanyang mga teammates sa Orlando sa oras na gumaling na ito mula sa nakahahawang virus.

 

“I recently tested positive for the COVID virus and am currently in quarantine,” pahayag ni Brogdon. “I’m doing well, feeling well and progressing well. I plan to join my teammates in Orlando for the resumption of the NBA season and playoffs.”

 

Maliban kina Parker at Brogdon, nagpositibo rin sa COVID-19 ang isa pang miyembro ng Sacramento na si Buddy Hield.

 

Una na ring lumabas ang ulat na nahawaan ng deadly infection si Denver Nuggets big man Nikola Jokic, na kasalukuyang naka-quarantine sa kanyang home country na Serbia.

Pacers guard Brogdon nagpositibo rin sa COVID-19

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagpostibo sa coronavirus si Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon.

 

Hindi naman binanggit ng koponan kung saan o paano nakuha nito ang nasabing virus.

 

Naging aktibo ang 27-anyos sa racial at social justice mula ng matigil ang mga laro sa NBA noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Hindi rin naglaro ito sa nasabing season dahil sa kanyang hip injury.

 

Nanggaling sa Milwaukee Bucks ito noong nakaraang season at nai-trade sa Pacers ang dating NBA Rookie of the Year.

 

Mayroong average points ito na 16.3, 7.1 assists at 4.7 rebounds.

Ads June 26, 2020

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DILG, hinikayat ang LGUs na maghigpit sa pag-iisyu ng PWD IDs

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang lokal na pamahalaan na mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng pag-iisyu ng identification cards para sa persons with disabilities.

 

“Maganda ang intensyon ng batas pero mayroong mga taong gustong abusuhin ang pribilehiyong ibinibigay sa mga tunay na PWDs. LGUs should, therefore, be wary of such individuals who want to secure a PWD ID even if they are not entitled to PWD privileges,” lahad ni Año.

 

Giit pa rito, dapat lamang iisyu ang PWD IDs sa may mga long-term physical, mental, intellectual, o sensory impairment kung saan isinasaad na “which may hinder their full, effective, and equal participation in society pursuant to the United Nations Convention.”

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 10754, ibinibigay sa PWDs ang 20% discounts, exemption sa value-added tax (VAT), 5% discount sa basic necessities at prime commodities, at express lanes sa commercial at government transactions.

 

“Hindi dapat magpatuloy ang ganitong pamemeke at pang-aabuso sa paggamit ng PWD IDs dahil baka mabangkarote pa ang mga business establishment lalo na ngayong panahon ng COVID-19,” lahad pa nito.

 

Samantala, nanawagan si Año called sa mga business establishment na ireport ang paggamit ng mga pekeng PWD IDs sa pulis.

 

“Kung walang magre-report, hindi natin mapipigilan ang ganitong panggugulang. We, therefore, urge business establishments to come forward if they encounter PWD impersonators with IDs so that authorities can act accordingly.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

QC pansamantalang itinigil ang pag-isyu ng PWD ID

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang itinigil ng Quezon City government ang pagpoproseso ng identification card para sa mga persons with disability.

 

Kasunod ito sa kontrobersiya ng pagkakaroon ng mga PWD ID ang anim na miyembro ng isang pamilya kahit na ang mga ito ay hindi kwalipikado.

 

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, simula ngayong araw hanggang Bukas ay ititigil muna nila ang pagpoproseso ng mga PWD ID.

 

Sa nasabing mga araw ay kanilang pag-aaralan kung paano magiging ligtas na at hindi na basta mapeke ang pagproseso ang nasabing mga ID.

 

May mga babaguhin silang sa nasabing pagproseso ng PWD para hindi na maiulit pa ang kontrobersiya.

 

Pinagpaliwanag na rin ng alkalde ang isa sa mga inireklamo na empleyado ng gobyerno.

 

Ayon naman kay City legal officer ng lungsod na si Atty. Nino Casimiro na posibleng maharap sa kasong grave misconduct na magreresulta pa sa pagkatanggal nito kapag napatunayan ang alegasyon.

 

Lumabas rin sa imbestigasyon ng city government ng Quezon na nagbayad ng tig-P2,000 ang mga inireklamo para makakuha ng ID.

 

Dagdag pa ni Casimiro na galing pa noong nakaraang administrasyon ang nasabing mga PWD card.

 

Nagbunsod ang nasabing reklamo sa pagkalat sa social media ng pagkakaroon ng PWD card ng anim na miyembro ng pamilya kahit ang mga ito ay hindi kuwalipikado. (Gene Adsuara)

6 Chinese PDL nakatakas sa kulungan muling naaresto ng QCPD

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Muling naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Tactical Motorized Unit (TMU) at Criminal Investigation Unit (CIDU) ang anim na Chinese PDL o Persons Deprived of Liberty sa ikinasang tracking operations bandang alas- 9:30 ng gabi nuong Martes June 23, 2020 malapit sa isang creek sa Mapagkumbaba St. corner Fugencio St. Brgy. Cruz na Ligas, Quezon City.

Ito ang kinumpirma ni Quezon City Police District Director (QCPD) Police Brigadier General (PBGEN) Ronnie S Montejo.

 

Kinilala ni Montejo ang anim na naarestong Chinese na sina Zhang Yi Xin, Ludong Jin, Song Qicheng, Lu Yinliang, Huang Yong Qiao at Chen Bin.

 

Nadiskubring missing o nawawala ang anim na Chinese PDL ng magsagawa ng headcount sa temporary detention facility sa loob ng Camp Karingal nuong June 22, 2020.

 

Siniguro naman ni Montejo kahit muling naaresto ang anim na mga Chinese, magpapatuloy pa rin ang kaso laban sa 15 pulis na naka assign sa District Mobile Force Battalion na sila ang naka duty ng mangyari ang insidente.

 

Sinabi ni Montejo ang anim na Chinese ay kasama sa 51 na may Commitment Order na sa kasong Syndicated Estafa na inilabas ni Judge Jesus P Mupas ng RTC Branch 122 .

 

Kasong administratibo at criminal ang kahaharapin ng mga ito.

 

Agad namang dinis-armahan ang mga nasabing pulis dahil sa paglabag sa Article 224 of the Revised Penal Code otherwise known as Evasion through Negligence.

 

Pinuri ni Montejo ang mga tropa na responsable sa re-capture ng anim na Chinese PDL.

Dahil sa insidente sinibak sa pwesto ni BGen Montejo ang 15 pulis kabilang ang isang Police major. (Daris Jose)

Angkas posibleng mag-operate muli

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ang motorcycle back-riding na Angkas ay papayagan muling mag-operate “in principle” pending health safety guidelines na kanilang dapat gagawin na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang labanan ang paglaganap ng COVID -19.

 

Sa ilalim ng Resolution No. 47, ang IATF, ay inatasan ang Department of Transportation (DOTR), Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Department of Trade and Industry (DTI) – Bureau of Philippine Standards upang magpulong at alamin ang pinakaligtas at epektibong pamamaraan upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga back-riding motorcycles.

 

“For this purpose, this mode of transportation is hereinafter allowed in principle, upon the approval of the requirements to be set by the Technical Working Group (TWG),” ayonsa IATF.

 

Ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na pinamumunuan ni Secretary Carlito Galvez and siyang magbibigay ng guidelines upang muli silang makabalik sa kanilang operasyon.

 

“Back-riding has been approved in principle upon the approval of the requirements to be set by the Technical Working Group,” wika ni Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Ang DOTr ay pinapayagan ang gradual deployment ng mga public transportation mula sa hanay ng passenger buses hanggang modern jeepneys, tricycles at iba pang paraan ng transportation depende sa quarantine levels sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

Samantala, habang hinihintay ng Angkas ang desisyon ng legalization ng kanilang operasyon, nag-submit naman sila ng listahan ng mga innovative health at safety guidelines upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

 

“Our company has submitted a set of proposed health and safety protocols to the IATF to enhance the safety of motorcycle taxi service,” yon kay Angkas chief George Royeca.

 

Subalit sinabi ng DOTr na hindi nila papayagan ang motorcycle taxis na mag- operate hanggang hindi pa nale-legalized ang kanilang operasyon.

 

“The pilot study (trial period) of motorcycle taxis had already expired last April. We submitted our recommendations to the House of Representatives and are awaiting their action if they will be allowed to continue operations. So, technically, there is nothing to resume in the meantime, unless a new law is passed legalizing their operations as a public transport mode,” sabi ng DOTr.

 

Umaasa naman si Royeca na tutulungan sila ng pamahalaan upang magawa nila ang patuloy na pag-aaral kung paano magIging mas ligtas at makakatulong ang mga motorcycle taxi service sa kakulangan ng transportation sa mga quarantine areas.

 

Isa sa mga mungkahi ng Angkas ay gamitin ang motorcycle taxis katulad ng shuttle service na may pre-registered passengers sa mga selected companies. Sa ganitong paraan ay masisiguroang contact tracing ng mga pasahero.

 

“To date, Angkas has a base of four million users that can help add to the government’s contact tracing database,” dagdagniRoyeca.

 

Minungkahi rin nila na ang mgapasahero ay mahigpit na magdala ng kanilang sariling helmet at magdala rin ng kanilang face mask upang hindi magkahawaan. Lalagyan din nila plastic shield ang pagitan ng driver at pasahero. (LACSAMAR)

 

NFA, nakapaglabas na ng higit 622K bag ng bigas ngayong pandemic

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na nakapaglabas na sila ng nasa 622,683 bags ng bigas mula March 31 hanggang June 19, 2020 para sa calamity response ng local government units (LGU) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

Ayon kay NFA assistant regional director Lolita Paz, batay aniya sa kanilang inventory ay mayroon pa silang nasa 400,000 bags ng bigas na sasapat pa sa walong araw.

 

Kung isasama aniya ang commercial at household stocks sa rehiyon, tatagal naman ito ng 65 araw.

 

“Fortunately, here in Region 6 (Western Visayas) there are household inventories and there are those who sell their palay to NFA. We continue to procure palay from them,” aniya sa panayam. (Daris Jose)

 

Azkals star James Younghusband, inanunsyo ang pagreretiro sa football

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang nagretiro sa paglalaro ng football si Philippine Azkals star James Younghusband.

 

Anunsyo ito ni Younghusband sa social media, pitong buwan makaraang tuldukan na rin ng kanyang nakababatang kapatid na si Phil ang kanyang karera sa football.

 

Sa kanyang social media post, todo pasalamat ang 33-anyos na si Younghusband sa lahat ng naging bahagi ng kanyang professional career.

 

“Time to say goodbye,” saad ni Younghusband. “Thank you for the amazing memories. I have loved playing this game. Thank you to my family, bosses, managers, coaches, team mates, opponents and all my supporters who have been part of my professional career.”

 

Matatandaang nagsimula ang 14-taong karera sa Pilipinas ni James nang lumahok ito at ang kanyang kapatid sa U-23 national team para sa 2005 Southeast Asian Games.

 

Naging bahagi rin si James ng Azkals at ang muling pag-usbong ng football sa bansa noong kampanya ng Pinoy team sa 2010 AFF Suzuki Cup.

 

“I feel lucky to have experienced wonderful memories and thankful for every moment of my time with my clubs and country,” dagdag nito.

COVID-19 cases tataas pa – DOH

Posted on: June 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mismong Department of Health (DOH) na ang nagsabi na inaasahan na rin nilang tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa patuloy na pagpapaluwag ng pamahalaan sa ilang panuntunan matapos ang higit dalawang lockdown.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi naman ibig sabihin nito na dapat mabahala ang publiko.

 

Dahil kung ang ahensya raw ang tatanungin, sapat at kaya pa ng health system capacity ng bansa ang paghawak sa mga kaso ng sakit.

 

“Atin pong ine-expect na tataas pa rin ang kaso habang unti-unti nating binubuksan ang ating ekonomiya, bahagyang linuluwagan ang community restrictions at patuloy na tumataas ang ating testing capacity,” ayon sa opisyal.

 

“Ngunit ang pagtaas ay hindi umaabot sa punto kung saan mao-overwhelm ang ating health system,” dagdag ni Vergeire.

 

Simula noong June 1, maraming lugar na sa bansa, kasama ang Metro Manila, ang isinailalim sa general community quarantine.

 

Kasabay nito ang pagbubukas din ng ilang pampublikong establisyemento. Nagbalik trabaho na rin ang maraming empleyado.

 

Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya na may karampatang hakbang din ang national government para tugunan ang posibilidad ng pagtaas ng mga kaso.

 

Katulad umano ng ginawa sa ilang bahagi ng Visayas na nakitaan kamakailan ng biglaang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19. (Daris Jose)