• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 24th, 2020

$20M bare-knuckle boxing match ‘di kinagat ni Tyson

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pinatulan ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson ang offer na $20 million upang lumaban sa bare-knuckle boxing match ngayong taon.

 

Matatandaang ibinida ni Tyson na gusto nitong muling lumaban sa boksing sa isang exhibition match sa edad na 54 na ikinatuwa ng boxing fans.

 

Dahil dito, agad na inoperan ni BKFC (Bare-Knuckle Fighting Championship) president David Feldman na lumaban si Tyson sa kanilang boxing match.

 

Isinapubliko ni Feldman ang offer kay Tyson na $20M para lumaban sa kanyang promotion kung saan sasagupa ang dating tinaguriang “Baddest man on the Planet” na si Tyson na walang suot na gloves.

 

“We offered Tyson $20 million and some additional benefits, but he turned it down,” ani Feldman.

 

Patuloy ang ginagawang ensayo ni Tyson at base sa huling video na ipinakita ng fans, sumasagupa na ang boksingero sa sparring session.

 

Dahil sa ipinakitang speed at power, naniniwala ang marami na babalik sa boksing si Tyson pero marami rin ang nagsabi na hindi na kayang lumaban pa ni Tyson dahil wala na itong lakas at stamina.

 

Nang tanunging tungkol sa pagiging unstoppable noong kanyang kasikatan, sumagot si Tyson at sinabing: “I feel unstoppable now. The gods of war have reawakened me. They’ve ignited my ego and want me to go to war again.”

HON. RUFUS B. RODRIGUEZ

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HON. RUFUS B. RODRIGUEZ

Chairman, Committee on Constitutional Amendments

Vice Chairman, Committee on Justice

House of Representatives

 

Honorable Congressman Rodriguez,

 

Good morning, Sir.

 

I am writing to suggest, If I may, a possible solution to the problem of social distancing in Smoke Emission Testing Centers.

That you see people crammed inside emission testing centers is proof that there are not enough testing centers that people can go to.  This is the result of the action of Usec. Artemio U. Tuazon, ordering the closure of about 800 Private Emission Testing Center (PETC) across the country without ‘due process’.

Many of Usec. Tuazon’s accusations against PETCs are baseless, lacking concrete evidence.  Yet he succeeded in closing them down. This has never happened before since the enactment of RA 8749 or the Clean Air Act.

The arbitrary closure of PETCs started when the Department of Transportation (DoTR) issued DO-2016-017 after Sec. Tugade successfully transferred to DOTR the mandate and jurisdiction of the Land Transportation Office (LTO) on Vehicle Inspection as stated in RA 4136.

We believe and it is clear that the action of Sec. Tugade is to favor the privatization of LTO’s Motor Vehicle Inspection System. This project was labelled – PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC) where private investors are now the ones who will perform the mandate of the LTO on vehicle inspections.

Please note, your honor, that the capital needed to put up a PMVIC is from P40M or more.  The privatization of LTO-MVIS has caused the government to lose income that instead of going to the national coffers are now going to the hands of powerful businessmen and private investors.  This also resulted to the loss of income and livelihood of more or less 10,000 small businessmen who were operators of PETCs.

Honorable Congressman, the way that Sec. Tugade privatized the LTO-MVIS is not based on what the law stipulates and we, at CAMPI-Clean Air Act of the Philippines, Inc., are ready and willing to prove this if you give us the chance and if you will hear us out.

After Sec. Tugade successfully issued DOTR-DO-2016-017, he established the FRS-ISLES within the DoTR participated in by different department Usec. and is now headed by Usec. Artemio U. Tuazon.

Congressman, it is made clear, and without a doubt, that the reason Sec. Tugade seized the mandate of LTO on vehicle inspection is to favor the PRIVATIZATION of the LTO-MVIS and indulge the big and powerful businessmen.

We’ve seen a lot of violations against the law that Sec. Tugade had to approve in order to push this DoTR project, one of which, among many, is the lack of ‘public consultation’.

The public will now be required to pay P1,800.00 to PMVICs for emission testing and inspection before they can register their vehicles while it is P900.00 for motorcycles.  If they fail in the emission test and inspection, the payment of 50% more is required for re-testing/inspection.

This cost is only P90.00 if it was the LTO-MVIS who will conduct it and not the PRIVATIZED MVIC.

Even the anomalies in the importation of machines that the PMVIC will be using will be revealed to you, Congressman, if you will only listen to our side and if you will give us the opportunity to present to you our evidence.  This is a huge amount that the government will lose because of wrong-practices at the DoTR.

We are asking for your help, Congressman. We appeal for your compassion. The small businessmen in our line are suffering because of the pandemic and the livelihood of some 10,000 people are in danger. It is now, more than ever, that we need the government’s help.

Thank you for your attention.  We pray that God continues to give you strength and the wisdom to help and assist people like us, the marginalized in our society.

 

May God bless you and your family always.

 

Clean Air Movement of the Philippines, Inc. (CAMPI)

0932-4584840

larpit.md@gmail.com

 

(Atty. Ariel Enrile-Inton)

Rockets star player Westbrook balik ensayo na matapos gumaling na sa COVID-19

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Labis ang pasasalamat ni Houston Rockets point guard Russell Westbrook dahil sa nakasama na siya sa ensayo ng koponan.

 

Ito ay matapos na makakuha ng clearance na maglaro ng magpositibo ito sa coronavirus noong nakaraang mga linggo.

 

Sinabi nito na nanatili lamang ito sa loob ng bahay ng ilang linggo.

 

Sinabi naman ni Rockets coach Mike D’ Antoni na maaari ng makasama si Westbrook sa tune-up games sa Sabado.

 

Magugunitang noong Hulyo 13 ng magpositibo si Westbrook sa coronavirus na agad naman itong nag-quarantine.

Magsalamin sa mata, magbitbit ng tubig

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BATAY po sa aking karanasan, nais kong i-share naman ngayon sa inyo mga kapwa ko mananakbo, ang pagsasalamin (sun glass) na hindi dark color, light color dapat kung mag-ja-jogging-running tayo sa umaga sa labas ng ating tahanan.

 

Dapat ding magbaon ng tubig kahit sa maliit na container o nabibiling purified bottled water.

 

Iyan po ang dalawang bago nating maipapayo dear runners/joggers. Kahit na rin sa bikers o cyclists.

 

Kahapon natalakay ko po ang pagsusuot na rin ng face mask sa new normal. Pero ang ginagawa ko kung wala po akong makakatabi, katabi, masasalubong, kasalubong, binababa ko muna siya nang kaunti lang dahil mahirap kapusin ng hininga.

 

Balik po ako sa sun glass at bottled water, parehong kailangang-kailangan po ito sa kalsada habang natakbo o nag-ja-jogging ka. Kasi kahit tag-ulan na tayo, mainit pa rin talaga ang klima.

 

Mas agahan din natin ang pagtakbo sa umaga. Maga lang matulog para maaga ring gumising.

 

Masakit na ang araw sa ating mga mata ati madal rin tayong mauhaw dahil sa init kapag tinanghali tayo ng bangon.

 

At sa pag-jog-run bago gawin iyan ilang minutong exercise, stretching at walking. Para makaiwas po tayo sa injury.

 

***

 

Patuloy po nating idalangin na may matuklasan ng gamot o iniksiyon, o kaya’y kusa na lang maglaho ang Covid-19 pandemic. Siyempre  hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo, para makabalik na ang lahat sa dati, pati po ang sports events worldwide.

 

Mag-ingat pa rin po tayo araw-araw, panatilihinng malakas ang ating katawan.

 

***

 

Kung may nais po kayong itanong o gusto ninyong magreaksiyon, mag-email lang po sa  jeffersonogriman@gmail.com.

 

Hanggang sa  susunod mga ka-People’s BALITA.

 

God bless us all! (REC)

Maria Ressa nag-‘playing the victim card’- Sec. Roque

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAAGAD na nahalata ng Malakanyang ang pagiging ‘playing the victim card’ ni Rappler CEO and executive editor Maria Ressa nang banggitin nito ang non-renewal ng broadcast franchise of ABS-CBN matapos na maghain ng “not guilty” plea sa lokal na korte.

“It is very evident that Maria Ressa is playing the victim card by talking about the non-renewal of the broadcast franchise of ABS-CBN after filing her “not guilty” plea before a local court,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Inulit ni Sec. Roque na ang pagbibigay ng broadcasting franchise ay natatangi at eksklusibong karapatan ng Kongreso.

Binigyang diin pa rin ni Sec. Roque na pinapanatili nila ang neutral na posisyon sa usapin bilang bahagi ng kagandahang-loob at paggalang sa hiwalay na co-equal branch ng pamahalaan.

“ABS-CBN, Rappler, and other news entities continue to report on the events happening in the country. A good case in point is the ABS-CBN News coverage of the “not guilty” plea of Maria Ressa, which can be read online. There is certainly no truth to Ms. Ressa’s allegation. The press can keep on reporting as long as there is no violation and has the right to continue its operations,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, naghain ng not guilty plea si Maria Ressa laban sa kinahaharap na ikalimang tax evasion charge sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) kaninang umaga, matapos igiit na harassment lamang ang ginagawa sa kanya.

Si Ressa, 56-anyos na Rappler CEO-Executive Editor at kilalang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay nahaharap ngayon sa kasong tax evasion na sinasabi niyang pangha-harass o panggigipit lamang ng pamahalaan.

Umapela si Ressa sa Pasig RTC Branch 257 sa sala ni Judge Ana Teresa Cornejo-Tomacruz para sa pagdinig kaugnay sa hindi pagbibigay ng sapat na impormasyon para sa value-added tax (VAT) return ng Rappler para sa second quarter ng 2015 na nagkakahalaga ng P294,258.58.

Matatandaang naghain ang Department of Justice noong October 2018 laban kay Ressa at Rappler Holdings Corp. (RHC) ng five counts of tax evasion na kung saan ay apat ditto ay naihain na sa Court of Tax Appeals habang ang 5th count na CTA’s 1-million-peso threshold ay inihain sa Pasig RTC.

Itinanggi ng Pasig RTC ang mosyon ni Ressa at magpapatuloy ang pagding matapos makapagbayad na ng halos nasa P1 million travel bond sa kinahaharap na kaso.

“The irony here is just for travel bond in this court, which has had different judges to be fair, I’ve already paid a million pesos to be allowed, to be free to travel, to this court…There was one I wasn’t even gone overnight last year and I had to pay half a million pesos in travel bond. This is now, a million pesos is now in this court for my travel bond for an alleged P200,000 violation,” ayon kay Ressa.

Nakapagpiyansa si Ressa sa kanyang limang tax case noong December 2018 habang kinasuhan din si Ressa ng libel at nahaharap sa anim na taong pagkakakulong subalit naghain ng bail na kung saan sinasabi niya na isang suntok umano ang ginawa ng pamahalaan sa pagsira sa democratic freedom ng bansa. (Daris Jose)

Barriers para sa back-riding couples walang gamit, mapanganib pa

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Isang administration lawmaker ang hindi sangayon sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng riders at back-rider ng motorcycle na kung saan sinabi niyang ito ay walang gamit at mapaganib pa na gamitin.

 

“I just hope that the task force will just forgo its shield requirement. I don’t see any reason why a divider or a shield for couples who eat, sleep and even take a bath together would be required to comply with such,” wika ni Ang Probinsiyano party-list Rep. Ronnie Ong.

 

Ayon sa kanya hindi lamang walang gamit at impractical kund hindi maglalagay din ito sa panganib sa mga motorcycle riders at maaari pang makasagabal sa ibang motorists at pedestrians.

 

Sinabi rin ni Ong na ang dagdag na requirement na ito ay siya rin pinagsisimulan ng mga reklamo mula sa mga riders dahil ito ay maaari rin na pagsimulan ng extortion mula sa mga tiwaling traffic enforcers.

 

Nagkalat na sa facebook ang mga reklamo ng mga riders dahil sa di umanong ginagawang pangongotong ng mga traffic enforcers.

 

“Instead of physical divider or a shield being installed on motorcycles, I suggest that riders just be required to wear full-face helmets, face mask, long-sleeve shirts or jackets, long  pants, gloves and closed shoes,” dagdag ni Ong.

 

Umaasa rin si Ong na mabibigyan ng pagkakataon ang iba pang miyembro ng pamilya ang sumakay sa motorcycle bilang back-riders subalit kinakailangan nilang mag comply sa mga health requirements protcols at mapatunayan nila na sila ay nagsasama sa iisang tahanan lamang. Sa ganitong paraan ay makakatulong din ito upang mabawasan ang mga commuters na parating stranded dahil walang masakyan.

 

Ayon pa rin kay Ong na kahit mahirap sa mga checkpoint personnel ang pag verify ng relationship ng mga motorcycle riders, ang Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases rin sana ay maging considerate sa mga sacrifices na pinagdadaanan ng mga motorista dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon ngayon General Community Quarantine (GCQ).

 

Sa ngayon, karamihan sa mga Filipinos ay gumagamit na rin ng bisikleta at motorcycles sa kanilang araw-araw na paglalakbay dahil na rin sa limitadong passenger capacity ng mga public transportation dahil sa ipinatutupad na health at social distancing protocols.

 

“Allowing motorcycle riders to ferry their family members is actually safer than compelling them to take public transportation along with complete strangers who are all potential coronavirus carriers” wika ni Ong.

 

Pinaalalahan din niya ang mga motorcycle riders na maging responsible sa kanilang pagtupad sa mga requirements na itinakda ng IATF habang binabalaan naman niya ang mga operators ng habal-habal na maaaring mag-take advantage sa bagong policy na ito.  (LASACMAR)

Olympics ‘di pa rin matutuloy sa 2021

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tokyo – Nangangamba ang organizers ng 2021 Tokyo Olympics na maaaring hindi pa rin matuloy ang summer games kung wala pang made-develop na vaccine o gamot sa COVID-19.

 

Ayon kay Tokyo Olympics organizing committee president Yoshiro Mori, krusyal para sa na-reschedule na summer games ang vaccine o gamot upang matuloy ang event.

 

“It would be whether the coronavirus woe is settling down,” ani Mori. “Specifically, the first point will be that a vaccine or drug has been developed.”

 

Sa isang interview sinabi ni Mori na maaaring hindi matuloy ang na-reschedule na Olympic kung patuloy pa rin ang pagkalat ng coronavirus.

 

“If things continue as they are now, we couldn’t,” ani Mori.

 

Sinabi ni Mori na hindi niya alam ang iisipin kung magtutuloy-tuloy pa rin ang ganitong sitwasyon hanggang sa susunod na taon.

 

Nagsisimula na dapat nitong Biyernes ang napurnadang Tokyo 2020 na sinuspinde noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Muling itinakda ang Games sa July 23, 2021, pero sa isinagawang survey ay malamig ang pagtanggap ng publiko sa Japan para sa pagbubukas ng Olympics sa kanilang bansa.

 

Ayon sa survey na ginawa ng Kyodo News, isa sa apat na tao sa Japan ang gustong i-delay o tuluyan nang ikansela ang Olympics sa kanilang bansa dahil sa takot sa banta ng coronavirus.

 

Karamihan umano sa mga sumuporta sa kanselasyon ng Olympic ay naniniwalang hindi makokontrol ang pandemic bago ang pagdaraos ng summer games.

 

Ilang sa mga opsyon na inilalabas para matuloy ang Games ay ang gawin ang palaro na may limitadong manonood o gawin ang lahat ng event na walang manonood.

 

Pero, kinontra ni Mori ang pinalutang na opsyon at sinabing mahirap para sa kanila ang gawin ang palaro na walang spectators.

 

“If it’s the only way to do it, then it’s something we’d have to consider. If that happens, there might be talk of cancellation,” ayon kay Mori.

 

Sa ngayon, may naiulat ang Japan na  26,300 COVID-19 cases kung saan ang  namatay ay pumalo sa 989.

PH crime rate mula quarantine, bumagsak sa 51%

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bumagsak sa 51% ang crime rate sa Pilipinas buhat nang umiral ang community quarantine measure sa bansa, batay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

 

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10,145 krimen lamang ang naitala mula March 17 hanggang July 20 kumpara sa 20,575 krimeng naiulat noong Nov. 17, 2019 hanggang March 16, 2020.

 

“Rule of law (is) strengthened, pinalakas natin ang pananaig sa batas ng ating bansa. Napanatili ng ating kapulisan ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga pamayanan. Bumaba ang bilang ng krimen, napabilis ang pagresolba sa mga ito at napaigting ang kampanya laban sa iligal na droga,” paliwanag ni Lorenzana.

 

Nakatuon ang mga krimen sa murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, car theft, at motorcycle theft.

 

Samantala, nauna na ngang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi dapat makampante ang PNP sa pagbaba ng krimen. (Gene Adsuara)

SOLUSYON SA PANDEMYA, GUSTONG MARINIG NG SIMBAHAN SA SONA

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA na may ginawa o gagawin at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa nakatakdang ika-5 State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ayon kay Manila Apostolic  Bishop Broderik Pabillo na  ito ang pangunahing suliranin ng bansa sa kasalukuyan na nagbunsod na rin sa krisis sa ekonomiya, trabaho at sa sektor ng edukasyon.

 

 

“At hindi lang ito maliit na problema. Kasi iba pa iyong mga nagugutom na, iba pa iyong mga nawalan ng trabaho. Iba’y nawalan ng kinabukasan. At dahil dito ay pati ang kabataan ay tinatamaan dahil sa pag-aaral nila, at sa trabaho, iyong mga nag-graduate, Di makakita ng trabaho. Kaya malaki ang problema na dapat pagtuunan, at sana, may solusyon ang gobyerno sa mga pangyayaring ito,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

 

 

Kinondena rin ng obispo ang kasalukuyang tugon ng pamahalaan na paglalagay ng pulis at militar sa krisis pangkalusugan na hindi naman matutugunan ng baril at bala kundi ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa publiko.

 

 

Tulad na lang dito ang naging tugon ng pamahalaan sa problema ng ilegal na droga na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa bansa sa kabila ng higit sa 30-libong napatay na may kinalaman sa droga.

 

 

“Hindi ba nangako siya noong bago mag-eleksyon, na magreresign siya after six months kung hindi matanggal iyong droga. Four years na, pero andiyan parin. Hindi naman bumawas after having killed around 30,000 na mga tao. Andiyan parin,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

 

 

Ayon sa obispo ang ilegal droga ay isa lamang sa mga pangakong hindi naisakatuparan ng pangulong Duterte, bukod pa ang matagal ng usapin ng kahirapan at kawalan ng trabaho ng Filipino.

 

 

Una na ring inanyayahan ni Bishop Pabillo ang mga publiko na makiisa sa panalangin sa isasagawang Mass for Justice and Peace sa araw ng pag-uulat sa bayan ng Pangulo sa Lunes. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mansion ni Thompson sa LA, ibinebenta

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ni Cleveland Cavaliers star  Tristan Thompson na ibinebenta na nito ang kanyang mansion.

 

Ayon kay Thompson, nagkakahalaga ang kanyang ibinebentang Encino Mansion ng $8.5 million.

 

Base sa ulat, tumaas ang halaga ng mansion ng $2 million mula ng mabili niya ito noong nakaraang taon ang 10,000 square foot farmhouse style na bahay.

 

Mayroong pitong kwarto at 7.5 na banyo na may sariling bells at whistles bukod pa sa pool, outdoor kitchen, bar, spa, foyer, marble fireplace, hiwalay na fire pit, home movie theater, twirling staircase at guest house na may dalawang kuwarto.

 

Sinabi ni Thompson na nagdesisyon siyang ibenta ang mansion matapos silang maghiwalay ng kasintahan si Khloe.