• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 17th, 2020

Magaan na virus restrictions, inirekomenda ng MM mayors

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA ng mga Metro Manila mayors ang pagpapagaan ng virus restrictions sa capital region.

Ang rekumendasyon ng mga MM mayors ay isang araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine.

Nagkaisa ang mga local chief executives sa MM capital na manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa strict general community quarantine ang nasabing lugar bukas, Agosto 18.

“I can confirm na ang rekomendasyon ng mga mayor ay GCQ, pero yung GCQ po noong buwan pa ng Hunyo na mas mahigpit kaysa sa eventual GCQ na pinapatupad na,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Unanimous naman po ang recommendation ng IATF (Inter-Agency Task Force) at ng mga Metro Manila mayors kay Presidente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal ay isinailalim sa MECQ category noong Agosto 4 bilang tugon sa panawagan ng mga health workers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “timeout” sa gitna ng ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na “highly unlikely” para sa pamahalaan na panatilihin ang Metro Manila at mga neighboring economic hubs sa ilalim ng MECQ dahil sa pagkaubos ng resources na pangtugon sa coronavirus pandemic.

Samantala,nakatakda namang pulungin ni Pangulong Duterte ‘virtually’ ang mga miyembro ng pandemic task force ng pamahalaan, mamyang gabi.

Inaasahan naman na ia-anunsyo ni Pangulong Duterte ang community quarantine classifications ng capital region at maging sa karatig-lalawigan.(Daris Jose)

Tennis star Kei Nishikori, umatras sa US Open tune-up matapos dapuan ng COVID-19

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ni Japanese tennis star Kei Nishikori na umurong na ito sa lalahukan sanang tune-up tournament sa New York makaraang magpositibo sa COVID-19.

 

Ito’y dalawang linggo bago magsimula ang US Open sa Agosto 31.

 

Ayon sa dating world No. 4, nananatili ito ngayon sa IMG Academy sa Bradenton, Florida, at hindi na rin ito sasali sa Western & Southern Open na isang tune-up tournament bago ang Grand Slam.

 

“This morning while still in Florida, I got tested for COVID-19 and tested positive,” saad sa pahayag ni Nishikori. “I will have to pull out of the Cincinnati tournament at this time.

 

“We were planning to fly to New York tomorrow but will obviously now stay in Florida.”

 

Dagdag ni Nishikori, mayroon lamang daw itong “very little symptoms” pero nakatakda itong sumailalim sa self-isolation.

 

Ilang mga manlalaro na rin ang umatras sa US Open ngayong taon dahil sa pangambang kapitan ng coronavirus na dumapo na sa mahigit 5.3-milyong katao sa Estados Unidos.

FACESHIELD MANADATORY SA MGA KAWANI NG NAVOTAS

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng mga empleyado ng pribadong kumpanya pati na rin sa mga kawani ng local na pamahalaan.

 

Sinabing alkalde na maliban sa pagsusuot ng face mask, karagdagang safety measuresdin ang pagsusuot ng face shield, hindi lamang para sa mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan, kundi sa lahat ng mga manggagawa at empleyado sa lugar ng kanilang mga trabaho.

 

Aniya, batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa, nababawasan ng 78% ang tsansang mahawaan tayo ng virus kapag may gamit na face mask at face shield.

 

“Hangad natin na makatulong ito para mas bumaba pa ang bilang ng mga nahahawaan,” ani alkalde.

 

Kaugnay nito, namahagi si Navotas City Congressman John Rey Tiangco face mask, disinfection kits at mga  safety stickers sa lahat ng mga driver ng tricycle at pedicab na mga miyembro ng iba’t ibang samahan ng mga driver sa lungsod.

 

Pinayuhan din sila ng mambabatas na palaging i-disinfect ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Ayon naman sa ulat ng City Health Office hanggang 8:30pm ng August 16, nasa 90 ang nadagdag na nagpositibo kaya’t sumampa na sa 3,798 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 1,297 dito ang active cases. 184 naman ang mga bagong gumaling kaya’t 2,392 na ang kabuuang bilang ng mga recoveries habang nanatili naman sa bilang na 109 ang mga namatay. (Richard Mesa)

OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Renato Panganiban Jr., alas-8:45 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra sa suspek Tulay 1.

 

Nagawang makabili sa suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba at nakuha sa kanya ang aabot sa 3.5 gramo ng shabu na nasa P23,800 ang halaga at buy-bust money. (Richard Mesa)

Susunod na Chief PNP kapalit ni Gen Archie Gamboa, iaanunsiyo isang linggo bago ang pagreretiro nito

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG i-anunsyo ng Malakanyang isang linggo bago ang araw ng pagreretiro ni PNP Chief Director General Archie Gamboa kung sino ang susunod na kapalit nito.

Si Gamboa ay nakatakdang magretiro sa Setyembre 2 kasunod ng pagsapit ng ika- 56 na taong kaarawan nito na siyang retirement age sa mga nasa police at military service.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi na gayung katagal na panahon ang hihintayin para kanilang ianunsiyo ang papalit kay Gamboa sa Pambansang Pulisya.

“Ia-announce ko na lang po siguro kung sino ang magiging next PNP Chief. Hindi naman po inaantay iyong birthday ng retiring PNP Chief bago mag-anunsiyo ng kapalit. Mayroon po iyan mga one-week interval, so malapit na po nating i-announce iyan,” aniya pa rin.

Si Gamboa ay produkto ng PMA Class 1986 at naging ika- 21 hepe ng National Police.

Enero ng taong ito nang isinapubliko ni Pangulong Duterte na kanyang itinatalaga si Gamboa bilang Chief PNP matapos na magsilbing Officer in Charge ng tatlong buwan.(Daris Jose)

ALA Boxing Promotions, nagsara; mga boxer, napaiyak

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang 35 taon na pagpo-produce ng sikat na Pinoy Pride boxing series, tuluyan nang ibinato ng ALA Boxing Promotions ang towel at nagsara dahil sa epekto ng coronavirus pandemic at pagkasara ng ABS-CBN.

 

Isinara ng ALA ang kanilang promotional outfit maging ang kanilang boxing gym, na lumikha ng sikat na boksingero ng bansa gaya nina Donnie Nietes, Albert Pagara, Z Gorres, Rey “Boom Boom” Bautista at Milan Melindo.

 

“ALA Boxing (ALA Promotions and ALA Gym) would like to say farewell and thank you to our supporters from all over the world,” wika nito sa inilabas na statement.

 

“The pandemic and the closure of our longtime broadcast network partner ABS-CBN, has affected the overall situation and future of the company.”

 

Itinayo ang ALA Boxing ni Cebu boxing patron Antonio L. Aldeguer noong 1985 at pinatakbo ng anak nitong si Michael noong 2006.

 

Itinatag din nito ang sikat na Pinoy Pride series at naging unang Asian promoter na nagsagawa ng events sa United States matapos ang matagumpay na promotions nito sa Middle East.

 

“Local boxing just took a direct hit on the chin. ALA was not just about boxing, it was about keeping kids off the streets and giving them a path, a goal in life,” ayon sa isang boxing analyst.

 

“Saving a prayer for the boxers, staff and everyone in ALA. I hope that this is just a knockdown and that they will be able to beat the count.”

 

Halos mapaiyak naman ang ilang boksingerong nagsasanay at hawak ng ALA Promotions dahil sa sinapit na kapalaran at pagsasara nito.

SWP tumubo lang na parang kabute

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISYU pa rin sa kasalukuyan ang paglahong parang bula bago natapos ang 2018 ng national sports association (NSA) sa weightlifting o ang Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI)

 

At ang pagsulpot na parang kabute ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).

 

May ilang araw, linggo at buwan ko na pong naulinigan ang isyu na sa social merdia at sa ilang sa ilang stakeholders na nakakausap ng OD. Bukod sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila, sa PhilSports Complex sa Pasig City bago pa magpandmya o COVID-19 nitong Marso.

 

Napapadaan-daan po madalas ang OD sa RMSC. Paminsan-minsan kada linggo PhilSports nang wala pang lockdown.

 

May ilang mga nagsasabing nabaon sa utang sa Securities and Exchange Commission (SEC) na hindi na binayaran ng sinuman sa mga opisyal ng PWAI,  mga nahalal noong 2014 at napaso ang mga termino sa taong 2018.

 

Sila ay sina Mark Rommel K. Alino (chairman), Roger Dullano (president), Elbert Atilano (vice president), Dioscoro H. Himotas (secretary general), Felix Tiukinhoy (treasurer), Paquito ‘Kit’ Mortera (auditor) at Rodrigo M. Roque (public relations officer).

 

Ang iba pang mga kuwento-kuwento hinggil sa sport, derekta pa dati ang pinansiyal na suporta nila sa mga weightlifter gaya ni 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, at iba pa.

 

Bago na lang nalipat o binigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa SWP ni Monico ‘Nyoks’ Puentevella.

 

Umaaray naman ang mga nagmamahal sa sport sa hakbang ng ng PSC na kilalanin si Puentevella, na anila’y mag-isang nagtayo ng SWP at pinalilitaw sa Phil. Olympic Committee (POC) na siya ang bagong lider ng national sport governing body .

 

Bukas po ang pitak na ito para sa inyong panig dating Bacolod City Mayor at Congressman Puentevella.

Maraming saksi sa mga palaro malabo

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY kalabuan pang maganap ngayong taon ang pagpapasok ng malaking bilang ng mga manonood sa bawat sports events saan mang panig ng mundo dahil sa patuloy na mataas ng mga nahahawa sa COVID-19 at wala pang gamot sa pandemya.

 

Pananaw ito ni World Health Organization (WHO) emergencies director at Irish epidemiologist Michael Ryan sa panayan ng Agence France Press.

 

Aniya, isang disgrasya kung magkakaroon ng maraming manonood sa mga paligsahan gaya sa coliseum, stadium, arena at iba pang playing venues hanggang sa matapos ang taon at wala pang natutuklasang medisina o iniksiyon sa coronavirus disease. (REC)

Willie Revillame, mamimigay ng P5-M sa mga jeepney drivers

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ngayong linggo na umano matatanggap ng mga jeepney drivers ang tulong pinansyal na ipinangako ni Willie Revillame sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic sa bansa.

 

Ayon sa 59-year-old TV host/actor, personal niyang ipapamahagi ang P5 million cash na paghahati-hatian ng mga tsuper ng jeepney.

 

Katunayan ay nagkausap na aniya ang mga abogado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang kanyang legal advisers para maisapinal kung saan kukunin ang cash aid na mula mismo sa kanyang ipon.

 

“Ako ho mismo ang magbibigay nung cash niyo at para sa grupo niyo,” saad nito.

 

Una nang nilinaw ni Revillame na bukal sa kalooban at hindi lang “pagbubuhat ng sariling bangko” ang kanyang naging hakbang.

 

Kung maaalala, naglaan din si Willie ng P100,000 bawa isa para sa naulilang pamilya ng apat na Pinoy workers na biktima ng pagsabog sa Lebanon na kumitil ng maraming buhay nitong August 4. (Ara Romero)

Pdu30, maayos ang kalusugan; regular ang swab test

Posted on: August 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na muling nagpositibo sa Covid-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Nakasama kasi ng Pangulo ang Kalihim sa isang pulong sa Davao City noong Agosto 10.

“Okay po ang Pangulo. Regular po ang kanyang swab test kasi mas maraming swab test masakit ang pagtusok sa ilong pero batid po ng Pangulo na kinakailangan po na pangalagaan ang kanyang buhay,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Bukod dito. required aniya sa mga papasok ng Davao City batay na rin sa kautusan ni Davao City Mayor Sara Duterte na magpapa-swab test.

“So, the President is fine,” ani Sec. Roque.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Sec. Roque na naka-self isolation siya ng limang araw at magpapa-PCR test.

Iyon ay dahil nakasabay nya kasi sa eroplano si Año.

At kahit kasama at kasabay nila ang Pangulo sa eroplano ay wala naman itong closed contact sa alinman sa kanila lalo na kay Año.

Siniguro rin ni Sec. Roque na nakasuot sila ng face mask at face shield.

” Naka-perpetual isolation po si Pangulong Duterte. 6 feet away po kami kay Presidente. Regular po ang kanyang PCR test,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Nauna ritos habang nasa kasagsagan ng pag-aaral ang IATF at National Task Force Against COVID-19  para madesisyunan kung papalawigin pa o luluwagan na ang umiiral na quarantine protocol sa Metro Manila ay iniulat na maging ang  Department of the Interiors and Local Government Secretary   na siyang co-chairman nito ay positibo sa coronavirus.

Kinumpirma mismo ni Año na muli siyang nagpositibo sa COVID-19.

Sabado ng gabi, Agosto 15, nang matanggap aniya niya ang resulta na positibo siya muli sa nakahahawang sakit.

Sa statement na inilabas ng kalihim, noong Agosto 13 nakaramdam siya ng flu-like symptoms gaya ng sore throat at pananakit ng katawan kaya agad siyang ng self-quarantine at nagpa – swab test noong Biyernes

Mahigpit na tinututukan ngayon ng mga doktor ang kalihim habang habang naka-isolate ito.

Ayon sa kalihim,  ginawa niya ang pahayag  para ipaalam sa lahat ng kaniyang nakasalamuha na sumailalim din sa self-quarantine, bantayan kung makararanas ng sintomas at sundin ang DOH guidelines.

“I also make this announcement to emphasize the severity of the virus, and to encourage everyone to wear a mask, wash their hands frequently, and practice social distancing. By adhering to these guidelines, we can all help keep our loved ones and our community safe,” paalala ng kalihim.

Matatandaang Marso 31, 2020 nang unang tinamaan ng COVID-19 ang kalihim at nagnegtibo noong Abril.

Naniniwala ang kalihim na posibleng na- expose siya muli kaya tinamaan siya ng Covid-19 virus.

Inihayag ng kalihim wala naman siyang nararanasang sintomas kaya tuloy-tuloy lamang ang kaniyang trabaho.

Aniya, sa pamamagitan ng video conference lamang siya dumadalo sa mga pagpupulong.(Daris Jose)