MAKAKATANGGAP ng P500 kada araw na hazard pay ang lahat ng city employee ng Maynila na nag report sa kanilang trabaho sa panahon nh enhanced community quarantine (ECQ)
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ,ito ay iyong nagsipag report na empleyado mula Marso 17 hanggang Mayo 15,2020.
Nabatid na ipinasa ng Manila City Council unanimously sa pangunguna ni Vice President Honey Lacuna, ang isang city ordinance na maglalaloob sa mga empleyado ng ‘COVID-19 hazard pay.
Ito umano ay bilang pagkilala sa pagsusumikap ng mga empleyado na makapasok sa trabaho sa kabila ng banta ng COVID19.
Nalaman na inaprubahan ng Manila City Council ang may P151 milyon para sa hazard pay.
Samantala nilinaw naman ni Council Majority leader Councilor Joey Chua na hindi kasama sa hazard pay ng Lungsod ang mga barangay officials dahil hindi naman sila ikunukunsidera bilang city employees.
Kung may pondo ang mga barangay doon dapat kunin ang kanilang hazard pay na hindi lalampas sa P500 kada araw alinsunod sa Administrative Order No.26 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte
na naging basehan ng pagpasa ng of Ordinance No. 8667.
Ayon kay Moreno,ang budget para sa ordinansa ay kukunin sa Personal Services and Special Activities fund at Maintenance at iba pang Operating Expenses ng siyudad.
Kabilang sa bibigyan ng hazard pay ang mga regular ,contractual o casual at job order na empleyado. (GENE ADSUARA)