PUWEDENG kasuhan ng Cyberbully ang empleyado ng isang internet provider na si Mellisa Olaes dahil sa komentong ‘sarap ipa-rape’ si Liza Soberano.
Nakipag-usap na sa kanyang abogado ang aktres kasama ang manager niyang si Ogie Diaz.
Bukod dito ay posible ring at stake ang trabaho ni Mellisa bilang head ng sales department ng Converge na internet provider ni Liza.
Nagsimula ang isyu nu’ng ireklamo ng aktres ang mabagal na connection ng Converge sa bahay nila pero hindi siya pinapansin base sa kuwento ng manger niya.
“Hindi namin binibira rito ‘yung Converge kundi ‘yung ilang tauhan na hindi nagpapakita ng magandang asal sa kanilang mga customers,” say ni Ogie.
Ang katwiran nitong empleyado ng internet provider ay wala siyang binanggit na pangalan ni Liza tungkol sa ‘sarap ipa-rape.’
Ang sabi naman ni Ogie, “nag- comment ka ro’n, at ano ang sinasabi mong pribado, naka publiko ka. Ang pribado ay ‘yung private message. Laitin ninyo si Liza, it’s okay karapatan n’yo ‘yan, pero magko-comment ka about rape? Na sana ma-rape siya?
“Ah talaga, naranasan mon a bang mag-rape noong araw o naranasan mon a bang ma-rape no’ng araw? Kahit sa’yo anak, Melissa, matanda ako sa ‘yo, hindi ko hahayaang pa rin ‘yan at kahit sa dalawang daughter mo kung totoong may dalawang daughter ka, hindi ko rin hahangarin ‘yan dahil ako may limang daughter, nanay ng anak ko, nanay ko, mga kapatid ko, hello? Saan lupalop ka galing para maghangad ng masama sa kapwa?
“Okay lang ‘yung ‘sana matalisod ka!’ ‘Yung iba nga sinasabi sana ‘matigok ka na’ tinatanggap pa, pero ‘yung ma- rape? Nakakaloka, babae ka anak, bakit ka nagsasabi ng ganyan sa iyong kapwa? Ikaw ba ‘yan?”
Sa pagpapatuloy pa nang galit na galit na manager ni Liza.
“Alam mo, sinisira mo ang imahe ng Converge kung maganda man ang imahe ninyo. Bakit saan ba galing ang suweldo mo, ha? Sa mga rapist? Hindi naman di ba, sa mga customers na naniniwala sa Converge, tapos magwi-wish ka ng hindi maganda na puwede lang ipa-rape? Ganu’n ka-simple sa ‘yo? Ka- babae mong tao, Teh! Kakaloka, kahit mga bakla hindi sasabihin ‘yan! At nakakahiya may anak ka!
“Lumampas ka sa guhit, ateng! Anak mo pa ang nag-sorry na ibig sabihin hindi niya ma-take ang ginawa ng nanay niya, ang kagagahan ng nanay niya.
“Pinag-uusapan na namin ng lawyer ‘yan, kung anong legal na aksyon na puwede naming gawin at the same time ‘yung data privacy law ay na-violate ng isang empleyado ng Converge kung saan ‘yung kanilang report sa ipinare-repair ng mga Soberano ay inilabas nila,” kuwento nito.
At dahil isinapubliko ng Coverge ang report nila kung bakit mabagal ang internet connection ng mga Soberano.
“Nahusgahan tuloy si Liza sa pamamagitan ng report na ‘yun na pinalalabas nila na walang kasalanan ang Converge, pero ang totoo sinisisi ‘nyo ‘yung mesh (internet system).
“’Yung mesh kasi ang kumukunekta para ‘yung internet connection kumalat sa buong bahay. Pero ang totoo last June pa tumatawag sa Converge, sa customer service ang pamilya ni Liza pero dedma, walang sumasagot.
“So gumawa ng paraan si Liza, bumili sila ng mesh na akala nila ay baka iyon ang makakatulong, e, wala napakahina pa rin ng internet connection kahit nag mesh na sila.
“So nu’ng nagreklamo si Liza thru twitter, ayan doon sila lumusob sa bahay. Nu’ng lumusob sila sa bahay, ni-repair nga nila kaya mayroon silang report na hindi kasalanan ng Converge dahil palpak daw ang mesh, pero ang totoo kahit nakakunekta sila sa mesh ay mahina pa rin ang speed, kaya walang naitulong ang mesh.”
Sabi pa ni Ogie na kawawa naman ang may-ari ng Converge na si Dennis Uy dahil imbes na makarami sila ng customers ay ganito pa ang ginagawa ng mga empleyado niya.
Balik tanong ni Ogie kay Melissa, “Hindi ka ba nag-Psychology? Kaganda-ganda ng batang ito parang walang utak, hindi mo ginagamit ‘yung utak mo. Babae ka pa naman!” sabi pa.
Nagpadala naman ng apology letter ang Converge kina Liza tungkol sa insidente.
Anyway, naglabas ng public apology si Melissa sa kanyang Facebook page.
“SANG BUKAS NA PAGPAPARATING NG TAOS PUSONG PAGHINGI NG PAUMANHIN SA LAHAT.
“Isang mapagpalang gabi sa lahat ng makakabasa nito. Six hours ago, napakasimple at tahimik ng buhay namin ng mga anak ko. Hanggang may nagparating sa akin ng mensahe na tanggalin ko daw ang post ko sa Twitter.
“Nagulat ako dahil wala akong account sa Twitter, o kahit sa IG. Hindi rin po ako madalas magpost sa FB o magcomment sa mga FB friends sa kani-kanilang mga posts.
“Bihira po ako magkomento. Hanggang makarating nga sa akin ang isang ‘pagsubok sa katatagan ng aking pagkatao at paniniwala sa Diyos” – ang isang post sa Twitter na in-screenshot ang aking FB comment sa isang pribadong usapan at ngayon ay nagte-trending na.
“Hindi ko po ipapaliwanag ang aking sarili, dahil alam kong wala rin itong magiging bearing sa mabigat na sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Pero gusto ko pong iparating sa lahat na lubha po akong nasasaktan sa nagaganap. Marami saking nagpi- pm ng mga masasakit na salita. Maraming nagreretweet at nagko- comment ng napapapikit na lang ako para palampasin ang sakit sa aking kalooban. Masakit po dahil, alam ko po ang katotohanan ng pagkatao, integridad at dignidad ko.
“Pero hahayaan ko na lng po kayo lahat maglabas ng inyong sama ng loob, inis o anu pa mang emosyon meron kayo sa ngayon.
“Nauunawaan ko po kayong lahat hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE. Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya – random thought sa isang pribadong usapan.
“Ang salitang RAPE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact. Naging insen- sitive ako at nawalan ng tamang judgment.
“Dahil dito, ako ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko.
“Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari. Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe.
“Sa mga anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, mga kamag-anak ko, sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo.
“At sa mga kaibigan na nakakakila sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat.
“At lalo’t higit, sa inyong lahat isang taos pusong paghingi ng paumanhin po.” (REGGEE BONOAN)