• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 17th, 2020

Ads October 17, 2020

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SOKOR National na wanted sa illegal online gambling, inaresto ng BI

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang siang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa llegal online gambling.

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Choi Sungsun, 33, ay inaresto sa kanyang tinutuluyan sa San Juan City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

 

Ang pagkakaaresto kay Choi ay bunsod sa mission order na inisyu ni Morente matapos ipaalam ng mga awtoridad ng South Korean na ang suspek ay nagtatago sa bansa.

 

Ayon naman kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, si Choi ay kasama sa Interpol red notice na inisyu noong August 11, matapos nag-isyu ang Busan court ng warrant of arrest laban sa kanya.

 

Si Choi ay kinasuhan ng fraud sa korte sa kanilang bansa dahil sa pago-operate ng illegal gambling sites sa internet at nagtayo rin ng private online gambling sites sa Pilipinas.

 

Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa CIDG habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 swab test.

 

“He will be sent back to South Korea after the BI board of commissioners issues the order for his summary deportation. Afterwards he will be blacklisted and banned from re-entering the Philippines.” ayon kay Morente. (Gene Adsuara)

Pagulayan kampeon sa Illinois

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MULING inilabas ni dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan ang matatalim na pangil nito upang pagharian ang 10-Ball at One Pocket events ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois.

 

Naitakas ni Pagulayan ang gitgitang 14-13 panalo laban sa kababayan nitong si Dennis Orcollo sa championship round upang makuha ang korona sa 10- Ball event.

 

Mainit ang simula ni Orcollo nang gamitin nito ang malalim na karanasan para itarak ang 6-2 bentahe.

Naunang anunsiyo hinggil sa pagbabago ng 21 to 60 years age restriction para makalabas ng bahay, kailangan pang linawin sa IATF – Malakanyang

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN pa munang linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagbabago ng age restriction ng mga puwede nang makalabas ng bahay.

 

Itoy makaraang magkaroon ng anunsiyo na ibinaba na sa edad 15 at itinaas naman sa 65 ang pupwede nang makalabas ng bahay.

 

Paglilinaw ni Sec. Roque, example o halimbawa lang ang “15 to 65” sa rekomendasyon at hindi pa pinal.

 

Ang sigurado ayon kay Sec. Roque ay aprubado nang may pagbabago sa age restriction at hindi na 21 to 60 years old.

 

“Well, unang-una po, ang naaprubahan po ng Gabinete kasama ng Presidente ay lahat ng kabuuan ng rekomendasyon na ginawa po ng economic team sa pagbubukas ng bahagya pa ng ating ekonomiya, kasama po diyan iyong edad,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero nakasulat po doon ‘e.g. 15 to 65’, so medyo, ang e.g. ibig sabihin po ‘for example’ ‘no. So lilinawin ko lang po kung talagang 15 to 65 na iyan. dahil iyon po iyong kumbaga oversight doon sa recommendation, hindi siya fix, sinabi doon e.g.. So ipagbibigay-alam ko po ito sa IATF para magkaroon ng paglilinaw, pero ang talagang naaprubahan na po ay babaguhin na natin, hindi na po 21 to 60 iyan, dahil pupuwede na pong mas marami pang mga 21 to 60. Hindi na po 21 to 60 iyan, mas marami na po ang makakalabas, hayaan lang po ninyong klaruhin ko sa IATF kung ano talaga iyong edad, dahil sa rekomendasyon, ‘e.g.’ po iyong nakasulat doon, 15 to 65,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, idudulog niya ito sa susunod na pulong ng IATF para magkaroon ng paglilinaw ngunit sa Martes pa aniya ito magagawa dahil may budget hearing ngayong araw ang DOH kaya walang IATF meeting ngayong Huwebes.

 

“Sa Tuesday po yata ang susunod na meeting, kasi budget hear- ing po ngayon. Dahil nag-resume ang budget, ang DOH po, bukas po iyong pagdidinig ng budget nila, kaya wala pong meeting ng IATF,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

86% mga Pinoys na-stress dahil sa COVID-19 – SWS

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA 86% na mga adult Filipino ang nakaranas ng stress dahil sa coronavirus.

 

Sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS), 58% na mga adult Filipinos ay nakakaranas ng “great stress” habang 27% naman ang “much stress”dahil sa virus.

 

Mayroon namang 15% ang hindi nakaranas ng iba’t ibang stress.

 

Lumabas din na mayroong 30.7% o mayroong 7.6 million na Filipinos ang nakaranas ng pagkagutom na mas mataas ito ng 9.8 points kumpara sa 20.9% sa July.

 

Dahil dito, nahigitan ang 23.8% na hunger rate noong Marso 2012.

D.O.T.S. nina DINGDONG at JENNYLYN, kauna-unahang GMA show na i-stream sa Netflix

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na masaya ang mga netizens na sumusubaybay sa biggest Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon dahil sa magandang balitang natanggap nila mula sa GMA Network.

 

Dahil mapapanood na ang 65 episodes sa Netflix simula sa November 13.

 

Ang DOTS PH ang kauna- unahang GMA program to be streamed on Netflix. Mapapanood ito ng eight (8) consecutive Fridays simula sa November 13.

 

 

 

Narito ang complete schedule per episode number Netflix launch date:

1 to 30 November 13, 2020;

31 to 35 November 20, 2020;

36 to 40 November 27, 2020;

41 to 45 December 4, 2020;

46 to 50 December 11, 2020;

51 to 55 December 18, 2020;

56 to 60 December 25, 2020;

at 61 to 65 January 1, 2021.

 

Isa rin itong pag-expand ng GMA Network ng kanilang platform, strengthening its digital presence and providing top-notch entertainment in celebration of its 70th anniversary this year.

 

Pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Jennyln Mercado ang romantic story ng alpha team, kasama ang mga award-winning actors na sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.

 

Matatandaan na noong September 10, nagdiwang ang buong cast at production staff ng serye nang tanggapin nito ang Most Popular Foreign Drama award mula sa 15th Seoul International Drama awards at si Dingdong naman ang tinanghal na Asian Star Prize awardee for his portrayal in the series.

 

Samantala, magsisimula ulit ang airing ng DOTS PH sa October 26, sa pamamagitan ng two-week recap. Sa November 5 magsisimulang mapanood ang fresh episodes ng serye sa GMA Telebabad, 9:15PM, pagkatapos ng Encantadia. (NORA V. CALDERON)

Dating pulis Maynila patay sa pananambang, misis sugatan

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang dating pulis Maynila habang sugatan ang misis nito nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek habang magkaangas sa motprsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

 

Kinilala ang biktima na si Police Sgt Dranreb De Castro , 47, ng 407 Lallana St. sakop ng Brgy 93 Dist. 1 Tondo Maynila at dating nakatalaga sa Sation 1, Viras, Tondo, Manila.

 

Sa inisyal na ulat, dakoang alas-9:00 ng umaga nang tambangan ang biktima habang sakay ng kanyang Yamaha Mio na kulay itim.

 

Angkas naman ng biktima ang kanyang misis na sugatan sa pangyayari na wala nang nagawa kundi mag-iiyak na lamang sa isang tabi.

 

Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Ugbo St. sa Tondo.

 

Nakuha sa pang-iingat ng biktima ang isang kalibre 45 na baril.

 

Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa pananambang at kung sino ang nasa likod nito.

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (Gene Adsuara)

PIOLO, KORINA, BILLY at CATRIONA, ilan lang sa magdadagdag kulay at saya

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TV5’s programming partner and major block timer, Cignal TV, ay nagdadagdag ng mga bago at pamilyar na mga talento para magdagdag kulay at saya sa current talent roster.

 

grama na ipapalabas ay ang mga bigating artista gaya nina Piolo Pascual, Korina Sanchez, Aga Muhlach, Ian Veneracion, Billy Crawford, Matteo Guidicelli, Maja Salvador, Sue Ramirez, Dimples Romana, Alex Gonzaga, at Catriona Gray.

 

“TV5 has something for everybody. We aim to deliver a fresh new perspective at how audiences enjoy the network’s entertainment, news and sports programs,” sabi ni Robert P. Galang, ang Cignal TV and TV5 President and CEO.

 

“The new program line-up does not only set the bar higher for innovativeness and produc- tion values but also reinforces TV5’s vision to become a formidable force in Philippine television as it continues to challenge traditional programming standards and reinvigorate the network’s adaptability to survive and thrive in this pandemic and beyond,” dagdag pa nito.

 

Isa sa mga pinakabagong block time partners, Brightlight Productions, na ipapalabas ang mga bagong shows sa TV5 simula ngayong Linggo, Oktubre 18.

 

Ang Presidente at CEO ng Brightlight Productions, former Rep. Albee Benitez, hinihimok ang mga network na magkaisa, shar- ing na “it’s time that all of us should work together. Right now, I don’t think there should be a network war.” Binanggit rin nya na ang mga artista ay dapat bigyan ng flexibility at dapat payagan na magtrabaho kung saan available.

 

“I think that should be our landscape moving forward,” dagdag pa niya.

 

Sa patuloy na pakikipagsosyo at pakikipagtulungan ng Cignal TV, sinisigurado ng TV5 na mas magiging bigger at better – BER months ang ihahatid sa manonood sa huling quarter ng taon.

 

Sa mga bagong programa at bagong stars na sasali, tiyak na marami dapat abangan. Ilan sa mga sikat at naglalakihang pangalan sa industriya ng entertainment ang nagbahagi ng kanilang pasasalamat na muling makapagtrabaho na siyang nagpapatunay na na ang buhay ay tunay na mas maliwanag kapag tayo ay nagkakaisa upang maisakatuparan ang isang misyon: upang magbigay ng pag-asa, excite- ment at inspirasyon sa mga Pilipino.

 

Sunud-sunod na magpa-pilot telecast ngayong Linggo ang Sunday Noontime Live, directed by Johnny Manahan.

 

Ang Sunday noontime musical variety show na mapapanood ng 12:00NN – 2:00PM ay iho-host nina Piolo Pascual at Miss Uni- verse 2018 Catriona Gray kasama sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito. Meron itong same day catch-up airing at 8:00PM sa Colours Channel 202 HD and Channel 60 SD on Cignal TV.

 

Ang I Got You, directed by Dan Villegas, na isang romance drama series ang susunod sa 2:00 – 3:00PM na kung saan bida ang young and versatile actors na sina Beauty Gonzales, Jane Oineza, at RK Bagatsing.

 

Patatawanin naman tuwing 3:00 – 4:00PM. ng Sunday Kada ang manonood sa comedy show na directed by Edgar Mortiz na kung saan featuring sina Jayson Gainza, Ritz Azul, Wacky Kiray, Miles Ocampo, Daniel Matsunaga, Jerome Ponce, Josh Colet, Sunshine Garcia, Jhen Maloles, at Badji Mortiz.

 

Sa Lunes, October 19, simula na ang newest noon-time variety na Lunch Out Loud na full of fun games and surprises, giving more chances of winning to viewers even at home. Naka-line- up sa LOL ang amazing comedi- ans and hosts na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, K Brosas, Bayani Agbayani, KC Montero at Macoy Dubs; mapapanood ito ng Monday to Saturday, 12:00NN – 2:00PM.

 

Ang award-winning journalist naman na si Korina Sanchez- Roxas ay ibabalik ang kanyang sikat na news magazine show na Rated Korina.

 

“I feel blessed that I didn’t have to wait so long to get back on free TV. I have many friends on TV5 so it’s like having a family again. Tuloy ang Ligaya!” pahayag ni Korina.

 

Ang Rated Korina, a long-running news magazine and lifestyle show will feature remarkable stories from various walks of life, magpi-premiere ito sa October 24 (4:00 – 5:00PM) every Saturday.

 

Susunod dito ang wholesome family sitcom na Oh My Dad (5:00 – 6:00PM), starring Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel and Adrian Lindayag, to be helmed by Director Jeffrey Jeturian.

 

Sa hangad ng Cignal TV to beef up TV5’s entertainment roster na nagbibigay sa madla ng mas marami at makabuluhang kadahilanan upang magkaisa, hindi lamang sila nakagawa ng kapanapanabik na mga programa, pero nagbigay din sila ng pagkakataon sa mga taong kabilang sa industriya: mula sa mga celebrities, producers, mga direktor, manunulat, cameramen, at tauhan na nagtatrabaho sa likod ng mga eksena. Ang pinaka-layunin ay pag-isahin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng nangungunang entertainment na kanilang na maari nilang asahan.

 

Ang iba’t-ibang waves of entertainment programs na ginawa ng blocktimers kasama ang ating mga paboritong artista ay pinapatibay ang misyon ng network na magdala ng bigger at better -BER months sa pagtatapos ng taon.

 

Sa katunayan, isang bagong karanasan sa TV ang sasaliksikin, muling isusulat, at muling gagawin. Para sa isang bagong kabanata kung saan ang pagkamalikhain at pakikipagtulungan ay nangingibabaw sa pagitan ng mga talents, creatives at kung saan ang mga ideya ay walang limitasyon at walang network walls. (ROHN ROMULO)

PDu30, nananatili pa rin ang ‘full trust and confidence’ kay Sec. Villar

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILI ang “full trust and confidence” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Public Works Secretary Mark Villar sa kabila ng alegasyon ng korapsyon sa departamento.

 

Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte, sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na may bahagi ng pondo ng DPWH ang nagamit para ibigay sa ilang katao na hindi naman niya pinangalanan.

 

“Full trust and confidence po [si Presidente] kay Secretary Villar dahil despite the corruption in DPWH, naka-deliver po si Secretary Villar,” ayon kay Presiden- tial Spokesperson Harry Roque.

 

Ang bilyonaryong pamilya ni Sec. Villar ang nagmamay-ari ng real estate empire.

 

Sa kabilang dako, committed naman si Pangulong Duterte na walisin ang korapsyon sa DPWH at state medical insurer PhilHealth.

 

At sa tanong kung paiinbestigahan ng Pangulo ang DPWH gaya ng ginawa nito sa PhilHealth, ay sinabi ni Sec.Roque na : “Posibleng gawin po iyan pero hayaan na po muna natin iyan dahil sa ngayon po nakatutok pa sa PhilHealth ang Presidente.”

 

Matatandaang inakusahan ng whistleblowers ang mga opisyal ng PhilHealth nang pambubulsa ng P15 billion sa state funds, at pag-apruba sa overpriced projects at reimbursement sa mga pinaborang ospital.

 

Isang task force ang binuo ni Pangulong Duterte kung saan ay inirekumenda ang pagsasampa ng kaso laban kina dating PhilHealth CEO at President Ricardo Morales at iba pang opisyal. (Daris Jose)

Mga atleta tuturuan sa paggasta’t pag-iimpok

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAKALIPAS pangunahan ang Team Philippines sa 2019 Southeast Asian Games Championship, tuturuan naman ng Philippine Sports Commission o PSC sa tamang pamumuhay para sa magandang kinabukasan ang mga atleta buhat sa mga pinaghirapan nilang kinita.

 

Magsasagawa ang government sports agency ng two-day financial literacy online seminar and workshop para sa national athletes at coaches sa Oktubre 29-30 kasama si renowned Reg- istered Financial Planner (RFP) at journalist Salve Duplito.

 

“We believe this financial literacy webinar is very timely in this time of Covid-19. We want to encourage all our national athletes, coaches and our employees to start their journey to financial wellness while they are young,” pahayag nito Miyerkoles ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

Dinagdag niyang lubhang masakit para sa kanya na magaya ang iba sa ilang mga manlalaro na mga naghikahos sa buhay nang magkaedad gayung limpak na salapi ang mga nahawakan sa kabataan. (REC)