• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 20th, 2020

Chris Paul pinakawalan ng Thunder patungong Suns, kapalit ng 4 players trade

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

GINULANTANG ngayon ang mundo ng NBA matapos pakawalan ng Oklahoma City Thunder ang kanilang All-Star guard na si Chris Paul patungong Phoenix Suns.

 

Kapalit sa pag-trade kay Paul ay apat na mga players. Dahil dito mapupunta na sa Thunder sina Ricky Rubio, Kelly Oubre, Jalen Lecque, Ty Jerome at ang first-round pick sa pagitan ng taong 2022 at 2025.

 

Gayunman ang naturang impormasyon ay hindi pa umano naisasapinal ng liga.

 

Kung matuloy ang pag-trade kay Paul, makakasama niya sa team ng Suns ang isa rin matinding shooter sa NBA at isa ring All-Star na si Devin Booker.

 

Kung maalala sa kasagsagan ng NBA bubble bagamat naka 8- 0 sa restart ang Phoenix, kinapos naman ito pagsapit sa playoffs.

 

Samantala, bigla namang nagbigay ng reaksiyon si Ricky Rubio sa social media at nasabi na lamang ang mga salitang “negosyo lang talaga ang NBA.”

2 Azkals stars sinusulot ng Thailand

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL).

 

Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan nagtapos ang kanilang koponan sa 3rd place.
Maging ang teammate ni Gayoso na si Mar Vincent Diano ay may offer din sa Thailand.

 

“I got two or three teams in Thailand wanting to sign Jarvey Gayoso, wanting to sign Diano,” ani Cooper. “The Thai teams watched the games and they said they like to see him in an attacking midfield role where I think he finished off the season quite well.”

 

Nang tanungin kung anong team sa Thailand ang kumukuha sa dalawang Pinoy, sinabi lang nito na: “Good teams.”

 

Isa ang Thailand sa may pinakalukratibong football  leagues sa Southeast Asia kung saan ilang Azkals players ang naglalaro kagaya nina Patrick Deyto, Patrick Reichelt, Carli De Murga, at Amani Aguinaldo.

Ruffa at KC, nag-abot sa pagdadala ng relief goods sa mga nasalanta

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagtulong ng ating mga artista at celebrities sa pagdu-donate ng relief goods sa mga lugar sa bansa na nasalanta ng tatlong bagyong dumaan.

 

Hardly hit ang mga Cagayanons sa Northern Luzon particularly ang Isabela, Cagayan at Tuguegarao.

 

Nag-post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram ng kanilang relief operations, kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice, upon the invitation of her friend Pinky Tobiano and Mayor Luis “Chavit” Singson.

 

Prayer ni Ruffa, “in the midst of sorrow, we all heal as a nation, do the best we can to help our communities so that they can rebuild their lives, We are with you during these difficult times. Love and prayers.”

 

Nag-abot din doon sina Ruffa at KC Concepcion na may dala ring relief goods.

 

*****

 

ITINULOY pala ni Kapuso star Heart Evangelista ang kanyang Big Heart PH project, kaya marami ang mga students na naabutan na nila ng tulong na libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa Covid-19 pandemic.

 

Last July pa sinimulan ni Heart ang initiative na ito para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang kumunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.

 

Kaya muling nag-announce si Heart na may panibagong batch ng tablets na kanilang ipamimigay, “I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last November 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 tables with free data to more student in need of a device!

 

“Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry Mobile tablet along with free data!”

 

Simula naman sa Monday, November 23, after ng Descendants of the Sun PH sa GMA- 7, muling mapapanood ang My Korean Jagiya, partly shot in Seoul, Korea, na pinagtambalan nina Heart at South Korean ac- tor na si Alexander Lee.

 

*****

 

MATAGAL nang request ng mga fans nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela ng “The Clash Season 3,” na mag-duet sila bago magsimula ang contest proper last Sunday, November 15.

 

Pinagbigyan ng dalawa ang request ng mga fans kaya certified trending ang pag-awit nila ng “All I Want For Christmas Is You,” na binigyan nila ng jazz twist ang holiday song ni Mariah Carey.

 

Hindi lamang iyon, complete with flapper dresses ang mga suot nila, kaya say ng isang netizen, “Total performers indeed! JulieRit did a great job! Just amazing!”

 

Matatandaan na sina Rita at Julie Anne ay parehong product ng singing contest na “Popstar Kids” in 2005, Si Rita ang naging champion at runner-up naman si Julie Anne, pero ngayon ay pareho silang mahuhusay na singers ng GMA Network at mga hosts ng “The Clash Season 3,” na napapnod every Saturday, at 7:15PM at at every Sunday, 7:45PM. sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Pfizer humingi na ng ’emergency use authorization’ para sa bakuna vs COVID

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ng kumpanyang Pfizer na nakatakda na silang magsumite ng emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine.

 

Ayon sa CEO ng Pfizer na si Albert Bourla, ito ay matapos makakolekta na sila ng safety data na siyang requirement ng US Food and Drug Administration (FDA).

 

Gayunman, hindi pa raw nito matiyak kung kaya itong maisumite ngayong linggo.

 

Nabatid na sinimulan na ng Pfizer ang kanilang pilot program sa pagtuturok ng COVID vaccine sa apat na estado sa Amerika, na kanilang napili base sa dami at lawak ng populasyon ng mga ito.

 

Ayon pa sa final results ng trial show vaccine ay mahigit 95% na itong effective.

Magat dam, handang harapin ang mga posibleng kasong isasampa sa kanila ng mga LGU

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA ang pamunuan ng National Irrigation Administration na may superbisyon sa Magat dam na haharapin nila ang anumang reklamong ihahain laban sa kanila hinggil sa  pagpapakawala ng tubig sa nasabing dam na sinasabing dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan.

 

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NIA Administrator RGen. Ricardo Visaya na magandang oportunidad ito upang mareview ang protocol sa pagpapakawala ng tubig sa dam.

 

Subalit, iginiit ni Visaya na tumalima sila sa pinaiiral na protocol na noon pang 2006 nabuo.

 

Aniya pa, ipi-presenta ng reservoir dam division ng Magat ang mga dokumento na kanilang isinagawa noong kasagsagan nang pananalasa ng bagyong Ulysses.

 

Sa kasalukuyan ay nasa 191.93meters ang antas ng tubig sa Magat dam na mababa sa 193 meters na spilling level nito.

 

Isang gate pa ng dam ang nakabukas sa ngayon na nagpapakawala ng 646 cubic meter per second na tubig.

 

Samantala, iginagalang naman ni Administrator Visaya ang panawagan na magbitiw na siya sa puwesto.

 

Para sa kanya, karapatan nila ito at opinyon nila ito. (Daris Jose)

Pagbibigay ayuda ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad, nagpapatuloy

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPATULOY pa rin hanggang sa ngayon ang pagbibigay ng ayuda ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang kalamidad.

 

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, na patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga taong sinalanta ng bagyo.

 

Sa katunayan aniya ay  patuloy na nag-iikot at naghahatid ng mga relief goods ang C-130 sa mga lalawigan na labis na sinalanta ng kalamidad tulad ng Camarines at Cagayan Valley.

 

Habang ang dalawa naman aniyang  malalaking barko ng gobyerno ay punong -puno ng mga relief goods na dadalhin naman sa Catanduanes  at  ilan pang mga lugar sa bansa na labis na napinsala ng bagyo.

DeRozan, mas pinili ang pananatili sa Spurs

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasya si DeMar DeRozan na manatili sa kaniyang koponang San Antonio Spurs.

 

Ginamit nito ang kanyang $27.7 million player option para manatili sa koponan sa 2020-21 season. Nauna ng sinabi nito na wala siyang balak na umalis sa koponan.

 

Handa na aniya itong magsanay at makagawa ng kakaibang level ng mga laro.

 

Mayroong average ito na 22.1 points, 5.6 assists at 5.5 rebounds sa kada laro.

Nauna ng sinabi nito na wala siyang balak na umalis sa koponan. Handa na aniya itong magsanay at makagawa ng kakaibang level ng mga laro.

 

Mayroong average ito na 22.1 points, 5.6 assists at 5.5 rebounds sa kada laro.

“Climate change, hindi protocol ng dam ang rason sa malawakang pagbaha”- Fernando

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Sa kanyang pinakabagong pahayag, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan na ang malawakang pagbaha na naranasan ng ilang lalawigan kabilang ang Bulacan matapos masalanta ng Bagyong Ulysses ay dulot ng climate change, na bunga ng aktibidad ng tao at pagwawalang-bahala sa kalikasan, at hindi dahil sa water management protocol ng mga dam.

 

“Itong mga pagbaha kaugnay ng bagyong Ulysses ay hindi po dahilan lamang sa nagpakawala ng tubig sa mga dam. Kapag ang dam water management protocol ay hindi isinagawa, higit na maraming buhay ang malalagay sa panganib,” anang gobernador.

 

Binanggit rin niya na ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at National Irrigation Administration (NIA), ang pagpapakawala ng tubig mula sa ating mga dam ay para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan.

 

Naniniwala ang punong lalawigan na panahon na upang malalimang pag-usapan ang local climate change mitigation and adaptation.

 

“Habang may panahon pa, ako ay nananawagan sa lahat, kumilos tayo para pangalagaan ang ating likas yaman– ang kalupaan, kabundukan, at katubigan. Dapat pangunahan ng pamahalaan ang magkakaugnay na mga patakaran at panukala para mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, mabawasan ang walang patumanggang pagkakalat, malabanan ang polusyon, at magkaroon ng sapat na kahandaan sa mga kaugnay na suliranin ng pabago-bagong klima tulad ng biglaang mga unos, malalakas na ulan at mga pagbaha,” dagdag ni Fernando.

 

Nanawagan rin siya sa kanyang mga kapwa lingkod-bayan na umaksyon sa halip na magturu-turuan dahil ang pagmamalasakit sa kapakanan ng mga mamamayan ang dapat na pinakamahalagang bahagi ng paglilingkod ng pamahalaan.

 

“Sana ay huwag nating gamitin ang kalamidad para maka-iskor lamang sa pulitika. Sa halip na maghanap ng mapapagbuntunan ng sisi, bakit hindi natin pagtulung-tulungan kung ano ang solusyon sa ating mga problema?” ani Fernando.

 

Alas sais ng gabi kahapon, mayroong 54 barangay sa Bulacan kabilang ang anim sa Paombong, apat sa Pulilan, isa sa Malolos, apat sa Baliwag, 29 sa Calumpit, at 13 sa Hagonoy na lubog pa rin sa baha na dulot ng malakas na pag-ulang dala ng Bagyong Ulysses at back flooding. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

IMMIGRATION PERSONNEL, BAWAL MAG-LEAVE SA PANAHON NG KAPASKUHAN

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBABAWALAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga personnel na naka-assigned sa iba’t ibang international airport sa buong bansa na mag-leave simula sa susunod na buwan para masiguro ang sapat na bilang na mga naka-duty na Immigration officer pagsapit ng Kapaskuhan.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pagbabawal sa isang empleyado na mag-leave ay magsisimula sa December 1 hanggang January 15, 2021.

 

“We have to make sure that our immigration booths at the airports are adequately manned in anticipation of an increase in the number of international travelers who will enter and exit the country during that period,” ayon kay Morente.

 

Gayunman, sinabi rin ni Morente na inaasahan nilang maliit lamang ang bilang ng mga pasahero na paalis at padating dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ayon pa sa BI Chief na marami pa ring mga bansa, kabilang ang Pilipinas ang hindi pa inaalis ang travel restrictions  na nagsimula pa noong March.

 

“Thus, we are confident that the number of Immigration officers currently deployed at the ports are enough to facilitate the efficient conduct of immigration formalities for arriving and departing passengers,” dagdag pa ni Morente.

 

Ayon naman kay Atty. Candy Tan, BI port operations division chief, na ang pagbabawal na mag-leave ay para lamang sa mga Immigration personnel na naka-assigned sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayundin sa Mactan Cebu at Clark, Pampanga, Kalibo, Iloilo, Davao, Laoag at ang Zamboanga international seaport. (GENE ADSUARA) 

ROCKETS, ‘NOT PRESSURED’ KAHIT NAIS NANG UMALIS NINA HARDEN, WESTBROOK

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALA umanong nararamdamang pressure ang Houston Rockets na i-trade si James Harden o Russell Westbrook, kahit na naghayag na ang dalawang superstars ng kanilang interes na makalipat na sa ibang koponan.

 

Nananatili raw kasi ang paninindigan ng pamunuan ng Houston na hindi ite-trade ang dalawa hangga’t walang team ang nakakatapat sa asking price.

 

Batay sa ilang mga impormante, handa rin daw ang Rockets na simulan ang training camp at simulan ang season na nasa roster sina Harden at Westbrook, kahit na hindi na raw natutuwa ang dalawa sa sitwasyon.

 

Sinasabing nagkaroon na rin daw ng diskusyon ang Rockets at Washington Wizards kaugnay sa isang deal kung saan ipapalit kay Westbrook si All-Star guard John Wall.

 

Pero hirit daw ng Rockets, maliban kay Wall ay dapat ding magsama ng assets ang Wizards.

 

Sa kabila nito, hindi naman daw naoobliga ang Houston na tuparin ang hiling ni Harden na makalipat ito sa Brooklyn Nets.

 

Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Rockets ang pag-iipon ng kanilang assets na posibleng makatulong sa franchise sakaling matuloy ang paglisan ng dalawang NBA stars.