• January 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 11th, 2020

Miss Universe 2018 Catriona Gray, tuluy-tuloy ang pagsama sa mga relief operations ng Philippine Red Cross

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Five months na last December 6 ang baby boy nila Max Collins at Pancho Magno na si Skye Anakin.

 

Sa video post ni Pancho sa Instagram, pinakita niya ba marunong nang mag-smile si Skye tuwing kinakausap

nila ito.

 

“Hi Everyone! I’m 5 months old today,” simpleng caption ni Pancho sa video.

 

Si Skye rin ang dahilan kung bakit hindi nagmamadaling bumalik sa trabaho si Max dahil gusto niyang makita ang development nito bukod sa enjoy siyang maging hands-on mom.

 

“Gusto niya talagang magsalita, ang cute lang to see the changes. Nagre-respond na siya, before hindi pa masyado. Ang bilis lang ng development. He’s already interactive even when he was two months pa lang,” ngiti ni Max.

 

May sinusunod daw na daily routine sina Max at Pancho sa pag-alaga kay Skye.

 

“Usually sa umaga pinapaliguan namin siya, and then magna-nap siya, and kaming dalawa ni Pancho, inaaliw lang namin siya buong araw. In between the whole day I’m breastfeeding. Kapag medyo fussy siya we play lullabies.”

 

Sinilang ni Max si Skye via water birth noong nakaraang July 6.

 

*****

 

Simula noong makabalik si Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa Colombia, tuluy-tuloy ang pagsama nito sa mga relief operations ng Philippine Red Cross.

 

Noong nakaraang December 5, lumipad si Catriona to

Camarines Sur and Catanduanes kasama ang PRC para mag-distribute ng cash grants at shelter tool kits sa mga pamilya na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo noong nakaraang buwan.

 

“Traveled with @philredcross to typhoon-affected areas like Cam Sur and Catanduanes to be present in the giving of a multipurpose cash grant and shelter tool kits. And I want to say thank you to all of our donors, locally and abroad, who have come together to give to our typhoon-affected kababayans. It’s one thing to call for awareness and donations on my platforms, but a completely different thing to be present in person when the aid is given,” post ni Queen Cat sa IG.

 

000

 

 

Sa pag-guest ni Justin Bieber sa show ni Ellen DeGeneres, sinabi nito na gusto nila ng kanyang misis na si Hailey Baldwin na magkaroon sila ng maraming anak.

 

“I am going to have as many as Hailey is wishing to push out! I’d love to have myself a little tribe. But, yeah, it’s her body and whatever she wants to do. I think she wants to have a few,” sey ni Bieber.

 

Ang tanong ay kelan nila sisimulan ang magkaroon ng first baby?

 

“It’s not that we’re waiting, but Hailey still has some things she wants to accomplish as a woman, and I think she’s just not ready yet. And that’s okay,” diin pa ni Justin.

 

Nakareserba nga raw ang likod ni Justin kunsaan niya ipapa-tattoo ang family picture nila kapag may baby ba sila ni Hailey.

 

Hindi nga raw nakauwi ang mag-asawa last Thanksgiving sa pamilya ni Justin sa Canada dahil sa pandemic, kaya si Hailey na raw ang nagluto ng turkey at nag-hire si Justin ng chef para mabuo ang kanilang Thanksgiving dinner. (Ruel J. Mendoza )

TOROTOT AT PITO, PINAPAIWAS SA BAGONG TAON

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pinapayo ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng “torotot” o kahit ang “pito” (whistle) sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa virtual launching ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020:Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan.

Ayon kay Cabotaje, ito ay upang maging ligtas ang  pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon kaya naman naglabas ng mga alternatibong paraan para sa nasabing mga pagdiriwang.

Isa ang torotot o pito sa hindi  pinapahintulotan ng DOH sa kanilang kampanya sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sinabi ni Cabotaje na dapat naka-face mask pa rin ang mga tao kahit nagme-merry making o nagsasaya sa Pasko at Bagong Taon.

Paliwanag ng opisyal, ang paggamit aniya ng torotot o pito mula sa bibig ay maaring magbuga ng droplets na posibleng magdulot naman ng pagkalat ng Covid-19.

Sa halip, mayroon silang “Pitong Patok na Alternatibo sa Paputok” ngayong holiday season.

Ang mga ito ay binuo nang may kunsiderasyon sa COVID-19 pandemic. Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Pagpukpok sa kaldero
– Pagpalo sa tambol
– Pagbusina
– Pag-alog ng alkansya
– Pagkumpas ng tambourine
– Pagpapatugtog ng malakas
– Pagpapa-ilaw ng glow sticks

Nilinaw naman ng DOH na ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa namang magkaroon ng community fireworks display sa designated area na hindi makakaapekto naman sa kalusogan ng mga tao.

Gayunman, depende aniya ito sa estado ng community quarantine status sa kani-kanilang mga lugar, at dapat matiyak na masusunod ang minimum health standards laban sa COVID-19. (GENE ADSUARA)

Pagkakaisa nais ni Ramirez sa POC

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board kasabay sa payo na iabot ang kanilang kamay sa lahat ng miyembro pati na rin sa mga natalong kandidato para sa inaasam na pagkakaisa sa pribadong organisasyon.

 

““During my tenure as chairman of PSC, we never intervene with POC election and their programs. Kung sino man manalo, we can always work with them. We congratulate the winners,” wika kamakalawaa ni Ramirez, na ninanais ding magkaroon ng magandang samahan ang mga opisyal.

 

“Then again if we speak of unity, it is a very delicate work, because you cannot have unity without humility. You have to reach out to those people who lost in the election. But it is easier said,” hirit pa ng opisyal.

Kumpiyansa rin si PSC top honcho na magiging maayos ang samahan sa pagitan ng dalawang ahensiya sa sports pati na rin sa mga national sports association (NSA) para sa magiging kampanya ng bansa sa nakatakdang limang mga malalaking paligsahan sa labas ng bansa sa taong 2021.

 

Una sa mga ito ang 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang ng Hulyo sa susunod na taon dahil sa Covid-19 pandemic sa Tokyo, Japan, at 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam. (REC)

Taxi driver tinodas ng riding-bicycle

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Dedbol ang isang 43-anyos na taxi driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang riding-bicycle gunman habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Angela Rejano, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Eduard Nonong, ng 51 Kaingin Road, Balintawak, Quezon city.

 

Habang ang suspek na nakasuot ng brown t-shirt ay mabilis na tumakas sakay ng bisikleta patungong Del Monte Avenue, Brgy. Potrero matapos ang pamamaril.

 

Sa imbestigasyon ni homicide investigator P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dakong 4 ng hapon, nakatayo ang biktima sa kahabaan ng Banana Road, malapit sa Victoria Court sa Brgy. Potrero nang lumapit mula sa likod ang suspek na sakay ng bisikleta at walang sabi-sabing binaril sa ulo si Nonong.

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 na rumesponde sa crime scene subalit, nabigo ang mga ito na maaresto ang suspek.

 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

2 drug pushers huli sa P442K shabu

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinuri ng bagong Northern Police District (NPD) Director na si P/BGen. Eliseo Cruz ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos ang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakasabat sa halos P.5 milyon halaga ng shabu mula sa dalawang naarestong drug pushers sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni P/BGen. Cruz ang naarestong mga suspek na si Dante Tordera, 45, isang notoryus drug pusher na dating nadakip dahil sa droga subalit, nakalaya noong March 20 dahil sa plea bargaining agreement sa Caloocan Regional Trial (RTC) Branch 120 at May Adriano, 45 ng 226 San Bartolome St. Maypajo, Brgy. 34.

 

Ayon kay P/BGen. Cruz, dakong 10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr. ang buy-bust operation sa bahay ni Adriano kung saan isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P6,000 halaga ng shabu.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 65 gramo ng shabu na may standard drug prize P442,000.00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at limang pirasong P1,000 boodle money at isang digital weighing scale. (Richard Mesa)

Belmonte nagapela na buksan ang 2 intersections sa EDSA

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng ESA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.

 

Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and Development Authority (LTFRB) upang makiusap na buksan ang interchanges sa EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue.

 

“We made the request in response to the numerous complaints we received from motorists. While we fully support the national government’s transportation initiatives, particularly the EDSA Bus Carousel project, we have to do a balancing act so that we won’t compromise the welfare of those using EDSA,” wika ni Belmonte.

 

Nagmungkahi din si Belmonte na muling buksan ang ibang U-turn slots na sinara ng national government upang bigyan daan ang EDSA Bus Carousel project.

 

Nakita rin na ang pagbabawas ng lanes sa Balintawak Cloverleaf upang lagyan ng exclusive lane ang EDSA Bus Carousel ay nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa nasabing lugar.

 

Ayon pa rin sa kanya kung mapagbibigyan sila sa kanilang pakiusap ay makakaasang magkakaron ng improvement sa mga nasabing lugar lalo na at  palapit na ang kapaskuhan at dahil na rin sa pagluluwag ng general community quarantine guidelines.

 

“The city government is ready to work with authorities to find ways in improving the flow of traffic in intersections, U-turn slots and bus loading bays within the city,” dagdag ni Belmonte.

 

Sinabi rin ni Belmonte na nagdagdag sila ng traffic enforcers sa mga affected na lugar at nakipagusap na rin sila sa MMDA upang buksan ang mga access roads upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng traffic.

 

Dagdag pa niya na ang local government ng Quezon City ay naghahanap rin ng mga iba pang solusyon upang bigyan ukol ang mga sikip na pangunahing lansangan sa lungsod lalo na ngayon Yuletide season.

 

Si MMDA general manager Jojo Garcia naman ang nagsabi na ang traffic engineers ng kanilang ahensiya ay pinag-aaralan kung maaaring gawin ang muling pagbubukas ng EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue interchanges ganon din ang ibang U-turn slots sa EDSA upang mabawasan ang pagsisikip ng traffic sanhi ng pagsasara ng mga ito.

 

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA kay QC Mayor Belmonte tungkol sa proposal na ito.  (LASACMAR)

Ads December 11, 2020

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Eala itutuloy ang astig sa taong 2021

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPAHINGA na muna mula sa mga kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala.

 

Maganda na rin ang taon para sa Pinay tennis sensation, kahit sabihin pang may pandemyang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19.

 

Ito’y dahil sa nagkampeon ang 15-anyos na atleta sa 108th Australian Open 2020 Juniors girls doubles kasama si Indonesian Priska Nugroho bilang fourth seed tandem.

 

Nakapasok din ang tinedyer na anak ng Southeast Asian Games swimming bronze medalist sa semifinals ng 124th French Open Juniors girls singles, naabot ang career-high International Tennis Federation (ITF) world juniors girls singles no. 2 spot nitong Oktubre 12;

 

Sumali na rin sa ilang Women’s Tennis Association (WTA) European circuits ang Rafael Nadal Academy tennis scholar at Globe Ambassador upang marating ang professional career-best world No. 1,180 nitong Nobyembre 30.

 

Pero bumalik na muna ng bansa si Eala ayon sa kanyang ama na si Michael ‘Mike’ nitong Lunes, Disyembre 7 upang dito na gugulin ang kabuuan ng buwan o taon at magdiwang ng Pasko’t Bagong Taon sa piling ng pamilya.

 

Hinirit pa ng nakatatandang Eala na magbabalik ang anak sa Academy sa unang linggo ng Enero 2021 upang ituloy roon ang pag-aaral at sumali rin agad sa isang women’s pro $15k tournament sa Mallorca, Spain, bago matapos ang nasabing buwan sa pagpapatuloy ng bangis niya sa paghamablos ng raketa.

 

Kung magbibigay ng parangal sa mga atletang Pinoy at Pinay ang Philippine Sportswriters Asociation (PSA), sigurado ang boto ko sa isa iyo na kabilang ka sa mga awardee Alex. Dahil sa pagiging astig mo at karangalang binigay mo sa Pilipinas.

 

Habang karangalan ang ibinibigay ni Eala sa ating mga Pinoy, puro kahihiyan naman ang Philippine Tennis Association (PHILTA) na may dalawang taon na yatang suspendido sa ITF. Sana huwag na kayong pasaway riyan. Umayos na kayo.

 

At dalangin po ng Opensa Depensa ang patuloy na tagumpay mo Alex sa nawa’y talagang normal nang 2021 sa awa ng Diyos. (REC)

MANGINGISDANG NAVOTEÑO INAYUDAHAN NG BFAR

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas ang nakatanggap ng salapi at pagkain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

Binisita ni Cong. John Rey Tiangco ang pamamahagi sa unang pangkat ng mga benepisyaryo na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha sa MLhuillier at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang 25-kilo sako ng bigas, dalawang manok at dalawang tray ng itlog.

 

“We are grateful to the Department of Agriculture and BFAR for extending help to our fisherfolk. Navotas is the first local government in Metro Manila to receive such assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Hanggang Agosto 2020 ay 8,811 ang naitalang rehistradong mangingisda sa Navotas.  Sa bilang na ito, 7,291 ang kwalipikado sa BFAR subsidy makaraang magsagawa ng cross matching ang ahensya sa iba pang government assistance programs.

 

Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaro ang mga fishing crew, tinder at negosyante ng isda, mga istibador, fish farmers, at iba pang nasa pangisdaan ang hanapbuhay.

 

Nag-alok din ang BFAR ng aabot sa P25,000 pautang na walang kolateral at interes. May kabuuang 577 Navoteñong mangingisda ang nag-apply sa programa. (Richard Mesa)

MARIAN RIVERA, hindi man makagawa ng teleserye dahil ayaw niyang umalis sa bahay at iwanan ang mga anak na sina Zia at Ziggy

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakakatuwa ang Instagram post ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang bumisita sa taping ng “Daddy’s Gurl” ng M-Zet Productions na pag-aari ng ama niyang si Vic Sotto sa Rainforest AdVenture Experience Park.  Simula nang payagang mag-taping na nang live ang sitcom na nagtatampok kina Vic at phenomenal star Maine Mendoza, doon na nila ito ginagawa para mahangin at hindi tulad sa studio na aircon.

 

Pero pinansin ng mga netizens ang post ni Mayor Vico na “binisita ko sila para maningil ng fees.” (with peace sign emoji)

 

Kasama sa cast ang brother niyang si Oyo Sotto kaya sabi pa ni Mayor Vico: “first time to see Kuya Oyo since March!!!

 

“Actually, nung una nahihiya yung mga empleyado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa ‘yun.  Pero nung nalaman ko ito, ang sabi ko, MAS LALONG DAPAT singilin pag kamag-anak ko!! Ma-check nga bukas kung bayad na sila…”

 

Ang “Daddy’s Gurl” ay napapanood tuwing Saturday evening, after ng “Magpakailanman.”

 

*****

 

Congratulations kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, pasok kasi siya sa list ng 100 Digital Stars ng Forbes Asia, kasama ang ilang international stars tulad ng BLACKPINK at BTS, at sina Rebel Wilson, Hugh Jackman, Twice, Lee Min-Ho, Chris Hemsworth, at marami pang iba na nagsilbing magandang ehemplo sa social media sa gitna ng Covid-19 pandemic.  May 23 million followers na si Marian sa Faceboook at 10 million naman sa Instagram.

 

Labis ang pasasalamat ni Marian sa kanyang mga social media followers na tiyak na tataas pa ngayon dahil may bago siyang business venture, na ii-expand niya ang flower business niyang Flora Vida, sa Flora Vida  Home na pwedeng mag-order ng gusto ninyong home furnishings at pagpapagawa ng mga furnitures, dahil matagal na niyang pinag-isipan ang business na ito.  In fact, ready na siyang igawa kayo ng mga home furnitures dahil may mga pamilya na sa Paete, Laguna na gagawa nito.  Kahit ang kanyang mga telang gagamitin sa ipagagawa niyang furnitures ay na-order na ni Marian sa Europe kung saan doon siya na-inspire na pumasok sa furniture business, nang minsang bumisita sila roon ng husband niyang si Dingdong Dantes.

 

Sa ngayon, hindi man makagawa ng teleserye si Marian dahil ayaw niyang umalis sa bahay at iwanan ang mga anak na sina Zia at Ziggy, thankful naman siya sa GMA Network dahil pinayagan siyang sa bahay nila gawin ang taping ng mga spiels ng mga bagong episodes ng OFW documentary na “Tadhana” at si Dingdong ang nagdidirek sa kanya.

 

*****

 

Marami nang mga sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime na “Magkaagaw,” ang excited na sa nalalapit na pagbabalik ng serye na nagtatampok kina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda and Jeric Gonzales.

 

Lalong na-excite ang mga netizens nang ipasilip na nila ang mga behind-the-scenes photos nina Sheryl at Jeric mula sa kanilang lock-in taping.  Ayon kay Sheryl, maingat sila sa paghahanda ng ilang maiinit na eksena sa serye. “in all respect with the creativity and the creative writing of our writers in GMA-7, they stayed true naman to the plot of Magkaagaw, at sa totoo lang mas naging daring, kaya dapat nila itong abangan.” (Nora V. Calderon)