• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 18th, 2020

DATING PULIS, INARESTO NG NBI

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG  dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera  gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan.

 

Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation.

 

Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan laban sa isang indibidwal na gumawa raw ng pekeng Facebook account gamit ang kanyang pangalan  para makapanghingi ng pera.

 

Sinabi  naman  ni Cascolan sa isang pahayag na dapat din umanong maimbestigahan ang suspek upang malaman kung sino ang mga kasabwat at nasa likod nito. (GENE ADSUARA)

PDu30, naglaan ng P3.5 bilyon para sa national ID

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang gabinete ang karagdagang pondo para sa pagpaparehistro ng  20 milyong mamamayang Filipino  sa national ID system sa susunod na taon.

 

P3.52-billion additional budget ang inilaan para sa  2021 para irehistro  mahigit 20 milyong indibidwal maliban sa 50 milyong target sa  Philippine Identification System (PhilSys).

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong  2018 para maging ganap na batas ang PhilSys Act na ang mandato sa pamahalaan ay lumikha ng  single official identification card para sa lahat ng mga mamamayang Filipino at foreign residents na magsisilbi bilang  de facto national identification number.

 

Layon ng ID ay ang  “to boost efficient public service delivery, enhance administrative governance, reduce corruption, curtail bureaucratic red tape, promote ease of doing business, and strengthen financial inclusion.”

 

Ang  Philippine Statistics Authority (PSA) ay binigyan ng mandato na pangunahan ang  ID system, na may suporta mula sa  policy board na pamumunuan ng  National Economic and Development Authority at kinabibilangan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

 

Noong Oktubre ay sinimulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang registration sa Philipine Identification System (PhilSys), na nagbibigay prayoridad sa mga low income families.

 

Sinabi naman ni Du­terte na ang pagpapatupad ng national ID system ang reresolba sa discre­pancies sa distribusyon ng cash assistance sa mahihirap na pamilya na naapektuhan ng CO­VID-19 pandemic.

 

Layon ng national ID na mapagsama at maikonekta ang maraming government IDs sa pamamagitan ng single national identification system. (Daris Jose)

10-M subscriber: Ivana, ‘timeout’ sa sexy image nang mamigay ng Christmas package

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tila ginulat ni Ivana Alawi ang publiko kahit ‘yaong mga fans niya matapos ang pansamantalang pag-awat sa kanyang sexy image.

 

Ito’y matapos mag-celebrate sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda sa mga kapus-palad, mahigit isang buwan mula nang makahakot ng 10 million subscriber sa kanyang YouTube channel.

 

Taliwas kasi sa nakagawiang pagsusuot ng mga revealing outfit, nakasuot lamang ng leggings at T-shirt ang 23-year-old sexy actress/vlogger nang personal na iabot ang basket na naglalaman ng iba’t ibang klase ng pagkain.

 

Hindi rin nito nakalimutan na magsuot ng face mask kung saan napansin ng ilang netizens kung ito raw ba ay ang yaong “lava mask” na hango sa naging pagsabak ni Catriona Magnayon Gray sa napagtagumpayang Miss Universe noong 2018.

 

Nabatid na customized o si Alawi mismo ang pumili ng mga inilagay sa naturang basket base sa alam daw niya na makakain talaga pangunahin ang bigas, prutas at ham. Mayroon ding peanut butter, orange juice, at biscuit.

 

Kabilang sa mga naabutan nito ng Christmas food package at cash gift, ay mga palaboy, tindera, basurero at iba pang nmga mahihirap sa lansangan.

 

Nasa 10 subsribers din ni Ivana ang masuwerteng mapipili na mabigyan ng scholarship upang matustusan nito ang 2-year BS course sa kolehiyo.

 

Una nang inamin ng Filipino-Moroccan actress na kilala talaga siya bilang hubadera o pagkakaroon ng “wild and liberated” image ngunit walang anomang malaswang video at hindi nagbibigay ng escort services.

Navotas nagbigay ng mga computers, 200K cash sa mga guro

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga computers at gave away na P200,000 cash prizes sa mga public at private school teachers sa selebrasyon ng Navotas Teachers Day.

 

Nasa 123 master teachers ang nakatanggap ng laptop computers at 24 public elementary at high schools naman ang nakakuha bawat isa ng desktop unit each.

 

Ang Navotas Science High School ay nakatanggap din ng 24 desktop computers para sa kanilang computer laboratory.

 

Ipinahayag ni Mayor Toby Tiangco ang kanyang pagpapahalaga sa mga guro ng lungsod at iba pang school personnel.

 

“We are fortunate to have educators who go beyond their duty to ensure that our youth get the best education, whatever the circumstances are. Indeed, they are our modern-day heroes,” aniya.

 

Samantala, pinuri din ni Congressman John Rey Tiangco ang mga tagapagturo ng lungsod dahil sa kanilang pagtitiyaga at masipag na pagdidisenyo sa pagpapatupad ng NavoSchool blended learning model.

 

“Navotas gained national limelight because of our NavoSchool-in-a-box. Our model showed that with or without the pandemic, learning must continue,” sabi niya.

 

Bukod sa mga computers, nagbigay din ang Tiangco brothers ng gave away P200,000 cash prizes. (Richard Mesa)

HEALTH SEC DUQUE, ‘SABLAY’ SA PFIZER VACCINE

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“There’s no such a thing as somebody dropping the ball. It is really an ongoing negotiation,” ani Duque sa isang press briefing nitong Miyerkules.

 

Agad dumepensa si Health Sec. Francisco Duque III mula sa kontrobersyal na online post ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na naglantad sa isang opisyal na humarang umano sa dapat sana’y maagang pagdating ng Pfizer COVID-19 vaccines sa bansa.

 

Sa isang online post nitong Martes, hindi naitago ni Locsin ang pagkadismaya dahil sa tila nasayang na panliligaw nila ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa World Bank at Asian Development Bank para sagutin ang pagbili ng 10-milyong supply ng naturang bakuna.

 

“We—Babe Romualdez and I—got 10 million doses of Pfizer financed by World Bank and ADB to be shipped thru FEDEX to Clark in January,” ayon sa Department of Foreign Affairs secretary.

 

“BUT SOMEBODY DROPPED THE BALL. I have steel ball bearings. I just need a slingshot.”

Walang kinaladkad na pangalan si Locsin sa kanyang post, pero nagpaabot ng paliwanag si Duque tungkol sa issue.

 

Ayon sa kalihim ng DOH, huli na nang malaman niya na kailangan din pala ng kanyang lagda sa dokumento ng kasunduan ng gobyerno at Pfizer.

 

“The DOH went to the process of iteration, ito yung pabalik-balik na tinitingnan yung mga conditionalities na kasali sa confidentiality disclosure agreement (CDA).”

 

“September 24 lang nang naabisuhan kami ng Pfizer na sinasabi na ang utos ng Office of Executive Secretary (OES), ay DOH na ang lalagda, hindi na OES at DOST (Department of Science and Technology).”

 

Agad naman daw pinirmahan ng Health secretary ang dokumento nang matanggap at mapag-aralan ang nilalaman nito.

 

“Tuloy-tuloy lang kami sa reviews ng mga conditionalities and I just wanted to make sure na hindi disadvantageous sa government yung mga provisions… after September 24, on October 20, on the day that this was submitted to me, I signed it already.”

 

Sa isang online article, sinabi ni Ambassador Romualdez na tuloy pa rin naman ang pagdating ng Pfizer vaccines. Hindi nga lang sa target ng Enero 2021, dahil hindi raw agad naaksyunan ng pamahalaan ang requirements.

 

Bukod sa Pfizer, may tina-trabaho na rin daw sila ni Sec. Locsin na kasunduan sa isa pang American pharmaceutical company na Moderna.

 

“Only pushed back to a later date of delivery possibly June next year because we did (not) act quick enough on the CDA. Other countries got ahead of us like Singapore,” ani Romualdez sa artikulo ng CNN Philippines.

 

“We are ‘work in progress’ with Pfizer & Moderna for supply of vaccines. If we commit soon we can possibly get delivery by mid next year.”

 

Lumutang ang issue ng Pfizer vaccines sa gitna ng mga kwestyon sa interes ng pamahalaan sa bakunang gawa ng kompanyang Sinovac mula China. Sa kabila kasi ng kulang pang datos sa safety at efficacy ng kanilang bakuna, pursigido ang gobyerno na dalhin ito sa Pilipinas sa unang quarter ng 2021.

 

Ayon kay Vaccine czar Sec. Carlito Galvez, pina-plantsa na ng kanyang hanay ang kasunduan para sa supply ng COVID-19 vaccine mula sa naturang Chinese company.

 

“We want to finalize this week (the) negotiations so that we can firm up the head of terms and also we are looking at the exact time of the distribution,” Galvez said in a televised press briefing Monday.” (DARIS JOSE)

Pinay gymnasts pumitas ng 3 ginto sa Hungary

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagkakataong ito, Pinay gymnasts naman ang nagpasiklab sa international scene matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2020 Santa’s Cup na idinaos sa Budapest, Hungary.

 

Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Southeast Asian Games champion Daniela Reggie Dela Pisa matapos kumana ng dalawang gintong medalya.

 

Pinagreynahan ni Dela Pisa ang hoop at clubs events sa women’s rhythmic gymnastics.

 

Si Dela Pisa ang bukod-tanging Pinay female gymnast na nakasungkit ng gintong medalya noong 2019 SEA Games sa Maynila.

 

Nasikwat nito ang korona sa hoop event — ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa rhythmic gymnastics sa biennial meet.

 

Malalim din ang kuwento ni Dela Pisa na isang ovarian cancer survivor na naging inspirasyon nito upang ipagpatuloy ang laban sa buhay.

 

Sa kabilang banda, nag-ambag si Breanna Labadan ng isang ginto at dalawang pilak na medalya.

 

Nanguna si Labadan sa ball event habang nakasikwat din ito ng pilak sa ribbon at sa individual all-around.

 

Pinaghahandaan nina Dela Pisa at Labadan ang pagsabak nito sa 2021 SEA Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam.

P50 milyon inilaan ng Kamara sa COVID-19 vaccine

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Naglaan ang Kamara ng P50 million mula sa kanilang internal funds para sa COVID-19 vaccination ng kanilang empleyado,  House media at lima sa pamilya ng mga ito sa oras na maging available na ang bakuna sa Pilipinas.

 

Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nag-anunsyo nito sa isang media forum.

 

Gayunman, sinabi ni Velasco na hindi muna makakasama sa libreng bakuna ang mga congressmen at maging ang mga partylist.

 

“We’ll start to get the vaccines first for the employees and the media and their families. If there are supplies left then that’s the time we use them for the House members and also 5 of the immediate members of their family,” ayon kay Velasco.

 

Sinabi pa ng Speaker na ang COVID vaccine ay magmumula alinman sa Chinese pharmaceutical company na Sinovac o British firm na AstraZe­neca  na depende kung alin ang magiging avai­lable na sa merkado ng bansa sa unang bahagi ng 2021. (ARA ROMERO)

RICHARD YAP, NAG-OBER DA BAKOD NA SA KAPUSO NETWORK

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Officially, isa nang ganap na Kapuso ang actor, singer, model, content creator, and businessman na si Richard Yap, matapos niyang pumirma ng management contract sa GMA Artist Center (GMAAC) last Wednesday, December 16.

 

Sa contract signing, inihayag ni Richard ang kanyang pasasalamat sa warm welcome sa kanya ng GMA. “I’m actually quite overwhelmed as I never thought this would come about.  Now that it’s finally here I am just so happy and so thankful to become a part of the Kapuso family,”

 

Bilang pasimula ng kanyang Kapuso journey, gaganap muna si Richard sa isang episode ng well-loved comedy anthology na ‘Dear Uge Presents’ and in the late-night comedy- variety program ‘The Boobay and Tekla Show’ soon.  Nakahanda na rin ang up-coming primetime series niya early next year.

 

Nangako rin si Richard sa kanyang audience na they can expec a lot from him in his new home. “Expect the unexpected? I guess you can expect me to try and experiment into other genres other than the ones that I’ve done before.”

 

Very eager din si Richard na makatrabaho ang various Kapuso stars tulad nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heusaff, Andrea Torres, his good friend Jean Garcia, and Michael V.

 

Welcome Kapuso Richard Yap!

 

*****

 

Sumabak na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, sa face-to-face training para sa action-packed series nilang “Lolong.”  Aminado ang dalawa na na-challenge talaga sila sa kanilang face-to-face training serye na produced ng GMA Public Affairs.

 

“Nagsimula po muna kami sa training virtually, pero siyempre iba pa rin talaga kapag face-to-face na ang pagsasanay,” ayon kay Ruru.  “Nakapag-train ako before pero kailangang i-refresh talaga, so iyon po talaga ‘yung mahirap.  Even iyong flexibility mawawala po talaga yan, that’s why kailangan pong i-workout lagi namin.”

 

“Yung isa rin sa part na nahirapan ako, yung mga sipa,” sabi naman ni Shaira.  “Dahil hindi nga ako masyadong flexible, nahihirapan po ‘yung legs ko na sumipa nang mataas, nawawala po ako sa balance.”

 

Kaya ngayon pa lamang kung excited ang mga viewers na mapanood ang “Lolong,”  excited na rin sina Ruru at Shaira na maipalabas na ito dahil balita nila ay may mga makakasama silang mga artista mula sa ABS-CBN.

 

Isa pa rin sa magiging leading lady ni Ruru, ay si Arra San Agustin na mag-aaction din sa mga eksena.

 

Samantala, patuloy na napapanood gabi-gabi sina Ruru at Arra sa “Encantadia,”at 8:30 PM pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA-7. (Nora V. Calderon)

Vico Sotto, Marcelito Pomoy, at Michael V. pasok sa most searched male personalities ng Google Philippines

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakasama sina Vico Sotto, Marcelito Pomoy, at Michael V. sa most searched male personalities ng Google Philippines para sa taong 2020.

 

Bilang mayor ng Pasig City, pinahanga ni Vico ang maraming netizens sa  kanyang “proactive handling of the coronavirus crisis – data-driven action, handing out relief goods regardless of one’s social standing, providing eco-friendly shuttles, and rolling out a roving palengke – was seen as a benchmark on how other mayors should be responding during the pandemic.”

 

Si Marcelito naman ang may top trending video of 2020. Inawit niya ang The Prayer kunsaan pareho niyang binoses ang part nina Andrea Bocelli at Celine Dion.

 

Si Bitoy naman ay sinubaybayan ng marami dahil sa padbunyag nito na nag-positive siya sa COVID-19 noong nakaraang July.

 

Ang iba pang pasok sa listahan ay sina Kim Jong-un (dahil sa balitang pumanaw daw ito); Joe Biden (sa pagkapanalo niya sa US election bilang presidente at tinalo niya si Donald Trump); Hyun Bin at Kim Soo-yun (dahil sa mga hit Koreanovelas nila on Netflix at ipa pang streaming devices); Tom Hanks (bilang unang celebrity na umanin na nagkaroon ng COVID-19); Carlo Acutis (sa pag-beatify sa kanya bilang isang santo sa edad na 15) at Jeremy Jauncey (sa kanyang pagka-link romantically kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach).

 

*****

 

Mukhang nakapag-adjust na ang mga anak nila LJ Moreno at Jimmy Alapag sa pagtira sa Amerika.

 

Noong September lumipad ang Alapag family for the US at nakapagdesisyon silang tumira na roon. Hindi naman naging mahirap ang pag-migrate nila sa US dahil parehong US citizens sina LJ at Jimmy.

 

Sa mga pinost na photos ni LJ sa Instagram, makikitang happy ang kanilang tatlong anak na sina Ian, Keona, and Calen sa mga pinapasyalan nilang mga lugar.

 

Ilan sa mga napasyalan nila ay ang Huntington Beach at ang children’s zoo sa California.

 

Nag-celebrate din ng kanyang 40th birthday si LJ sa US last October at nag-turn 3-years old naman ang bunso nilang si Calen.

 

Nagkaroon din ng chance si Jimmy na mabisita ang kanyang former coach na si Bill Bayno, currently an assistant coach of the Indiana Pacers in the NBA. Habang si LJ ay nakipag-reunion sa ilang showbiz and  non-showbiz friends na base na sa US.

 

*****

 

Pinayagan na ni Supermodel Heidi Klum ang kanyang 16-year old daughter na si Leni na sundan ang yapak niya. At kaagad na nalagay ito sa cover ng VOGUE Germany.

 

Anak ni Heidi si Leni sa Italian businessman and controversial Formula One racing manager Flavio Briatore.

 

Proud mama si Heidi at pinost niya sa IG ang isang black and white photo nilang mag-ina. Nilagyan niya ito ng lengthy caption:

 

“I’m so proud of you. And not because you chose this path. I know that no matter which way you go, it will be your own. You always know exactly what you want and what you don’t want. You are not a mini-me. And I’m happy for you that you can now show who you are.

 

“I know that being my daughter is not always easy. You never had the opportunity to grow up ‘normally’. But what is normal? Growing up with three different daddies probably won’t either, but you have the talent to get the best out of everything. And I would say: none of it harmed you – on the contrary: you are a self-confident young woman who fights for her goals.

 

“And even more important: you are a really great person with your heart in the right place.I hope that no matter where you are, you always carry what I have given you over the past 16 years. For the big decisions in life, but also for the very little ones.

 

“And even if you often don’t want to hear your mom’s clever advice, here’s another one: never do something you don’t want to do and always listen to your gut instinct. I am sure that an exciting time is waiting for you. Vogue is the best way to start the career you dream of. And even if it is a little difficult for me to let go of you into this world, I will always do everything so that you are happy and that your dreams come true. I am proud to be your mum!” (Ruel J. Mendoza)

5 timbog sa halos P1 milyon shabu

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae ang arestado matapos makuhanan ng halos P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Malabon cities, kahapon ng madaling araw.

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 2 ng madaling araw nang madamba ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquitan si Rachel Carlos, 44, Kristine Torres, 42, Erica Penalosa, 31 at Estilito Berlos, Jr. 49, matapos bentahan ng P5,000 halaga  ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Blk 1 Pampano St. Phase 2 Area 3, Brgy. Longos, Malabon city.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 75 gramo ng shabu na tinatayang nasa P516,800.00 ang halaga, marked money at isang apple brand cellular phone.

 

Nauna rito, alas-12:30 ng madaling araw nang masakote din ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Aquiatan ang “Commando Gang” member na si Marlon Calimlim, 44, sa buy-bust operation sa loob ng kanyang bahay sa 119 Int. 1 4th Avenue, West Grace Park, Brgy. 49, Caloocan city.

 

Ani BGen. Cruz, si Calimlim ay kabilang sa police drug watch list kung saan mahigit isang linggo itong isinailalim sa surveillance ng mga operatiba ng DDEU.

 

Narekober sa suspek ang P1000 marked money, cellphone at asul na pouch na naglalaman ng humigit kumulang sa 61 gramo ng shabu na tinatayang nasa P414,800 ang halaga.

 

Pinuri naman ni BGen. Cruz si Capt. Aquiatan at kanyang mga tauhan sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)