• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 15th, 2021

Derek, nag-react sa basher

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN ng netizens ang ‘walang malisya’ post ni Ruffa Gutierrez ng mga photos na magkasama sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

 

As usual, super react na naman ang netizens, may nakipagpustahan pa ng for sure, magkakatuluyan ang dalawa.

 

May nag-connect naman sa kanilang tatlo kay John Lloyd Cruz at isinabit na lang si Angelica Panganiban.

 

Narito ang ilan sa reaction nila sa fashionpulis.com:

 

“Lahat sila in a way connected kay John Lloyd.

 

“Both ex nina Ellen and Ruffa si JL pala

 

“Yes and ex ni Derek si Angelica nuba lol.

 

“True. At ex ni ruffa si jl. Sya pa talaga ng post.

 

“Ruffa – JLC – Angelica – Derek – Ellen. Round robin lang sila Lol

 

“Pustahan tayo! Magiging sila!

 

“Naku, ganyan din si Ellen at Baste dati. “Friends” lang, “walang malisya”… Pero bagay sila sa isa’t isa, mga hindi mapirme sa isang tao.

 

“Ellen pls wag yan pls lang.

 

“Derek pls wag yan pls lang. Its a tie.

 

“Ano to? Derek and Cristine part 2?

 

“Keri lang yan pareho naman silang player.

 

“B A G A Y.. Ex ni Angge, Ex ni JL…

 

“bagay pareho liberated, malay mo magkasundo sila

 

“These two? Ok they’re Perfect match. I’m glad Andrea is out of the picture…lol

 

“Yan ang bagay. Pareho din na may anak and mukhang hindi marriage ang ultimate goal sa relationship. They can ride through the ups and downs together dahil parehong hindi nageexpect.

 

“Bagay sila, parehong happy go lucky, ayaw sa commitment and same priveleged background. Parang girl version ni Derek si Ellen.

 

“Grabe si Derek noh. Fun fun fun lang talaga. Tatanda siya alone, buti na lang mayaman siya.”

 

Nag-post naman si Derek sa IG account niya ng happy photo nila na may caption na, “Love thy neighbor! Great fun guys!”

 

At naka-tag sina @iloveruffag @maria.elena.adarna @john__estrada @jtlaurel @samanthaamigolaurel @bella121 @rlacdao.

 

Sumagot naman si Ruffa ng, “Love thy neighbors! Hmmm… parang LOVE THY WOMEN is more bagay.”

 

Pero may isang basher na nag-comment ng, “Hosted a party inviting the neighbors? Alam kc ni derek trending c Ellen ngayon kaya nag host nang dinner para mapag usapan..la ba kc career laos na..This giy is just desperate for publicity..gamitan lang yan..same lang nong ANDREK youtube channel eh de masyado nag click ginamit lang si Andrea..and now trending c ELLEN kaya ininvite para mapag usapan SUS ganyan lang yan gamitan..”

 

Na hindi napigilang patulan ni Derek, “@ladislaoraut wow! And that’s why you follow me.”

 

Galit na galit namang ipinagtanggol ng followers ni Derek sa basher na si @ladislaoraut.  Ilang sa opinyon nila: ”d hamak nmn na Mas sikat c derek ksa ky Ellen.

 

@ramsayderek07 has already made a name in the industry. He doesn’t need to use anyone for fame. His name speaks for itself. They are so happy in this pic at ‘yan ang sasabihin mo? Have some respect, kahit pa artista sila at open sa public buhay nila, it doesn’t give you a right to be rude to them.

 

@ladislaoraut ay magkape ka nalang para kabahan ka sa sinsbi mo hahaha  @ramsayderek07 yan kasi super sikat na siya noon pa man.

 

“edi wow! Hahaha derek ramsay yan uy hahahaha. Di nya na kaylangan gamitin si andrea dahil kilala na ang DEREK RAMSAY!!”

 

May isa pang nag-comment sa post ng aktor, “Grabeh sobrang saya ni Derek na sa wakas nakawala na sya kay @andreatorres.”

 

Na sinagot din ni Derek, “@tuboroanniemes pls. don’t be rude.”

 

***

 

MAY post din ni Ruffa Gutierrez sa kanyang IG account, bukod sa kasama sina Derek Ramsay, Ellen Adarna ang cute dog na si Sky, meron din silang dalawa ng aktor.

 

May caption ito na, “Hey Neighbor! Thank you for hosting the first of many more fun dinners with old & new friends.
Swipe left. @ramsayderek07 #IbaAngMahalKo #LifeIsShort   #BeHappy.”

 

Nag-reply naman si Derek ng, “Good times neighbor.”

 

Marami naman ang natuwa sa kanyang ‘#IbaAngMahalKo’

 

Sagot si Ruffa kay Arlene Muhlach na ang mga anak niyang sina Lorin at Venice ang love niya. ❤️
“Si JL ang mahal ni Ruffa jowke,” post naman ni @anneprettyness na sinagot ni niya ng, ”Ang lumaaa!.”

 

Sabi naman ng isang follower, “sila sila na lang din nagpapalitan ng jowa.”

 

Na sinagot din ni Ruffa ng, “@beatrizagus it’s a small world after all.”

 

Nag-comment si Sunshine Cruz ng, “Love the hashtag Ruffie #ibaAngMahalko.”

 

Nag-reply naman si Ruffa ng, “I changed my mind!”

 

At dahil maraming naintriga sa kanyang hashtag, ang ending binura na lang niya ito. (ROHN ROMULO)

 

Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.

 

Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom.

 

“And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID,” wika ng Pangulong Duterte.

 

“Yung ginagawang bakuna ngayon, kasi bago ito, titignan ng mga experts, mga doctor. They will raise the alarm sabi nga ni Doctor Duque ngayong gabi, pupuntahan nila to make sure para we can take steps to isolate, sequester, and maybe treat them para hindi na mapasa sa iba,” dagdag nito.

 

Dagdag pa ng presidente, mahalagang malaman kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng pasyente pagdating sa Pilipinas mula sa United Arab Emirates (UAE).

 

“Importante ito kung sino ‘yung mga tao na kinausap nila pagdating nila… Kaya lalabas itong [contact] tracing, ita-trace, hahanapin ‘yung mga tao tapos i-examine sila for their own good,” ani Duterte.

 

Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na dumating sa Pilipinas ang pasyente na may UK variant noong Enero 7.

 

Nanggaling ito sa Dubai kasama ang kanyang nobya, na lumabas na negatibo sa coronavirus.

 

Sa kabila nito, isinailalim pa rin sa mahigpit na quarantine at monitoring ang partner ng pasyente. ( ARA ROMERO)

UAE, KASAMA SA BANSANG NA-DETECT NA UK VARIANT

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISASAMA ang United Arab Emirates (UAE) ng Department of Health (DOH) sa  talaan ng may na-detect na UK variant.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, na kanila nang irerekomenda sa Office of the President .

Aniya, tiyak naman na ito ay aaprubahan ng pangulo kung saan ngayon pa lamang ay isinasama na sa bagong protocol sa mga bansang mayroong iniulat na UK variant.

Dagdag pa ng Kalihim, mayroon ng bagong protocol patungkol sa mga bansa kung saan nag-impose ng travel restrictions o travel ban kaya ito aniya ng gagamitin sa bagong protocol kahit sa UAE. (GENE ADSUARA)

Caperal sa Barangay Ginebra San Miguel nagkapangalan

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG magwawakas na ang professional basketball career ni Prince Caperal noong 2017.

 

Kulelat na siya sa Terrafirma Dyip (dating Columbian Dyip), pinakawalan na siya at naging free agent. Wala ng nagkainteres sa kanyang Philippine Basketball Association (PBA) teams.

 

Nasilip siya ni Barangay Ginebra San Miguel team governor/team manager Alfrancis Chua ang 6-foot-7 big man sa listahan ng free agency.

 

Lumayas si 7-footer Gregory William Slaughter noong Enero 2020, nagka-hamstring injury pa si Japeth Paul Aguilar kaya naghanap ng bak-ap ang Gin Kings na malaki.

 

“When I saw Caperal who was a free agent then, tinanong ko si Tim (BGSM coach Earl Timothy Cone), ‘Baka gusto mo ito, tingnan natin,’” kuwento kamakalawa Chua, na siya ring sports director sa San Miguel Corporation.

 

Tinapik nga ng Ginebra si Caperal, unti-unting gumaling sa ilalim ni Cone.

 

Sa pagkawala ni Slaughter, nababad si Caperal sa at natulungan ang alak na maghari sa 45th PBA 2020 Philippine Cup sa Pampanga bubble nitong Disyembre at pinapurihan ni ang 27-anyos na basketbolista. (REC)

TRAFFIC RE-ROUTING SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  na ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit (TEU)  sa mga motorista na umiwas sa mga lugar na sa Tondo, Maynila dahil sa gagawing kapistahan ng Sto.Nino de Tondo sa Enero 17 .

Sa inilabas na traffic advisory, mula alas-3:00  ng madaling araw ng Enero 17 ,pinayuhan ng MTEU ang mga motorista mula sa Moriones st., na dadaan ng J. Nolasco  St.  na dumiretso  sa Juan Luna St., o Dagupan St.

Ang mga sasakyan naman na galin  mula Pritil  na papuntang N. Zamora St., ang kailangang kumaliwa sa Moriones St hanggang Juan Luna St.,

Habang ang mga sasakyan naman na dadaan ng Asuncion st at dapat kumaliwa sa Tuazon St.

Samantala, sarado naman ang J. Nolasco St., mula Moriones hanggang Zamora,gayundin ang kahabaan ng Morga St., mula Asuncion St. hanggang Juan Luna St.

Sarado rin ang kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones  St., hanggang Morga St. (GENE ADSUARA)

PDu30, atras na maunang maturukan ng bakuna laban sa Covid- 19

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ATRAS na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa balak nitong maunang magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa oras na dumating ito sa bansa. 

Sa public address ni Pangulong Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi nito na prayoridad pa rin ang frontliners at mga mahahalagang manggagawa sa bansa.

“Ang mga frontline na health workers; mauna ang teachers at social workers and other government workers; and three, essential workers outside health, education, social welfare, for example, agriculture, food, tourism and ‘yung may contact talaga sa tao; then the socio-demographic groups at tingnan natin kung sino ang mauna sa kanila. Then there are the overseas Filipino workers; all remaining workers; other remaining workers; then, all remaining citizens,” ayon sa Pangulo.

Aniya, nasa ikalimang priority lang ang mga sundalo at pulis sa pagpapabakuna at matapos sila ay huli nalang susunod ang Pangulo.

“Mga sundalo natin, kasama kayo sa mga priority. Pero mauna talaga ‘yung mga pobre, ‘yung wala talaga, tapos kayo. Kung may maiwan, eh ‘di para sa atin. Unahin natin sila.”

Taliwas ito sa mga naunang pahayag niya na puwede siya mauna sa mga magpapabakuna para hindi matakot o mangamba ang mga tao sa pagpapaturok,” ayon sa Chief Executive.

Kung maaalala, noong Agosto 2020 ay inihayag ng Punong Ehekutibo na handa daw ito na maunang mabakunahan ng COVID-19 vaccine na gawang Russia kapag dumating na ito sa Pilipinas.

 

“Ako pagdating ng bakuna in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” sabi ng pangulo.

 

Samantala, maliban sa mga medical workers, kabilang din aniya sa mga priority sectors sa inoculation program ang mga guro, social workers, at iba pang mga kawani ng pamahalaan, kabilang ang mga nasa sektor ng agrikultura, turismo, at pagkain.

 

“It’s an obligation imposed upon us governments to take care of your citizens. ..Kung maaari lang, i-vaccinate mo ‘yung 100 million plus Filipinos,” ani Duterte.

 

“Kung merong mga tao na ayaw, eh di ma mabuti, mauna na na ‘yung gusto and we can tone down the orders kung sobra-sobra,” dagdag nito.

 

Tiniyak din ng Pangulong Duterte na walang mangyayaring diskriminasyon sa pagtuturok ng mga bakuna at iginiit muli na mauuna ang mga nasa vulnerable sector. (Daris Jose)

Dingdong, muling idinirek si Marian sa bagong episode ng ‘Tadhana’

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALIK ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa trabaho dahil muling idinirek ni Dingdong si Marian sa bagong episode ng GMA’s drama anthology series on OFW’s, ang Tadhana.

 

     Nag-share sa Instagram si Dingdong ng photo shoot niya ni Marian with the caption: “Ooops, tatlo na sila! Sa sobrang cute nila, nalilito na tuloy ako kung saan titingin.”

 

Sagot naman ni Marian sa kanyang post: “Tapos na ang usapan di ba? Hello, Dingdong!”  May hashtag itong #NagBYEnaAkoKayHyunBin

 

Ano nga naman ang laban ni HyunBin sa asawa niyang si Dingdong Dantes?

 

Ang Tadhana, hosted by Marian ay napapanood tuwing Sabado, 3:15PM pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA-7. (PHOTO: INSTAGRAM/@dongdantes)

 

***

 

     MASAYA at suportado ni Glaiza de Castro ang BFF (best friend forever) niyang si Angelica Panganiban dahil nakakita na ito ng new love kay Subic-born yacht designer na si Gregg Homan.

 

Nagulat nga raw siya nang mag-announce ang aktres sa kanyang Instagram last January 1.

 

Hindi raw kasi sila nagkakausap ni Angelica dahil wala siya sa bansa at nagba-bakasyon sa Ireland sa family ng boyfriend niyang si David Rainey.

 

“Kaya nagulat ako sa announcement niya, pero happy ako na talagang natagpuan din siya ng taong magmamahal sa kanya,” sabi pa ni Glaiza sa isang interview.

 

Sa palagay ko naman ay perfectly matched sina Angelica at Gregg. Swak at compatible sila sa character at interest nila.”

 

Alam ni Glaiza ang mga pinagdaanan ng kaibigan pagdating sa lovelife nito.

 

     “Sa lahat ng hirap at sakripisyo, sa lahat ng mga iyak, hindi naman laging ganoon ang kakaharapin niya o mai-experience niya, siyempre, lahat iyon may kapalit. Kaya happy ako kasi, she deserves to experience itong love na ito.

 

“Siguro masyadong exposed iyong mga past relationships niya, medyo nagkaroon ng epekto iyon sa kanya.  Kaya feeling ko ngayon, makakatulong kina Angelica at Gregg na hindi sila parehong nasa showbiz.”

 

***

 

DALAWANG drama series ng GMA Network ang sabay-sabay na magbabalik sa ere sa Monday, January 18.

 

Magsisimula na muling mapanood ang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales.  Kapana-panabik na ang mga eksena nila dahil nasa climax na ang story nang magkaroon ng pandemic at nahinto sila.

 

Kaya kahit ang cast, sumabak sila sa matitinding eksena, pero panoorin muna natin ang recap nito simula sa Monday, 2:30PM, pagkatapos ng Eat Bulaga.

 

Ibabalik na rin sa January 18, at mapapanood na ang recap ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Snooky Serna, Dina Bonnevie at Jay Manalo. 

 

Kapana-panabik na rin ang mga eksena dahil ito na iyong malalaman nila ang sekreto sa pagkatao nina Barbie at Kate, At simula naman sa February 8, mapapanood na ang mga fresh episodes ng serye.

 

Kasalukuyan namang napapanood ang recap ng drama series na Love of my Life nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes, gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia, pero sa January 18, magsisimula nang mapanood ang mga new episodes, magkakaroon kaya ng twist ang story? (Nora V. Calderon)

Lim, 5 pa mangangarate sa 2 torneo bago mag-WOQT

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SASABAK muna sa dalawang torneo si 2019 Philippines Southeast Asian Games 2019 women’s karate gold medalist Jamie Christine Lim at limang kapwa karate bago mag-World Olympic Qualification Tournament (WOQT) sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13

 

Ang tatlong araw na WOQT ang huling paligsahan sa mga nais pang humabol sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

Nabatid Miyerkoles kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc . (KPSFI) president Richard ‘Ricky’ Lim, na magba-bubble training camp muna simula sa Linggo, Enero 17 sina Lim, Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif  sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Mula sa Calambubble hanggang February 14 lulusibin ng mga mga national karateka ang World Karate Federation (WKF) Premier League sa Lisbon, Portugal.

 

Sasama sina Junna Tsukii at Joan Orbon sa PH squad sa Lisbon at saka magtutungo ang anim anim na karateka sa kanilang Turkey training camp bago ang isa pang WKF PL sa Azerbaijan sa Marso 9-19 bago mag-Paris klaratefest.

 

Kasama dapat sa kalendardo ng mga karatista ang 3rd Asian Indoor and Martial Arts Games sa Mayo 21-30 sa Bangkok at Chonburi, Thailand. Pero inuring ito ng Olympic Council of Asia (OCA) Enero o Hunyo ng 2022 na sanhi ng pandemya. (REC)

‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9.

 

Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports All-In araw ng Lunes na napanood ng Opensa Depensa, dalawang araw makaraang galit na ihayag ng power forward ang pagsibat sa Uytengsu franchise.

 

Ugat ito sa dalawang taong alok lang na contract extension na may P420K monthly maximum paycheck ng prangkiga, pero may team, option pa ang ikalawang taon, ayon sa coach ng gatas na si Jeffrey Cariaso sa kaagahan ng Enero.

 

Pero ngayong nabatid ng incoming nine-year pro veteran ang hinaing niya sa koponan sa pamagitan ng kanyang  magaling na agent-manager na si Danny Espiritu, kumpiyansa siyang itaas ni Alaska governor/team manager Richard ‘Dickie’ Bachmann ang kontrata sa tatlong taon na aabutin sa P15M.

 

“Hindi pa natin alam kung ano mangyayari. Kahit ano man mangyari, kailangan mag-move on. Kahit mawala ako, nandiyan pa rin naman ‘yung team at ‘yung players. Nandiyan pa rin yung suporta ko,” lahad ng basketbolistang produkto ng PSBA Jaguars. “Malay natin makasundo pa.”

 

Makukuntento na sina Manuel at Espiritu sa tatlong taon ang babaguhing kasunduan na magiging  garantisado ito para sa manlalaro lalo’t palagay na ang una sa team na bahay niya ng pitong taon. (REC) 

SUPPLIER NG PARTY DRUGS NATIMBOG NG PDEA AT

Posted on: January 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HULI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa umanong supplier ng party drug na ecstacy. January 13, 2021 nang ikasa ang operasyon laban sa suspek na si Jhun Cabaya alias SkyHigh 33 years old na mula sa Manggahan, Pasig.

 

Dakong alas 5:20pm nang matimbog si alyas SkyHigh ng mga awtoridad sa may bahagi ng Mother Ignacia Barangay West Triangle sa QC. Ayon sa PDEA at QCPD isang buy bust operations ang nangyari sa pagitan ng suspek at mga undercover agents.

 

Nakuha mula sa posesyong ng suspen ang 25 capsules ng fly high party drugs na may street value na aabot sa P45,000 at 300ml na liquid ecstasy na aabot ang street value sa P90,000. Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng  Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act si Cabaya. (RONALDO QUINIO)