• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 21st, 2021

TAX PAYMENT NG COMPUTER SHOPS SA NAVOTAS, PINAGPALIBAN

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga rehistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021.

 

Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis nang walang karagdagang bayarin hanggang Pebrero 28, 2021.

 

Batay naman sa City Ordinance No. 2020-52, pinalawig ang renewal ng business permit at pagbabayad ng business tax ng computer shops, internet cafes, pisonet at iba pang katulad na establisiyemento hanggang sa payagan na silang muling mag-operate.

 

Lahat ng multa, kabilang ang interes, ay ipinawalang-bisa habang epektibo ang extension.

 

“Businesses are still reeling from the impact of the COVID-19 pandemic. Many have folded, others have been trying to stay afloat. We hope to give them much-needed reprieve by offering them more time to settle their obligations,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Magugunitang nagbigay ang Navotas ng tax refund sa taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng lokal na buwis at bayarin na nakatakda nang bayaraan o na-assess mula Setyembre 14, 2020 hanggang sa pagpapatupad ng City Ordinance 2020-45. (Richard Mesa)

New normal, maaari nang ikasa – Malakanyang

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng Covid-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa.

Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal.

“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon talaga ng new normal areas. Pero ang binubuo lang po ngayon ay ‘yung mga ‘Dos and Don’ts’ sa new normal,” ayon kay Sec. Roque.

“Kasi baka magkaroon ng new normal, bigla silang magkaroon ng rock concert. Iyon po ang lilinawin natin, iyong mga dos and don’ts sa mga new normal areas,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, mayorya ng lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), itinuturing na “most lenient quarantine classification” at susunod na phase bago ang new normal.

Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng lockdown sa buong Luzon noong kalagitnaan ng Marso ng nakaraang taon at unti-unting binubuksan ang ekonomiya matapos tamaan ng pandemiya na dala ng Covid-19.

Ang mga itinuturing naman na high-risk areas ay isinailalim sa itinuturing na “most stringent Enhanced Community Quarantine (ECQ) at the modified ECQ, habang ang moderate-risk areas naman ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) o modified GCQ.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at limang siyudad gaya ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Enero 30.

Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng MGCQ.

PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pag-crash ng helicopter sa Bukidnon

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalong namatay matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon kamakalawa.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nais sana niyang puntahan ang mga ito sa pag-aakalang nasa iisang kampo lamang subalit nalaman niya na dinala na kaagad sa bawat pamilya ang labi ng mga sundalo kaya’t nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang kanyang byahe.

“I would’ve wanted to go there. I thought yesterday nasa isang kampo lang, ‘yon pala, pinadala na mga labi nila sa mga pamilya nila so I decided to forego the trip but just the same, let me express my deepest condolences sa mga asawa ninyo,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I share your grief. Alam ko kung gaano na ang sakripisyo ng sundalo para sa bayan. They died as heroes,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa ulat, pitong katao ang nasawi na kinabibilangan ng tatlong Army servicemen at apat na Air Force personnel matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon.

Isang piloto ng UH-1H Air Force Helicopter ang kabilang sa nasawi pati na ang kanyang co-pilot, 2 crew member at tatlong sundalo matapos umanong magkaroon ng problema ang engine ng kanilang sinasakyan na naging sanhi ng pagbagsak nito.

Galing umano ang helicopter sa Malaybalay at patungo ito sa Impasugong upang magdala ng supplies nang napansin ng mga kasamahan nila mula sa isa pang helicopter na umuusok ang chopper.

Iniiwas pa umano ng piloto na bumagsak ang chopper sa lugar na maraming bahay bago ito tuluyang bumagsak.

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na pagkakalooban niya ng Order of Lapu-Lapu ang mga sundalo.

Nag-alay pa ang Pangulo kasama sina Senador Bong Go at ilang cabinet members ng isang minutong katahimikan at nagdasal para sa mga sundalong namatay.

“May they rest in peace. My message to their families is you will not be abandoned. Aalalayan ko kayo,” ang pahayag ng Pangulo.  (Daris Jose)

Ex-gf ni JOEM na si CRISHA, nagalit at parang sinampal sa mukha kahit alam na karelasyon si MERYLL

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINAKABAHAN ako,” ang unang bungad ni Crisha Uy, ang vlogger na ex-fiancee ni Joem Bascon.

 

Sa totoo lang, nagugustuhan namin kung paano niya ina-address ng makatotohanan at with class pa rin ang mga sunod-sunod na nangyari sa kanya.

 

Umiyak man siya noon na nag-vlog at ibinalitang hindi na matutuloy ang kasal nila, pero ang daming nakisimpatiya sa kanya.

 

Tulad din ngayon kung paano siya nakakapag-move-on at kung paano rin nang malaman niya ang totoong dahilan kung bakit nakipag-break sa kanya noon ang actor.

 

Sabi ni Crisha, “Siyempre, my ex and I have the same set of friends. Sa loob ng 8 years relationship namin, nakabuo kami ng friendship.

 

Masaya ako, I’m glad to know na totoo ko silang kaibigan. You know, real friends will be there for you no matter what and will not let you live not knowing the truth. Kaya thankful ako sa kanila and sa mga ina-update ako kahit hindi ko naman hinihingi.”

 

Kaya hindi pa man daw open sina Joem at Meryll Soriano na sila na nga at buntis ang huli noon, alam na niya. Pero sey nito, iba raw pala kapag nakita na niya mismo ang “ebidensiya.”

 

Yes, I know their relationship and they have bundle of joy. Noon pa, even before pa ma-upload ang mga pictures. So, let’s proceed and move-on na sa mga comments.”

 

Sey pa niya, “When I was reading the article, ang naramdaman ko that day, nagalit ako. Nagalit ako kasi, bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo versus kinuwento or chinika lang sa ‘yo. Parang feeling ko kasi, parang kailangan kong ilabas ang naramdaman ko that day, yung galit ko o sakit ko o ano man naramdaman ko that day. Hindi dahil sa mahal ko pa siya, hindi. Kasi, naka-move-on na ko.

 

Ano lang, yung na-confirmed ko na nagsinungaling talaga siya. Kasi, I gave them the benefit of the doubt before. Pero nasampal ka na sa mukha nang makita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko.”

 

Sinagot din ni Crisha yung tanong kung bakit for 8 years ng relasyon nila ni Joem, hindi sila nagka-baby. Kasi raw, wala pa talaga sa plano nila yun noon at plan nga nila na magpakasal na sana at saka magpa-family.

 

Pero nagpapasalamat daw siya and that sey niya, “God is good” na hindi nangyari dahil obviously, they’re not meant to be.

 

At nagbigay rin ito ng payo sa lahat na sana raw maging honest. Hindi kapag nanliligaw lang. Kapag in-love. Kahit daw kapag nakikipag-break, maging honest sa kung ano talaga ang totoong dahilan o nangyayari.

 

***

 

MATAGAL nang nakapagdirek ang actress na si Sunshine Dizon.

 

Pero tumigil siya rito at mukhang ngayon, bumalik na naman ang interes niya sa likod ng camera.

 

Si Sunshine ang isa sa director ng bagong project ng Sanggre Incorporation, ang binuo nilang production ng mga original Sanggre ng Encantadia na sina Diana Zubiri, Karylle at Iza Calzado kasama rin si Direk Mark Reyes.

 

Base sa mga pa-hashtags ni Sunshine, tila ang title ng dinidirek na project ay “Brody and Brandy” na mapapanood sa @wetvphilippines.

 

Suportado si Sunshine ng mga kaibigan pero mukhang sa dinidirek ngayon, hindi pa silang tatlo ang mga artista niya dahil sey niya, yun daw ang pangarap niya, ang maidirek daw na magkakasama ang tatlong kaibigan.

 

***

 

POSIBLENG pumatok ang bagong tandem ng mga Kapuso stars na sina Andre Paras at Sef Cadayona.

 

Ang lakas nga ng GMA News TV ngayon dahil ang dami nilang bagong shows na inilulunsad ha.

 

Kaka-ere lang din ng seryeng The Lost Recipe noong Lunes at heto naman ang Game of the Gens, ang game show na sina Andre at Sef ang hosts.

 

Excited daw ang dalawa sa bagong show dahil ang mga contestants ay mga celebritied na mula sa iba’t-ibang henerasyon.

 

Sabi nga ni Andre, “Hindi lang siya magiging game show. Yung mga Kapuso natin na manonood, they will learn a lot. Like ako, born ‘95 ako pero mahilig ako sa 60’s, 70’s music. Yung iba naman mahilig sa fashion.”

 

(ROSE GARCIA)

Ads January 21, 2021

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Samples ng 8 pasaherong kasama ng lalaking positibo sa UK COVID-19 variant, ipinadala sa genome center

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinadala na ng Philippine Red Cross  (PRC) sa Phippine Genome Center ang mga samples mula sa walong pasaherong nakasama ng nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una rito kinumpirma ng PRC na positibo sa Coronavirus ang walong pasaherong kasabay ng Pinoy na dumating a bansa.

Ayon sa Red Cross, ipapadala sa Philippine Genome Center ang naturang mga samples para malaman kung ano ang variant ng virus na tumama sa kanila.

 

Kung maalala dumating sa Pilipinas galing Dubai ang nasabing pasyente na taga Kamuning sa Quezon City.

Sa ngayon ayon sa Quezon City Health Office, wala nang sintomas ang covid ang lalaking nakitaan ng UK variant.

Donasyong COVID-19 vaccine ng China, depende na sa DOH – FDA

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinauubaya na ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) kung gagamitin ang mga donasyong bakuna ng China kahit na wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director-General Usec. Eric Domingo, sang-ayon sa batas hindi namang ipinagbabawal ang pagtanggap ng gobyerno ng mga gamot na hindi pa rehistrado sa bansa o wala pang EUA.

 

Ayon kay Usec. Domingo, basta’t ang mga ito ay may EUA mula sa kanilang country of origin ay maaari itong tanggapin ng DOH.

 

Magugunitang noong nakipagkita si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Pangulong Rodrigo Duterte, nangako itong magdo-donate ang China ng 500,000 doses ng Sinovac sa bansa.

Australia ‘di bibigyan ng special treatment ang mga tennis players na naka-quarantine

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open.

 

Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine.

 

Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad.

 

Nauna rito, ilang tennis players ang nagparating ng kanilang reklamo sa social media kung saan sinasabing nakaranas sila ng hindi magandang trato.

 

Magugunitang nasa 72 manlalaro ang sinasabing nakasalamuha ng apat na COVID-19 cases kaya sila ay pinigilang makalabas sa kanilang mga hotel sa loob ng 14 na araw.

 

Magsisimula naman ang nasabing torneyo sa Pebrero 8.

OPERASYON NG NBI SA BACOLOD, SINUSPINDE

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE  ang operasyon ng isang sangay ng National Bureau of Investigation(NBI) sa Bacolod matapos na magpositibo sa Covid-19 ang lima nitong personnel.

Ayon  sa NBI,  kapwa personnel ng administrative at clearance  section  ang mga nagpositibo sa sakit.

Hanggang Enero 22 umano suspindido  ang operasyon at muling magbubukas sa Enero 25, araw ng Lunes.

Sinabi naman ni Atty. Renoir Baldovino, pinuno  ng NBI-Bacolod na ang mga positive cases ay dinala na sa quarantine facility habang nagpapagaling .

Nagsasaghawa na rin ng contact  tracing sa maaring nakasalamuha ng mga nagpositibo na nakaranas umano ng mild symptoms.

Habang ang iba pang personnel ng nasabing sangay ng NBI ay nasuri naming negatibo sa isinagawang swab testing. (GENE ADSUARA)

PIOLO at MAJA, big stars ng Dos pero ‘di sinuportahan ng kanilang fans; ‘Sunday Noontime Live’ kanselado na

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAKIT kaya hindi ni-renew ng Brightlight Productions ang kontrata nila sa TV 5 na naging dahilan kung bakit kanselado na ang Sunday Noontime Live?

Farewell episode na Sunday Noontime Live last Sunday matapos ang tatlong buwan sa ere o isang season.

Naglabas ng statement ng Brightlight Productions noong Sabado, January 16, saying na magtatapos na ang Sunday Noontime Live at season ender naman ang Sunday Kada.

Ang statement ay pirmado ni Albee Benitez, dating member ng house of representive at may-ari ng Brightlight Productions.

Bahagi ng statement ay nagsasaad na “Sunday Noontime Live (SNL)’s delightful run is about to end and we await future endeavors from its outstanding stars and phenomenal newcomers.”

Ang SNL ay co-production ng Brightlight Productions at C S Studios.

Matapos ang annunsiyo ng cancellation ng programa, ang mga mainstays ng show na sina Maja Salvador, Catriona Gray, Jake Ejercito at Ricci Rivero ay nag-post ng mga thank you messages at goodbyes sa kanilang social media accounts.

Nag-pilot telecast ang Sunday Noontime Live at Sunday Kada noong October 18.

Hindi makapaniwala ang stars at cast ng mga programa dahil sa biglaang cancellation nito dahil nakaplano na raw ang next epidoses nito.

Totoo kaya na ang malaking cost ng production ang isa sa dahilan kung bakit inihinto ang airing ng program?

Ang Brightlight Productions din ang producer ng big-budgeted MMFF 2020 entry na Magikland which won several awards.

Hindi lang kami sure kung kumita ang Magikland, na isang well-crafted film. Sobrang laki kasi ng production cost nito.

***

NGAYONG wala ng show sina Maja Salvador at Piolo Pascual sa TV 5, pwede pa kaya silang bumalik sa ABS-CBN?

Ayon sa aming nasagap na tsismis, apat na Sundays lang daw ang agreement na join si Piolo sa Sunday show ng TV 5. Kaya by November ay hindi na raw ito napapanood sa SNL.

Hindi raw pumirma ng long-term contract si Papa P kaya he remains a Kapamilya. Ayon sa tsika nagpaalam lang daw si Papa P na susuportahan ang programa ni Johnny Manahan sa TV 5 pero hindi ito pipirma ng kontrata.

Dahil sa ganitong arrangement ay posible pa raw na Kapamilya pa rin ang actor kaya pwede pa itong makabalik sa Kapamilya Channel.

Pero ang nakapagtataka lang, big stars ng Dos sina Papa P at Maja pero bakit di sila sinuportahan ng kanilang mga fans when they joined TV 5?

Ibig sabihin ba nito malakas lang ang following nila sa social media pero ang fans nila ay hindi nanonood ng TV?

Kung may solid base ang kanilang following, di ba dapat kahit saan network pa sila mapunta ay naroon ang fans nila to support them?

Unless, mas gusto ng fans nila na sa ABS-CBN shows lang sila lalabas kasi loyal Kapamilya fans ang kanilang mga fans.

Abangan na lang natin kung saan channel natin muling mapapanood sina Papa P at Maja, gayundin si Catriona.