• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 21st, 2021

Posibleng pagba-bahay bahay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagdinig pa rin ng Committee on Health sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na exception lamang ito sa mga rules dahil kailangan pa ring sundin ang COVID-19 nationwide implementation na surveillance at monitoring ng adverse effects ng bakuna. 

 

Magkagayunman, sinabi ni Duque na isa ang “house to house inoculation” sa ikinukunsidera ng ahensiya para na rin sa kaligtasan ng mga vulnerable at high-risk na mga senior citizens.

 

Plano rin ng ahensiya na makipag-ugnayan sa Department of Education (DEPED) para naman sa paglalagay ng vaccination sites sa mga public elementary schools upang marami ang vaccination sites at mas madaling puntahan ng mga tao.

 

Target aniya ng mga itatalagang vaccination team na mabakunahan ang 100 pasyente sa isang araw.

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digitalization ng sistema mula sa master listing, pre-registration at reporting ng mga adverse effects.

 

Ngunit aminado naman si Duque na hindi pa rin maiiwasan na mag-manual na paraan sa inoculation dahil maraming lugar sa bansa ang walang internet. (ARA ROMERO)

“Unilaterally terminate” ang kasunduan sa UP, suportado ni PDu30

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na “unilaterally terminate” ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na may kinalaman sa pagpasok ng state forces sa nasabing campus.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinatigan ni Pangulong Duterte ang nasabing desisyon dahil “alter ego” ng Pangulo si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Si Sec. Roque bilang isang UP alumnus at dating law professor ay nagpahayag na batay sa kanyang naobserbahan sa mga campus sa Estados Unidos at Europa ay makikita ang presensiya ng kapulisan na hindi naman nalalabag ang academic freedom.

“Personally po, ako po ay 15 taon nagturo, 10 taon nag-aral sa UP eh yung 25 years ko sa UP hindi ko naranasan na nandoon ang pulis,” ayon kay Sec. Roque.

Ang nasabing kasunduan ay nabuo sa ilalim ng Cory Aquino administration noong Hunyo 1989, kung saan ang sundalo at pulis ay bawal na pumasok sa premises ng kahit na anumang UP campus o regional units nito nang paunang abiso sa UP administration.

Sa kabilang dako, nakasaad naman sa liham ni Lorenzana kay UP president Danilo Concepcion na may petsang Enero 15 letter  na ang kasunduan ay nagsisilbing hadlang sa DND para bigyan ng epektibong seguridad, kaligtasan at kapakanan ang mga estudyante, faculty, at mga empleyado ng UP.

Sinabi pa niya na ang UP ay naging isang “safe haven” para sa mga rebeldeng komunista na di umanoy nagre-recruit ng mga estudyante ng premier state university.

Para kay Lorenzana, ang kasunduan ay “obsolete” o hindi na ginagamit.

“Nasa mga taga-UP rin po iyan. Hindi po nila hahayaan na mabalewala at malabag ang kanilang karapatan sa academic freedom,” ayon naman kay Sec. Roque.

Nauna rito, mariing kinondena ng pamunuan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang pagbasura ng Department of National Defense (DND) sa isang kasunduang nagbabawal sa panghihimasok ng pulis at militar sa kanilang mga campus, bagay na makaka-apekto diumano sa “academic freedom” at malayang pag-iisip na itinataguyod ng institusyon.

Lunes nang isapubliko ang liham ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pumuputol sa UP-DND Accord of 1989, bagay na ginagawa raw ng gobyerno para “protektahan ang kabataan” mula sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) recruitment.

“[G]iven our experience of martial law, we must reject any form or semblance of militarization on our campuses, which will have a chilling effect deleterious to academic freedom. This abrogation endangers the goodwill necessary for both of us to achieve our mission as responsible members of the same national family,” ani UP president Danilo Concepcion, Martes, sa isang kalatas.

“May I urge you, therefore, to reconsider and revoke your abrogation, and request further that we meet to discuss your concerns in the shared spirit of peace, justice, and the pursuit of excellence.”

Aniya, ginawa ito ni Lorenzana nang walang konsultasyon at makaisang-panig, bagay na napag-usapan daw sana. Gayunpaman, magbubunsod lamang daw ng kalituhan at duda sa pulis at militar ang aksyon ng pamahalaan, dagdag ni Concepcion.

Matagal nang nire-redtag bilang rebelde ang ilang aktibistang estudyante, propesor at miyembro ng naturang komunidad, kahit hindi naman humahawak ng armas ang karamihan sa kanila.

Kinastigo naman ni Bise Presidente Leni Robredo ang naturang aksyon ni Lorenzana, lalo na’t tatlong dekada na raw pumoprotekta sa warrantless arrests gaya ng ginawa kay Continente noong 1989 sa loob ng eskwelahan.

“The unilateral scrapping of the decades-old Accord sends [this] message: That under this administration, anyone, anywhere, at anytime, is fair game,” wika niya sa isang pahayag.

“It is now up to us to decide where we will give in. Or whether at long last, we will stand our ground and speak out.” ayon kay Robredo.

Para naman sa Bayan Muna party-list, sinyales lang ito na ayaw nilang gawang lugar ng “critical thinking” at protesta ang pamantasan upang mas madali itong gipitin.

“As it is, the UP community, the alumni of the premier state university,  along with all freedom loving Filipinos should condemn and fight back and would not let this fascist move come to pass,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. (Daris Jose)

WARNER Bros. Drops Full Synopsis of R-Rated ’Mortal Kombat’

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. finally dropped the full synopsis of Mortal Kombat just days after its first-look images were revealed.                        

 

The latest movie remake of the Mortal Kombat franchise is coming this April 16 in theaters and on HBO Max. And to pump up the excitement among fans, more details about the film have been revealed. Check out the synopsis below:

 

In “Mortal Kombat,” MMA fighter Cole Young, accustomed to taking a beating for money, is unaware of his heritage—or why Outworld’s Emperor Shang Tsung has sent his best warrior, Sub-Zero, an otherworldly Cryomancer, to hunt Cole down. Fearing for his family’s safety, Cole goes in search of Sonya Blade at the direction of Jax, a Special Forces Major who bears the same strange dragon marking Cole was born with. Soon, he finds himself at the temple of Lord Raiden, an Elder God and the protector of Earthrealm, who grants sanctuary to those who bear the mark. Here, Cole trains with experienced warriors Liu Kang, Kung Lao and rogue mercenary Kano, as he prepares to stand with Earth’s greatest champions against the enemies of Outworld in a high stakes battle for the universe. But will Cole be pushed hard enough to unlock his arcana—the immense power from within his soul—in time to save not only his family, but to stop Outworld once and for all?”           

 

Days before, Warner Bros. also dropped stills from the film, featuring the iconic characters of the franchise.

 

The film’s cast includes Lewis Tan (Cole Young), Ludi Lin (Liu Kang), Joe Taslim (Sub-Zero), Jessica McNamee (Sonya Blade), Hiroyuki Sanada (Scorpion), Mehcad Brooks (Jax), and Chin Han (Shang Tsung).

 

The Mortal Kombat franchise was first adapted into film in 1995 and had a sequel two years later. Now that the upcoming film has an R rating, viewers can expect the gore and violent fatalities made famous by its source material.

 

The film is produced by James Wan and is directed by Simon McQuoid from the screenplay of Greg Russo and Dave Callaham. (ROHN ROMULO)

Pinas, may “binding obligation” sa posibleng pagbili ng Sinovac vaccine sa China

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG “binding obligation” ang Pilipinas hinggil sa posibleng pagbili ng COVID-19 vaccine doses sa Sinovac ng China.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa sinabi ni Finance Undersecretary Mark Joven sa Senate inquiry noong nakaraang Biyernes na ang term sheet na tinintahan ng gobyerno ng Pilipinas at Sinovac ay hindi nagpapataw ng kahit na anumang obligasyon para sa bansa para makakuha ng CoronaVac doses.

“Hindi daw done deal ang Sinovac. Well, mali po iyan,” ayon kay Sec. Roque.

Gayunpaman, nilinaw ni Sec. Roque na ang Sinovac ay kailangang mag-secure ng mahalagang regulatory approval bago pa pangasiwan ang bakuna sa Pilipinas.

Ang Sinovac ay nag-apply ng emergency use authorization sa Food and Drug Administration (FDA) noong nakaraang linggo.

“Ito ba po ay hindi kontrata? Hindi po, kontrata na po iyan. Kaya nga lang po, iyong pangalawang obligasyon, at ito po iyong talagang pagbibili, ay naka-subject po sa kundisyon na pinag-agree-han ng mga partido,” ang pahayag ni Sec. Roque.

“Ano po itong isa sa mga kundisyon na ito? Siyempre po, iyong approval ng FDA. But that is already a binding obligation,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Senate hearing noong Enero 15 na “technically” ang pamahalaan ay indi pa bumibili ng Sinovac vaccine, at ang Pilipinas ay hindi pa naglalabas kahit na isang sentimo para sa produktong Sinovac.

Tinatayang 50,000 doses ng CoronaVac ang darating sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ang bilang ay maaaring madagdagan hanggang sa mai-deliver at makumpleto ang 25 million doses sa Disyembre.

Noong nakaraang Biyernes, inilarawan ni Sec. Roque ang mga kritiko ng Sinovac vaccine deal bilang mga “ignorante” sa gitna ng kinukuwestiyong pagiging epektibo at presyo nito ng Sinovac vaccine.

Sinabi ni Sec. Roque na ang halaga ng Sinovac vaccine ay hindi tataas o sosobra sa P700 per dose.

Aniya pa, nag-alok din ang China ng presyong pang-bff o best friends forever.

Ang bakuna ay kailangan na ibigay ng dalawang doses sa isang tao.  (Daris Jose)

KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA MAYNILA, NAGING MATAGUMPAY AT MAPAYAPA

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA kabuuan,  naging mapayapa ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan bunsod na rin sa maagang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso katuwang ang buong kapulisan ng Manila Police District (MPD).

 

Pinasalamatan naman ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga deboto ng Sto. Niño dahil sa pagkakaroon nila ng kusang disiplina at pagsunod sa ipinapatupad na minimum health protocols dahil na rin ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

 

Bukod sa mga deboto, pinasalamatan din ng Alkalde ang buong MPD sa pamumuno ni District Director P/Brig. Gen. Leo Francisco dahil sa agaran nilang paghahanda ilang araw bago pa man ipagdiwang ang nasabing Kapistahan.

 

Pinaigting ni Gen. Francisco ang “police visibility” sa mga lugar na sakop ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño partikular na sa Tondo at Pandacan kung saan mahigpit nilang ipinatupad ang mga umiiral na batas at kautusan ng Alkalde tulad ng pagsusuot ng facemask, liquor ban, at pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing.

 

Ipinatupad din ng MPD ang “zero vendor” at “zero obstruction” sa paligid ng simbahan sa Tondo at Pandacan kaya’t naging maayos, maaliwalas at maluwag ito para sa mga deboto na nagsimba at nakiisa sa Pista ng Sto. Niño.

 

Batay naman sa datos ng MPD, umabot lamang sa kabuuang bilang na 26 ang lumabag sa ipinapatupad na liquor ban sa Tondo at Pandacan nitong nagdaang kapistahan(GENE ADSUARA)

Thompson inspirasyon Si Norwood

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humakot ang Barangay Ginebra ng parangal sa katatapos na PBA Awards Night noong Linggo na matagumpay na idinaos via online streaming.

 

At isa sa mga nakatanggap ng pagkilala si Scottie Thompson na ginawaran ng Samboy Lim Sportsmaship Award.

 

Nakalikom si Thompson ng 2,360 puntos kung saan naungusan nito si CJ Perez ng Terrafirma na nagtala ng 2,069 puntos.

 

Masaya si Thompson sa award at itinuring nitong inspirasyon si Gabe Norwood na nagmamay-ari ng naturang parangal sa loob ng tatlong sunod na taon — mula 2017 hanggang 2019.

 

“Just following the footsteps ni kuya Gabe (Norwood) for playing the game the right way. Sobrang happy and truly blessed all the time that were playing the game the right way,” ani Thompson.

 

Ibinahagi ni Thompson ang kanyang award sa iba pang kandidato gaya nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.

 

“Lahat naman kaming naging nominee sobrang deserving. I think for me hindi madali itong Sportsmanship Award para makuha ko ito,” ani Thompson.

 

Mapapasama ang Sportsmanship Award sa listahan ng kanyang mga tropeo sa kanyang professional basketball career.

Utos ni PDu30 kay Sec. Galvez, manatili sa ‘game plan’; dedma na sa imbestigasyon

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na manatili sa kanyang “game plan” para sa pag- rollout ng coronavirus vaccines sa kabila ng pagdududa ng ilang mambabatas sa presyo at epektibo ng bakuna na bibilhin ng pamahalaan.

“I’m telling now General Galvez: ‘Yung game plan niya, sundin niya. With or without the investigation, proceed and implement what we plan to do,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

“Nevermind about the investigations.  Kasi mas lalong matagalan tayo,” giit ng Pangulo.

Kasalukuyan kasing kapuwa nagsasagawa ang Dalawang Kapulungan ng Kongreso ng imbestigasyon hinggil sa ginagawang pagbili ng pamahalaan ng COVID-19 vaccines

Bukod dito, nag-desisyon ngayong Lunes ang Senado na magtakda ng dagdag na pagdinig sa Biyernes kaugnay sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Ito’y matapos magbigay ng privilege speech si Sen. Panfilo Lacson sa plenaryo hinggil sa pangangailangan na mabusisi ang ilang hindi pa umano malinaw na detalye sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Partikular na gustong usisain ni Lacson ang tila lumalabas na magkakaibang presyo ng Sinovac, na mas mura umanong nabibili sa ibang bansa tulad ng Indonesia at Thailand.

Gusto rin umanong talakayin ni Lacson ang hindi nagtutugmang pahayag ng mga opisyal ng gobyerno hinggil sa presyong alok ng Sinovac sa Pilipinas para sa mga bakuna.

Iminungkahi rin ni Lacson na magkaroon ng executive session para doon pag-usapan ang sinasabing mga detalyeng saklaw ng confidentiality agreement, na hindi maaaring isapubliko.

Nilinaw ni Lacson na wala siyang inaakusahan ng korapsyon pero nararapat lang aniya na busisiin ang mga detalyeng mahalaga sa pagbili ng bakuna, lalo’t pera ng taumbayan ang gagamitin dito.

“The long and short of it is that it was suggested that we proceed to the holding of an executive session as proposed by the majority leader, Migz Zubiri, in order for us to be able to get the responses to our unanswered questions… In sum, [vaccine czar Secretary] Galvez agreed to reveal the prices of the vaccines, among others, under certain conditions,” ani Lacson.

Ayon kay Lacson, tila nagkaroon ng double standard sa application ng confidentiality agreement dahil madali naman nasagot ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ang presyo ng AstraZeneca vaccines na bibilhin ng pribadong sector samantalang tikom ang bibig ni Galvez pagdating sa Sinovac vaccine.

Pabor naman ang ilang senador sa dagdag na hearing.

Pero hindi umano pabor si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa executive session dahil dapat mas matimbang umano ang karapatan ng publiko na malaman ang detalye ng vaccine procurement kaysa sa pagkilala confidentiality agreement na pakikinabangan lang ng vaccine suppliers.

“In my view, public interest is superior and should be higher than then confidentiality disclosure agreement which obviously for the benefit of the supplier,” ani Drilon.

Nagpaalala naman si Sen. Koko Pimental sa mga kapuwa senador na dapat hindi lang mag-focus ang pagdinig sa Sinovac vaccines. Dapat busisiin din umano ang iba pang bakuna.

“The standards that we impose on Sinovac, we should also impose on the other vaccines. For example nobody is questioning why we are interested in ordering 40 million doses from Novavax, eh mayroon bang EUA (emergency use authorization) ang Novavax in any country in the world?” ani Pimentel.

Dahil sa pagdinig, malalaman din kung mayroon bang nagpapatong ng presyo sa Sinovac vaccine, ani Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

“Most probably it should be a warning to those who will insist on a higher price sa Sinovac,” ani Sotto.

Idinepensa naman ni Sen. Christopher “Bong” Go na may prosesong pinagdadaanan ang mga negosasyon para sa bakuna, kabilang ang non-disclosure agreements.

Nanawagan si Go sa mga ahensiya ng pamahalaan na tiyaking nagagmit ng tama ang pondo ng gobyerno sa pagbili ng bakuna. (Daris Jose)

ADMU suportado ang seniors na gustong mag-pro

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Walang balak ang Ateneo de Manila University na hadlangan ang mga senior players nito na nagnanais pumasok sa professional leagues sa basketball at volleyball.

 

Ito ang parehong inihayag nina men’s basketball head coach Tab Baldwin at women’s volleyball head coach Oliver Almadro kung saan parehong susuportahan ng dalawa ang sinumang players nito na magpapasyang mag-pro.

 

Nakansela ang UAAP Season 83 habang tentative pa lamang ang pagbubukas ng UAAP Season 84 dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Dahil dito, ilang senior players na ang na-extend ang kanilang pananatili sa unibersidad.

 

Kaya naman hindi hahadlangan ng Ateneo ang sinumang gusto nang mag-pro.

 

“I would never stand in a player’s way about his career,” ani Baldwin.

 

Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players na graduate na, malalim pa rin ang lineup ng Blue Eagles dahil nananatili sa koponan ang ilang matitikas na players at bagong recruits.

 

Nasa Blue Eagles pa si Ivorian Angelo Kouame habang papasok pa si Gilas Pilipinas standout Dwight Ramos na mala-pro na ang paglalaro.

 

Sa kabilang banda, wala pang pinal na desisyon si Lady Eagles opposite hitter Kat Tolentino kung lalaro pa ito sa kanyang final year o magpo-pro na.

PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli na lamang.

“His answer was, ‘No problem. I will take the vaccine as soon as it is available’ dahil siya nga raw po ay talagang kailangan niyang magkaroon ng bakuna,” ayon kay Sec. Roque sabay sabing “Pero ang sabi niya hindi na kinakailangan ipakita ito sa publiko.”

Ayon kay Sec. Roque, si Pangulong Duterte, 75, ay susundan at ginawang ehemplo si Queen Elizabeth II  ng Britanya kung saan ang pagpapabakuna ay inanunsyo matapos na siya at ang kanyang asawa na si Prince Philip ay nakatanggap na ng kanilang first shots.

Samantala, sina US President-elect Joe Biden, Indonesian President Joko Widodo, at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, ay ilan sa mga world leaders na isinapubliko ang pagpapabakuna.

Matatandaang sinabi ng Chief Executive na magpabakuna at ipakita ito sa publiko at boluntaryong makakuha ng first shot ng bakuna.

Makailang ulit din ang Pangulo na nagpahayag ng kumpiyansa sa bakunang dinevelop ng China at Russia.

Inaasahan naman ng Pilipinas na matatanggap nito ang first delivery ng bakuna mula sa China’s Sinovac at Pfizer, sa susunod na buwan. (Daris Jose)

GERALD, nakatikim na naman ng panglalait mula sa netizens matapos mag-comment sa IG post ni DIEGO

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NA-BASH nang husto si Gerald Anderson nang mag-comment sa IG post ng kaibigan na si Diego Loyzaga few days ago na, “I promise to keep that smile on your face @msbarbieimperial.”

Na kung saan mahigpit na yakap-yakap niya ang girlfriend na si Barbie Imperial.

Reaction ni Gerald, “Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyan galawan bro ah (bro fist emoji) haha congrats bro @diegoloyzaga.”

Nakatikim nga ng mga panglalait si Gerald mula sa netizens na huwag daw igaya sa kanyang malupit na galawan sa babae si Diego at na nakuha pa raw I-promote ang kanyang gym.

Kitang-kita sa reaksyon ng madlang pipol na galit pa rin sila kay Gerald sa ginawa nitong panloloko kay Bea Alonzo na mabuti na lang at mabilis na naka-move on at happy na ngayon sa piling ni Dominic Roque.

Ilan sa naging comment ng netizens sa fashionpulis.com:

“What’s with th3rd floor? enlighten me.”

Its like Geralds gym with basketball court. If im not mistaken dinala din nya dun si bea nun opening nun 3rd floor.

“Dapat pala nde 3rd floor. Dapat 3rd PARTY name nun. Charos.

“parang locker room talk. Mga girls sa ibang gym nalang kayo mag work out.

Must be a private joke. Only know that Th3rd Fl is the name of Ge’s Gym …

“Mas swak nga na palitan yung name nung gym to 3rd party.

“Wala nang kinang si Budoy! Bwahahaha

“Hahaha legacy na yan ni Gerald..

“When your joke backfired. Whoooopsss.

“Nabasa ko itong thread na ito. Natawa na lng ako dahil dami may ayaw kay gerald.

“Nag try kasi mag promote pa ng gym bwhahahah.

“Nagkaroon ng rason mga tao na ibash sya ng todo todo lol.

“Gerald is the King and Diego is just a Prince. Lucky guys!

“i dont think Diego is the prince since napakabihira nya magkaroon ng balita about his love life. Lagi ko lng nakikinig ang name niya if the issue is about his relationship with his father and mental health.

“Hilig kse sumabat hindi nag-iisip. Dapat isipin nya muna kung paano nya mailalabas si julia sa publiko ng di sila nababash

“Haha! Tawang tawa ako sa mga comment. Buti nga sayo budoy.

“Tinuruan kung pano mang bola.

“Ruined the moment. Ang intimate at mukhang sincere tapos pumasok si Gerald na parang sila ang may idea.

“Pag nabasa kaya ito ng current girlfriend niya, ano kaya feeling? Proud? HAHAHA.

“ang cringe talaga nitong si Gerald.. eeeew.

“di maka move on ung iba samantalang si bea eh happy na. daig nyo pa si bea haha.

“gurl, pano b nman kasi GA sound so hypocrite with that joke. Hahahahhaha.

“Hahahahaha, parang katuwaan lang nman baks. In short, naging joke nlang c G.

“Yuck naman. Ibigay mo kay Diego ang moment. Mag heart ka nalang, pinapalabas pa na kayo ang nakaisip.

“Buti nga sayo, multo. Well deserved!

“Yan kasi comment comment pa Ayan tuloy. Wait Lang Anu ba Meron sa gym niya? Hahahaa. Marami din ba nag buo labteam dun na Hinde inaasahan ?

“nagp-promote si Budoy ng gym niya pero ang siste ginantihan siya ng mga netizens.

“Tawang-tawa ako sa mga comments hahahaha.

“Napaka uncold for naman kasi ng message niya… Sana nag congrats na lang or naglike…. Ganda ng message ni Diego panira siya, hayan bumalik sa kanya.

“Hahaha oh Gerard. You had to open your mouth.

“Serves you right. Para sa kanila ang post tapos makikisingit para i promote ang gym nya.”

Grabe talaga netizens, wait natin kung papatulan naman ito ni Gerald. (ROHN ROMULO)