• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 26th, 2021

DINGDONG at MARIAN, dedma at ayaw nang patulan ang isyung ‘nakabuntis’

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DEDMA as in dedma ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ginagawang isyu o paninira sa kanilang mag-asawa.

 

Walang sinasagot si Marian sa mga netizens na nagtatanong tungkol sa pinakakalat na fake news tungkol sa mister niya at sa dati nitong co-star sa dating serye sa GMA-7. Obviously, ayaw patulan ng mga ito.

 

Hindi man tahasang sinabi na sagot ni Marian sa mga nag-iimbento ng tsismis ang ni-repost niyang IG stories kunsaan, ang unang nag-post ay ang Team Marian at picture ni Marian bilang si Ynang Reyna Minea sa Encantadia at may caption na “Pashnea”

 

Ni-repost ito ni Marian saka nilagyan ng caption na “Bwahahahahah! Magandang Umaga…”

 

Nananahimik sina Marian at Dingdong kasama ang dalawang anak na sina Zia at Sixto at masasabing mas lalo pang tumitibay ang pagsasama, pero tila merong mga walang magawa o naghahanap ng pantakip sa ibang isyu ang nag-imbento ng isyu na kesyo nakabuntis si Dingdong?

 

Sanay na sanay lang talaga sa pag-iimbento ng fake news.

 

May mga theory na kesyo sinisira raw si Dingdong. Iniisip yata na tatakbo ito sa election, huh!

 

***

 

WINELCOME na sa ASAP Natin ‘To si Janine Gutierrez.

 

Halatang kinikilig si Janine sa naging pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya, lalo na ang mga bago niyang makakasama sa ASAP.

 

Nag-post din si Janine at ‘di ma-contain ang kilig na ang pangalan niya ay kahilera na sa promo ng ASAP.

 

Sey ni Janine, “waah!!! Omg! Thank you so much for the welcome!”

 

Sa isang banda, maganda na rin ang pasok ni Janine sa ABS-CBN dahil posibleng bukod sa ASAP ay mapanood na rin ang ibang shows ng network at hindi lang sa A2Z kung hindi sa TV5 na rin.

 

***

 

PUBLIC na talaga ang relasyon ng dalawang Kapuso na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

 

Marami naman ang nag-heart sa photo at video na pinost ni Ruru kunsaan, sabay silang nagja-jogging ni Bianca habang umuulan.

 

Naka-topless si Ruru habang naka-two piece na pang-exercise si Bianca pero parehong seksi-seksihan.

 

Ramdam sa post ni Ruru na miss nga nito ang girlfriend. Sabi ni Ruru, “Miss you. Each Day. Everyday. All the time.”

 

Parehong busy ang dalawa ngayon sa magkahiwalay nilang serye. Kaya kapag may free time lang siguro nakakapagnakaw ng mga moments nila.      Madalas, pareho silang naka-lockin taping ngayon. Si Bianca sa Legal Wives at si Ruru naman sa Lolong. (ROSE GARCIA)

2 timbog sa baril at droga sa Malabon, Navotas

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kulong ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos masakote sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.

 

 

Dakong alas-5:35 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Angela Rejano ng buy-bust operation sa Pampano St. Brgy. Longos, Malabon city.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Angelito Balbuena, 44 ng Blk 41 Lot 16 Area 2 Brgy. Longos matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Bukod sa nakumpiskang nasa 7.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P51,000 ang halaga at marked money, nakuha rin kay Balbuena ang isang cal. 38 revolver na kargado ng limang bala.

 

 

Sa Navotas, nasakote naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sabchez sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas sa buy-bust operation sa Raja Lapu-Lapu St., Brgy. Daanghari, Navotas City dakong 10:30 ng gabi si Lance Santiago, 23, construction worker 496 Lapu-Lapu St., Brgy. Daanghari.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang nasa 44 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahoon ng marijuana na nasa P5,280 ang halaga at P100 marked money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang madagdagan ng kasong paglabag sa RA 10591 si Balbuena. (Richard Mesa)

Layong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan nng DND at UP, reasonable proposal- Sec. Roque

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING ng Malakanyang na “reasonable proposal” ang paghahain ng batas na naglalayong i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at ng University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa presensiya ng mga sundalo at pulis sa nasabing campus.

 

“We’ve always respected the prerogative of our legislators to legislate national policies. Sa akin po, that seems to be a reasonable proposal but that has to be enacted po into law,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang UP alumnus, at dating professor ng UP.

 

Sa ulat, isang panukalang batas ang inihain sa Senado na layong amyendahan ang republic act 9500 o ang University of the Philippines (UP) charter para maisama na ang mga probisyon sa 1989 deal ng UP at ng Department of National Defense (DND).

 

Matatandaang sa ilalim ng naturang kasunduan ay hindi maaaring pumasok ang mga pulis at militar sa loob ng UP campus.

 

Sina Senador Joel Villanueva, Sonny Angara, Sendora Nancy Binay at Grace Poe ang nagsulong ng senate bill 2002.

 

Ayon kay Villanueva, sa panukalang ito ay nakapaloob ang ilang mekanismo para matiyak na hindi magiging hadlang ang naturang kasunduan sa pagpapatupad ng ating mga batas kabilang na dito ang pagpapaalam sa mga kinauukulan ng UP lalo na kung may lehitimong operasyon ang ating mga mga kapulisan o militar.

 

Nabatid na miyembro ng UP board of regeants si Villanueva habang sina Angara, Binay at Poe naman ay nag-aral rin sa naturang unibersidad.

 

Samantala, nag-alok naman si Sec. Roque na pumagitna kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at UP president Danilo Concepcion para pag-usapan ang isyu.

 

Iyon nga lamang, tanging si Lorenzana lamang ang tumanggap ng kanyang alok na pag-usapan ang naturang isyu. (Daris Jose)

Colossians 3:23

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Whatever you do, do from the heart, as for the Lord and not for others.

Eala napasakamay ang unang korona sa professional tennis

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUMUWELTA sa makupad na umpisa si Alexandra ‘Alex’ Eala upang tagpasin si Yvone Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, at sorpresang kopoin ang korona ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi.

 

 

Ang pananalasa ng 15-anyos na Pinay tennis sensation ang nagkaloob sa kanya ng unang professional career title at $15,000 cash prize (P720K).

 

 

Bumalikwas ang Globe Ambassador at Rafael Nadal Academy scholar sa second set at pinagpatuloy ang bangis sa decider sa pagkumpletong pagsilat sa 28-anyos na Kastilang karibal.

 

 

Mas may edad at matataas din ang ranking na unang apat na mga karibal niyang tinagpas sa torneo. (REC)

 

McGregor, ‘di na umaasang tuloy ang Pacquiao showdown

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na umano umaasa pa si MMA superstar Conor McGregor na matutuloy pa ang nilulutong laban sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.

 

 

Pahayag ito ni McGregor matapos itong masilat ni Dustin Poirier sa ikalawang round ng bakbakan nila sa UFC 257 na idinaos sa Abu Dhabi kahapon.

 

 

Ayon kay McGregor, bagama’t hindi nito isinasara ang pintuan sa nasabing posibilidad, maaaring hindi na raw ito matuloy ngayong taon.

 

 

“I wanted to focus on the MMA career but I’m also… Let’s just see what happens. That Manny fight was happening. It was as good as done. [Now] I don’t know,” wika ni McGregor.

 

 

Sa ngayon, magpopokus daw muna ang Irish fighter sa pagpapagaling mula sa knee injury na natamo nito sa laban.

 

 

“I don’t know. It’s all muscle and deep into the muscle. It’s a dead leg. But it is what it is. Fair play. I should’ve pressed him in the fence and kept pounding on him,” ani McGregor.

 

 

“Maybe, I’ll switch up my game when me and Dustin face again. I have to go through the disciplines and make the good decisions.”

 

 

Samantala, kung si Paradigm Sports president Audie Attar naman ang tatanungin, dahil sa pagkatalo ni McGregor ay tiyak umanong hindi na papatok ang pinaplantsang sagupaan nila ng Fighting Senator.

Ads January 26, 2021

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tricycle drivers sa Malabon at Navotas, balik-operasyon

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Balik-operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ito’y matapos inanunsyo ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel na pinirmahan na ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle drivers.

 

 

“Para sa ating mga commuters at tricycle drivers mula sa lungsod ng Malabon at Navotas, good news po dahil pirmado na ang MOA sa pagitan ng dalawang lungsod kung saan pinahihintulutan na ang balik-operasyon at pamamasada ng mga tricycle drivers,” ani Congresswoman Lacson-Noel.

 

 

Ayon sa kongresista, sadyang naapektuhan ang napakaraming tricycle drivers at commuters na rin mula sa dalawang magkapitbahay na lungsod nang ipagbawal ang pamamasada ng mga ito sa gitna ng Covid-19 pandemic.

 

 

Bukod sa mas mapapadali ang pagku-commute ng mga manggagawa mula sa Malabon at Navotas, magbabalik na rin ang kabuhayan ng ating mga tricyle drivers, ayon pa kay Congw. Jaye na hindi tumigil katuwang ang alkalde ng lungsod at ang kanyang lifetime-mate na m’yembro rin ng Kongreso, si An-Waray Party-list Rep. Bem Noel, sa pagbibigay ng ayuda at trabaho sa mga maralitang taga-lungsod.

 

 

“Thank you sa ama ng ating lungsod Lenlen Oreta at ama ng Navotas Toby Tiangco! Patunay ito na kasunod ng ating pagkakaisa ay kaginhawaan para sa ating mga nasasakupan!” sabi  ni Congw. Jaye.

 

 

Sa ilalim ng MOA, mahalagang may permit at sticker ng magkabilang lungsod ang mga pampasadang tricycle units upang maayos silang maka-byahe. (Richard Mesa)

P270-P300 price freeze sa baboy

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inirerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy sa merkado, kasunod na rin nang pagsirit ng presyo nito dahil sa African swine fever (ASF).

 

 

Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni DA Secretary William Dar kay Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng mula P270 hanggang P300 na price freeze.

 

 

“’Yun na nga ang ini­rerekomenda ng DA kay Presidente, tapos na po ‘yung consultation, suporta na lang ng ating stakeholders ang tini­tingnan,” ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, sa panayam sa radyo. “Ang sina-suggest ni Secretary ay P270 to P300 ang price freeze natin sa baboy.”

 

 

Sinabi ni Reyes na naglaan na rin ang DA ng inisyal na P400 mil­yon para sa repopulation ng mga baboy sa mga lugar na nagkaroon ng outbreak ng ASF.

 

 

Nabatid na ngayong linggong ito, ang kilo ng baboy ay umaabot ng mula P400 hanggang P420.

Guinto napasakamay ng RoS; Onwubere, Doliguez NP na

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAKAWALAN ng Rain or Shine ang dalawang malaki para sa isa lang.

 

 

Aprubado na kay Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido Marcial ang pakikipagpalitan ng RoS sa NorthPort.

 

 

Ibinigay ng Elasto Painters sina Sidney Onwubere at Clint Doliguez sa Batang Pier para mabingwit si Bradwyin Guinto.

 

 

Sasama si Guinto sa dalawang pangunahing panggitna ng koponang pintura ni coach Carlos ‘Caloy’ Garcia na sina Beau Michael Vincent Belga at Norberto Brian ‘Norbert’ Torres.

 

 

Naisasalpak na si Onwubere sa rotation sa 45th PBA 2020 Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble, kumakain na rin ng ilang minuto si Doliguez na incoming sophomore sa parating na ika-46 na edisyon ng propesyonal na liga sa Abril 9.

 

 

Dagdag pangrelyebo pa ni GP coach Alfredo Lorenzo ‘Pido’ Jarencio kina Christian Standhardinger at Kelly Nabong si Onwubere.(REC)