PATULOY ang mga agam-agam para sa ikalawang pag-urong ng petsa o tuluyang makansela na lang ang 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa parating na Agosto 24-Setyembre 5 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya.
May kaba man, walang puknat sa preparasyon ng Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa nalalapit na quadrennial sportsfest.
Kakatala lang ng Komite kay University of the Philippine College of Human Kinetics Dean Francis Carlos Diaz bilang chef de mission ng Team Pilipinas sa Paralympics. (REC)
Qualified na sa paligsahan ang swimmer na si Ernie Gawilan, ang unang Pinoy na nanalo ng gold medal sa Indonesia 18th Asian Para Games 2018, habang papasok na rin si 2016 Rio de Janeiro Paralympics women’s table tennis bronze medalist Josephine Medina sa ikalawang sunod na paglahok sa kompetisyon.
“We are looking forward to a busy calendar for our para athletes. In fact, preparations for major events this year have already started,’’ pahayag Linggo sa Opensa Depensa ni PPC president Michael Barredo.
Kinilala rin ng mga CDM sa 11th Asean Para Games sa Hanoi, Vietnam sa Disyembre 17-23, at sa Asian Youth Para Games sa Manama, Bahrain sa Dis. 1-10.
Ang kalihim ng PPC na si Walter Torres ang magiging CDM sa Asean Para Games habang si Judd Anastacio ang sa AYPG.
Nagsasanay na rin ang mga differently-abled athlete para sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China 2022 kung saan ipagtatanggol ni Gawilan ang kanyang 200m men’s individual medley
Karamihan sa mga para athlete na nakakulong man sa kanilang mga tahanan, nagti-training pa rin ang mga ito. Tinatrabaho ng PPC ang advertising para sa mga lokal na lugar sa pamamagitan ng serye ng mga webinar, live stream tuwing Sabado kasama ang Philippine Sports Association for the Differently Abled (PHILSPADA).
“Isinasagawa ng aming sariling mga para coach, ang mga webinar na ito ay idinisenyo upang itaguyod at paunlarin ang para sports sa bansa,”panapos na pahayag ni Barredo.