• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 11th, 2021

Catch Movies About Love in ‘Love Under The Stars’ at the SM Cinema Drive-In

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DRIVE to Mall of Asia Concert Grounds this weekend to catch movies about love in ‘Love Under The Stars,’ at the SM Cinema Drive-in!            

 

                            

Here are the films that will be screened at the outdoor cinema from February 12 to 14:

 

Five Feet ApartDirected by Justin Baldoni, it follows two young patients with cystic fibrosis who try to have a relationship despite always being forced to stay a certain distance away from each other.

 

The Girl In The Orange DressAnna, a conservative girl wakes up in a hotel room with the biggest actor in the country. Having no memory on how she got there, she must figure her way out of the hotel to avoid the fans and media swarming the hotel.

 

I Still BelieveThe film is based on the life of Christian music singer-songwriter Jeremy Camp and his first wife, Melissa Lynn Henning-Camp, who was diagnosed with ovarian cancer shortly before they married.

 

Belle Douleur (Beautiful Pain)A story of a woman finding happiness while she tries to move away from the walls that society has created on women.

 

‘Love Under the Stars’ Movie Schedule:

February 12, Friday:
6:00pm – Five Feet Apart
8:30pm – The Girl In The Orange Dress

February 13, Saturday:
6:00pm – I Still Believe
8:30pm – Belle Douleur

February 14, Sunday:
6:00pm – Five Feet Apart
8:30pm – I Still Believe

 

 

‘Love Under the Stars’ at SM Cinema Drive-In Mall of Asia happens from February 12 to 14, 2021. Each car will also receive free heart-shaped balloons for the occasion.

 

 

Buy your tickets for Cinema Drive-in screenings in advance online through smtickets.com/sm-drive-in-cinema. For more details, check out their FAQ here. For more information on SM Cinema’s Drive-In follow SM Cinema on Facebook and Instagram.

 

 

Join the SM Cinema Viber Community for the latest movie updates and cinema schedules: https://bit.ly/SMCinemaViberCommunity.

 

(ROHN ROMULO)

Online flower shop nina BENJAMIN at CHELSEA, dagsa na ang orders dahil sa Valentine’s Day

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUNUD-SUNOD na raw ang flower orders ng online flower shop ni Benjamin Alves dahil malapit na ang Valentines Day.

 

 

Happy ang bida ng teleserye na Owe My Love dahil naging sulit ang naging investment nila ng kanyang girlfriend na si Chelsea Robato sa kanilang House of Roses flower business.

 

August 2020 nang i-launch ni Benjamin ang online flower business sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Para may ginagawa siya habang wala pang taping or guestings sa TV.

 

 

“I think the need to create something was there kasi you’re stagnant for a few months taping-wise. We found that there’s a market for it. Even if we’re in this situation, there’s still a market for it.

 

 

“We forecast that Valentine’s is gonna come around and we still might be in this situation so there’s still a need or a longing to connect loved ones, to send a message to them, and to make them feel appreciated and loved. We found that we can work around it as tight as the economy is now.”

 

 

Wala raw experience ang aktor sa paghawak ng negosyo kaya thankful siya sa tulong ng kanyang ina at ilang kaibigan sa trabaho.

 

 

“I never had any money to start a business. But again, it comes with that need to create something. Siguro as far as flowers, my mom used to work wholesale distribution of flowers in Guam. I don’t know if it came from that. The opportunity came that we can partner up with somebody that has a background on this locally and who will be able to source us really good, quality roses so it was hard to pass up.

 

 

“I realize that we’re very blessed to be able to start a company and have that help which normally would cost us thousands of pesos in marketing.I’m very grateful to my fellow Kapuso artists who are more than willing to help us on that end.”

 

 

***

 

 

SUPER in love ang Kapuso hunk na si Phytos Ramirez sa Kapamilya actress na si Cherry Lou.

 

 

Si Cherry Lou ay dating misis ng kapatid ni Carlos Agassi na si Michael Agassi at tatlo ang anak nila. Naghiwalay sila noong 2019.

 

 

Pero hindi raw iyon magiging hadlang sa pag-iibigan nila Phytos at Cherry Lou ngayon.

 

 

Sa IG post ni Phytos: “I date to marry. Not to date for one or three years and breakup. I’m willing to fight for anything to keep the relationship going.”

 

 

13 years ang agwat ng edad nila Phytos at Cherry Lou. 25 si Phytos at 38 si Cherry Lou. Una raw silang nagkakilala sa teleserye na Mula sa Puso ng ABS-CBN in 2010.

 

 

September 2020 noong magkaroon ng relasyon ang dalawa. Noong nasa lock-in taping for 15 days si Phytos para sa The Lost Recipe, panay ang video call nila sa isa’t isa.

 

 

Post ni Cherry Lou: “Welcome back to the real world namiss kita Thanks for doing this every night.”

 

 

***

 

 

BUMALIK sa recording pagkatapos ng maraming taon ang ‘70s and ‘80s singing sweetheart na si Olivia Newton-John.

 

 

Kasalukuyang nagpo-promote si Olivia ng song na “Window in the Wall” kasama ang daughter na si Chloe Lattanzi.

 

 

Sa show na Extra, tinanong si Olivia kung ano nakapagbago ng isipan niya at muli siyang bumalik sa pag-awit?

 

 

Sagot ng singer-actress: “I was so moved by it and compelled to record it, and asked Chloe if she would sing with me.”

 

 

Ayon naman kay Chloe, ang song ay may reference sa nangyayari ngayon sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic: “There’s just so much pain and misunderstanding and miscommunication. I think being isolated doesn’t help the situation.”

 

 

Pinapanatiling healthy ni Olivia ang kanyang pangangatawan pagkatapos itong lumaban ng ilang beses sa sakit na cancer. Malaking tulong daw rito ang cannabis or hemp na isang cultivated plant for non-drug use.

 

 

“Cannabis has been such a healing thing for me. I’m thriving,” sey pa ni Olivia. (RUEL J. MENDOZA)

MARIAN, pinagtawanan lang na ‘buntis’ dahil wala pang balak na sundan si SIXTO; ZIA, gusto talagang mag-endorse ng ‘WalterMart’

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA muling pagri-renew ng contract ni GMA Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa WalterMart Supermarket bilang endorser ay kasama na ngayon ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes.

 

 

Pinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang TVC na may caption na, Hi WalterMart Community! Hindi lang ako ang na-inlove sa WalterMart, pati na rin si ate Z!      “Here’s our newest TVC. #iLoveWalterMartEveryday @waltermartsupermarket @raetristan

 

 

Sa mediacon na ginanap noong hapon ng February 9, sinagot ni Marian kung bakit kasama na niya ngayon si Zia sa TVC at campaign ng WalterMart.

 

 

“Walang dahilan o salita na hindi ko papayagan si Zia na makasama sa WalterMart,” panimula ni Yan.

 

 

“Lalo na, as family na ang turing namin sa isa’t-isa. Specially Ms. Joan (of WalterMart) nasabi ko talaga na very thankful ako na nakilala ko siya sa buhay ko.

 

 

“Hindi dahil bilang endorser, kundi tinuturing na kapamilya na talaga namin. In times, na kailangan namin nandyan talaga ang WalterMart para sa amin.”

 

 

Of course, tinanong din ni Marian ang anak na si Zia tungkol sa bago nilang endorsement na mag-ina.

 

 

“’Yes, mama, I want to do that’, sabi niya. So, mas maganda rin na may freedom yun anak ko na sabihin kung gusto niya o ayaw niya. Specially ngayon sobrang busy sa pag-aaral niya.

 

 

“So, tinanong ko siya dito, sabi niya, ‘mom, I like it!’  Kita n’yo naman mas magaling pa sa akin na mag-heart sign,” masaya pa niyang kuwento at umaming sa bahay lang sila nag-shoot.

 

 

Samantala, pinagtawanan lang ni Marian ang isyung siya naman ang buntis ngayon, pagkatapos ng nakaka-stress na isyu na dinedma lang nilang mag-asawa.

 

 

Pero false alarm ang balita dahil hindi totoong magsusundan na ang bunso nilang si Sixto na magtu-two years pa lang sa April 16.

 

 

Oh well, sabi ko nga, hindi naman ikaw, e. Kahit anong gawin ninyo, kung hindi naman ibibigay ng Panginoon sa inyo, wala naman kayong magagawa,” sagot niya.

 

 

“Pero kapag sinabi Niyang this time, ibibigay sa ‘yo, why not, hindi ba?

 

 

“Pero sa ngayon, marami pang pagkakataon na pwede naming gawin. Ang dami pang trabahong kailangang gawin.

 

 

“Si Sixto, wala pang two years old. So, hintayin ko muna yun. ‘Tapos si Zia, sobrang busy pa namin sa school.

 

 

“Pero kung ibibigay, bakit hindi? Yan ay napakalaking biyaya, why not?”

 

 

Anyway, hindi lang si Marian ang na-inlove sa WalterMart, pati na rin si Zia. Dahil sa WalterMart may Everyday Fresh, Choice & Savings! Whether in-store or online!

 

 

Papasayahin lalo ang shopping with Marian’s special FREE delivery code: WMMARIAN when you go shopping at www.waltermartdelivery.com.ph!

 

 

Ang promo ay nagsimula noong February 9 at matatapos sa February 28, 2021! (ROHN ROMULO)

Pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tutugis sa mga nagmamanipula sa presyo ng mga meat products

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tututok sa isyu ng labis na pagtaas ng presyo ng mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan.

 

Ito rin ang tutugis at mag-iimbestiga sa mga hinihinalang nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga meat products sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, misyon ng task force na ito ang habulin at kasuhan ang mga mapagsamantalang hoarders at nagmamanipula sa presyo ng mga meat products.

 

Ang nasabing task force ay binubuo ng Dept. of Agriculture(da), Dept. of Trade and Industry(DTI), NBI, CID at National Security Council.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni DTI Sec. Ramon Lopez, sa briefing sa Malakanyang na may mga sumbong na silang natatanggap sa pamamagitan ng text messages kaugnay sa mga umano’y mapagsamantalang traders at wholesalers ng mga meat products.

 

Ito aniya ang dahilan kaya’t nagsasagawa na sila ng beripikasyon ukol sa mga ipinarating sa kanilang reklamo at sa ngayon ay mayroon na rin aniyang mga minamanmanan at iniimbestigahan ang task force.

 

Tiniyak ni Lopez na hindi palalampasin ng task force ang sinumang mapatutunayang sangkot sa kaso ng hoarding at manipulasyon sa presyo ng mga meat products na ibinebenta sa merkado. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas.

 

 

Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA.

 

 

Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team.

 

 

Huling nakibahagi ang Gilas sa PBA ay noong 2011 na binubuo nina Marcus Douthit, Chris Tiu, JVee Casio at Marcio Lassiter kung saan nabigo sila sa Barangay Ginebra sa Commissioner’s Cup.

 

 

Sa ngayon ay abala ang Gilas sa bubble training camp sa Calamba, Laguna para sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

 

 

Nakatakda silang magtungo sa Doha, Qatar sa darating na Pebrero 13.

DIVI MALL GIGIBAIN, VENDORS ILILIPAT SA PRITIL MARKET

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ilipat ang may 500 manininda na nakapuwesto sa Divisoria Public Market na nakatakdang gibain ngayong taon.

 

 

Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, sa oras na matapos ang konstruksiyon sa ikalawang palapag ng Pritil Market ay maaari nang lumipat ang mga nasabing vendors na magmumula sa Divisoria Public Market ng Divisoria Mall, ngunit dapat ay magsumite muna sila ng aplikasyon para sa kanilang ookupahing pwesto dito.

 

 

“Lahat ng manininda sa Divisoria Market ilalagay doon sa 2nd floor sa Pritil, walang madidisplace,” ani Espiritu.

 

 

“However, before March they have to apply for a space at Pritil Market. Yung hindi mag-aaplay, hindi mabibigyan,” dagdag pa ng opisyal.

 

 

Bukod sa aplikasyon, sinabi din ni Espiritu na ang mga manininda na hindi taga-Maynila ay hindi mabibigyan ng pwesto sa Pritil Market.

 

 

“Kahit nakapwesto sila ngayon sa Divisoria market at hindi sila taga-Maynila hindi sila bibigyan ng pwesto sa Pritil. It is exclusive to the Manilans,” giit ni Espiritu.

 

 

Aniya, gigibain ang buong Divisoria Mall at itatayo ang isang 54 story commercial building kung saan mas malaki umano ang kikitain ng pamahalaang lungsod mula sa buwis nito kumpara sa nirerentahang pwesto ng mga manininda na P40 kada araw.

 

 

Ang dagdag na buwis ay maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan upang mas mabigyan ng magandang serbisyo at benepisyo ang mamamayan ng lungsod ng Maynila.

 

 

Hindi naman sang-ayon si Espiritu sa panawagan ng mga vendor sa Divisoria Market na pagbigyan silang makapwesto sa labas ng palengke habang ginagawa ang nasabing lugar dahil mismong si Mayor Isko Moreno Domagoso na nga ang nag-utos na linisin ang kalsada at mga kalye sa Maynila kung saan aalisin ang lahat ng klase ng obstruksiyon na nakasasagabal sa mga tao at sasakyan.   (GENE ADSUARA )

Walo sa sampung Pinoy, pabor pa rin na maibalik sa ere ang ABS-CBN

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KARAMIHAN o walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magbalik ang ABS-CBN’s sa telebisyon at radio, ayon sa isang recent mobile-app survey na naireport sa isang major daily noong January 30.

 

 

Nang tanungin kung pabor sila sa pagbabalik ng ABS-CBN sa nationwide broadcast operations, sinabi ng walo sa bawat 10 respondents sa data analytics firm WR na suportado nila ito, 11 per cent ang hindi pabor, at walong porsiyente ang hindi tiyak ang sagot.

 

 

Ayon sa report, nationwide ang survey na ginawa ng research film mula January 11 to 15 with 5,000 respondents via a quota sampling method based on geographic location,age, sex, and income.

 

 

Ang layunin ng survey ay para suriin ang level of support sa mga Pilipino sa pagbabalik ng ABS-CBN sa ere sa muling pag-ugong ng usapin sa franchise ng network matapos maghain ng bagong bill sina Senate President Vicente “Tito” Sotto sa Senado, at nina Rep. Vilma Santos-Recto at Rep. Edcel Lagman sa House of Representatives.

 

 

Noong May 2020, ang technology-driven polling and data analytics company ay nagsagawa rin ng survey kung 80% ng mga Pilipino ang nagsabi na dapat ipagpatuloy ng ABS-CBN ang kanilang pagsasahimpapawid.

 

 

Sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) noong July 2020 ay nagpakita na 75 percent ng mga Pilipino ay sumang-ayon na dapat bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN good for 25 years. Sa nasabing survey, may 1,555 respondents ang SWS from Luzon, Visayas, and Mindanao.

 

 

Pero kahit na walang prangkisa, patuloy ang ABS-CBN sa pagpo-produce ng bago at existing content na ipinalalabas nito sa sarili nitong cable channel at digital platforms, pato na rin sa ibang networks tulad ng A2Z channel at TV5.

 

 

Patuloy pa rin ang network sa pagtanggap ng mga parangal. Nitong January ay natanggap nito ang “Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisiyon,” ang highest honor para sa TV given mula sa  5th GEMS Awards at ang ikalimang sunod na Platinum Brand Award from the Reader’s Digest Trusted Brands.

 

 

Ang winners ng GEMS Awards ay pinipili ng mga kasapi ng Guild of Educators, Mentors, and Students, samantalang ang Reader’s Digest Trusted Brand Awards ay ibinoboto ng mga consumers through a survey na sinusukat ang trustworthiness, credibility, quality, value, understanding of consumer needs, innovation, and social responsibility of brands.

 

 

Siyempre marami pa rin supporters ng Kapamilya Network ang umaasa na mabibigyan ng franchise ang channel in the future.

 

 

***

 

 

MATAPOS magtamo ng11 nominasyo at 2 awards (3rd best picture and best supporting actress for Shaina Magdayao) sa Metro Manila Film Festival noong Disyembre, wagi muli ang Tagpuan matapos itongg ideklarang Best Feature Film sa 6th Chauri Chaura International Film Festival in India.

 

 

Tuwang-tuwa si Alfred Vargas, ang lead actor and producer ng Tagpuan, sa international recognition na natanggap ng pelikula.

 

 

“Thank you, Lord! Hanggang tenga ang aking ngiti. Such good news! This is once again a testament to the Filipino talent and creativity. Congrats to Direk Mac who did a brilliant job in intertwining the medium’s space and time with its emotions, places, and characters to effectively narrate Ricky Lee’s wonderfully captivating screenplay. Congratulations also to my co actors, Iza Calzado and Shaina Magdayao and everybody who worked on our film,” pahayag ng actor-producer.

 

 

McArthur Alejandre, the film’s director says Tagpuan is his “ode to brokenness and love that cannot be.” He says the film “is about finding one’s roots and home in places one can never call their own.”

 

 

Dahil sa tagumpay ng Tagpuan sa India ay winika ni Alfred na mas lalo pa siyang naging inspired na mag-produce ng mga de-kalidad na pelikula na magpapakita nang kahusayan nating mga Pilipino. (RICKY CALDERON)

Target na maipatupad ang 3-strike ng Radio-Frequency Identification o RFID

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa darating na Pebrero 22, 2021 target na maipatupad ang 3-strike policy para sa mga motoristang gumagamit ng Radio-Frequency Identification o RFID.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. For Finance Garry de Guzman sa pagdinig ng House Committee on Transportation.

 

 

Ayon kay de Guzman, hindi pa nasisimulan ang polisiya dahil magkakaroon muna sila ng dayalogo sa toll operators ng EasyTrip (Metro Pacific Tollways Corporation) at AutoSweep (San Miguel Corporation) sa Pebrero 18 hinggil sa panukalang 3-strike policy at kung handa na bang maipatupad ito.

 

 

Sinabi pa ni de Guzman na inatasan ang dalawang operators na magkaroon ng information dissemination kaugnay sa 3-strike policy upang hindi mabigla ang mga tao at maiwasan ang kalituhan.

 

 

Pinatutugunan na rin sa MPTC at San Miguel Corporation ang isyu ng loading at hindi gumaganang reading para sa RFIDs, na inirereklamo ng mga motorista.

 

 

Sa naturang polisya, kapag ang RFID user ay lumabag sa unang pagkakataon, paaalalahanan muna siya at sasabihang mag-load. Sa ikalawang paglabag, final warning na at sa ikatlong paglabag, huhulihin na.

 

 

Ito ay layong mapigilan ang mga motoristang paulit-ulit na lumalabag sa hindi paglo-load o pagkakabit ng RFID, na nagdudulot naman ng malaking abala sa iba.

 

 

Maaalala rin aniya ang nangyari sa CAVITEX noong Dec. 2020 kung kailan 27,000 na mga motorista ang dumaan nang walang load. Mayroon ding tatlong motorista na dumaan ng 300 beses sa toll sa loob ng isang buwan, na palaging walang load.

 

 

Sa report ni de Guzman, humigit kumulang limang milyon na ang RFID users sa kasalukuyan.

 

 

Hanggang nitong Enero, nasa 2.5 million ang RFID users ng AutoSweep habang 2.2 million naman sa MPTC. Sa NLEX ay nabawasan ang RFID users dahil ibinalik ang cash lanes.  (ARA ROMERO)

Grassroots sports sa bansa tampok sa PSC-NSS ngayon

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG masigla ang grassroots sports sa bansa para sa ikatatagumpay sa Summer Olympic Games ang magiging tampok sa ikatlong sesyon ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit 2021 ngayong Huwebes, Pebrero 11.

 

 

Ibubunyag ng PSC ang mga programang nakapokus para sa mga baguhang  atleta bilang pundasyon tungo sa pagiging pinakamahuhusay sa elite sports sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute (PSI) sa online summit.

 

 

Pangungunahan  ni Dean Prof. Henry Daut ng PSC-PSI ang talakayan na nakatuon sa likas na katangian, katayuan, at hamon sa pagpapatupad ng mga hakbang na batay sa agham upang matapik ang lokal na mayamang mapagkukunan ng mga talent sa hinaharap.

 

 

“It is high time that we give educators, athletes, and sports stakeholders a clear picture of what the PSC has been doing through these years to develop the amateur talents we have,” pahayag sa Opensa Depensa ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kahapon.

 

 

Iginiit ng pinuno ng palakasan sa bansa, ang kahalagahan para sa mga kabataan na lumingon sa palaro at makinabang mula sa mga hakbang na itinuturo na mahalaga sa oras ng pandemya na mag-iisang taon na sa papasok na buwan.

 

 

May mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa ang mga bumahagi sa unang dalawang bahagi ng lingguhang panayam na ito kung saan ang bisita ang pangulo ng United States Sports Academy na si T.J. Pinangunahan din niya ang pagbubukas ng sesyon kasama si Davao del Norte Sports and Youth Development Head Giovanni Gulanes.

 

 

Sana’y makapulutan ito ng aral upang magkaroon ng mga tanggapan sa sports ang bawat lalawigan, lungsod, bayan at barangay sa kapuluan para sa ikauunlad ng sports sa ‘Pinas. (REC)

117K doses ng Pfizer vaccines, hindi pa tiyak ayon sa DOH

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na “indicative” o hindi pa tiyak ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa susunod na linggo.

 

 

Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga ulat na baka sa February 15 o sa susunod na lunes na dumating ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines na mula sa COVAX Facility.

 

 

“The dates that were provided to us were indicative dates,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang media forum.

 

 

Paliwanag ng opisyal, bagamat sinabi ng mga opisyal ng COVAX na sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero dadating ang mga bakuna, wala naman silang ibinigay na eksaktong petsa ng arrival ng libreng vaccine supply.

 

 

“This February 15 is an indicative date, ito yung binigay ng vaccine cluster.”

 

 

“Kapag sinabing indicative ‘yan ay tentative schedule pa lang. Wala pa tayong confirmed dates as to when we’ll start.”

 

 

Tiniyak naman ni Vergeire na agad ipapamahagi ang mga bakuna sa priority sector kapag dumating na ang shipment nito sa bansa.

 

 

“Pagdating ng bakuna, after two to three days we’ll start the deployment already.”

 

 

Bukod sa Pfizer-BioNTech vaccine, inaasahan din ang pagdating ng 5 hanggang 9-million doses bakuna ng AstraZeneca na manggagaling din sa COVAX Facility.

 

 

Ang COVAX ay isang inisyatibo ng World Health Organization at iba’t-ibang institusyon. Layunin nito ang patas na distribusyon ng libreng bakuna sa mga mahihirap na bansa. (Daris Jose)