• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 19th, 2021

Ilang eksperto sa medisina, nagdadalawang isip sa pagbabalik operasyon ng mga sinehan

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IMINUNGKAHI ng ilang medical expert na palakasin na lamang ang outdoor cinema sa halip na agad na ibalik ang indoor cinema o traditional cinema para makaiwas sa peligro at posibilidad na makapitan ng covid 19 virus.

 

Nangangamba kasi ang mga ito sa inaasahang pagbabalik ng operasyon ng mga sinehan sa gitna ng pandemya.

 

Ayon kay UP-PGH College of Medicine Clinical Associate Professor Dr Menguita Padilla, kulob at air- conditioned ang mga sinehan kaya’t may posibilidad na may mai- infect sa movie goers sakalit may makalusot na carrier ng COVID.

 

Aniya, may iba namang paraan para matulungan ang nasa cinema industry lalo’t nasa 300,000 katao umano ang umaasa dito.

 

“Kami ay may suggestion: Puwede pa rin nating tulungan ang mga cinemas na kumita. Kasi sabi ni Secretary Lopez, about 300,000 people ay dependent sa cinema industry for their livelihood, baka puwedeng gawin ng mga LGUs is outdoor cinemas ‘no. Maganda naman iyong outdoor cinemas, sa park, etc.

 

Ang ikinatatakot ng mga doktor at kasama na kami doon is that kahit bawasan ninyo ang mga tao sa loob ng cinema – kasi kulob siya, kasi airconditioned, maaari pa ring ma-infect,” ayon kay Padilla.

 

“So this is just a suggestion. Tapos, finally, takot nang marami pa rin na pumunta so baka kung indoor cinemas ay hindi pa rin pumunta ang tao. So iyon lang ‘no. So those are some of our ideas, and I can answer the rest of the questions about vaccine. Me, personally as a doctor, tinanong ako ng isang tao, “Papayag ba kayo na Sinovac,” dagdag na pahayag nito.

 

Napaulat na di umano’y sa Marso 1 na magbabalik operasyon ang mga sinehan sa NCR na kung saan ay nagsisimula na ang konsultasyon sa mga alkalde ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

McCullough ramdam na may sumabote sa kanya

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY pinatatamaan ang beterano ng National Basketball Association (NBA) player na si  Chris McCullough sa tweet tungkol sa naturalization niya nito lang isang araw.

 

 

Ipinahayag ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup import ng champion San Miguel Beer, na may umipit sa proseso ng kanyang pagiging naturalized player para sa Gilas Pilipinas.

 

 

Hindi naman tinumbok kung ang kanyang pinahahagingan, pero isa si McCullough sa kinukunsiderang magiging susunod na naturalized player ng Gilas na dapat ang lumakad ng dokumento ay ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI).

 

 

Ilang ulit nang giniit ni McCullough na nais niyang maging parte ng national team bago pa umalis ng bansa pagkagiya sa Beermen sa trono ng midseason conference.

 

 

Magkalaban sa PBA ang Beermen at dalawa pang team ng San Miguel Corp. o ni Ramon S. Ang na Barangay Ginebra San Migueel Magnolia Hotshots at ang MVP Group na may tatlo ring koponan na mga nagpapatakbo sa SBPI. (REC)

Unang batch ng bakunang Pfizer laban sa Covid-19, wala pang arrival date-Malakanyang

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility.

 

“Wala pa po tayo naririnig na balita,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Dahil ‘yan po ay ipapadala sa pamamagitan ng eroplano. Ang inaasahan natin ay magbibigay notisiya ang Pfizer sa atin kung naisakay na yang shipment na yan sa eroplano galing sa Brussels [Belgium] papunta ng Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna nang napaulat na ang Pfizer vaccines ay darating sa bansa nito lamang Pebrero 15.

 

Prayoridad sa unang batch ng Pfizer COVID-19 vaccines na darating sa Pilipinas ang mga health worker sa COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila, Cebu City at Davao City.

 

Ito ang sinabi ni Sec. Carlito Galvez Jr. ngayong Martes. Aniya, 117,000 lang na doses ng Pfizer vaccine ang inaasahang unang darating sa bansa kalagitnaan ng Pebrero, sa pamamagitan ng COVAX Facility ng World Health Organization.

 

Pero ayon kay Galvez, sapat na ito para sa mga health worker sa COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila na nasa 56,000 ang bilang.

 

May sobra pa na maaaring ibahagi sa health workers sa Cebu at Davao.

 

Kasama sa priority hospitals ang Philippine General Hospital sa Maynila, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan, at Lung Center of the Philippines at East Avenue Medical Center sa Quezon City.

 

“Kasi maliit lang ‘yung portion ng Pfizer, 117,000 lang po ‘yun, as much as possible, sa hospital institution lang po ‘yun muna… especially ‘yung COVID referral hospitals… ‘Yung Pfizer kasi mataas ‘yung kaniyang efficacy maganda po ‘yun sa healthcare workers,” ani Galvez.

 

“Considering na this is COVAX Facility vaccines, kailangan ma-ensure po talaga na pagka nakita ng WHO na ini-implement po natin ‘yan, dadagdagan po nila ‘yan. Pero pagka ginawa natin may mga privilege tayong ginawa na hindi natin binigay sa ating frontline COVID referral hospital, ang mangyayari ika-cut nila ‘yan,” dagdag pa ni Galvez.

 

Inaasahan ding darating ngayong buwan ang bahagi ng 5.5 million hanggang 9.2 million doses ng bakuna mula AstraZeneca para sa Pilipinas sa unang hati ng taon, sa ilalim pa rin ng COVAX Facility.

 

Ani Galvez, pwede naman itong gamitin para sa mga vaccinator at iba pang health worker.

 

Halos sabay darating ‘yan eh, ‘yung Pfizer at sa AstraZeneca. ‘Yung AstraZeneca pwede natin ibigay ‘yun sa vaccinators natin,” ani Galvez.

 

“I-limit muna sa major areas so we can handle it perfectly,” dagdag niya.

 

Paalala ni Galvez sa mga lokal na pamahalaan, ihanda na ang cold storage at tiyaking professional ang handling ng mga bakuna para maiwasan ang wastage o pagka-panis, tulad ng naranasan sa ilang bansa.

 

“’Yung hindi unprofessional handling, pag hindi professional ang naghahandle ng vaccine, at hindi nila alam ang cold storage handling, magkakaroon tayo ng wastage, ‘pag nagkaroon ng brownout, at walang back up to the backup,” aniya.

 

“Mayroon nakatutok talaga na special task group na doon lang nakatutok sa COVID-19 vaccine,” dagdag ni Galvez.

 

Mainam din umano kung may 30 porsyento na reserve sa listahan ng mga babakunahan kada araw, sakaling hindi dumating ang mga nasa priority list.

 

“Pag tinanggal sa warehouse ‘yan hindi na puwedeng ibalik ‘yan. sa pagpaplano, kailangan may 1/3 na reserve. Kung walang dumating, mayroon tayong reserve na iva-vaccinate,” ani Galvez. (Daris Jose)

WALONG TULAK HULI SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON NG QCPD

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HULI  ang walong tulak ng shabu matapos ang ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD).

 

 

Kinilala ni QCPD Director P/BGen Danilo Macerin ang apat na nadakip ng Fairview Police Station 5 na sina John Mark Ortega, 29, Orlando Vidal, 47,na pawang nasa  drug listed personality ng Brgy. Sta. Lucia Q. C., Jeffrey Tintero, 28, at Raffy Villa, 27.

 

 

Ayon kay QCPD Station-5 Fairview (PS5) Commander PLt. Col Melchor Rosales, isagawa ng kanyang mga tauhan ang drug operation sa Abad Santos St. Brgy., Sta. Lucia, QC.

 

 

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay agad nang sinunggaban  ang apat.

 

 

Narekober mula sa mga suspek ang 5 plastic sachet na naglalaman na mahigit sa isang gramo ng shabu na may street value na P13,600.

 

 

Samantala sa operasyon naman ng QCPD Station-8  ng Project 4 ay huli  sina Rhonelle Gabrillo, alyas ‘Hero’ at  Ronald Macaspac.

 

 

Naaresto ang dalawa sa buy-bust operation na isinagawa sa No. 163 Quirino 2-C Project 2, QC.

 

 

Nakumpiska sa dalawa ang sampung plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

 

 

Sa Area of Responsibility naman ng QCPD Station-2  Masambong ay 2 naman ang huli nitong mga tulak  na nakilala na sina John Robert Raz, alyas  ‘Nano’, 22-anyos,  at Manuel Tuazon.Pawang mahaharap ang walong nahuli sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. (RONALDO QUINIO)

Jesus; Matthew 11:28

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Come to me.

LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan.

 

 

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port Area,  noong Nobyembre kung saan maganda naman umano ang pakikitungo nito sa kanila.

 

Ayon kay Judy, naging magkaibigan sila ng suspek  ngunit kalaunan ay pinadadalhan na siya ng kung anu-ano ngunit kapalit nito ay kailangan umano niyang magpadala ng mga malalaswang bagay.

 

Hindi lamang umano si Judy ang biniktima ng suspek kundi maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Jane ay biniktima rin.

 

Dahil dito, dumulog na ang mga biktima kasama ang kanilang ina na si Nemia Diaz sa pulisya.

 

Ayon naman kay Capt.Edwin Fuggan, hepe ng Baseco PCP na naaresto ang suspek sa nasabing lugar  kagabi nang kumagat  ito sa chat at tawag na makikipagkita ang mga biktima sa kanya.

 

Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba na dakpin ang suspek .

 

Narekober naman ng pulisya ang cellphone ng suspek kung saan makikita ang lahat ng conversation nila ng mga biktima.

 

Dipensa ni Singh problemado lamang ito sa kanyang lovelife dahil lahat umano ng kanyang nililigawan ay hindi siya sinasagot.

 

Si Singh ay nahaharap sa kasong  paglabag  sa Anti Cyberscrime law  at  Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009. (GENE ADSUARA)

30th Fiba Asia Cup Qualifier 3rd window IATF may sey

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAHAYAG  ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire Lunes ng hapon na nasa hurisdisksiyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases (MEID), ang pagsasagawa sa bansa sa hinaharap ng 30th International BasketballFederation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third and final window.

 

 

Naunsiyami sa nakalipas na linggo ang pagtataguyod ng Doha, Qatar sa Pebrero 18-22 na hoopfest nang iatas ng Qataris Ministry of Public Health ang pagpapaliban ng lahat ngsports events dahil sa paglobo ng coronavirus disease 2019 sa Arab country.

 

 

Bago pa planong idaos sa Gitnang Silangang bansa, nakatoka ang torneo sa Angeles, Pampanga sa kagayang petsa pero kinansela noong Enero 29 ng Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa bawal pa pumasok noon ang mga turista o dayuhan sa bansa bunsod din ng pandemya.

 

 

Pinanapos na pahayag ng sa virtual presser” “We still need to sit down ofcourse with other agencies. Pero alam naman po natin na nakapag-issue na dating joint administrative order ang Philippine Sports Commission (PSC) together with the DOH so we can ensure that health protocols are implemented while weslowly open up this sector of society. So, antayin lang po natin.” (REC)

Hamsain dumale ng 3 gold

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGNINGNING NANG HUSTO Si Fatima Hamsain nang humablot ng tatlong gold medal katatapos na Inner Strength Martial Arts 1st International E-Tournament eKata and eKumite Championships.

 

 

Huling kpinamayagpagan ng Pinay karateka ang  female under-15 e-kumite sa Shotokan E-Kata nang mangibabaw sa finals laban sa isang Greek opponent via 23.3-21.9 deicision.

 

 

Siya rin ang nangibabaw sa e-Kata individual female U16 class via 23.9-22.8 win sa finals laban kay German Zoby Antoun, at sa e-Kata individual female U18 kontra sa kababayang si Christina Karen Colonia, 24.4-23.5.

 

 

Nauuso ang virtual karatefest bunsod nang pananalasa ng COVID-19 sapul pa noong Marso. (REC)

15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, Marianito Cabilin, 74, Salvador Balidoy, 36, Ernesto Sarona, 36, at Marco Arnel Resero, 24.

 

 

Sa nakarating na report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Nelson Bondoc, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang impormante ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangsiwa ni PLTCOL Allan Umipig na may nagaganap na illegal gambling (tupada) sa Lapu-Lapu St. corner Alimasag St. Brgy. 12, Caloocan city.

 

 

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PMAJ Amor Cerillo saka sinalakay ang naturang lugar dakong 1:30 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Ayon kay PSSg Allan Reyes na kasama sa operation, narekober nila ang isang panabong na manok na may tari, isang patay na panabong na manok na may tari at P15,700 bet money na nakuha kay Iquiran.

 

 

Sa Malabon, naaresto naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pangunguna ni PSSg Allan Fernandez sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Vencito Cerillo si Ramon Dorado, 40, at Orlando Tumali Jr., 28, matapos maaktuhang nagsasagawa ng tupada sa Samaton St. Brgy. Tonsuya habang nakatakas naman ang iba pa.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis ang isang patay na panabong na manok na may tari at P830 bet money. (Richard Mesa)

DINGDONG at ANGEL, kasama sa tatanggap ng ‘FAN 2021 Cinemadvocates’ ng FDCP dahil sa kontribusyon nila sa Pelikulang Pilipino

Posted on: February 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) magbibigay rin ng special awards  para magbigay-pugay sa mga film stakeholder na may napakahalagang kontribusyon sa industriya at patuloy na nagtatrabaho para sa ikabubuti ng Pelikulang Pilipino.

 

 

Ang ‘Cinemadvocates’ ay special segment ng FAN ngayong taon para kilalanin ang mga indibidwal at grupo na walang pagod na ikinakampeon ang kapakanan ng mga manggagawa ng industriya ng pelikula at ang pag-unlad ng industriya.

 

 

Sina Pangasinan 4th District Rep. Christopher “Toff” de Venecia, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman at Cultural Center of the Philippines (CCP) President Arsenio “Nick” Lizaso, Lockdown Cinema Club, Inter-Guild Alliance, Dingdong Dantes, at Angel Locsin ang FAN 2021 Cinemadvocates.

 

 

Ang ‘Gabay ng Industriya Award’ ay bagong parangal para bigyang-pugay ang mga nagsisilbing gabay at inspirasyon sa Philippine Cinema. Nagpapasalamat ang industriya sa kanilang kahanga-hangang talento, work ethic, at pagmamahal para sa pelikula.

 

 

Ang cinematography icon na si Romy Vitug ang tatanggap ng ‘Haligi ng Industriya Award’ at ang legendary actress na si Gloria Romero ang tatanggap ng ‘Ilaw ng Industriya Award.’

 

 

Ang ‘Camera Obscura Artistic Excellence Award’ ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng FDCP para sa trailblazers at legends ng industriya.

 

 

Ang Camera Obscura awardees ngayong taon ay sina Jun Juban ng Philippine Film Studios, Inc., multi-awarded documentary “Aswang” ni Alyx Arumpac, at ang dating NCCA Commissioner na si Teddy Co.

 

 

Ang Philippine Film Studios, Inc. ni Juban ay critical figure sa film at audiovisual industry ng bansa dahil naka-produce at co-produce ito ng maraming pelikula at audiovisual content gaya ng Academy Award winners na “Born on the Fourth of July” at “Platoon” ni Oliver Stone, “The Bourne Legacy” ni Tony Gilroy, Metro Manila Film Festival Best Picture “10,000 Hours” ni Bb. Joyce Bernal, at mga edisyon ng reality television programs na “The Amazing Race” at “Survivor.”

 

 

Ang “Aswang” ni Arumpac ay A-Lister noong FAN 2020 pagkatapos nitong makamit ang Fipresci Prize sa 2019 International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA). Nanalo pa ng walong international awards ang full-length documentary noong 2020, kabilang ang Best International Feature-Length Documentary ng Festival Film Dokumenter sa Indonesia, Grand Prize-Best International Feature ng the RIDM Montreal International Documentary Festival sa Canada, Amnesty International Human Rights Award ng Thessaloniki International Film Festival sa Greece, at White Goose Award (Grand Prize) ng DMZ International Documentary Festival sa South Korea.

 

 

Si Teddy Co, ang dating NCCA Commissioner of the Arts at Head of National Committee on Cinema, ay isang direktor, curator, at archivist na malaki ang kontribusyon sa repatriation at restoration ng lost films nina Manuel Conde, Gerardo de Leon, at Nonoy Marcelo. Co-founder siya ng Cinema Rehiyon, kung saan patuloy ang kaniyang pag-curate nito. Siya rin ay selection committee member para sa Cinemalaya, Cinema One Originals, at QCinema International Film Festival.

 

 

At para sa ika-5 nitong edisyon, isasagawa ang FAN bilang pagsuporta sa National Arts Month ng NCCA. Ipalalabas ito nang libre sa pamamagitan ng online streaming sa Pebrero 28, Linggo, ng 8 p.m. exclusively sa FDCP Channel. Ang mga nais manood ng FAN 2021 ay maaaring mag-sign up for free sa fdcpchannel.ph.

 

 

Ang FAN ay suportado ng CCP sa pamamagitan ng partisipasyon ng resident symphony orchestra nito, ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO). Tampok ang PPO sa mga production number kasama ang mga premyadong performer na sina Bamboo, Tres Marias (Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon), Bituin Escalante, Beverly Salviejo, Karla Gutierrez, Lawrence Jatayna, at The Pogi Boys. Mayroon ding special number tampok sina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti, Richard Poon, Kean Cipriano, at Duncan Ramos.   (ROHN ROMULO)