• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2021

Ginang timbog sa sugal at shabu

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St. Brgy. Ugong nang maispatan ng mga ito ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.

 

 

Nang mapamansin ng grupo ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito sa magkakaibang direksyon habang nagawang maaresto ni PSSg Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas “She” ng No. 6180 Mercado St. Gen. T. De Leon.

 

 

Nakuha ni PSMS Loreto Gabol Jr. sa lugar ang tatlong piso coin na gamit bilang ‘pangara’ at P140 bet money habang narekober sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID at P100 bill.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office kontra sa suspek na aminadong dati na nakulong dahil sa illegal na droga.  (Richard Mesa)

Ads February 24, 2021

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

McGregor pinayuhang magpokus sa boxing

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinayuhan ng ilang eksperto si Ultimate Figh­ting Championship (UFC) superstar Conor McGregor na tigilan muna ang UFC kung nais nitong makuha ang inaasam na mega fight kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Mismong si boxing legend George Foreman na ang nagsabi na mas makabubuting ituon muna ni McGregor ang konsentrasyon nito sa boxing.

 

 

Magiging malaking tulong ito upang muling makuha ang amor ng mga boxing fans at mapaba­ngong muli ang kanyang pangalan.

 

 

Bahagyang nawalan ng interes ang mga tao kay McGregor matapos itong lumasap ng second round knockout loss kay Dustin Poirier sa kanilang bakbakan noong nakaraang buwan.

 

 

Si McGregor pa naman ang pinakamainit na pangalan na posibleng makaharap ni Pacquiao sa kanyang next fight.

 

 

Subalit naglaho ito dahil sa kabiguang tinamo ni McGregor sa kamay ni Poirier.

 

 

Mayroon namang bo­xing skills si McGregor.

 

 

Sa katunayan, naniniwala si Foreman na mas magandang gamitin niya ito sa boxing kumpara sa MMA.

Tigilan n’yo si Kai! — Kobe Paras

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumepensa si University of the Philippines (UP) standout Kobe Paras sa mga bashers ni Kai Sotto na bumalik na sa Amerika para makasama ang Ignite sa NBA G League.

 

 

Kaliwa’t kanan ang batikos sa kampo ni Sotto dahil sa umano’y maling mga desisyon nito patungkol sa basketball career ng 18-anyos na player.

 

 

Kaya naman sumaklolo si Paras sa kanyang kaibigan.

 

 

Isang mabibigat na salita ang inilatag ni Paras sa kanyang post sa social media upang depensahan si Sotto.

 

 

Ayon kay Paras, mas makabubuting suportahan na lamang si Sotto sa mga plano nito at maghintay na lamang ng tamang panahon sa bagong update sa kalagayan nito.

 

 

“I will not tolerate any Kai Sotto slander. Instead of talking bad about him and his handlers, why not wait for the final word? Why not just support him and his dreams no matter what?” ayon kay Paras.

 

 

Posibleng naka-relate si Paras sa kasalukuyang sitwasyon ni Sotto.

 

 

Matatandaang nagtu­ngo rin si Paras sa Amerika para subukan ang kanyang kapalaran doon.

 

 

Naglaro si Paras sa iba’t ibang koponan sa Amerika gaya ng Cathedral High School, UCLA, Creighton at Cal State Northridge.

 

 

Ngunit nagpasya ito na bumalik sa Pilipinas para maglaro suot ang Fighting Maroons jersey — ang parehong koponan na pinaglaruan ng kanyang amang si Benjie.

 

 

Kaya naman naglabas ng saloobin si Paras sa kasalukuyang pinagda­raanan ni Sotto.

 

 

Soplak ang mga ba­shers, ika nga.

 

 

“Most of y’all opinions don’t matter. My guy is 18! How foolish y’all look talking bad about a teen,” ani Paras.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa Amerika na si Sotto na posibleng sumasailalim sa quarantine protocols bago pumasok sa bubble ng G League sa Orlando, Florida.

 

 

Ngunit wala pang pormal na anunsiyo kung nasa loob na ito ng G League bubble.

 

 

Kaya’t marami ang naka­abang sa magiging kapalaran ni Sotto — kung makapaglalaro pa ito sa G League suot ang Ignite jersey o tuluyan nang maglalaho ang kanyang pag-asang masilayan sa aksyon sa naturang liga.

Taong 2022 target ng pagbubukas ng MRT 7

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Target ng conglomerate na San Miguel Corp. (SMC) na siyang nangagasiwa sa proyekto na buksan ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) sa katapusan ng taong 2022.

 

 

“Given the progress today and all the major milestones we’re expecting this year and the next, I think we’re confident we can achieve full, complete operations by December next year, with our first test run schedules for June next year,” wika ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang.

 

 

Ayon kay Ang ang proyekto ay may 54 percent ng kumpleto ang construction at engineering works.

 

 

Para naman sa 13.5 kilometers target na elevated section, mayron ng 6.2 kilometers na tapos na.

 

 

Ang at-grade na sections ay mayron ng 4.8 kilometers na kumpleto mula sa target nitong 6.9 kilometers habang ang 1.9 kilometers na tunnel portion ay mayron ng 1.5 kilometers na kumpleto na rin.

 

 

“Compared to our recently completed Skyway 3 project -which is one of the most difficult we’ve had to undertake because of changes to its alignment and the engineering solutions we’ve had to employ to mitigate right-of-way problems – the MRT 7 project is actually more complex,” dagdag ni Ang.

 

 

Ang MRT 7 ay ang 23-kilometer railway na may 13 stations na siyang magdudugtong sa San Jose Del Monte, Bulacan at North avenue sa Quezon City na makakabawas sa travel time mula Manila hanggang Bulacan. Inaasahang ang travel time ay magiging 34 minutes na lamang.

 

 

Ang MRT 7 ay babagtas mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan at dudugtong sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).

 

 

Pag naging operational ang MRT 7, ito ay inaasahang makapagsasakay mula 300,000 hanggang 850,000 na pasahero kada araw at mayron itong room capacity pa para sa expansion upang makapagsakay pa ito ng mas madami sa darating na panahon.

 

 

Ang MRT 7 ay ang P63 billion na proyekto na ginagawa ng SMC na makakabawas ng travel time mula sa Manila papuntang Bulacan.

 

 

Matatandaan na noong 2020 ay nagkaron ng problema ang pagtatayo ng MRT 7 dahil sa binigay na cease at desist order ng Lungsod Pamahalaan ng Quezon City dahil sa gagawing above-ground na mall na makakasira sa heritage park ng Quezon Memorial Circle.

 

 

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na inalis na nya ang cease at desist order na kanilang binigay noong Feb. 18, 2020 matapos na magbigay ang contractors ng isang revised na design ng Quezon Memorial Station kung saan inalis na ang paglalagay ng isang mall sa nasabing heritage site.

 

 

Ayon kay Belmonte ang bagong plano ay isang “win-win” solution sa pagitan ng San Miguel Corporation (SMC) at ng lungsod ng Quezon City. Sa bagong plano ay inalis na ang obstructed view ng pylon na isang national landmark na siyang nagsisilbing simbolo ng mga nagdaan dekada. (LASACMAR)

PDu30, mas pipiliin ang Sinopharm vaccine

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s Covid-19 vaccine.

 

“He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential pokesperson Harry Roque.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers.

 

Gayunpaman, hindi siya malalapatan ng Sinovac’s Covid-19 vaccine dahil hindi ito inirerekumenda sa mga senior citizens.

 

Ang Food and Drug Administration (FDA), na nagbigay ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay nagpahayag na ang nasabing bakuna ay maaari lamang ibigay sa mga clinically healthy individuals sa pagitan ng 18 hanggang 59 taong gulang.

 

Si Pangulong Duterte ay 75 taong gulang na ngayon.

 

Matatandaang may mga close-in security detail si Pangulong Duterte ang binakunahan ng Sinopharm vaccine noong nakaraang taon sa kabila ng kawalan nito ng emergency use authorization mula sa FDA, ang pag-amin ni Presidential Security Group commander Brig. Gen. Jesus Durante III.

 

Ang nasabing bakuna ay sinasabing donasyon lamang.

 

Sinabi ng Pangulo na wala siyang kamalayan na ang kanyang security detail ay nabakunahan na.

 

Nauna rito, mismong si Pangulong Duterte ang nagbunyag sa publiko na naturukan na ng Sinopharm vaccine ng China ang ilang miyembro ng PSG.

 

Nagpalabas naman ng compassionate use license ang FDA para sa 10,000 doses ng Sinopharm vaccine dahil na rin sa kahilingan ng PSG.

 

Ang Sinopharm ay pharmaceutical firm na pinatatakbo ng Chinese government. (Daris Jose)

NO VACCINE, NO MGCQ policy ni PDu30

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY na ng kanyang direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang gabinete na hindi niya isasailalim ang buong Pilipinas sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) maliban na lamang kung magsimula nang mag-rollout ang bakuna.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinikilala ng Chief Executive ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya at epekto nito sa kabuhayan ng mga Filipino.

 

Magkagayon pa man, mas binigyan ng Pangulo ng “higher premium” ang public health at kaligtasan.

 

Sa kabilang dako, nais ni Pangulong Duterte na magsimula na ang pagbabakuna “as soonest possible time” upang mapaluwag na ang community quarantine sa bansa.

 

Sa ulat, mas nakakaraming Metro Manila mayors ang pabor na sa pagsailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Marso.

 

Ito ang inihayag  ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na nagsabing sa ginanap na pulong kamakalawa, siyam sa mga NCR mayors ang bumoto sa MGCQ, habang walo naman ang pabor sa  General Community Qua­rantine (GCQ) .

 

Nabatid na sa  MGCQ at GCQ  tanging nasa edad 15 – 65 lamang ang pinapayagang lumabas ng bahay.

 

Ang resulta ng botohan ang isusumite  sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), na irerekomenda kay Pangulong  Rodrigo Duterte.

 

Sinabi ni Tiangco na ipinaliwanag ng mga  economic managers ang pagpapatupad ng  MGCQ  upang makabawi ang ekonomiya ng bansa dulot ng pandemya ng COVID-19.

 

Gayunman, tutol ang MM mayors sa panukala ng National Economic and Deve­lopment Authority (NEDA) na payagan na ang mga indibidwal na nagkakaedad ng mula lima hanggang 70-taong gulang na makalabas ng kani-kanilang mga tahanan.

 

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, walang nakikitang pangangailangan ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na payagan na ang mga taong nasa naturang age range na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan, dahil maaari aniyang maging ‘super spreaders’ sila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

“Sa kabuuan, ang mga mayor ayaw talagang ibaba sa limang taon hanggang 70 taong gulang dahil wala naman talagang nakikitang pangangailangan at baka maging super spreader pa ‘yung mga ganitong edad,” aniya. (Daris Jose)

NATUKOY NA UK VARIANT, GALING SA MIDDLE EAST

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA  ng Department of Health (DOH) na galing ng Middle East  ang 13  returning Overseas Filipino na kabilang sa 18 bagong natukoy na UK variant ng SARS-CoV-2.

 

Sa datos na ibinigay ng DOH, mula United Arab Emirates (UAE), Bahrain, at Saudi Arabia ang nasabing mga ROFs.

 

Ang 13 ROFs ay dumating sa bansa sa pagitan ng January 3 hanggang 27 kung saan kapwa sumailalim sa quarantine at gumaling na.

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng DOH ang naging quarantine ng mga ito at contact tracing.

 

Matatandaan na galing din ng UAE ang kauna-unahang kaso ng UK variant na natuklasan sa bansa.

 

Sa ngayon ay mayroon nang kabuuang 62 variant sa bansa ngunit hindi pa rin maikokonsidera ng DOH at mga eksperto na mayroon nang community quarantine sa bansa bagamat sa iba’t ibang rehiyon na naitala ang mga kaso.

 

Kabila sa mga kaso ng variant na natuklasan ay  22 kaso sa  Cordillera, 3 sa Davao region, 2 sa Calabarzon; at tig-iisa sa Central Visayas, Northern Mindanao, at National Capital Region.

 

Habang 30 ang mga ROFs, isa ang dumating na foreign national, at isa ang patuloy na bini-beripika ng kagawaran.

 

Mas pinalawak naman ang ginawang sequencing sa mga samples kung saan ipinag-utos ni Health Secretary Francisco Duque III ang lahat ng regional offices na magpadala ng positive samples na isasailalim sa whole genome sequencing. (GENE ADSUARA)

3 TIMBOG SA SHABU AT BARIL SA CALOOCAN

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., Alas-10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander PLT Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibidwal na nagsasagawa ng illegal drug

 

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang naturang grupo subalit, nang mapansin ang kanilang presensya ay mabilis na nagtakbuhan ang mga suspek.

 

 

Gayunaman, nagawang madakma ng mga pulis si Orlando Topacio, 40 ng Tondo Manila, at John Michael Cangas, 18 ng DM Compd. Brgy. 73 at nakuha sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.05 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,740 ang halaga.

 

 

Nauna rito, dakong 3:30 ng hapon nang ipatupad ng mga tauhan ng Caloocan Amparo Police Sub-Station sa pangunguna niu PCPT Jansen Ohrelle Tiglao ang search warrant No. SW- 203 na may petsang February 19, 2021 na inisyu ni Hon. Raymundo G Vallega Executive Judge ng Branch 139 Regional Trial Court Caloocan City para sa paglabag sa R. A 10591 sa Blk 18 Lot 8&9 Miramonte Park Subdivision Brgy. 180 na nagresulta sa pagkakaaresto kay George Adalem gonzales, 44.

 

 

Narekober sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala at 45 caliber pistol na may isang magazine at kargado ng limang bala. (Richard Mesa)

JOSHUA, may tsikang ini-stalk nina JULIA at GERALD ayon sa netizens

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN nga ang pagpayag ni Joshua Garcia na makasama ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Barreto sa music video ng ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre na hanggang ngayon ay #1 on Trending sa Youtube na meron nang 19.6 million views simula nang I-upload noong Febraury 14.

 

 

Isa nga sa dahilan ni Joshua ay kaibigan niya ang mag-asawang Moira at Jason Hernandez at isa itong project na mahirap tanggihan.

 

 

Kaya naman nang mag-guest si Moira sa ASAP Natin ‘To last Sunday, natanong si Joshua ng mga kasamahang hosts na sina Enchong Dee at Kim Chiu kung paano siya napapayag na I-feature sila ni Julia sa trending music video ni Moira.

 

 

“Simple lang ang sagot ko diyan, ‘yung friendship namin nila Moi, nila Kuya Jason and Julia. ‘Yun ‘yung isa sa nagpa-oo talaga sa akin, tugon ni Joshua.

 

 

Dagdag pa ng batang aktor, “Si Moi ‘yung nag-ask sa akin, eh. Sabi niya, ‘Okay ka ba to do this Paubaya?’      “Napakinggan ko yung kanta. Sabi ko, ‘Ang ganda nito ah. Parang saktong-sakto masyado sa amin.

 

 

Sa video, damang-dama ang pagso-sorry nila sa isa’t-isa, na sobrang nakaka-touch at masasabing tamang closure ‘yun sa pagtatapos ng kanilang relasyon at ngayon nga ay magkaibigan pa rin ang dalawa sa kabila ng mapait na nangyari.

 

 

Kasama rin sila ni Julia nina Moira at Jason sa nagsulat ng script, “May script siya, kami ‘yung gumawa, ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Kami yung gumawa apat, sabi pa niya.

 

 

Siyempre may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero ‘yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre, kung saan mo mararamdaman.

 

 

Samantala, pinag-uusapan naman ngayon ng netizens nang ma-screenshot nila na nanonood daw sina Julia at Gerald Anderson ng ‘dance clip’ ni Joshua sa JoshLia fan account, na ang dating sa iba ay parang ini-stalk nila ang aktor.

 

 

Sey ng netizens: “Ito pala ang hobby ng dalawa, sumilip sa mga fan accounts ng mga ex. Happy ba talaga sila parang sa mga actions nila parang hindi at may regrets. Nanahimik na si Joshua nagpaubaya na nga dati pa. Focus na sya sa career.”

 

 

“Pati si Joshua stalk na rin. Bored ba sila na kung ano na ang ginagawa. My gulay itong dalawa umamin na kayo para mag post na mag post ng pictures kesa puro stalk sa mga exes ng isa’t isa.”

 

 

“kung di si bea, si joshua naman inisstalk nitong si hulya.. kaya to najijinx eh.”

 

 

May nag-comment naman ng, ”Na kay Joshua ang huling halakhak. Ang galawan ng dalawa parang ewan. Wag muna mag girlfriend Joshua at malayo pa ang mararating mo. Hayaan mo ang dalawang yan at palubog na ang career kaya todo papansin.”

 

 

“Nagagwapuhan talaga ako kay Joshua! Mas appealing at gwapo sya keysa kay Ge.” (ROHN ROMULO)