• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 26th, 2021

PDu30, bibigyan ng hustisya ang 3 namatay sa fatal shoutout sa pagitan ng mga tauhan ng QCPD at PDEA sa QC

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring fatal shootout sa pagitan ng mga police officers at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinangako ng Pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang tatlong nasawing indibidwal.

 

“The President, of course, expressed both sadness and concern bakit nangyari nga ito na kapwa tao ng gobyerno ay nagkaputukan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang in-assure niya, gaya ng nangyari sa Sulu, ay we will get to the bottom of this incident, magkakaroon po ng partial investigation at justice will be done,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, tatlo ang namatay sa nangyaring “misencounter” sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng hapon.

 

Ito matapos na marekober ang isa pang bangkay na mula sa operatiba ng PDEA.

 

Nauna nang naiulat na dalawang pulis ang nasawi sa nasabing buy bust operation ng dalawang panig na nauwi sa engkwentro.

 

Samantala, inatasan na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa engkwentro.

 

Paglilinaw ni Guevarra, ang pag-iimbestiga ng NBI ay hiwalay sa pag-iimbestiga ng ad hoc joint PNP – PDEA Board of Inquiry.

 

Una nang nagkasundo ang PNP at PDEA na bumuo ng joint Board of Inquiry para imbestigahan ang pangyayari na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong pulis, dalawang PDEA agents at isang sibilyan.

 

Batay sa ulat ng QCPD – Batasan Police Station, nagsagawa ng anti-drug operation ang QCPD-Special Operations Unit sa lugar at una silang pinaputukan ng mga ahente ng PDEA.

 

Pero sinabi ni PDEA Spokesperson Dir. Derick Carreon na may operasyon din sa lugar ang mga tauhan ng kanilang Special Enforcement Service. (Daris Jose)

NBI, mag-iimbestiga na rin sa PDEA-PNP ‘misencounter’ – DoJ

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GAGAWA  na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyari umanong “misencounter” ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency sa Commonwealth, Quezon City kahapon.

 

 

Kasunod ito ng kautusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsagawa ng  “parallel investigation”  ang NBI na naganap na engkwentro na  nagresulta ng pagkamatay ng tatlong indibidwal kasama ang dalawang pulis at isang PDEA agent.

 

 

Layon umano ng imbestigasyon na matukoy  ang tunay na nangyari, lalo’t nagdulot ng kalituhan at mga katunungan ang engkwentro.

 

 

Nilinaw naman ng Kalihim na ang imbestigasyon ng NBI ay hiwalay pa sa pagsisiyasat na gagawin ng ad hoc joint PNP-PDEA Board of Inquiry, na naunang inanunsyo ni PNP Chief Debold Sinas.

 

 

Sa  pahayag ng PDEA, lehitimo ang operasyon ng kanilang mga ahente at katunayan ay may dokumento  ng koordinasyon na nagpapatunay na magsasagawa ng operasyon sa Commonwealth .

 

 

Sa panig naman ng mga pulis, ang QCPD-District Special Operations Unit ay mayroong buybust operations sa lugar ngunit mga taga-PDEA raw pala ang kanilang naka-transaksyon. (GENE ADSUARA)

SYLVIA, napagod at muntik nang sumuko dahil sa mga taong nanakit at nanglait; nawala ang pangamba dahil sa ‘Diyos’

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINOST ni Sylvia Sanchez sa kanyang FB page ang red carpet event na magagangap ngayong hapon na hatid ng Star Magic.

 

 

Post niya, “It’s a red carpet day with your favorite Kapamilya stars this Friday at 3 PM.

 

 

“Witness this new notch on their careers as Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, and Donny Pangilinan, together with Mr. Pure Energy Gary V, remain certified Kapamilyas.

 

 

“Watch the whole live event on Star Magic’s Facebook, Youtube, and Kumu accounts.

 

 

“Also availble on the following Facebook accounts: ABS-CBN, iWant TFC and TFC

#KapamilyaStrong.”

 

 

Kaya mananatiling Kapamilya sina Arjo, Maymay, Edward, Francine, Donny at Gary sa muli nilang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

 

 

Asahan ang kani-kanilang projects sa taong ito.

 

 

***

 

 

     NAKAKA-TOUCH naman ang ibinahaging karanasan ni Sylvia Sanchez para sa upcoming inspirational drama series ng Dreamscape Entertainment, ang Huwag Kang Mangamba na malapit nang matunghayan sa ABS-CBN channels at A2Z Channel, gamit ang hashtag na #HindiKaNagiisa

 

 

Inamin ng premyadong aktres na may pinagdaanan siya na hindi ginusto pero kailangan dahil gustong mabuhay ang pamilya niya at mag-isa lang niyang hinarap ang mga dumating na problema.

 

 

Sabi pa ni Sylvia, “nakakapagod, kahit na gaano ka ka-strong na tao, pag puro negative, pag puro panlalait, magiging weak ka talaga. Susuko ka.”

 

 

Pero naramdaman niya na hindi pala siya nag-iisa.

 

 

Dahil sa Diyos yung lahat ng sama ng loob ko sa lahat ng taong nanakit sa akin, nawala lahat. Bigla nalang ako nagising na may Diyos pala,” madamdamin pang pahayag ni Sylvia na tiyak na manggugulat na naman sa kanyang role na gagampanan sa Huwag Kang Mangamba. (ROHN ROMULO)  

‘No Way Home’, Official Title of the Newest ‘Spider-Man’ Live-Action Film

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FEW days ago, Marvel fans still don’t have much information on the upcoming Spider-Man 3 film.

 

 

Luckily, Tom Holland, Zendaya, and Jacob Batalon are giving fans their first look at the upcoming Marvel film.

 

 

The 24-year-old actor shared a still from the movie on Instagram Tuesday while joking about the title for the film.

 

 

“So excited to announce the new Spider-Man title. Can’t wait for you lot to see what we have been up to. Love from Atlanta,” Holland wrote, while also sharing another slide in the post with the title, “Spider-Man: Phone Home.”

 

 

To this, Batalon, 24, who plays Ned Leeds, commented, saying, “Woah woah.. wait.. why is your different?!?????” He then uploaded a different photo on his own page, along with a new title card that read “Spider-Man: Home-Wrecker.”

 

 

In his caption, he said, “We’re so excited to share the TITLE of our new movie!! Swipe right for the big reveal!!????????????also enjoy this exclusive still from the movie, just an extra gift from us????”

 

 

Zendaya, also 24, shared a new photo as well, writing in the caption on Instagram, “So excited to announce the new Spider-Man title. So proud of this one…FOS is back!”

 

 

The actress’s suggestion read, “Spider-Man: Home Slice.” Holland jokingly commented, “Right… I have had enough of this! I’m calling Jon,” referring to the film’s director Jon Watts.

 

 

Yesterday, Columbia Pictures has just revealed the official title of the newest Spider-Man live-action film: Spider-Man: No Way Home, coming to Philippine cinemas soon.

 

 

Watch the announcement trailer below:

YouTube: https://youtu.be/RM0gcUEHLYE

 

 

Spider-Man: No Way Home will indeed feature Benedict Cumberbatch as Doctor StrangeSpider-Man 2 actor Alfred Molina as Doctor Octopus, and TASM 2’s Jamie Foxx as Electro, along with other returning cast members Tony Revolori and Marisa Tomei.

 

 

Spider-Man: No Way Home will be distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with #SpiderManNoWayHome and tag columbiapicph (ROHN ROMULO)

 

ALBERT, balik-GMA na ngayon na dati niyang tahanan after ten years

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER ten years, bumabalik ngayon si Albert Martinez sa dati niyang tahanan, ang GMA Network. 

 

 

Isang GMA Afternoon Prime series ang pagbibidahan niya, titled Las Hermanas, at last Tuesday, February 23, ginanap na ang zoom meeting niya with the creative and production teams ng series, headed by Creative Director Aloy Adlawan.

 

 

Na-quote nga si Albert na, “I am excited about this project, and I want to tape it the soonest.”

 

 

Sa ngayon, si Albert pa lamang ang ni-reveal ng production na gaganap sa serye, at tiyak na ipagtatanong na kung sino ang bubuo sa cast. May isa pang gagawing project si Albert sa GMA, pero, inihahanda pa lamang ito, kaya mauuna ang Las Hermanas.

 

 

Meanwhile, naging masaya pala ang Christmas ni Albert dahil kasama niya sa bahay niya ang kanyang Papang at isa-isa ring dumating ang mga anak niya.

 

 

Si Alissa ay nagsilang ng panganay niya at doon tumuloy kay Albert, nagsilang din si Miki, wife ni Alfonso at dumiretso rin from the hospital kay Albert.

 

 

Para raw naging nursery ang bahay ni Albert na madaling ipina-renovate ang mga rooms para sa mga apo. Sinurpresa din sila ni Alyanna na dumating from Los Angeles, with her husband ang child.

 

 

Kaya masayang-masaya si Albert na hindi lamang mga anak niya kundi kasama rin ang tatlo niyang apo during the holidays. Na-miss nila si Liezl na pangarap pa naman noong nabubuhay pa, na magkaroon na sila ng apo ni Albert.

 

 

Ngayong nakaalis na ang mga anak at apo ni Albert, magiging busy naman siya sa pagsisimula ng lock-in taping nila ng Las Hermanas.

 

 

Welcome back to GMA, Albert!

 

 

***

 

ISANG commendation ang ibinigay ni GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon sa buong cast, creative team at production crew of the internationally-acclaimed primetime series Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).

 

 

“It is my great pleasure to commend the creative/technical and production teams and artists of “Descendants of the Sun,” the first and only Philippine television production to have earned the distinction of “Most Popular Foreign Drama of the Year” at the Seoul International Drama Awards and the first GMA program to meet the international standards of the streaming platform Netflix.

 

 

     “The GMA Management recognizes your hard work and dedication, overcoming challenges and difficulties set before you especially during this time of the pandemic, to ensure that the production of “Descendants of the Sun” was consistently world-class and something that we could all be proud of.

 

 

     “On behalf of GMA Network, Inc. please accept my heartfelt congratulations to all of you for a job well-done. Your passion for excellence truly reflects our commitment  to provide only the best entertainment programs for our audience worldwide and across media platforms.”

 

 

***

 

ABA, very busy ngayon si Director Mark Reyes.

 

 

Bago gawin ang lock-in taping niya ng Voltes V: Legacy, tumanggap pa siya ng isang episode ng mini-series ng I Can See You na season 2 offering na ng GMA Network pagkatapos ng unang four-mini series na ngayon ay ipinalalabas na sa Netflix.

 

 

First episode ng mini-series ay “On My Way To You” na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, kasama si Malou de Guzman. (NORA CALDERON)

Wanted sa kasong rape sa Masbate, natimbog sa Malabon

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasakote ng mga operatiba ng Malabon police ang isang most wanted person sa probinsya ng Masbate dahil sa kasong four counts of rape sa isang follow-up operation sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni Malabon polioce chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Geraldo Magbanwa, Jr., 21, factory worker at residente Barangay Ubo, Balod Masbate city.

 

 

Si Magbanwa ay naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Malabon Police Sub Station-5 at Warrant and Subpoena Section dakong 10 ng umaga sa Blk 13 Lot 5 Paros St. Brgy. Longos, ng lungsod sa bisa ng arrest warrant para sa kasong four counts of rape na inisyu ni Masbate City Regional Trial Court (RTC) Judge Ave Zurbito-Alba of Branch 48 Family Court.

 

 

Ayon kina SS5 chief P/Maj. Venchito Cerillo at Warrant and Subpoena Section head P/Capt. Ferdinand Espiritu, si Magbanwa ay listed No. 9 sa top 10 Most Wanted Person sa probinsya ng Masbate.

 

 

Sa panayam, itinanggi ng suspek ang akusasyon sa kanya at sinabi nito na siya at ang biktima na edad 16-anyos nung nangyari umano ang panggagahasa noong 2019 ay magkasintahan.

 

 

Nagpasya umano siyang tumakas mula sa kanilang probinsya at nanirahan sa Brgy. Longos, Malabon matapos magsampa ng reklamo laban sa kanya ang mga magulang ng kanyang girlfriend na tutol umano sa kanilang relasyon sa pamamagitan umano ng pagpuwersa sa kanyang kasintahan na sumailalim sa medical examination. (Richard Mesa)

KYLIE, nag-post na ng picture ni ALJUR kasama ang dalawang anak para matigil na ang isyu ng hiwalayan

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOST na si Kylie Padilla ng picture ng mister niya na si Aljur Abrenica at dalawa nilang anak, para siguro matigil na ang isyu na hiwalay na o may pinagdadaanan silang mag-asawa.

 

 

Naka-off ang comment sa Instagram post na yun ni Kylie. So, obviously, ayaw nitong mag-entertain ng ano mang tanong, reaction o negativities.

 

 

Pero, ang daming avenue ng mga netizens para mailabas ang mga comment nila katulad sa ibang vlog.

 

 

May mga natuwa naman na feeling assured na okay pa rin ang dalawa at sey nila, “yehey, bati na.”

 

 

Pero, meron din na mga nagsasabi na, “Do not wash your dirty linens in public. Tapos, magbabati rin pala.”

 

 

     “Umarte lang si girl.”

 

 

“Always keep your private affair, private.”

 

 

     “Umatake lang ang hormones ni Girl.”

 

 

     Naku, mukhang marami pa rin yata ang hindi sanay o kilala si Kylie pagdating sa socmed. In fairness to her, wala naman siyang ni-reveal o in-emote na isyu nilang mag-asawa, ang netizens lang talaga ang mga nag-assume.

 

 

***

 

 

KAHIT tapos na at wala na sa ere ang Philippine adaptation na Korean drama na Descendants of the Sun, patuloy pa rin itong nakatatanggap ng mga rekognisyon.

 

 

Binigyan ng commendation ni Attorney Felipe L. Gozon ang DOTS ang cast, creative, technical at production ng DOTS.

 

 

Nakasaad sa commendation letter ni FLG na, “It is my great pleasure to commend the creative/technical and production teams and atists of “Descendants of the Sun” the first and only Philippine production to have earned the distinction of “Most Popular Foreign Drama of the Year” at the Seoul International Drama Awards and the first GMA program to meet the international standards of the streaming platform Netflix.

 

 

    “The GMA Management recognizes your hard work and dedication, overcoming challenges and difficulties set before you especially during this time of the pandemic, to ensure that the production of “Descendants of the Sun” was consistently world-class and something that we could all be proud of.

 

 

    “On behalf of GMA Network, Inc., please accept my heartfelt congratulations to all of you for a job well-done. Your passion for excellence truly reflects our commitment to provide only the best entertainment program for our audience worldwide and across media platform.”

 

 

***

 

 

SI Janno Gibbs ba ay misinterpreted lang talaga or may something or biktima?

 

Ilang beses na nga ba na nasasangkot ito sa ilang isyu sa pagitan ng co-star niya o sa production. This time, si Kitkat naman na co-host niya sa Happy Time ng Net 25.

 

 

Diumano’y minura ito ni Janno at iba pa. Nag-post ng sunod-sunod si Kitkat at tila nagka-ayos naman sila nang mag-sorry rin si Janno. Pero claim ng huli, may post na naman daw kahit na okay na sila.

 

 

Kaya ang Janno, nag-post na rin at sey niya, “Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBaBash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi na po ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nag-umpisa ng lahat. I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. 

 

 

Pinag-ayos na po kami kanina. Akala ko ko ay ayos na. Tinanggap ko na po kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi nag-post na naman siya. Pinapalabas na wala siyang kasalanan.     “Hindi ko na po kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nakatatanggap din ng batikos sa mga tao.

 

 

Oras na para malaman ng tao ang buong katotohanan.”

 

 

Suportado si Janno ng misis niya na si Bing Loyzaga at gayundin ng mga anak.

 

 

Mga symbol ng palakpak ang comment ni Bing sa post ni Janno na nireplayan naman ng huli ng mga heart emoji.

 

 

Comment naman ng anak niya na sa Gabby Gibbs, “Gusto ko yung post ng post kahit hindi naman talaga siya pinapansin ng mga tao. PUSH pa!!! ALSO SIDE NOTE that’s what people do when they NEEEEEEED attention. Sad but there are really people that go the extra mile.”

 

 

Para naman sa ibang netizens, “mga nagpapansin” daw ang mga ito at “nag-iingay” dahil kulang daw sa pansin ang show nila, huh! (ROSE GARCIA)

Protocols, ‘di nasunod ng mga pulis sa drug war ops sa Phl – DoJ

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aminado si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi raw nasunod ng ilang pulis ang operations sa kanilang isinasagawang drug operations kaugnay pa rin ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

 

 

Sa report ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC), marami umong “nanlaban” cases ay hindi dumaan sa full examination ang mga narekober na armas at walang verification kung sino ang nagmamay-ari nito.

 

 

Wala rin umanong request para sa ballistic examination o paraffin test hanggang sa ito ay makumpleto.

 

 

Kung maalala Hunyo noong nakaraang taon nang ihayag ni Guevarra sa UNHRC sa isinagawang ika-44 session sa Geneva, Switzerland kaugnany ng pagbuo ng Department of Justice (DoJ) ng inter-agency panel magsasagawa ng review sa 5,600 police anti-drug operations mula noong 2016.

 

 

“Our initial and preliminary findings confirm that in many of these cases, law enforcement agents asserted that the subject of the anti- drug operations resisted arrest or attempted to draw a weapon and fight back. Yet no full examination of the weapon recovered was conducted, no verification of its ownership undertaken, and no request for ballistic examination or paraffin test was pursued until its completion. It was also noted, among others, that in more than half of the records reviewed, the law enforcement agents involved failed to follow standard protocols pertaining to coordination with other agencies and processing of the crime scene. It is now the immediate task of the review panel to ensure that these recommendations have been acted upon and carried out by the proper disciplinary authorities, and that measures are adopted to avoid loss of lives during legitimate law enforcement operations against illegal drugs,” ani Guevarra.

 

 

Sinabi ni Guevarra sa ika-46 UNHRC session na ang contingent mula sa DoJ ay na-examine na ang mga available records sa ilang key areas at cities kung saan nanggaling ang mga namatay habang isinasagawa ang illegal drug operations.

 

 

Kasama sa areas ang Bulacan, kabilang ang City San Jose del Monte; Cavite, kasama ang Bacoor City at bahagi ng National Capital Region. (Daris Jose)

PANAWAGAN sa KONGRESO at kay PANGULONG DUTERTE: IBASURA ang PLANO na MANDATORY CONSOLIDATION of FRANCHISE at REBISAHIN ang MULTA at PARUSA sa ILALIM ng JAO 2014-01.

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang polisiya ang mariing tinututulan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na sa aming pag-aaral ay maglalagay sa agrabyado sa transport sector at mga pasahero. Tutol ang LCSP sa sapilitang pag-consolidate ng mga prangkisa sa iisang corporation o cooperatiba at mawala na ang mga single franchise holders na pinaghirapan makuha at inalagaan para sa kabuhayan ng mga franchise holders.

 

 

 

Bagama’t ang prangkisa ay isang pribilehiyo na ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang tao na may negosyong pampubliko tulad ng transport, hindi naman maaring bawiin ito sa kanila ng walang sapat na dahilan.

 

 

Halimbawa ang prangkisa ng jeepney operator na nasa pangalan na niya sa mahabang panahon ay dapat na pumaloob sa isang cooperatiba o corporation kasama ang ibang operators at ang franchise ay magiging sa pangalan ng corporation o cooperatiba at hindi na sa kanya.  Ito daw ang solusyon para hindi mag-agawan ng pasahero sa lansangan?! Abay ‘di ba ang mga bus ay nasa pangalan ng corporation pero bakit nag-aagawan pa rin ang pasahero?

 

 

At sa totoo lang hindi nag-aagawan ng pasahero ang mga driver, mas malimit na ang mga pasahero ang nag-aagawan para makasakay! Mas malaki rin ang financial requirement pag i-corporation o cooperatiba.

 

 

Ang sa LCSP naman ay huwag na gawing mandatory ang consolidation. Labag ito sa prinsipyo na voluntary lang ang pagsali sa cooperatiba. Ngayon iko-konekta natin ang plano ng mandatory consolidation sa parusa ng JAO!

 

 

Dahil sa ang prangkisa ay nasa pangalan ng coop o corporation at halimbawa ay nag out-of-line ang isang myembro nito ay madadamay sa pag blacklist ang ibang units na hindi naman kasama sa violation at maaring hindi na sila makapamasada dahil revoke ang buong prangkisa ayon sa JAO!

 

 

At ano epekto sa pasahero? Mababawasan ang lehitimong pumapasada at mahihirapan sila makasakay.  At ano ang gagawin ng mga operator at driver para hindi mawalan ng hanapbuhay? Mangonngolorum ang mga ito? Sa Senado ay may resolution si Sen. Grace Poe – P S. RES. 910 na may titulong DIRECTING THE SENATE COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES TO CONDUCT AN INQUIRY, IN AID OF LEGISLATION, ON THE REPORTS BY PUV DRIVERS AND OPERATORS IN VARIOUS PROVINCES OF THE COUNTRY THAT THE PENALTIES UNDER DOTR LTFRB LTO JAO 2014-01 ARE UNJUSTLY HARSH AND SEVERELY IN EXCESS OF THOSE PROVIDED UNDER RA 4136 OTHERWISE KNOWN AS LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE.

 

 

Ang panawagan ng LCSP – muling buhayin ito at mapagusapan na rin ang sapilitang consolidation ng mga prangkisa. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Kompetisyon ni Yulo ‘di na tuloy dahil sa COVID

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NABULILYASO ang inaasam na international exposure ni Tokyo Olympics-bound at Team Philippines gold medal holpeful, world GYMNASTICS men’s floor exercise champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo nang ihayag ng International Gymnastics Federation (FIG) ang kanselasyon ng four-leg 2021 Artistic Gymnastics All-Around World Cup Series.

 

 

“It is with regret that the FIG announces the cancellation of the All-Around World Cup Series in Artistic Gymnastics, which was part of the Olympic qualification system for Tokyo 2020,” pagbubunyag ng FIG  nitong Huwebes.

 

 

Orihinal na gaganapin ang series sa Milwaukee (USA), Stuttgart (Germany), Birmingham (Britain) at Tokyo (Japan) sana sa darating na Marso-Abril 2020 bago ni-reset dahil sa pandemic saka ang tuluyang kanselasyon.

 

 

Hindi lang ang binatang tubong Ermita, Maynila ang nalungkot kundi pati ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Cynthia Carrion.  (REC)