• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 5th, 2021

PDU30, nag-aalala para sa kanyang gabinete

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LABIS na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

Ito ang dahilan kaya’t agad na nagtanong ang Pangulo sa ginawang Cabinet meeting kagabi kung kailan mababakunahan ang mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na na kailangang idulog ang tanong ng Punong Ehekutibo sa National Immunization Technical Advisory Group o NITAG.

 

Aniya, sa kaso nila ay mayroon naman talaga silang exposure lalot nag- iikot- ikot sila ngayong umaarangkada na ang inoculation sa ibat- ibang mga lugar.

 

Sinabi pa ni CabSec Nograles na dito aniiya nag- aalala ang Presidente kaya’t nag- usisa na ito kung may naka- schedule na bang bakuna sa mga miyembro ng gabinete.

 

“Work in progress” na ayon kay CabSec Nograles ang usapin na ang desisyon ay nasa hurisdiksiyon ng NITAG. (Daris Jose)

NAGTAPON NG GRANADA, INIIMBESTIGAHAN NG MPD

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) kung sino ang nasa likod ng pagtatapon ng isang puting paper bag na may lamang granada at anim (6) na bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa Moriones Lunes ng hapon.

 

 

Isa umanong hindi nakilalang indibidwal ang nagtapon nito sa gitna ng kalsada kaya naman inaalam na rin ng MPD-Station 2 ang mga CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang responsable sa insidente.

 

 

Sa ulat ng MPD-PS 2 sa pamumuno ni  P/Lt.Col Magno Galora Jr, isang concerned citizen ang lumapit sa mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit o TMRU na umiikot sa lugar at ipinagbigay alam ang nakitang puting paper bag na may lamang granada at mga bala sa island ng kahabaan ng Moriones, Tondo.

 

 

 

Agad naman itong binirepika at kinordon ang lugar kung saan positibo ang impormasyon at narekober nga ang nasabing pampasabog at bala. (GENE ADSUARA)

Isang milyong order na Sinovac ng gobyerno, parating na din ngayong buwan – Malakanyang

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna pa ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno.

 

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuluy tuloy nang pagdating ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.

 

Aniya, sa unang naging plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong nakalipas na Pebrero at 950,000 naman ngayong Marso.

 

“Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February, talagang magdi-deliver sila ng 50,000 at pagdating po ng Marso magdi-deliver sila ng 950,” anito

 

Maliban aniya ito sa 600,000 na Sinovac na donated ng pamahalaang China na ginagamit na sa kasalukuyan sa mga health workers.

 

Sinabi nito, mamaya ay paparating naman ang 4787, 200 doses ng mga bakuna na Astrazeneca galing ng COVAX Facility habang pagdating ng Abril ay dito na sisipa ang pagbuhos ng bakuna na nabili ng gobyerno.

 

” Opo, iyong COVAX Facility ay inaasahan po natin na mayroon pa tayong 500,000 plus so sigurado po iyan darating ng Marso. So sa tingin ko po hindi na maaantala ito at pagdating po ng Abril eh diyan naman po sisipa iyong marami rin nating nabili rin ‘no. At kaya nga po kampante po ang gobyerno na tuluy-tuloy na po ito at sa lalong mabilis na panahon sana matapos po natin ang mga health workers, 3.4 million po iyan. Pagkatapos po sana ay mayroon na tayong makuha para sa mga seniors dahil iyon na po ang ating susunod na target ng ating vaccination,” lahad nito.

“No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan sa publiko na‘wag nang magpatumpik tumpik pa o mag-alinlangan sa mga bakuna dahil hindi naman ito ibibigay kung hindi napatunayang ligtas at epektibo.

 

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Cabsec Nograles na tumataas na ang kumpyansa ng publiko sa bakuna.

 

Maliban  sa mga medical health workers tulad ng mga nurse at doktor maging ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang naunang mabakunahan ay wala namang major adverse effect ang naitala.

 

Samantala, umaapela si CabSec Nograles sa publiko na sa oras na dumating na ang kanilang panahon para magpabakuna ay buong puso nila itong tanggapin upang magkaroon ng proteksyon mula sa Covid-19. (Daris Jose)

Nograles, anti-hunger partners, naghatid ng tulong-pagkain sa Marawi

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Si Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasama ang mga private sector partners mula sa Pilipinas Kontra Gutom at Rise Against Hunger, ay namahagi ng mga libreng food packs sa mga residente ng Marawi City at Lanao del Sur noong Martes, Marso 2, 2021 bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Duterte sa buong bansa na labanan ang kagutuman at tapusin ang kahirapan at child malnutrition.

 

Ang Lanao del Sur ay kabilang sa 32 priority provinces na napapabilang sa Zero Hunger Task Force na pinamumunuan ni Nograles.

 

Ang Pilipinas Kontra Gutom (PKG) at Rise Against Hunger (RAH) ay parehong binubuo ng mga indibidwal at samahan mula sa pribadong sektor. Kanilang ibinubuhos ang buong suporta sa kampanya ng gobyerno na magbigay ng masustansyang pagkain at kaugnay na tulong sa mga nangangailangang pamilya sa buong bansa.

 

Mahigit 3,000 mga indibidwal ang nakatanggap ng free hot meals mula sa Ronald McDonald House Charities (RMHC). At meron pang 300 katao na tumanggap ng food packages sa Rise Against Hunger.

 

“Pinalala ng Covid-19 ang pangangailangang matugunan ang kagutuman at kahirapan, kaya’t umiiral ang ating national food caravan upang malunasan ang sitwasyon sa pamamagitan ng malapit na pakikipagkatuwang sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor,” pahayag ni Nograles.

 

Ang initial batch ng 2,100 food packages ay itinurn-over kay Marawi City Mayor Majul Gandamra, Chief-of-Staff Mic Gandamra-Taib, City Administrator Sultan Camid Gandamra, Sr., city government officials at staff.

 

Ang Malacañang official ay nagtungo rin sa Lanao del Sur Provincial Capitol at nagbigay ng 1,065 hot meals at 300 food packs kay Gobernador Mamintal Adiong, Jr., Deputy Speaker Zia Alonto Adiong, provincial government officials at capitol employees.

 

Naging katuwang ni Nograles sa pagbisita sina Marie Angeles, RMHC Executive Director; Fe Gerona, Managing Director, World Wide Gourmet. Inc.; Ronald Atanacio, McDonald’s Public Affairs Manager; Elmer Delen, RMHC Programs Assistant at Jomar Fleras, RAH Executive Director.

 

Ang libreng hot meals, na naglalaman ng crispy chicken fillet, rice at bottled water, ay inihanda ng McDonald’s Kindness Kitchen at naging posible sa pamamagitan ng pagtutlungan ng RMHC, Metrobank, Coca-Cola Philippines, Dole Philippines, San Miguel Corporation at McDonald’s Philippines.

 

“Mag-iikot kami sa bansa kasama ang PKG at RAH hindi lamang upang magdala ng pagkain at pag-asa sa mga lokal na residente. Pinapatatag din namin ang ating network of cooperation sa mga LGUs at naiugnay ang mga ito sa pribadong sektor upang malabanan natin ang kagutuman, lalo na ang pagsaalang-alang sa ating mga anak. Kailangan natin magtulungan. This advocacy is gaining momentum momentum at hindi kami titigil hanggang sa makagawa tayo ng positibong pagkakaiba sa buhay ng ating mga kababayan, ” diin ng dating mambabatas ng Davao. (Daris Jose)

Pixar SparkShorts Films ‘Float’ and ‘Wind’, Streaming on YouTube for a Limited Time

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PIXAR has released two Pixar SparkShorts films — Float and Wind — on YouTube, making them widely available to more people around the world.

 

 

Both films come from Asian filmmakers and feature the story of Asian characters.

 

 

Float is a 7-minute film by Filipino-American director Bobby Alcid Rubio. It tells the story of a father who discovers his son’s ability to levitate. Scared of what their neighbors might say about his son, he attempts to hide him from the outside world.

 

 

The film was first released in November 2019 through Disney+ which is not yet available in Southeast Asia, making this the first time many Filipinos around the world have had a chance to watch the film.

 

 

In an interview after the film’s initial release, Rubio explained that the film took inspiration from his own journey of raising his son Alex, who is on the autism spectrum.

 

 

The short film Float, which was made available on YouTube last Feb. 27 has already more than six million views.

 

 

Check out the inspiring short film below: https://www.youtube.com/watch?v=1HAGuju_yKY&t=249s

 

 

Wind is a film from Edwin Wooyoung Chang. It’s about a young Korean boy and his grandmother who try to find their way out of a chasm.

 

 

Chang explained in a 2019- interview that the 9-minute film is inspired by his grandmother. According to him, she was a single mother who took care of her kids and sent them to the U.S. for them to live a new life.

 

 

Wind got the spot of #41 Trending this week and has almost two million views since it was made available on YouTube last Saturday (Feb. 27).

 

 

Watch the full heart-warming short film below:

https://www.youtube.com/watch?v=EpaLbYFVfbQ

The release of the two short films is Pixar’s way of showing solidarity with the Asian and Pacific Islander Communities. This is in light of the recent increase of hate crimes against Asians and Asian-Americans in the US recently.

 

 

According to Pixar, the decision to make the two films widely available is “in celebration of what stories that feature Asian characters can do to promote inclusion everywhere.”

 

 

Float and Wind are available for streaming on YouTube for a limited time only. (ROHN ROMULO)

Komite sa adverse effect ng umaarangkada ng pagbabakuna, nakahanda na

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PREPARADO na ang deployment plan ng National Adverse Event Committee na siyang tatanggap ng mga ulat na may kinalaman sa adverse effect na mararanasan ng isang nakatanggap na ng bakuna.

 

Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive director of Philippine Foundation for Vaccination nakahanda na ang komite sa pagtanggap at pagkuha ng impormasyon hinggil sa kung anumang maiuulat na adverse event.

 

Mahalaga ani Dr. Bravo na makita at mai-report ang anumang side effect gayung makakatulong ito sa harap ng pagsisikap ng gobyerno para maging maganda ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

 

Mula  sa sinasabing adverse event ay kanilang titingnan kung konektado
talaga sa vaccine o sa kuwalidad ng bakuna ang maiulat na kaso ng side effect.

 

Hindi naman daw kasi ani Bravo ibig sabihin na nagkaroon ng lagnat ay galing na sa bakuna habang may kinalaman din aniya ang pag – aadminister ng pagbabakuna ng isang vaccinator.

 

“Ako sa news, naghihintay kami, hindi pa tapos. Wala pa kaming meeting tungkol sa mayroon mang nag-adverse event yesterday. All I can see is the news na mukhang hindi nagkaroon ng magandang kundisyon – sa Veterans ba iyon yesterday? That’s all I know. But what I am eager to share with our people is the fact that adverse events are being looked into. The National Adverse Event Committee is ready now, I think, to be able to give the deployment plan.In fact, if I could share my screen there is a deployment plan here that we have and this is the one I’d like to share with you,” anito.

 

“Ito ba nakikita ninyo? Ito lang naman ang gusto kong ipakita sa inyo na deployment plan natin sa national AEFI that all the vaccinees will be able to have a reporting of any adverse event, and then makikita po na in place na iyan at ang ating mga komite—actually, I’m so proud of my committee, talagang binubuska nila kung ano ang dapat tingnan kung talagang mayroon bang mangyayari na related to the vaccine. Kasi importante iyan eh na makita natin at mai-report natin para maganda ang kumpiyansa ng ating mga kababayan.

 

 

Kapag mayroon adverse event titingnan natin kung mayroon talagang related to the vaccine or is it related doon sa quality noong vaccine kasi importante rin iyan na makita natin. Hindi naman porke’t nagkaroon ka ng fever eh eksakto galing lang iyan sa vaccine. It can be medyo mali iyong ginawang manufacturing kaya’t tsini-check iyan.”

 

“Tapos iyong mga nagbabakuna, dapat maingat din, hindi sila magkakaroon bulilyaso doon sa pag-iineksiyon, dapat ano din sila, trained hindi ba. And then iyong nakita ko kahapon sometimes mayroong nahihimatay or nagpi-faint hindi dahil sa bakuna, pero dahil sa anxious sila or natakot sila, iyon ang tinatawag nating immunization anxiety related reaction,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

ALDEN at BEA, naghahanda na kung paano gagampanan ang challenging role; lock-in shooting malapit nang simulan

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GINAWA na ang contract signing nina Alden Richards at Bea Alonzo with the three producers na magpu-produce ng inaabangan nang first movie team-up nila, ang A Moment To Remember (Philippine adaptation) ng Korean movie. 

 

 

Present sina Vincent del Rosario ng Viva Films, Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures at Mike Tuviera ng APT Entertainment.

 

 

Ang A Moment To Remember ay tungkol sa journey of a young couple na mati-test ang kanilang pagsasama nang ma-diagnose ang wife ng early onset ng Alzheimer’s disease.

 

 

Ang lalaki ay isang construction foreman at kung paano nila kakayanin at pagtatagumpayan ang kanilang relasyon na may kasamang pain, fear, denial at acceptance.

 

 

Sa ngayon ay parehong naghahanda na sina Alden at Bea kung paano nila gagampanan ang character ng bawat isa. Nagkaroon na rin ng workshop si Alden kay Nonie Buencamino para sa kanyang role na gagampanan.

 

 

Ready na rin si Bea sa role na ngayon daw lamang niya gagampanan. Pareho nang nabasa nina Alden at Bea ang script na sinulat ni Mel del Rosario at ididirek ni Nuel Naval, the same director na nagbigay sa atin ng Philippine adaptation din ng Korean drama na Miracle in Cell No. 7 na produced din ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2019.

 

 

Inaayos na ng mga producers ang pagsisimula ng kanilang lock-in shoot na sabi’y dito lamang somewhere in Metro Manila.

 

 

***

 

 

VERY soon, expecting na for a baby girl ang engaged couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert. 

 

 

Last Sunday, in-upload nina Sophie at Vin ang vlog nila, na ang highlights ay ang two-gender reveal parties na ginanap sa kani-kanilang family.

 

 

Sa huling part ng eight-minute video ay nagpakita na sina Sophie at Vin have been blessed with a daughter.

 

 

Last month lang nang mag-announce sina Sophie at Vin na they are expecting their first child, kinabukasan lamang pagkatapos nilang ipinakita ang kanilang engagement.

 

 

Naging boyfriend-girlfriend sina Sophie at Vin for eight years na. Pinaghandaan muna nila ang kanilang bahay at ang paglipat nila roon bago sunud-sunod na ginawa nila ang mga announcements ng kanilang relasyon, with pre-nuptial pictorials.

 

 

***

 

 

MAY isa palang Hollywood-produced action film na nagawa si Kapuso actress Heart Evangelista sa China in 2019, pero hindi natuloy ang planong premiere showing nito in Hollywood, China and Hong Kong pagkatapos ng filming, dahil sa pandemic.

 

 

Hindi pa raw alam ni Heart kung ano ang susunod na plano ng producer ng movie, pero excited na siya kung itutuloy pa rin ang nauna nilang plano.

 

 

Bukod sa said event na hinihintay ni Heart, may isa pa raw siyang project na gagawin sa US this year: “I will be travelling to New York City this August to shoot for something, which will be in Times Square.”

 

 

Ayaw munang sabihin ni Heart ang said project na gagawin niya.

 

 

Soon ay magsisimula na sila ng bagong Kapuso actor na si Richard Yap, ng GMA weekly series nilang I Left My Heart in Sorsogon. (NORA V. CALDERON)

MAINE, Walang kaalam-alam sa naganap na zoom party; ARJO, nag-post ng short but sweet birthday message

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALA talagang kaalam-alam ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa in-organize na surprise Zoom party ng kanyang talent management na All Access to Artist (Triple A).

 

 

Na kung saan dumalo ang mga taong malapit sa kanya (pamilya at kaibigan), kabilang ang kanyang loyals fans para maagang I-celebrate ang 26th birthday ilang araw bago mag-March 3.

 

 

Sa post ni Maine sa kanyang Twitter account, ipinakita niya ang naganap na zoom party at labis siyang nagpapasalamat sa lahat na nag-effort na batiin siya sa kanyang kaarawan.

 

 

“BIIIG THANKS to the people behind tonight’s surprise Zoom birthday party; to my management (All Access to Artist) for putting it all together; to my family, friends and supporters for the loooove! Thank you for this #newnormal birthday paandar.

 

“Heart suit. #aMAINEzingAt26 #tuhray,” post ng Eat Bulaga Dabarkads.

 

 

Noong Miyerkules, mismong birthday ni Maine sa Eat Bulaga, bumaha na naman ng cakes na mula sa mga fans na makikita sa facebook page ng noontime show.

 

 

Samantala, bukas (March 6) na matutunghayan ang kauna-unahang pagsasama nina Maine at Arjo Atayde sa isang TV show.

 

 

Tiyak na aabangan ng mga followers ang kanyang birthday special sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl na kung saan nag-guest nga ang kanyang boyfriend na nag-post ng short but sweet birthday message.

 

 

Post ni Arjo sa kanyang IG account, “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.” (ROHN ROMULO)

Anak nina JOHN LLOYD at ELLEN, ‘di na tinatago at kampante na kay DEREK

Posted on: March 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUNG gaano halos itinatago noon ang mukha ni Elias, ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa social media, ngayon  ay out na out na ito sa mga video ni Ellen.

 

 

Maging si Derek Ramsay ay nagpo-post ng video na kasama sina Ellen at anak nito. Nakahiga sila sa kama, nakagitna si Elias na pinaglalaruan ang mukha ni Derek. At may spider raw sa mukha ni Derek. Kaya kumanta pa ang huli ng Eensy Weenzy Spider.

 

 

At kitang-kita rin sa video na dumagan at yumakap si Elias kay Derek, evidence na very comfortable ito sa boyfriend ng ina.

 

 

Ang reply ni Ellen sa video na yun, “My boys my heart. I kennot.”

 

 

In fairness, ang daming nag-heart sign sa video. Ang daming naku-cutean kay Elias at nagsabing happy family at sweet daw.

 

 

Kung pagbabasehan ang mga video at pictures na pino-post nilang dalawa, mukhang live-in na nga ang set-up nila.

 

 

***

 

 

PANDEMIC man at hindi pa rin talaga nakakapag-face-to-face lalo na sa mga awards night, pero isa yata ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa maraming natatanggap na awards ngayon.

 

 

     Katulad na lang sa 5th Film Ambassadors Night (FAN 2021) ng Film Development Council of the Philippines at Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS)Hiyas ng Sining Aawards, parehong kinilala si Dingdong bilang recipients ng Cinemadvocate Award para sa ipinakita niyang malasakit sa mga displaced TV at film worker at maging sa mga stuntment sa panahon ng pandemya.

 

 

Ayon kay Dingdong sa naging virtual awards night, “Sobrang nakakataba po ng puso na makatanggap ng ganitong recognition. Na consider ko po itong trabahong ito and of course, His blessings as an opportunity to reach out to others, and help in transforming their lives.”

 

 

Bukod sa naunang parangal, si Dingdong din ang itinanghal ng GEMS sa Best Performance by an Actor (TV) para sa Descendants of the Sun.

 

 

***

 

 

MAY mga shippers na agad ang JulieVid tandem nina Julie Anne San Jose at David Licauco.   

 

 

Ramdam, lalo na ng mga fan ni Julie ang sincerity ni David.

 

 

Aminado kasi si David na kinakabahan talaga siya noong una, naiilang daw siya lalo pa nga’t Julie Anne San Jose na ito. Kuwento pa nga na nakarating sa amin, hindi halos makapagsalita si David kapag kaharap na si Julie.

 

 

Naku-kyutan naman daw ang mga staff dito kaya nagkaroon ng parang bonding session ang dalawa at doon na unti-unting na-relax si David.  Na-realize din nito kung gaano raw ka-humble at kakalog din si Julie.  Sa naging Kapuso Brigade Zoomustahan, tinanong ng fan si David kung ano ang masasabi nito sa leading lady.

 

 

Sey niya, “She’s very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she’s very talented. But ang pinakahinangaan ko sa kanya is ‘yung mood n’ya at 8 a.m. is not different from ‘yung mood n’ya sa last scene. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya ‘yung ginagawa n’ya. Sinabi ko nga sa kanya ‘yun, e. Na parang ang galing at ‘di ko siya nakita ever na sumimangot.”

 

 

May kakaibang chemistry raw ang dalawa na siguradong makikita kapag ipinalabas na ang Heartful Café sa GTV. (ROSE GARCIA)