• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 20th, 2021

Ilang kaibigang medical workers ni Sec. Roque, naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan na mabakunahan na ang lahat ng mga Filipino laban sa Covid-19.

 

Ito’y kasunod ng naibahaging balita ng isang kaibigan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa medical field at sumalang na sa vaccination program ng pamahalaan.

 

Aniya, nakatanggap siya ng text kamakailan mula kay Dra. Menguita Padilla na nagbalita sa kanyang may nabuo ng anti- bodies sa sistema ng kanyang katawan.

 

Itoy makaraang sumalang sa bakuna si Padilla na kabilang mga unang naturukan bilang health worker.

 

Kaya pakisuap ni Sec. Roque sa mga kuwalipikadong mabakunahan na, huwag sayangin ang pagkakataon at sa halip, sunggaban na ito kaysa naman aniya matulad sa kanya na kasama na ngayon sa datos na tinamaan ng sakit. (Daris Jose)

LIQUOR BAN MULING IPINATUPAD SA NAVOTAS

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng City Ordinance No. 2021-18 na muling ipinagbabawal ang alak at pagbebenta ng alak at mga inuming nakalalasing sa lungsod.

 

 

Labag din sa batas ang pagdala ng alak, pag-inom ng naturang inumin at gumala ng lasing sa anumang mga pampublikong lugar sa lungsod.

 

 

“Safety protocols such as wearing of mask, non-sharing of food, glass or utensils, and social distancing are usually overlooked during drinking sessions,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“People also have this false sense of security that their drinking buddies–family members, friends or neighbors who seem healthy–do not carry the virus. But most of our patients are asymptomatic or do not show symptoms that is why it is easy for them to transmit the virus to others without their knowing,” paliwanag niya.

 

 

Sinabi ni Tiangco na naitala ng lungsod ang biglang pagtaas ng  kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 sa nagdaang apat na lingo.

 

 

“Our City Epidemiology and Surveillance Unit recorded 693 cases and established that there is clustering in some areas, and this has forced us to implement granular lockdowns,” aniya.

 

 

Nauna rito, nagpasa ang Navotas ng isang ordinansa na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test bilang parusa sa lalabag sa mga safety protocol kabilang ang curfew, suot na face mask, at social distancing.

 

 

Ang mga lalabag sa liquor ban ay pagmumultahin ng P1,000-P5,000 o 1-10 araw na pagkakabilanggo. (Richard Mesa)

Disney and Marvel Releases Glorious New Poster of ‘Loki’

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DISNEY and Marvel released a new poster for the Loki set to arrive on Disney+ on June 11.

 

The series features Tom Hiddleston as the titular Norse god of mischief in a timeline created by the events of Avengers: Endgame.                              

 

Hiddleston is joined by Owen Wilson (playing Mobius)Sophia Di MartinoGugu Mbatha-Raw, and Sasha LaneKate Herron (Sex Education) directs all six episodes with Michael Waldron (Rick and Morty producer) serving as the head writer.

 

The poster was shared with the following caption by the official Disney+ social media channels.

 

“Start your countdown to the glorious arrival of @MarvelStudios‘ #Loki. The Original Series starts streaming June 11 on #DisneyPluspic.twitter.com/aca4FSNJxU

 

 

Loki will be the third show set within the confines of the MCU to debut on Disney+. WandaVision kicked things off earlier this year, and the show proved to be a massive success.

 

 

The poster lands at an exciting time for Marvel’s Disney+ shows, with audiences still buzzing after the finale of WandaVision, and anticipation high for last Friday (March 19) premiere of The Falcon and the Winter Soldier.

 

 

Tom Hiddleston debuted as Loki in 2011’s Thor before taking his place as the main villain in 2012’s The Avengers.

 

 

He also appeared in Thor: The Dark WorldThor: Ragnarok and both Avengers: Endgame and Avengers: Infinity War.

 

 

We all know that Loki was killed by Thanos at the beginning of Infinity War. And directors Joe and Anthony Russo have confirmed it.

 

 

So with this six-part exciting Loki series, we know, where his story will ends. (ROHN ROMULO)

State of emergency sa hog industry, pinadedeklara ng DA

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inirekomenda na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng buong bansa sa state of emergency dahil sa problemang dulot ng African Swine Fever (ASF).

 

 

Ayon kay DA Sec. William Dar, pangunahing dahilan ng deklarasyon ang lawak ng pinsala at epekto sa mga magbababoy.

 

 

Una nang iniulat ng ahensya na nasa P20 billion loan program na ang inilaan para buhayin ang hog industry.

 

 

Pero patuloy naman ang pagdami ng pinapatay at inililibing na baboy dahil sa ASF.

 

 

Kaya sa record ng DA, milyon-milyon na ang nasayang para lamang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

 

 

Inaasahang tatagal ang recovery period ng industriya sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

 

 

Saka lamang umano maaasahan ang muling pagsigla ng hog production, kung magkakaroon na ng repopulation ng baboy sa mga lugar na naapektuhan ng ASF. (Gene Adsuara)

CabSec Nograles, pinalagan ang pahayag ng mga kritisismo na “back to square one” ang gobyerno

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TODO-DEPENSA si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamahalaan mula sa kritiko na nagsasabing “back to square one” ang bansa sa ginagawa nitong pagtugon sa COVID-19 dahil sa ulat na pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito.

 

Giit ni CabSec Nograles, gumagana ang health safety protocols sa bansa.

 

“But we have to remember that even in other countries, COVID-19 comes in waves,” ayon kay CabSec Nograles.

 

Inulan kasi ng kritisismo ang gobyernong Duterte ukol sa usaping ito at tila ipinamukuha sa pamahalaan ang di umano’y kabiguan nito na matugunan ng maayos ang pandemiya matapos ang isang taong restriksyon.

 

Umabot na kasi sa 61,000 ang aktibong mayroong covid-19 habang ang bagong impeksyon naman ay nakapagtala para sa buwang kasalukuyan ng “2.5 times higher” kumpara noong Enero base sa rekord ng Department of Health (DoH).

 

Giit ni CabSec Nograles na ng pagtugon sa pandemiya ay “a delicate balance between health and economy.”

 

“There are ups and downs in this battle. Why? Because it is a delicate balance between health and economy. To prevent transmission, you prevent movement of people. But to open the economy, you need movement of people,” aniya pa rin.

 

“At the end of the day, it is on us to follow the protocols,” dagdag na pahayag ni CabSec Nograles.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na palagi na lamang nananawagan ang pamahalaan sa publiko na hangga’t maaari ay manatili sa loob ng kanilang tahanan at i-practice ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, madalas na paghuhugas ng Kamay at pag-obserba sa physical distancing.

 

“All we can do [in the government] is enforce protocols, but we cannot see everything 24/7, 100% of the time, what an individual does. It is impossible,”ang pahayag ni CabSec Nograles.

 

“The general population outnumbers law enforcers, so it really belongs to us to stem the tide and trim the infection by following health protocols,” anito.

 

Samantala, sinabi ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na ang bansa ngayon ay  “10 steps back”  mula sa sinasbaing “square one” kumpara sa March 2020 na may 61,000 active COVID-19 cases at kung saan ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay wala sa posisyon para gumastos muli para sa second round ng subsidies gaya ng ginawa nito noong magpatupad ng full scale lockdown ng nakaraang taon. (Daris Jose)

James nagpasikat sa panalo ng Lakers vs Wolves

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kumolekta si LeBron James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-99 career triple-double para banderahan ang nagdedepensang La­kers sa 137-121 paghuli sa Minnesota Timberwolves.

 

 

Umiskor din si Montrezl Harrell ng 25 points para sa panalo ng Lakers (27-13), nakahugot kina Dennis Schröder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker ng tig-16 markers, laban sa Timberwolves (9-31).

 

 

Sa Boston, humugot si Donovan Mitchell ng walo sa kanyang 21 points sa final canto at kumonekta ang Utah Jazz (29-10) ng 19 tripless para kunin ang 117-109 panalo sa Celtics (20-19).

 

 

Sa Philadelphia, humataw si Tobias Harris ng 30 points para sa 99-96 pag-eskapo ng 76ers (28-12) sa New York Knicks (20-21).

 

 

Sa Portland, naglista si Damian Lillard ng 50 points, 10 assists at 6 boards para pamunuan ang Trail Bla­zers sa 125-124 paglusot sa New Orleans Pelicans (17-23).

 

 

Sa Miami, nagtala si Jimmy Butler ng 28 points at 12 boards para akayin ang Heat (22-18) sa 113-98 pagsunog sa Cleveland Cavaliers (14-25).

 

 

Sa Houston, tumipa si Danilo Gallinari ng 20 sa kanyang 29 points sa first half at dinagit ng Atlanta Hawks (20-20) ang 119-107 tagumpay sa Rockets (11-27).

 

 

Sa Chicago, nagpasabog si Zach LaVine ng 40 points para sa 123-102 pagbangga ng Bulls (18-20) sa Oklahoma City Thunder (17-23).

Fernando, lumagda sa kasunduan para sa anti-illegal recruitment at human trafficking

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumagda si Gob. Daniel R. Fernando sa isang kasunduan para sa Anti-Illegal Recruitment Trafficking in Persons (AIRTIP) kasama ang Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, League of Municipalities, at OFW Family Circle Federation of Bulacan na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito ngayong araw.

 

 

Laman ng nasabing kasunduan ang 1) Pinalakas na mga AIRTIP seminar; 2) Pagbuo ng technical working group; 3) Pagtatalaga ng OFW Help Desk sa bawat bayan sa ilalim ng kani-kanilang Public Employment Service Office; at 4) Pagkakaroon ng pinagsama-samang programa mula sa DOLE, OWWA at TESDA sa bawat bayan sa pamamagitan ng one-stop shop desk.

 

 

“We take AIRTIP seriously. Maliban sa pagbababa ng mga seminar, nais po nating tiyakin na AIRTIP free ang Bulacan, na walang Bulakenyong maloloko ng mga illegal recruiter,” ani Fernando.

Bago nito, ginanap din ang Araw ng Parangal ng Regional Marilag Awards 2021 para sa Region 3 kung saan pinarangalan sina Elizabeth Paglinawan mula sa Mariveles, Bataan; Lolita Gattuc mula sa Tarlac at Priscilla Cruz mula sa Norzagaray, Bulacan para sa kategoryang Woman Who Inspires, Woman Who Empowers at Woman Who Makes Change ayon sa pagkakasunud-sunod at tumanggap ng plake ng pagkilala at perang insentibo mula sa gobernador.

 

 

“Nasaksihan din natin kung paano nagsakripisyo ang mga babaeng Pilipino sa pagtugon sa suliraning dala ng COVID-19, ang mga frontliner para sa maagap na serbisyo sa mga mamamayan, maging sa ibang bansa. Kami po ay sumasaludo sa inyong mga kababahihan, patuloy sana kayong magbigay ng inspirasyon sa ating mga kapwa Pilipino,” anang gobernador.

 

 

Bukod dito, ipinamahagi din ng OWWA ang tseke na nagkakahalaga ng P250,000 para sa gamit na pangnegosyo sa OFW Family Circle Brgy. Longos, Lungsod ng Malolos, Bulacan sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs (Tulong PUSO).

 

 

Gayundin, tumanggap ng tseke na may magkakaibang halaga ang iba pang mga benepisyaryo kabilang ang 44 katao para sa Balik Pinas! Balik Hanapbuhay! Program;24 para sa Tabang OFW; pito para sa OWWA scholarship; lima para sa OWWA bereavement/medical assistance; at dalawa para sa Sa ‘Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir´ (SPIMS).

 

 

Nagpasalamat naman si OWWA Deputy Administrator for Reintegration Faustino Sabares III sa pagtanggap ni Fernando sa kanyang hiling na sa Bulacan ganapin ang parangal at sa pagsuporta nito sa proyektong Balay OFW kung saan nagkaloob ito ng bahagi ng lupang pagmamay-ari ng kanyang pamiya na magbibigay ng pagkakataon sa mga OFW na magkaroon ng sariling bahay.

 

 

Samantala, kinilala naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagmitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ang mga Dakilang Filipina para sa kategoryang PESO Manager sina Emelita San Agustin mula sa Guiguinto; Laarni de Leon ng Bustos; Maricris Co mula sa Calumpit; Josefina Geslani mula sa Lungsod ng Meycauayan; Miriam Balboa ng Marilao; Alma Buhain ng Plaridel; Regina Go mula sa Pulilan at Elvie Cruz ng Santa Maria habang kinilala naman si Vilma Santos ng Balagtas para sa kategoryang OFW Family Circle President. Lahat sila ay tumanggap ng plake ng pagkilala at perang insentibo.

 

 

Ibinibigay ang Marilag Award upang bigyang pagkilala ang mga tagumpay at natatanging nagawa ng mga kababaihang manggagawang migrante at babaeng kawani ng OWWA. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Malaking pondo ang gagastusin sa PVL bubble

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Milyones ang pondong kakailanganin upang matagumpay na maitaguyod ang 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na idaraos sa isang bubble format sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Base sa estimate, aabot ng P47 milyon ang ma­ga­gas­tos para tustusan ang mga pangangailangan ng buong delegasyon sa bubble.

 

 

Nangunguna na sa listahan ang accommodation, pagkain, sweldo sa mga opisyales ng tournament, mga gagastusin sa swab testing at iba pang kailangan.

 

 

Malaking budget ang gugugulin sa pananatili ng delegasyon sa Inspire Sports Academy na tinatayang may P30 milyong pondong kailangan.

 

 

Tinatayang dalawang buwang mananatili sa bubble ang buong delegasyon base sa tantiya ng PVL organizers. Kasama naman sa package ang accommodation at pagkain.

 

 

Aabot naman sa P10 milyon ang ilalaan para sa swab testing dahil regular na magkakaroon ng test upang masiguro na ligtas ang lahat ng nasa loob ng bubble.

 

 

May P5 milyon naman para sa sweldo ng mga opisyales habang magkakaroon ng video challenge sa edisyong ito na gagastusan naman ng P2 milyon.

 

 

Ang kabuuang pondo ay para sa tinatayang 320 kataong papasok sa bubble na binubuo ng players, coaches, officials, medical team at television crew.

 

 

Subalit masuwerte ang pamunuan ng PVL dahil tutulong ang Cignal sa gastusin. Sa katunayan, sinabi ni PVL president Ricky Palou na malaking bahagi ng gastusin ay sasagutin ng Cignal — ang bagong broadcast partner ng liga.

 

 

May 12 teams ang kumpirmado nang lalahok sa Open Conference na puntiryang simulan sa Mayo 8.

 

 

Nangunguna na ang regular members na Creamline, Petro Gazz, Perlas, Army, Choco Mucho, BaliPure at baguhang UAC kasama ang bagong lipat na PLDT, Cignal, Chery Tiggo, Sta. Lucia at F2 Logistics.

COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.

 

 

Ito na ang ika-14 na araw na nag-ulat ang kagawaran ng higit 2,000 bagong kaso ng COVID-19. Katumbas din nito ang isang linggo na higit 4,000 new cases.

 

 

Ang naturang bilang ng mga bagong kaso rin ang ikalima sa pinakamataas na naitalang numero ng new cases mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa.

 

 

“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 17, 2021.”

 

 

Dahil dito sumipa pa sa 66,567 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling virus.

 

 

Mula sa kanila 93.3% ang mild cases, 3.7% asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, 1.2% na severe at critical, at 0.64% moderate case.

 

 

Nadagdagan naman ng 439 ang total recoveries na ngayon ay nasa 561,530.

 

 

Samantalang 21 ang nadagdag para sa 12,887 total deaths.

 

 

“4 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 are recoveries. Moreover, 6 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Skyway 3 mananatiling bukas

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng San Miguel Corp. (SMC) at Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa di umano ay isang pahayag ng huli na magkakaron ng walang katapusang pagsasara ang Skyway 3.

 

 

Subalit sa isang inilabas na opisyal na pahayag noong March 16 ng TRB ang sinasabing walang katapusang pagsasara ng Skyway 3 ay kanilang pinasusungalingan.

 

 

“This is to inform the public that the TRB did not issue a decision or directive ordering the indefinite closure of the Skyway Stage 3 starting 5 p.m of March 16. The position of the TRB and its management is to keep it open for the benefit of all motorists,” wika ng TRB.

 

 

Ayon naman kay SMC president Ramon Ang, ang Skyway 3 na binuksan partially noong December at nagkaron ng opisyal na pagbubukas noong January ay mananatiling bukas sa gitna ng hindi pagbibigay ng toll operation permit mula sa TRB.

 

 

Wika pa ni Ang na lumalaki na ang kanilang pagkalugi dahil sa naaantalang toll collection na dapat sana ay sinimulan noong February pagkatapos na ang SMC ay magbigay ng libreng access sa loob ng isang buwan.

 

 

“Basically, TRB is insisting that Skyway 3 cannot start full operations and collect toll until all ramps are 100 percent complete. Our supplemental toll operation agreement states that we can start collecting at 95 percent completion – we are now 97 complete,” saad ni Ang.

 

 

Dagdag pa niya na kailangan nila ng sapat na pondo para sa daily maintenance ng kalsada at tamang long-term upkeep upang matiyak na ito ay ligtas at mahusay para sa mga motorista.

 

 

Dahil tumataas na ang pagkalugi gawa ng pagaantala ng TRB na simulan na ang toll collection, ang pinakamadaling paraan ay tuluyang ng gawin ang lahat ng ramps upang magkaron ng 100 percent completion subalit ito ay mangangahulugan na ang Skyway 3 ay kailangan munang saraduhan.

 

 

Nakipagusap na si Ang kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade tungkol sa nasabing issue at nangako naman na gagawan ng paraan upang maresolba ito nang madali ngunit may pagiingat.

 

 

Ang Skyway 3 ay binigyan ng buong pondo mula sa SMC kung saan ito ay nagkakahaga ng humigit na P80 billion.

 

 

“We have also made a lot of concessions – including lowering toll fees – in the interest of the public. Also, Skyway 3 is new, but heavy everyday use causes it to deteriorate if not maintained properly. We spend a lot for its upkeep, and at the same time lose a lot in forgone revenues. We cannot operate this and serve people if the project is not generating revenues,” dagdag ni Ang.

 

 

Kada taon ay P10 billion ang magagastos sa operasyon ng toll road subalit inaasahan naman na magkakaron ito ng mas mababang revenue na P4 billion lamang kada taon base sa mungkahi na toll rate at existing 60,000 na mga sasakyan kada araw na dami.

 

 

Ang mungkahi na toll sa Skyway 3 ay nagkakahalaga ng mula P110 hanggang P274 subalit ang final amount ay ang TRB pa rin ang magdedesiyon.  (LASACMAR)