• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 21st, 2021

DEREK, nag-react at napikon nang tanungin kung ‘di ba nagseselos si AUSTIN kay ELIAS

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA ang IG post ni Derek Ramsay na buhat-buhat niya si Ellen Adarna na may caption na, “My big baby tuko!!❤❤❤

 

 

Na sinagot naman ni Ellen ng, “Ur the biggest tuko lol.”

 

 

Kung anu-ano nga ang naging comment ng netizens at followers sa post na ito ni Derek, kaya nagtalu-talo na naman sila.

 

 

Pero hindi na naman napigilan ni Derek na patulan ang isang netizen at mukhang napikon siya sa tanong nito na ,”Buti po hindi nagseselos ang anak mo kay elias sir Derek?”

 

 

Sagot ng aktor, “@shallom_aliyah what kind of question is that?”

 

 

Sabi naman ni @matcha.00, “@ramsayderek07 she thought that’s elias with you in the pic.”

 

 

Post uli ni @shallom_aliyah, “Bago po kayo mag comment sa comment ko paki tingnan muna ang ibang post ni Sir Derek kung saan ay naglalaro sila kasama ang anak niya at si elias… YUN PO ANG IBIG KONG SABIHIN na hindi ba nagseselos ang anak ni Sir Derek sa ipinapakita niyang pagiistima kay Elias… paki lawak lawakan po muna ang pagiisip…”

 

 

Depensa naman ni  @adeleineann na pinasalamatan ni Derek,”@shallom_aliyah i come from a mixed modern family. i have half siblings, and my kids are also his, hers, and ours. we are all okay. we know the love of our parents for us, and my kids know my (our) love for them. in fact, the way i see it, the more people who love my children, the better. love isnt divided naman into several pieces/people, tapos nababawasan and pagmamahal pag dumadami ang tao. love grows and your heart expands to accomodate more and more. people in your life. and TBH its things/questions like these that plant seeds of jealousy and envy in a child’s mind.”

 

 

Dagdag pa niya, “@shallom_aliyah i hope that answered your question. from what I see, @ramsayderek07 and @maria.elena.adarna are loving parents. walang batang makakalimutan. in fact, lumaki ang family nila and dumami ang love. both elias and derek’s child gained another parent who will love them.”

 

 

Sabad naman ni @alondra_90210, “@shallom_aliyah I get you. But then again…it’s none of our business…let’s just be happy and lawakan natin ang ating pang unawa… they are generous enough to share some tidbits of their lives…”

 

 

Comment naman ni @jckscy,@ramsayderek07 Still puzzled of Shallom’s comment. Nway, i really thought it was Elias because of the matching pjs of Elen.”

 

 

Say ni @malym2, “@shallom_aliyah same question here..saka ano ba masama SA tanong mo,of course,even me curious din.. Diba?…”

 

 

Tanong din ni @malym2, @shallom_aliyah same question here..saka ano ba masama SA tanong mo,of course,even me curious din..Diba?…

 

 

Comment ni @primamansanade, “@shallom_aliyah 17 yrs old na anak ni derek, mag seselos pa ba cia kay elias na 2 yrs lang. ang cute at bibo c elias, lahat natutuwa sa kanya..”

 

 

May anghang naman ang comment ni @mikedaez1323, “@ramsayderek07 yung hindi ka nagpaka ama sa anak mo for how many years, giving him Angelica’s old laptop before, pero ngayon f na f magpaka tatay sa anak ng iba. Wow all for the gram.”

 

 

Sumanayon naman si @tracyclark644 sa nagtanong tungkol sa anak niya, “@ramsayderek07 I don’t see anything wrong with her question, coz you know sometimes children get jealous, I find it normal to ask, but since you are offended?, she should be sorry by asking that kind of question kekekeke…no offense Derek, am just saying, sometimes when someone else comes to their mom/dad as another significant other besides their dad/mom, children do get jealous, thats the reality, but eventually when we see our mom/dad happy with that person, we gradually accept it…there you go I say jt…peace derek 🙂 Wish you and elen happiness:)”

 

 

Na sinagot ni Derek ng, “@tracyclark644 dear its ellen 8n the photo.”

 

 

Kaya naman muling nag-react ang netizen ng, “@ramsayderek07 OMG we know lol tinatanong lang kung di ba daw nagseselos yung anak ni ellen sayo…kala ko nagets…hahaha…oh sya sige na derek best wishes, no pressure…stay strong.

 

 

“ok na sana sumagot ka pero inassume mo na kala ko hindi si ellen yan? Hahaha funny ka talaga! wow halata naman na si ellen yan dude! di mo nagets sinasabi sayo eh, tinatamad ka lang magbasa, oh sya ok lang hahaha kala ko gets na gets…tinatanong lang naman kung di ba daw nagseselos anak ni ellen sayo! Saka I was trying to make a point…pero wag na hahaha no pressure po…ingat palagi po and stay strong and happy kayo ni Ms ellen :)”

 

 

Opinyon naman ni @its_me_janice008, ”Iba na needs at wants ng anak ni Derek kaya di naman pwdeng ibugay din nya sa anak nya ang binibigay niya sa kay Elias.. wala sa showbiz at hindi artista anak ni derek kay di nakikita kung anong binibigay din nya na effort pra sa son nya. Nagkataon lang tlga na same house si elias at derek kaya sya laging nakikita at nasasama sa vlog nila/nya. Kung masamang ama si derek im sure yong anak mismo lalayo na sa kanya pero kita naman na mas close pa nga sila ngayon kaya im sure tumatawa nalang si derek sa mga gumagawa ng issue na mas mahal ni derek si Elias.. at isa pa im sure na e-enjoy ni derek ang time nya with elias kasi yan yong mga memories na di nya sguro nagawa lahat sa son nya dati . Di naman kailangan lahat ipakita sa social media lalo nat di naman mahilig sa spotlight son niya.. @ramsayderek07.”

 

 

Tsika naman ni @khenkhen108, “@shallom_aliyah why should he. His son is grown up and broad minded person. You should learn to be civil.”

 

 

Comment naman ng netizens sa FP site, “Legit question yun.

 

 

“Baka napahiya lang sya kasi never nya ginawa mag alaga sa tunay nyang anak.”

 

 

“Legit din yung answer nya. Bashers have no right to question and get a polite answer from him.”

 

 

“Yeah. Defensive kaagad si Derek kasi alam niya yung totoo. I think thats why may pa post post pa about how his son hugged him and called him Dad. Kung ndi ksi staged yun, bakit ipopost. Kaloka.”

 

 

“Correct. That is his guilt showing in his response. Hindi niya kasi pinalaki yung anak niya, at some point he even denied having a son. Very odd behavior on his part, and kind of disrespectful to his son that he is dotting on someone else’s son.”

 

 

“Legit question naman yun at hindi bastos. Wala lang talaga masagot na matino si Derek.”

 

 

“True. Legit question un. Pareho pa naman un lalake.”

 

 

“Ang ayos ng tanong ng commenter, itong tito derek kung maka what kind of question is that? Walang sinabi na you can’t express your opinion, but no need to be so arrogant and rude.”

 

 

“True namwn..yung tunay hindi inalagaan dati dine.deny pa. Butt hurt po???”

 

 

“Pikon na si Lolo Derek.”

 

 

“OMG ang hot headed naman niya! Legit naman question nung netizen!”

 

 

“Triggered sa question kasi parang mas showie siya kay elias samantalang di naman niya anak. Ganyan din father ko sa anak ng kabit nya.”

 

 

“Pikon na naman. Pag nag reply sa comments laging pikon. Hahahaha

 

 

“May point naman kasi noong bata pa ang anak niya at nasa age ni Elias wala si Derek. May issue pa nga na ang binigay na laptop sa anak yung ginamit na niya. May mga ginawa na siya movies at teleseryes dati kaya impossible na wala siyang pera.”

 

 

“Oo nga na anak mayaman si ellen, may itsura at popular siya pero at napakalaking pero na ang cheap, cheap niya. No need to prove that wala siyang class. The topmost photo says it all & speaks for itself. Otherwise, I don’t care but I am not sorry for being frank.”

 

 

“Laging defensive at pikon si Derek. Patunay lang na yang ganyang asal siguro kaya walang tumatagal sa mga nakarelasyon niya.”

 

 

“Tingin ko parang nagpapatawa lang si derek or dont want to sound like serious. Kaso kasi d maiimagine ng tao kasi ewan kung bagay sknya or first time lng nya gumanyan after breakup with andrea.”

 

 

“Austin is teenager already to be jealous of a toddler.”

 

 

“DI KASI NYA NA ALAGAAN NG GANYAN ANG TUNAY NYANG ANAK..SIMPLENG TANONG DI MASAGOT NG TAMA..YES or NO lang naman yun..duhhhhh.…”

Lakers ipinaliwanag ang hindi pagbisita nila sa White House

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakda kasing maglaro ang Lakers sa homecourt ng Washington Wizards sa Abril 28 at tradisyon na sa NBA na ang sinumang championship teams na dadayo sa Washington ay didiretso ng bibisita na rin sa White House.

 

 

Nagpahayag na rin ang ilang manlalaro ng Lakers gaya ni LeBron James na nais niyang makipagkita kay US President Joe Biden.

 

 

Magugunitang hindi na dumalaw ang Lakers sa pamumuno ni dating President Donald Trump bilang protesta matapos na kontrahin ni Trump ang ginagawang pagluhod ng mga manlalaro sa tuwing kinakanta ang national anthem bilang pagpapakita ng protesta sa mga nagaganap na racism sa US.

Bayanihan muna, huwag bangayan sa usapin ng community pantry

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAYANIHAN muna, huwag bangayan.

 

Ito ang pakiusap ng Malakanyang sa mga kritiko at nagsasabing nagagamit ang community pantry para pangtakip sa kabagalan ng pagkilos ng pamahalaan na magbigay ng tulong sa patuloy na apektado ng pandemya.

 

“Well, alam ninyo po yang community pantry, that showcase the best in the Filipino character po. Iyan po ay patunay na buhay na buhay ang ating bayanihan at tayo po ay magtutulungan sa panahon ng pangangailangan. Saludo po tayo sa lahat ng mga Filipino at talaga naman pong nagpapakita na the Filipino can and will prevail lalo na pag matindi ang paghamon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Malinaw aniya na ipinapakita ng community pantry na umiiral ang bayanihan at hindi ang bangayan

 

Kaya para sa Malakanyang, kailangan munang itigil ng ilang personalidad at kritiko ng pamahalaan ang pamumulitika.

 

“Alam ninyo po sa panahon ng matinding pandemiya, sa panahon ng surge na ito, kinakailangan po talaga ay sama-sama tayong mga Filipino dahil kung hindi tayo maagtutulungan, sino pa ang magtutulungan. Itigil po muna ang pamumulitika. Iyan po ang pakiusap natin. Huwag po sa panahon na nagkakaroon ng ganitong surge. Bayanihan po muna tayo, huwag bangayan,” anito.

 

Sa kabilang dako, kinontra ng Malakanyang ang sinasabi ng mga kritiko ng administrasyon na insulto sa gobyerno ang pagsulpot ng mga community pantry.

 

Ani Sec. Roque, ang pagkakaroon ng mga community pantry ay nagpapakita lamang na buhay ang bayanihan spirit sa mga Pilipino.

 

Ayon kay Roque lahat ng problema lalo na sa kabuhayan sa panahon ng pagtawid sa pandemya ng COVID -19 ay hindi kakayaning mag-isang solusyunan ng gobyerno dahil kailangan talaga ang tulong ng bawat mamamamayan.

 

Inihayag ni Roque na totoong hindi sapat ang inilaan ng pamahalaan na ayuda para sa mga mahihirap noong ipinatupad ang Enhance Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa kakulangan ng pondo.

 

Ang mga community pantry ay naglalayong tulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa isang lugar para makatawid sa araw-araw na pangangailangan partikular ang pagkain. (Daris Jose)

Durant, ‘di sigurado kung kelan magbabalik sa game dahil sa panibagong injury

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Wala pang kasiguraduhan ang Brooklyn Nets kung kelan makakabalik ang kanilang superstar na si Kevin Durant matapos na ma-injure na naman sa game kanina kontra sa Miam Heat.

 

 

Una rito, nasilat ng Miami ang itinuturing na isa sa powerhouse team na Brooklyn, 109-107.

 

 

Sa kalagitnaan ng unang quarter pa lamang ay inilabas na sa game si Durant matapos na magtamo ng left thigh contusion.

 

 

Nakaipon naman ng walong puntos si Durant bago ito pinalabas sa playing court sa natitirang 7:57 minutes.

 

 

Sinasabing nasaktan ang kaniyang hita ng mabangga niya si Heat forward Trevor Ariza nang ito ay mag-drive.

 

 

Ayon kay Brooklyn coach Steve Nash, aalamin pa nila sa gagawing pagsusuri kay Durant kung gaano kalala ang panibago na naman nitong injury.

 

 

“He’s sore but we don’t know how severe,” ani Nash. “We’ll see tomorrow how he wakes up and go from there. But right now nothing’s been determined.”

 

 

Sa kabuuan umaabot na sa 33 games na bigong makalaro si Durant mula sa 57 games ng Brooklyn.

 

 

Sa naging laro kanina, bumida ang big man na si Bam Adebayo na siyang nagpanalo ng dalawang puntos na kalamangan ng Miami gamit ang buzzer beater.

PBA maraming options para sa Season 46

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maraming options na naglutangan para matagumpay na mairaos ang PBA Season 46 matapos itong maudlot dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Kaliwa’t kanan na ang nagsulputang posibleng maging sagot matuloy lamang ang season na makailang ulit nang na-postpone dahil sa community quarantine.

 

 

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, may ilang local government units (LGUs) na ang nagpahayag ng intensiyon na maging host ng bubble para sa Philippine Cup.

 

 

Subalit hindi muna nito pinangalanan ang mga na LGUs dahil pinaplantsa pa ng liga ang lahat ng posibilidad bago maglabas ng desisyon.

 

 

“Kinausap nila ako na gusto nila (mag-host ng bubble),” ani Marcial.

 

 

Napaulat din na humihirit ang isang grupo na ganapin sa Dubai, United Arab Emirates ang liga.

 

 

Ang grupo ang parehong tumutulong sa PBA sa tuwing dumarayo ito sa Dubai para sa ilang basketball games.

 

 

Nangyari na ito noong 2019 nang bumisita ang Barangay Ginebra San Miguel, San Miguel Beer at NLEX para doon isa-gawa ang ilang laro ng Governors’ Cup.

 

 

Ginanap ang mga laro sa Coca-Cola Arena sa Dubai.

 

 

Sa katunayan, isa ang Dubai group sa mga nag-latag ng presentasyon noong nakaraang taon para sa PBA Season 45 Philippine Cup bubble.

 

 

Subalit mas pinili ng PBA ang Clark, Pampanga na mas malapit sa Maynila.

 

 

Hindi biro na dalhin ang liga sa labas ng bansa dahil dolyares ang kakailanganin para sa mga gastusin.

 

 

Bukod pa rito ang bilang ng mga taong dadalhin doon kung saan ang bawat koponan ay binubuo ng hindi bababa sa 20 katao– players, coaches, officials at medical team.

SHARON, umaming ‘devastated’ sa pinagdaraanan at humihiling na ipagdasal

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WORRIED ang mga friends at fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa Instagram post niya na devastated daw siya ngayon.

 

 

Ayon kay Sharon, “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered.. But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering…I am devastated.  And forgive me if I cannot yet tell you why.  Please pray for me.  Thank you so much.”

 

 

Last week nag-post si Sharon na may sakit siya, pero tuloy pa rin siya sa pagti-taping ng Your Face Sounds Familiar at kahit halatang may sakit siya, masaya naman ang aura niya. Hindi rin niya sinabi kung ano ang sakit niya. Kaya ang mga friends and fans niya ay nag-comment sa kanyang social media.

 

 

Say ni Judy Ann Santos, “we’re all here for you, Ate.” Si Ogie Alcasid, “love you!”

 

 

At ang husband niyang si Sen. Kiko Pangilinan, nag-send sa kanya ng heart at praying hands emojis.

 

 

Praying for you Shawie, always stay safe, God bless you and we love you!

 

 

***

 

 

TINUPAD na ni Kapuso actor Ken Chan ang red car na gusto ng Mama niya.

 

 

Biro raw lamang iyon ng ina sa kanya, “Ten years ago pabirong sinabi sa akin ni Mama ‘Anak, kapag naging successful ka sa career mo bigyan mo ako ng pulang kotse, ha’ at natawa siya sa sinabi niya.” 

 

 

That time, kapapasok pa lamang ni Ken bilang isa sa mga hosts ng Walang Tulugan ng yumaong Kuya Germs (German Moreno).

 

 

“Hindi niya alam na tumatak yun sa isip ko, at nangako rin ako sa sarili ko na tutuparin ko ang wish ni Mama.”

 

 

At noong April 15, tinupad ni Ken ang pangako sa sarili niya nang dumating na ang red car na gusto ng Mama niya. Instagram post niya: “This is for you Ma, enjoy the ride! I love you!”

 

 

Humanga naman ang mga kasamahan ni Ken sa sweet gesture niya sa Mama niya. Si Rayver Cruz, nag-post ng “Nice one brother best feeling, stay blessed.” Si Rocco Nacino: “Awwww!!! Congrats Tita! Snappy salute sa yo, @akosikenchan!!!”

 

 

Si Ken ang isa sa mga mahuhusay na Kapuso actor na hindi rin tumatanggi kahit anong role ang ibigay sa kanya ng network.

 

 

Tumatak sa kanya ang pagganap niya sa Destiny Rose, My Special Tatay, at ngayon ay may upcoming GMA Afternoon Prime series siyang Ang Dalawang Ikaw na gaganap siya ng dual role, kasama sina Rita Daniela at Ana Vicente.       

 

               

***

 

 

UMANI nang libu-libong views ang Instagram post ng @dysuperfan nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Zia at Ziggy Dantes na nagpapakita kay Zia sa ‘da moves’ nito habang nagsasayaw na gayang-gaya ang ina.

 

 

IG caption: Ate Z definitely got the moves.  She got it from her Mama and Dada #ManamanaLangYan

 

 

Kung namana ni Zia ang husay sa pagsayaw ng ina, si  Marian naman ay ‘kakambal’ daw naman niya si Ziggy sa kanyang IG caption na ‘captured moment with my twin’ habang karga ang anak nang mag-celebrate ito ng second birthday last April 16. (NORA V. CALDERON)

Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water.

 

“Talagang downhearted ako. If we cannot work together with . . . Maybe we cannot work together on bigger things. So what’s the point?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

Aniya, nagsumite sa kanya si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng dokumento na aniya’y “full of foolery” sa idinaos na command conference kasama ang mga pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

Wala naman kina Pangulong Duterte at Lorenzana, ang nagpaliwanag hinggil sa nilalaman ng dokumento o kung sino ang nasa likod nito.

 

Binanggit din ng Chief Executive ang isang heneral na “point of concern” ng meeting, subalit hindi naman nya ito pinangalanan.

 

Sa kabilang dako, muling inulit naman ni Pangulong Duterte ang kanyang mga sinabi noon na kung ang pinuno ng mga sangay ng AFP ay hiniling sa kanya na bumaba siya sa puwesto ay kaagad siyang magre-resign at uuwi sa Davao City.

 

“Sinabi ko talaga sa kanila, ‘I do not work where I’m not needed. Then kayo na mag-explain, explain to the Filipino people bakit ganu’n’,” anito.

 

“If I cannot have the cooperation of the Armed Forces, then there’s no point in working for this government,” dagdag na pahayag ng Pangulo sabay sabing mas gusto niya na italaga ang mga retired military general bilang government officials sa halip na sibilyan.

 

Samantala, naging viral sa social media noong nakaraang linggo ang post na may 500 junior at senior military officers ang nais na tuligsain ni Pangulong Duterte ang naging pagsalakay ng China sa WPS at nalalapit na ang kanilang withdrawal of support.

 

Itinanggi naman kapuwa ng Department of National Defense at AFP ang alegasyon na na may ilang active at retired generals ang nag-withdraw na ng kanilang suporta kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)

PAUL, iba rin ang naging pasabog sa pag-post ng bagong underwear campaign

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBA ang naging pasabog ni Paul Salas noong nag-turn 23 years old noong nakaraang Biyernes.

 

 

Ito ay ang pag-post niya ng bagong underwear campaign niya for Bench Body.

 

 

Pinaglaway ng Kapuso hunk ang mga beki netizens sa bagong sexy pictorial niya kunsaan suot niya ay black and gray underwear.

 

 

Regalo raw ito ni Paul sa mga sumusuporta sa kanya sa social media. Tinaon niya ang paglabas ng summer campaign ng Bench Body.

 

 

“Newest bench campaign on my 23rd birthday,” caption pa niya sa Instagram.

 

 

Hindi magkamayaw ang mga beki sa ganda ng katawan ni Paul na palaban sa ganda ng katawan din ni Derrick Monasterio at Marco Gumabao.

 

 

***

 

 

NASA finishing stages na ang pinatayong bahay ni Camille Prats at mister na si VJ Yambao.

 

 

Naglakas loob na magpatayo ng bahay ang mag-asawa noong kalagitnaan ng pandemya last year.

 

 

Malaking challenge daw sa kanilang dalawa ang pagkakaroon ng lockdown at quarantine. Minsan na nilang naisip na baka ‘di matapos agad and dream house nila.

 

 

Pero sa post ni Camille sa Instagram, unti-unti nang natatapos ang dream house nila.

 

 

“FINISHING stage = the most exciting and nakakanerbyos part that tests your EQ. Haaaay, the anticipation of finally moving in. Kailan kaya? All in God’s perfect time,” caption ni Camille.

 

 

Sa photo ay three story house ang pinatayo nila Camille at JV. Tiyak na may kanya-kanyang bedrooms ang kanilang mga anak sa laki ng bahay.

 

 

***

 

 

NAKIPAG-BONDING na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa ibang Miss Universe candidates habang nasa California pa sila.

 

 

Na-meet na ni Rabiya si Miss El Salvador Vanessa Velasquez, and Miss Colombia Laura Olascuaga sa Filipino-owned O Spa and Skin Care in Cerritos, California kunsaan kinunan ang isang segment para sa Miss U.

 

 

Maingat naman daw sila sa kanilang pagkikita at ino-observe nila ang social distancing.

 

 

“It feels great. I saw Vanessa first, Miss El Salvador. And both of them, they are gorgeous, they are lovely. I am excited to meet other candidates as well.”

 

 

Hindi nga raw nakakapasyal si Rabiya sa Los Angeles dahil bukod sa pag-quarantine, ramdam pa niya ang matinding jetlag.

 

 

Kaya panay ang sorry niya sa ilang Filipino fans na gusto sana siyang nakita ng personal dahil kailangan sumunod silang lahat sa safety protocols.

 

 

“I’m really dealing with the worst type of jet lag. Actually I haven’t slept since 12 a.m. So my body is still adapting to the changes.

 

 

“It’s really crazy. I’m having a hard time waking up and eating at the right time. I haven’t been outside that much because I need to be isolated as much as possible, just to be safe. But I’ve tried several food here in California.”

 

 

“It feels great,” she said.

 

 

“I saw Vanessa first, Miss El Salvador. And both of them, they are gorgeous, they are lovely. I am excited to meet other candidates as well.”

 

 

Mateo comes into the competition knowing what a win would mean for the Philippines, a country that continues to battle a surge in COVID-19 cases.

 

 

The Miss Universe will be held on May 16 (May 17) in Manila, and will be aired live in the Philippines on the A2Z channel.  (RUEL J. MENDOZA)

‘Wonder Woman 1984’, Now Streaming on HBO GO

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HBO GO give Filipinos the chance to catch Wonder Woman 1984, the much-celebrated DCEU film that broke the film company’s streaming records, as it exclusively premieres on the HBO streaming app starting today, April 21.  

 

 

In this much-awaited sequel, viewers are taken back in time to the vibrant and fashionably wild 80’s era where Wonder Woman dons her golden eagle armor as she saves mankind from the greedy ambitions of Max Lord and The Cheetah.

 

 

They will also see another side of Diana Prince, brought to life once again by Gal Gadot, when she lives quietly among mortals as a museum curator.

 

 

From Director Patty Jenkin’s creative vision, the film is set to have more heart-stopping action as Wonder Woman comes into her full power.

 

 

Viewers can also look forward to familiar characters returning in the film such as Chris Pine’s Steve Trevor, Robin Wright’s Antiope, and Connie Nielsen’s Hippolyta. Meanwhile, two new villains will emerge to threaten the peace, which will be portrayed by Pedro Pascal and Kristen Wiig.

 

 

The first film released by Warner Bros. directly via HBO Max in the U.S., the movie garnered record viewership for the streaming app and became the most-watched straight-to-streaming movie of the year. Critics gave the movie’s visual spectacle a positive nod as it earned a nomination for Best Visual Effects at the Critics’ Choice Movie Awards.

 

 

Subscribe to HBO GO for as low as P99/month to stream Wonder Woman 1984. Subscribers will also get to stream other DC extended universe blockbusters such as Zack Snyder’s Justice League, Man of Steel, Batman v Superman: Dawn of Justice, Suicide Squad, Shazam,” Joker, and Birds of Prey and The Fantabulous Emancipation of One Harley Queen for a minimal cost. (ROHN ROMULO)

OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO

Posted on: April 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro  ng media sa Maynila.

 

Ito ang kinumpirma  ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.

 

 

 

Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station 10 ay bunsod sa pag-aresto sa reporter ng radio station ng PTV 4 (Radyo Pilipinas) na si Lorenz Tanjoco.

 

Kabilang sa mga sinibak ay sina  PLt Joel Pinon  bilang Beata PCP Commander, PSMS Jonathan Hernandez, PCpl Charles Bronzon Dela Torre, Pat Marvin Anthony Comboya at Pat Jonathan Abad.

 

Linggo ng hapon ng masita sa chekpoint si Tanjoco dahil sa walang suot na facemask dahil sa kadahilanang natanggal ito habang nagmomotorsiklo.

 

Sa kabila ng paliwanag ni Tanjoco ay tinuluyan pa rin at dinala sa Baeta Police Community Precinct kung saan siya ikinulong na tumagal na mahigit sampung oras bago ito tuluyang pinalaya.

 

Ayon kay Francisco, ang mga pulis na ito ay inilipat na sa DIDMD/D7 ng MPD habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.

 

Ang agarang pagkakasibak sa puwesto ng mga tauhan ng MPD ay nangangahulugan na hindi kinukunsinti ni Francisco ang abusadong mga pulis sa kanyang panunungkulan. (GENE ADSUARA)