• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 9th, 2021

May covid o wala, tuloy ang takbo ng ekonomiya- Sec. Roque

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Covid or no Covid tuloy po ang pagtakbo ng ating ekonomiya.”

 

Ito ang bahagi ng mensahe ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawang 10 million Fully Vaccinated Filipinos sa 5th Level Megatrade Hall, SM Megamall noong Huwebes, Agosto 5.

 

“Bukas magsisimula naman po tayo ng ECQ. Ngunit hindi po ibig sabihin na magsasara ang Pilipinas, giit ni Sec. Roque.

 

Ngayon  aniya ay  “we have reached a very important milestone in our national vaccination program.”

 

Kung dati-rati aniya ay nagkukumakahog ang bansa kung saan kukuha ng bakuna ngayon ay mayroon ng 10 milyong Pilipino na meron nang full protection laban sa kalaban ng  Covid-19.

 

“Palakpakan po natin ang buong sambayanang Pilipino,” anito.

 

Hindi rin aniya ito nangangahulugan na hihinto ang bakunahan, sasamantalahin aniya ng pamahalaan ang ECQ para lalo pang mapabilis ang pagbabakuna.

 

“At inaanunsyo ko po muli na gaya ng hiningi ni Chairman (Benhur) Abalos binigyan po ng national government ang Metro Manila ng 4 million additional jabs para gamitin during ECQ,” aniya pa rin.

 

“At bulong nga po sa akin ng aking pinsan na si Secretary Duque, eh kapag nangyari po ito, malapit na tayo dumating sa punto na ang buong Metro Manila will achieve 50 percent fully-vaccinated population, siguro po pagkatapos na pagkatapos ng ECQ. Palakpakan po natin ang Metro Manila,'” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Importante aniya na patuloy ang  pagbabakuna dahil ito  ang magsisiguro na ang  lahat ay makakapagbalik sa trabaho, makakabalik sa  pamilya at makakabalik sa dating mga buhay.

 

Layunin  aniya ng gobyerno na makapaghanapbuhay ang  mga mangggagawa.

 

Ito rin aniya  ang magsisiguro na kahit nandiyan ang coronavirus ay hindi masisira o matitigil ang mga serbisyo ng pamahalaaan.

 

“Salamat sa  po ating mga katuwang. Unang-unang, kung wala sila walang mag-i-implement ng kahit anong programa at polosiya ng IATF, ang ating lokal na pamahalaan. Palakpakaln po natin ang ating lokal na pamahalaan'” lahad ni Sec. Roque.

 

At siyempro aniya, kung wala rin ang  pribadong sektor, hindi rin  aabot sa puntong ito.

 

Hiniling ni Sec. Roque na  palakpakan ang  pribadong sektor.

 

“Ingatan po natin ang ating mga buhay para tayo’y makapaghanapbuhay. Balik buhay po tayong lahat dahil sa bakuna. Maraming salamat at mag-ingat po tayong lahat. Magandang umaga sa inyong lahat'” ani Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Panawagan ng Malakanyang sa mga Padre de pamilya, higpitan ang mga bata ngayong simula na ang 2 week ECQ

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga padre de pamilya na gumamit na nang baston kung kakailanganin para huwag palabasin ang kanilang mga tsikiting ngayon at nagsimula na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila.

 

Ang ECQ ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay tatagal ng dalawang linggo mula Agosto 6 hanggang 20.

 

Ang panawagan ni Sec. Roque sa mga tatay ay huwag na huwag palabasin ang kanilang mga anak.

 

Kung kailangan aniyang gumamit ng baston ay gamitin ito sa gitna ng target na mapababa ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.

 

“Kaya nga po ang panawagan ko sa mga hepe ng pamilya, mag-declare na po kayo ng household lockdown at ipatupad po ninyo iyan, kung kinakailangan ng baston, magbaston na kayo sa inyong mga kabataan,” ani Sec. Roque.

 

“Pero huwag na ninyong palalabasin, dahil ang objective po natin mapababa ang pagkalat nitong mas nakakahawang Delta variant,” aniya pa rin.

 

Ibig lang aniyag sabihin ay gawin ang lahat upang matiyak na hindi makakagala at maging pakalat- kalat ang mga bata lalo na ngayong ECQ.

 

“Ito po ang rule, GENERAL RULE: Bawal lumabas exception, iyong mga nagtatrabaho po, dahil sila ay APOR doon sa mga industriyang bukas, iyong mga medical frontliners natin at iyong mga taong gobyernong nagbibigay ng serbisyo na classified as APOR. Tama po iyon, bawal lumabas ang general rule,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero kung kayo po ay APOR at magpapabakuna, puwede po kayong lumabas. At saka iyong mga kukuha po ng essentials, pagkain at gamot. Pero tama po, ang general rule, huwag lalabas,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, biglang nagbigay linaw naman si Sec. Roque sa maling salita na kanyang nagamit bilang atas sa mga padre de pamilya.

 

Una kasing nabanggit ni Sec. Roque ay salitang baston na kaagad namang nilinaw nito na ang nais sana niyang tukuyin ay pastol.

 

“Sorry ha, siguro mali iyong word ko kanina. Mga hepe ng pamilya, pastulin po natin ang lahat ng miyembro ng ating mga pamilya na huwag ng lumabas, diyan po talaga magtatagumpay ang ECQ, kung iyong hepe ng pamilya ang magpapatupad ng household lockdown. Pastulin, hindi bastunin, pasensiya na kayo. Alam naman ninyo trying hard managalog, pero hindi tayo perfect, we are getting there po. Huwag kayong mag-alala,” paglilinaw nito.   (Daris Jose)

SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.

 

Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa COVID-19.

 

“Pero ‘yung sanggol po na ‘yun na-admit sa ospital, actually ang reason  na nai-refer samin ay mayroon po siyang abnormality sa puso and napakabilis ng pagtibok ng puso at nung plano naming gamutin yun at tinesting po yung baby eh may COVID kaya siya po ay nadala sa COVID ward” ayon pa sa tagapagsalita ng PGH.

 

Ayon pa kay del Rosario may iba pang mga batang pasyente sa PGH  na may COVID  noong nagsisinula ang pandemic ngunit  mas kumplikado aniya ngayon dahil  ang iba ay matindi ang kanilang COVID pneumonia na nakuha at iba pang kumplikasyon.

 

Mayroon din aniya silang pasyente na may sakit na tinatamaan din ng COVID-19.

 

Sa ngayon, hindi pa aniya natatanggap ng PGH ang  genome sequencing results ng mga bata .

 

Nauna nang inihayag ng ospital na mayroon nang 21 Delta cases .

 

Plano naman ng PGH na magdagdag pa ng apat na kama para sa pedia coronovirus ward.

 

“Hindi naman po kami nananakot na laganap na ang COVID sa mga bata. Ang sinasabi lang po namin ay nagkaka-COVID po ang ating mga anak kaya kailangan nating mag-ingat,” he said.

 

“The hospital’s intensive care unit (ICU) for adults is full, while 153 out of 225 beds are available,” ayon pa kay del Rosario.

 

“Ang challenge lang po kung severe or critical ‘yun po ang medyo challenging dahil sa adult po puno ang ICU,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)

Transportasyon sa NCR mananatiling 50% capacity kahit ECQ

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20.

 

 

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin ang 50% capacity sa lahat ng sektor ng transportasyon.

 

 

Subalit sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang mga authorized persons outside residence (APORs) lamang ang papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon na naaayon sa ipinapatupad na guidelines ng IATF.

 

 

“Only authorized persons outside residence (APORs) would be allowed on public transport services in accordance with omnibus guidelines of IATF,” wika ni Tugade.

 

 

Pinaalalahanan ang mga APORs na magdala at magpakita ng kanilang IDs at iba pang mga dokumento sa mga transport marshals kung sila ay sasakay.

 

 

Habang may ECQ, ang mga pampublikong sasakyan tulad ng buses at jeepneys ay pinapayagan ng magkaron ng 50 percent capacity subalit one-seat-apart at wala dapat na nakatayo na mga pasahero. Ang mga motorcycle taxi services at transport network vehicle service operations ay pinapayagan din.

 

 

Pinapayagan din ang operasyon ng mga tricycles sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng local government unit (LGU) subalit dapat ay isa lamang ang sakay.

 

 

Ang mga trains naman tulad ng Light Rail Transit Line 1(LRT Line 1), Metro Rail Transit Line 3(MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT Line 2), at Philippine National Railways (PNR) ay mananatiling may operasyon sa loob ng dalawang (2) linggo na may ECQ.

 

 

“All trains of PNR, LRT 2, LRT 1, and MRT 3 will have transport marshals to enforce health protocols and to identify APORs. Trains will also be disinfected after every loop,” dagdag ni Tugade.

 

 

Mayron din mga domestic flights at local sea travel sa NCR habang may ECQ subalit subject sa community quarantine restrictions ng kanilang pupuntahan.

 

 

Ang mga transport marshals ay mahigpit na magpapatupad seven (7) commandments ng public transport safety sa mga estasyon at terminal ng mga transportasyon ganon din sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

 

 

Mahigpit na ipinatutupad ang social distancing, paggamit ng face mask at face shield, at ibp health at safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.

 

 

“We are at the DOTr reiterate the need for us to strictly observe the necessary health and safety measures aboard public transportation. We are more adamant now, as we reinforce the government initiatives and measures to prevent to spread the highly-transmissible Delta variant,” saad ni Tugade.  LASACMAR

Ads August 9, 2021

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 na araw bago ang laban sa American boxer.

 

Aniya, hindi pare-pareho ang rounds ng sparring sessions ni Manny na minsan ay umabot ng 10 rounds.

 

 

Ayon kay Marinduque, halos nasa peak na ang kondisyon ng senador ngunit iniiwasan nina Hall of Famer Coach Freddie Roach at Coach Buboy Fernandez na ma-burn out sa training.

 

 

Dagdag rin nito, sa ngayon nagpatupad ng paghihigpit sa pagpapasok sa Wild Card Gym para makaiwas sa Coronavirus Disease maging ang pagkuha ng mga videos at litrato sa training ni Manny ay ipinagbabawal rin.

 

 

Itinakda ang faceoff ng fighting senator kay Spence sa darating na Agosto 21 o Agosto 22 na sa Pilipinas.

 

 

Samantala, sinabi ni Marinduque na batay sa kasalukuyang betting odds sa Amerika liyamado umano sa ngayon si Errol Spence kontra kay Pacquaio.

Lambda variant bagong banta sa Pinas

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isa na namang ba­ong variant ng COVID-19 na Lambda na inihaha­lintulad sa Delta ang magiging bagong banta sa Pilipinas na kaila-ngang makapagsagawa ng mga pamamaraan na huwag makapasok sa bansa.

 

 

Ayon kay infectious  disease expert Dr. Ront­gene Solante, na bagama’t hindi pa natutukoy sa Pilipinas, kumakalat na ang Lambda variant na unang natukoy sa Peru at sa iba’t ibang bansa.

 

 

Sa ngayon ay nananatili pa rin itong isang ‘variant of interest’ ngunit may potensyal na maging ‘variant of concern’ tulad ng Delta, Alpha, Beta, at Gamma.

 

 

Isa na namang ba­ong variant ng COVID-19 na Lambda na inihaha­lintulad sa Delta ang magiging bagong banta sa Pilipinas na kaila-ngang makapagsagawa ng mga pamamaraan na huwag makapasok sa bansa.

 

 

Ayon kay infectious  disease expert Dr. Ront­gene Solante, na bagama’t hindi pa natutukoy sa Pilipinas, kumakalat na ang Lambda variant na unang natukoy sa Peru at sa iba’t ibang bansa.

 

 

Sa ngayon ay nananatili pa rin itong isang ‘variant of interest’ ngunit may potensyal na maging ‘variant of concern’ tulad ng Delta, Alpha, Beta, at Gamma.

 

 

Ngunit hindi naman  magiging ganap na wa-lang silbi ang COVID-19 vaccines laban sa Lambda. Maaari umanong mabawasan ang bisa nito ngunit hindi naman tuluyang ma­wawala ang proteksyon. (Daris Jose)

116 bagong kaso ng COVID Delta variant, na-detect – DoH

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naka-detect ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 116 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Dahil dito, mayroon nang kabuuang 331 Delta variant cases sa Pilipinas.

 

 

Maliban dito, mayroon ding 113 na bagong kaso ng Alpha, 122 naman ang bagong kaso ng Beta variant habang 10 ang bagong kaso ng P.3 o ang Philippine variant.

 

 

Sa bilang na 116 na mga bagong kaso ng Delta variant cases, 95 ang local cases, isa ang returning overseas Filipino (ROF) at ang 20 ay inaalam pa kung saan nagmula.

 

 

Nasa 83 cases dito ay may address sa National Capital Region (NCR), habang ang 3 ay mula sa Calabarzon, 4 sa Central Visayas, 2 sa Davao Region, 1 sa Zamboanga Peninsula, 1 sa Cagayan Valley, at 1 sa Ilocos Region.

 

 

Ayon sa DOH, ang lahat ng 116 na bagong Delta variant cases ay pawang gumaling na.

 

 

Ngayong araw din, nakapag-record ang DoH ng 8,127 na mga bagong kaso ng COVID-19, bagay na mas mataas kumpara nitong mga nakaraang araw. (Gene Adsuara)

ELLEN, nagsalita na at nagpaliwanag sa isyu nang pagwo-walkout sa taping ng ‘John en Ellen’

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na nga si Ellen Adarna tungkol sa isyu nang pagwo-walkout diumano sa last taping day ng sitcom nila ni John Estrada sa TV5, ang John en Ellen.  

 

 

Na-imbiyerna daw ang buong production ng sitcom dahil bigla na lang daw umalis si Ellen ng taping sa Laiya, Batangas, kaya hindi raw natapos ang huling mga eksena para sa season finale.

 

Sa interview naman ng komedyanteng si Long Mejia na kasama rin nila ni John sa  programa, totoo raw na nag-walkout nga raw ang fiancee ni Derek Ramsay.

 

Kaya naman nang nagtanong ang ilang followers na nangyari, na ‘yun iba ay binash pa siya dahil sa hindi kagandahan na komento nila, tulad ng pagiging unprofessional, na sana raw ay maging considerate dahil kawawa naman ang maliliit na trabahador.

 

 

Kaya hindi na napigilan ni Ellen na sagutin ito at ipaliwanag sa kanyang IG post:

 

“There is what u call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented.

“I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you).

“Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical,” paliwanag ng seksing aktres.

Pagpapatuloy pa ni Ellen, “I was promised a cutoff and even i extended it for another hour para walang masabi (i have receipts to prove this too).

“I guess someone wasnt informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo.

“I think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep. Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1.”

 

 

***

 

NANINIWALA ka ba sa destiny?

 

 

Isa dito ang lovestruck na si Kimverly Santillan (Sue Ramirez) sa patuloy niyang paghahanap ng kanyang “The One” sa WeTV Original romantic comedy series na Boyfriend No. 13.

 

 

Where do things stand between Kim, Doc Don (JC De Vera) and Bob (JC Santos)?

 

 

Puwede na ngayong I-stream ang walong (8) nakaka-in love na episodes ng libre sa WeTV at alamin kung paano niya natagpuan ang itinadhanang THE ONE.

 

 

Para ma-stream ang Boyfriend No. 13 and other WeTV Originals and the very best in Asian Premium Content, original series, Filipino shows and anime, I-download lang ang WeTV and iflix app from the App store and Google Play, and start watching!

 

 

A monthly subscription rings in at only P59, quarterly at P159, and an annual subscription is only P599 for recurring subscriptions, while a one-month pass is only P149.

(ROHN ROMULO)

NORA, humihingi ng tawad dahil maraming pagkukulang sa pumanaw na kaibigang producer/director

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLULUKSA ang Philippine Television industry dahil sa pagpanaw ng TV icon na si Kitchie Benedicto.

 

 

Pumanaw ang producer-director na si Benedicto noong nakaraang August 4 sa edad na 74. Sa kanyang tahanan sa Pasay City pumanaw si Benedicto ayon sa kanyang son-in-law na si Negros Occidental Vice Governor Jeffrey P. Ferrer.

 

 

“It is with deep sadness that we announce the passing of our beloved mother, Kitchie Benedicto-Paulino, on August 4, 2021 at 74 years old, surrounded by her loved ones in her home. She leaves behind her 4 children, 14 grandchildren, and 1 great granddaughter.

 

 

For those who want to pay their final respects and tribute to Mom, we will soon announce an online memorial service. Thank you for your love, support, and prayers,” ayon sa statement na nilabas sa media ng pamilya ni Benedicto.

 

 

Si Kitchie Benedicto ay anak ng former Philippine Ambassador Roberto S. Benedicto, isang prominenteng public figure noong panahon ni President Ferdinand E. Marcos. Ang pamilya nila ang may-ari ng RPN Channel 9, ang tinaguriang leading television broadcasting firm sa bansa noong 70s and 80s.

 

 

President and CEO si Benedicto ng KB Entertainment Unlimited, Inc. na siyang nag-produce ng mga top-rating and long-running shows ng RPN-9 na Superstar ni Nora Aunor at John En Marsha nina Dolphy at Nida Blanca.

 

 

Isa nga si Ate Guy sa labis na nalungkot sa pagpanaw ng kaibigang producer/director na naging dahilan para tumagal ang kanyang TV shows noon.

 

 

Humingi rin ng tawad ang Superstar dahil alam niyang marami siyang pagkukulang, ayon sa naging pahayag niya.

 

 

Si Benedicto rin ang instrumento sa pag-produce ng ilang entertainment shows tulad ng Kaluskos Musmos, isang comedy-skit show na tampok sina Maricel Soriano, Herbert Bautista, Dranreb Belleza, Maila Gumila, Gary Lising at marami pang iba.

 

 

Si Benedicto rin ang nasa likod ng unang musical-variety show ng Star for all Seasons na si Vilma Santos na VIP: Vilma In Person at ang sitcom nina Vic Sotto at Dina Bonnevie na 2+2 at ang musical-comedy show ni Dolphy na Buhay Artista. 

 

 

Ang naging comeback at huling talk show ng yumaong Queen of Intrigues Inday Badiday na Inday, Heart To Heart in 2002 ay si Benedicto ang nag-produce for GMA.

 

 

***

 

 

NAKAKUHA na rin ang Kapuso star na si Sanya Lopez ng Gold Play Button mula sa YouTube matapos niyang malagpasan ang one million mark sa bilang ng kaniyang subscribers.

 

 

Sa Instagram ay pinasalamatan niya ang mga fans sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa kaniyang videos, “Gintong pasasalamat sa lahat ng aking mga subscribers!!! 

 

 

Sunud-sunod talaga ang buhos ng blessings sa career ni Sanya. Kamakailan lang ay muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center. Successful din ang huli niyang mga programa kabilang na ang mahusay niyang pagganap sa role ni Yaya Melody sa primetime series na First Yaya at bilang si Maya sa Agimat ng Agila.      Congratulations, Sanya!

 

 

***

 

 

PUSPUSAN na ang paghahanda nina Matt Lozano at Radson Flores para sa nalalapit na lock-in taping ng much-awaited GMA series na Voltes V: Legacy.

 

 

Nagte-training na si Matt sa paggamit ng bo staff, ang sandata ng kanyang karakter na si Big Bert. Kumuha naman ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang role na si Mark Gordon.

 

 

Ayon kay Matt, “Gusto ko pagdating sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunts ng bo staff, para pagdating sa set, handang-handa ako hindi lang sa pag-arte.”

 

 

Pagkukuwento naman ni Radson, “Kailangan, kumbaga parang sumasayaw kayo nung kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum, at ‘yung balance.” 

 

 

Makakasama rin nila sa inaabangang Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, at Raphael Landicho bilang John “Little Jon” Armstrong.

(RUEL J. MENDOZA)