NAKAKUHA ng nominasyon ang Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba bilang Best Drama Series/Telefilm Made for a Single Asian Market sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2021.
Makakatapat ng inspirational teleserye ang iba pang apat na nominadong programa mula sa Asya. Pararangalan naman ang winner sa isang virtual ceremony sa Agosto 27 base sa kahalagahan at pagiging akma nito sa mga manonood sa Pilipinas.
Ang ContentAsia Awards ay inoorganisa ng ContentAsia, isang nangungunang information resource na nag-uulat tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific region.
Sinusundan ng Huwag Kang Mangamba ang kwento ng magkapatid na Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) at ang misyon nila para kay Bro na muling mapatayo ang simbahan sa bayan ng Hermoso. Sa pamamagitan ng kwentong ito, layunin ng seryeng iparating sa mga manonood na hindi sila kailanman nag-iisa at sa iba-ibang paraan ipinapakita ni Bro ang pagmamahal Niya araw-araw.
Sa pagpapatuloy ng kwento ng Huwag Kang Mangamba ngayong linggo, magsisimula nang hanapin ng magkapatid ang nawawalang anak ni Barang (Sylvia Sanchez) matapos itong ilagay sa isang mental facility. Patuloy naman ang masasamang balak ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) dahil sisimulan na niya ang pagpapatayo ng kanyang healing dome.
Lalong nagiging exciting ang bawat episode ng Huwag Kang Mangamba. Laging may pasabog every night kaya huwag kaligtaang panoorin.
***
LAUNCHING film ni Vince Rillon ang Resbak, isa sa bagong pelikula ni Direk Brillante Mendoza.
Kasama rin siya sa GenSan Punch kung saan isang boksingero ang kanyang role.
Bagets pa si Vince noong una siya lumabas sa Captive, na pelikula rin ni Direk Brillante. Nakalabas na rin siya sa TV series na FPJ’s Ang Probinsyano at sa Netflix mini TV series na Amo at sa MMFF entry na Mindanao.
His other TV appearances ay sa Carpool at Unlocked. Sa Kintsugi, isang collaborative film ng Pilipinas at Japan, ang papel niya sa isang pottery factory worker.
Pero biggest break niya ang Resbak kung saan gumaganap siyang magnanakaw ng motor, na kasapakat ng isang kandidato ng isang SK election.
“Sa immersion namin, may mga nakausap ako na may alam sa ganiting klaseng modus. Pero yung ginagampanan kong role ay composite character ng mga nakausap namin sa immersion,” kwento ni Vince.
Marunong naman siya magpatakbo ng motor pero masyadong delikado na ang stunt ay ayaw itong ipagawa sa kanya.
“Syempre mahirap naman kapag nasugatan ako sa stunt kasi matitigil ang shooting naming. Kaya doon na lang ako sa mga eksenang di masyadong delikado,” kwento ni Vince.
Pero maraming eksena sa movie na sobrang bilis ni Vince magpatakbo ng motor. Mabuti naman at hindi naman siya nadisgrasya during the shoot.
Nag-eenjoy naman siya sa pag-aartista niya dahil iba’t-ibang klaseng characters ang kanyang nabibigyang-buhay onscreen.
Kabilang sa inimbita ni Direk Dante para panoorin ang Resbak ay sina Direk Joel Lamangan at Direk Louie Ignacio.
Ang comment ni Direk Joel sa movie, “Napapanahon siya. It is a social comment of the director sa manipulation sa bayan, Nakita ko ang social milieu. Ginagamit ang mahihirap para sa political ambition ng mga tao. Magaling si Vince. Very convincing. He is very good actor.”
Kasama rin sa cast ng Resbak sina Kahlil Ramos, Nash Aguas, Jay Manalo, Alvie Csat Casino at Bibeth Orteza.
(RICKY CALDERON)