NAG-SHARE si Kim Chiu sa kanyang mga subscriber ng YouTube channel niya ng favorite secret place niya kunsaan siya pumupunta tuwing gusto niyang mag-isa at makapag-isip-isip.
Pinakita ni Kim ang kanyang newly renovated condo unit niya na kung tawagin niya ay “home away from home”.
Pag-describe ni Kim sa kanyang sanctuary: “Sobrang liit lang ng lugar na ‘to kasi most of the time, ako lang talaga mag-isa dito. Dito ako nagmumuni-muni. Now ko lang talaga ‘to pina-renovate nang hardcore kasi parang napapadalas ‘yung pagtambay ko dito. So gusto ko namang maganda, maayos, malinis.”
Taong 2015 pa raw nabili ni Kim ang condo unit at siya raw ang nag-aayos at naglilinis nito. Kumpleto sa mga kailangan ni Kim ang kanyang condo kaya hindi nakakapagtaka na mas madalas siyang nakatambay dito.
“Parang nababahay-bahayan lang ako. Ako lang talaga mag-isa dito. Ako naglilinis. As an independent girl ako rito. Wala si sissy Kam, though sometimes nandito siya. Wala ‘yung mga angels ko, so ako lang talaga kapag gusto ko ng self-love,” sey pa ni Kim.
Natuto na raw na maging homebody si Kim noong magkaroon ng pandemya. At naging wise daw siya sa pag-invest ng kanyang mga naipong pera mula sa TV shows, movies at endorsements.
“Ngayong quarantine kasi parang pina-realize sa atin na maganda pala sa bahay. Alis tayo nang alis, travel tayo nang travel, tira tayo nang tira ng ibang lugar, pero mas maganda palang mag-invest sa bagay na alam mong sa ‘yo.
“Kasi ito nakuha ko lang ‘to dahil may konti akong natabing ipon, and then naisip ko kung saan ko ‘yun gagastusin. May nakapagsabi sa akin na best investment talaga ng money mo is really to buy a property. So kahit maliit lang siya, tutubo din naman ‘yun.
“Kaysa bumili ng mga car na magde-depreciate din ng konti, might as well buy something for yourself that one day you’ll be really proud of. Proud naman ako dito sa aking small space.”
***
MASAYANG binalita ni Inigo Pascual na kasama siya sa cast ng upcoming American musical drama na Monarch na produced ng Fox Television.
Lumabas na sa website ng Variety ang balitang kasama ang anak ni Piolo Pascual sa naturang Fox country musical:
“Actor and singer-songwriter Inigo Pascual has joined the cast of Fox’s upcoming musical drama “Monarch.
“Pascual is an established recording artist in the Philippines, where he is based. His self-titled debut album made it to No. 1 on Billboard’s Philippines chart. His second album, “Options,” was released in June. On screen, he was most recently seen making a cameo in Jo Koy’s Netflix comedy special “In His Elements.” He has also starred in several Filipino films and television series.
“Pascual is repped by Authentic Talent & Literary Management, Cornerstone Entertainment and Goodman, Genow, Schenkman, Smelkinson & Christopher.”
Makakasama ni Inigo sa show ay sina Beth Ditto, Trace Adkins, Susan Sarandon, Anna Friel at Joshua Sasse. Gaganap siya bilang si Ace Grayson, isang adopted child na nangarap maging isang country star.
Simple lang ang pagbalita ni Inigo sa social media tungkol sa pagkasama niya sa cast ng Monarch. Caption niya ay: “Sorry for keeping it for so long.”
***
DUMADAAN sa health crisis ang Genesis frontman na si Phil Collins.
Sa kanyang interview with BBC Breakfast, ni-reveal ng 70-year old singer na hirap na siyang mag-play ng drums para sa kanilang iconic band. Hindi na raw niya mahawakan ng husto ang mga drumsticks. Kaya ang kanyang anak na si Nicholas Collins ang mag-take over sa drums at siya na lang sa vocals para sa kanilang upcoming reunion tour.
“I’d love to but you know, I mean, I can barely hold a stick with this hand. So there are certain physical things that get in the way. I’m kind of physically challenged a bit which is very frustrating because I’d love to be playing up there with my son,” sey ni Collins.
Sinabi rin ng Grammy and Oscar winning singer na ito na raw ang last tour niya with Genesis.
“We’re all men of our age, and I think to some extent, I think it probably is putting it to bed. I think, yeah, I think just generally for me, I don’t know if I want to go out on the road anymore,” diin pa niya.
Noong ’60s pa nabuo ang Genesis at nakapag-record sila ng 15 studio albums. Nakabenta sila ng higit sa 150 million albums worldwide.
Noong maging solo artist si Phil Collins, naging hit ang singles niyang “Against All Odds”, “One More Night”, “Sussudio”, “A Groovy Kind Of Love”, “Easy Lover”, “Another Day In Paradise”, “Two Hearts”, and “You’ll Be In My Heart” na naging award-winning theme song ng Disney animated film na Tarzan.
Anak ni Collins ang aktres na si Lily Collins na bida ng Netflix original series na Emily in Paris.
(RUEL MENDOZA)