• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 24th, 2021

Galvez, ipinanukala ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17 sa kalagitnaan ng Oktubre

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagbabakuna sa mga menor de edad o 12 hanggang 17 taong gulang laban sa COVID-19 na magsisimula sa kalagitnaan ng Oktubre.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni Galvez na ang gobyerno ng Pilipinas ay mayroong 23.75 milyong bakuna na naka- stock habang may karadagang 20 milyon naman ang inaasahan na darating sa bansa sa unang linggo ng Oktubre.

 

“We are proposing to open the vaccination for children by mid October, kasi by mid October may additional pa tayong 20 million na dadating plus ‘yung 23 million, kayang-kaya na natin ma-vaccinate ‘yung 12 million na bata, na 12 to 17,” ayon kay Galvez.

 

“Pero ang recommendation natin, mauna muna po ‘yung may comorbidities atsaka po ‘yung mga anak po ng mga healthcare workers,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, nito lamang Setyembre 19, inaprubahan ng panel of experts ng pamahalaan ang pagbabakuna ng COVID-19 para sa mga kabataan.

 

Aniya, nakararanas ngayon ang bansa ng “saturation point’ sa National Capital Region at iba pang lungsod.

 

“Meaning parang nag mi-meet na po ‘yung demand at saka ‘yung supply. Meaning kailangan na natin mag-open ng other sectors,” anito.

 

Nauna rito, sinabi ni Galvez na nakatakdang magsimula ang pamahalaan ng pagbabakuna sa general public sa susunod na buwan.

 

“By November po, or even earlier, pwede na po nating i-open ang general public,” ani Galvez. (Daris Jose)

BUNTIS, 2 ELECTRICIAN KULONG SA BARIL AT P170K SHABU SA CALOOCAN

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug pushers kabilang ang 18-anyos na buntis matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina John Patrick Chico, 20, electrician, Mark Anthony Asor, 21, electrician at Janelle Gozo, 18, pawang ng Brgy. 150, Bagong Barrio.

 

 

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation at surveillance.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang Bagong Barrio Police Sub-Station 5 at 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy-bust operation sa Moises St., Brgy. 150, Bagong Barrio dakong alas-9:30 ng gabi kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, isang cal. 9mm pistol na kargado ng magazine at 3 bala.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591. (Richard Mesa)

Pinoy cue artist Biado ibinahagi ang sekreto sa pagkapanalo sa US Open Billiard

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinahagi ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang naging susi sa pagkakuha nito ng kampeonato sa US Open Pool Championship.

 

 

Sinabi nito na kung hindi dahil panghihikayat ng kaniyang asawang si Niecky na magtungo sa US ay hindi nito makukuha ang kampeonato.

 

 

Wala kasing mga torneo sa Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic kaya hinikayat ito ng asawa niya na subukan ang suwerte sa US apat na buwan na ang nakakaraan.

 

 

Dahil sa pagpupumilit ng asawa na kaniyang sinunod ay nagtagumpay ito kung saan itinuturing niya itong kaniyang lucky charm.

 

 

Magugunitang tinalo ni Biado si Aloysius Yapp ng Singapore sa finals ng nasabing torneo kung saan nakapag-uwi ito ng nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

 

 

Umaasa ito na makasama sa Billiard Congress of America Hall of Fame gaya nina Efren ‘Bata’ Reyes na kasama noong 2003, Francisco “Django” Bustamante noong 2010 at Alex Pagulayan noong 2019.

 

 

Wala pa rin itong desisyon kung sasali ba ito sa International Open sa susunod na buwan sa Virginia dahil matapos na itong nawalay sa kanilang anak.

Donaire tinanggap na ang pag-sorry ni Casimero

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggap na ni Nonito Donaire Jr ang paghingi ng paumanhin ng kapwa nitong Pinoy boxer na si John Riel Casimero.

 

 

Sa paghaharap ng dalawa sa isang online interview na nag-sorry si Casimero sa kaniyang koponan at mga fans na nasangkot sa palitan nila ng salita sa social media ng tinaguriang “The Filipino Flash”.

 

 

Naghingi ring kapatawaran si Casimero sa asawa at manager ni Donaire na si Rachel para matuloy na ang kanilang paghaharap.

 

 

Magugunitang nakatakdang magharap sana ang dalawa noong Agosto subalit ito ay kinansela matapos umano na bastusin sa pamamagitan ng social media ni Casimero ang asawa ni Donaire.

 

 

Ilang linggo ring nagpalitan ng “Trash talk” ang dalawa sa social media.

 

 

Hawak ni Donaire ang WBC bantamweight title habang si Casimero ay kasalukuyang WBO bantamwieght champion.

FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila.  Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay.  Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng mga mass-transport tulad ng tren o MRT.

 

 

 

Kailangan din mapaghandaan ito upang ang apektadong mga public transport na may ruta doon ay hindi ma-displaced at hindi mawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto sa mga ang linya nila at maaaring mabawasan ang pasahero na pupunta na sa mass-transport system.   Kaya kailangan maaga pa lang ay maihanda na ang mga bagong ruta para hindi maging ka-kumpetensya ng tradisyonal na public transport ang mass-transport bagkus maging complementary ang bawat isa sa pagsisilbi sa riding public.

 

 

 

Ano ang mga byahe na bubuksan para makarating sa stations ang mga pasahero?  Saan ang kanilang mga terminal? At iba pang isyu. Bilyong piso ang gagastusin sa mga infrastructure ng mass-transport. Sana bahagi sa gagastusin ay ang tulong sa mga maaapektuhang drivers at operators. (Ariel Enrile-Inton)

Canelo Alvarez at Caleb Plant promo tour, nauwi sa suntukan

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muntik mauwi sa todong labu labo ng suntukan ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina super middleweight champion Canelo Alvarez at Caleb Plant habang nagsasagawa ng promotional tour ng kanilang laban sa Beverly Hills, California.

 

 

Una rito nag-face off ang dalawa at nagkadikitan ang mukha habang nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpormahan.

 

 

Sinabi raw kasi ni Caleb na mandaraya noon sa droga si Alvarez.

 

 

Dito, hindi nagustuhan ni Canelo ang bastos daw na salita ni Plant kaya bigla niya itong itinulak.

 

 

Sumugod na bigla si Caleb at nagpakawala ng left cross na nailagan naman ni Alvarez.

 

 

Akma namang magkaroon na ng riot, hanggang awatin ng kanilang mga staff ang dalawang magkalabang boksingero.

 

 

Si Canelo (56-1-2, 38 KOs) ay kampeon sa WBC, WBO, WBA at Ring Magazine champion Alvarez habang si Caleb (21-0, 12 KOs) ay wala pang talo ng siyang ay IBF champion.

 

 

Aayat ng ring ang dalawa sa November 6 sa MGM Grand sa Las Vegas.

CARLA, natawa sa birong pagod na ikakasal kay TOM sa November pero blooming pa rin

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MABABAGO pala ang date ng church wedding ng mga Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. 

 

 

Ang una kasi nilang announcement ay October 23 na magaganap sa Tagaytay Highlands, pero binago na nila this November, 2021.

 

 

Medyo mahirap daw na pinagsabay nila ni Tom ang work at ang pagpa-plano ng kasal.  Pareho kasi silang naka-lock-in taping, siya sa To Have And To Hold at si Tom ay sa lock-in taping naman ng The World Between Us.

 

 

      “Okey lang naman dahil lahat naman ng meetings ko with the supplier ay virtual,” sagot ng actress sa question sa kanya sa zoom mediacon nila nina Max Collins at Rocco Nacino.

 

 

“Iyon nga lamang may mga bagay na mahirap gawin, kaya hinaharap ko ito kapag naka-lunch break ako, saka ako nakikipag-meeting sa wedding planner namin. At nasusunod naman ang mga pinag-uusapan namin.”

 

 

Natawa si Carla sa biro na siya ang pagod na ikakasal but still blooming at halatang excited na sa nalalapit na kasal nila ni Tom.

 

 

Sa Monday na, September 27, ang world premiere ng To Have And To Hold, 8:50 PM, pagkatapos ng Legal Wives, papalitan nila ang Endless Love na finale episode na tonight, September 24.

 

 

***

 

 

NO problem naman kay Rocco Nacino kung hindi siya ang original choice to play the lead role sa GMA Primetime drama series na To Have And To Hold. 

 

 

Dapat kasi ang gagawin niyang serye ay Artikulo 247 sa GMA, pero inilipat nga siya sa serye na gaganap siya bilang si Gavin, a workaholic chef at husband ni Dominique, played by Max Collins.

 

 

Thankful si Rocco na tinanggap niya ang role na ibinigay sa kanya dahil tamang-tama ito sa kanya personally, marami siyang natutunan, since nagsisimula na nga sila ng wife niyang si Melissa Gohing na bumuo ng family.

 

 

Naiiba kasi ang story ng To Have And To Hold na magkakaroon ng malaking problema ang pagsasama nina Gavin at Dominique, sino ang magiging cheater sa mag-asawa? Paano papasok ang character na gagampanan ni Carla Abellana? Paano ito mari-resolve ng mag-asawa?

 

 

Sa direksyon ni Don Michael Perez, may special participation naman si Rafael Rosell at magsisimula sila sa Monday, September 27, 8:50PM sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NATUTUWA ang mga netizens na nakikita ang mga Instagram stories na pinu-post ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga anak na sina Zia at Sixto.

 

 

Mukhang susundan nina Zia at Sixto, ang yapak ng mga parents nila. Kung si Zia ay nahihilig sa mga ginagawa ng ama bilang director-actor na kasama na sa Team Dantes tuwing magti-taping sa bahay nila ng spiels ng Tadhana, si Marian, si Sixto naman ay nahihilig tularan ang pagluluto ng ina. Mahusay kasing magluto si Marian.

 

 

Ang cute ni Sixto sa IG story na nakasuot pa ng baker’s hat at gumagawa sila ng pizza ni Marian.  Siya ang naglagay ng toppings sa pizza dough at ang huling post ni Marian, si Sixto rin ang tumikim ng niluto nilang mag-ina.

 

 

Ini-enjoy ni Marian ang mga ginagawa niyang ganito dahil natututukan din niya ang mga anak sa mga ginagawa nila.

(NORA V. CALDERON)

PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

 

Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red Cross (PRC) bilang kanyang “milking cow” habang nagseserbisyo sa pamahalaan.

 

Si Gordon ay chairperson ng premier humanitarian organization sa bansa.

 

“Sabihin mo ‘cheap.’ Well, ako naman sinasabi ko you are a person who milked the government and the Red Cross both, because you sign for the Red Cross, you sign for the government,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang mukha ni Gordon ay nakadikit sa lahat ng ambulansiya ng PRC.

 

“Actually it’s a cheap political gimmick,” ani Pangulong Duterte.

 

“And I’m wondering why ako na ngayon ang naging cheap politician na itong isang bright boy sa Olongapo, iyong mukha niya, iyong mga ambulansya niya, nandiyan ‘yung mukha niya. Hindi naman siya pangit. Medyo tisoy nga,” dagdag na pahayag nito.

 

Kamakailan, tinawagan ng pansin ni Gordon si Pangulong Duterte para sa pagtatnggol nito sa mga indibiduwal na sangkot sa di umano’y overpriced medical supplies na binili ng pamahalaan noong nakaraang taon.

 

Ang kontrobersiyang ito ay tinitingnan na ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Gordon.

 

Inilarawan din ng senador si Pangulong Dutrete bilang “bully”.

 

“Bakit kita takutin? Totoo ba hinahamon mo ako ng suntukan? Susmaryosep. Hindi ka nga siguro makaikot ng one round. You are getting to be preposterous,” ani Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Pacquiao camp, binawi ang isyu ng retirement

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ngayon ni MP promotion president Sean Gibbons na hindi pa talaga magreretiro si eight division world boxing champion Manny Pacquiao.

 

 

Taliwas ito sa naunang mga pahayag ng kampo ni Pacquiao, na tinatapos na fighting senator ang kaniyang boxing career para makapag-focus sa politika.

 

 

Ayon kay Gibbons, bagama’t wala pang malinaw na petsa ang susunod na laban, pinag-uusapan na ito ng kanilang panig.

 

 

Hindi pa rin batid kung makikipag-rematch ito kay Yordenis Ugas o iba na ang makakaharap ni Pacman sa susunod nitong pagsampa sa ibabaw ng ring.

‘Fantastic Beasts 3’ Officially Titled ‘Secrets of Dumbledore’

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. officially announces that Fantastic Beasts 3, now subtitled The Secrets of Dumbledore, will arrive in theaters in April 2022.

 

 

First launching in 2016, the Fantastic Beasts films have acted as prequels to WB’s film adaptation franchise of J.K. Rowling‘s Harry Potter novels. The plots for the prequels generally center around Newt Scamander, an employee in the Beasts Division of the British Ministry of Magic, as he journeys the world chronicling various magical beasts though slowly finding himself more caught up in the ongoing war between the Ministry of Magic and those practicing dark magic.

 

 

Development on the new Fantastic Beasts was announced in late 2016 ahead of the first film’s release when WB revealed the franchise would consist of five films, with Eddie Redmayne starring in all five as Newt and David Yates attached to direct all five.

 

 

Initially intended to begin filming in early 2020, production on the threequel has experienced a number of hiccups along the way in addition to delays from the ongoing COVID-19 pandemic. Johnny Depp, who was set to reprise his role as the villainous Gellert Grindelwald for a third time, was asked by WB to resign late last year due to personal conflicts surrounding ex wife Amber Heard and would be replaced by Mads Mikkelsen within a few weeks.

 

 

After wrapping production earlier this year, the official Twitter account for Wizarding World has revealed that Fantastic Beasts 3 will arrive in theaters on April 15, 2022. The post also announces that the threequel is officially subtitled The Secrets of Dumbledore and offers a first look at the logo for the film.  Eagle-eyed fans will be able to spot a wand carved into the “D” of Dumbledore’s name. The Elder Wand, perhaps?

 

 

Given the troublesome production the film faced, the April release date for Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore should come as a happy surprise to fans eager to watch the next installment in the franchise.

 

 

It is expected to pick up from 2018’s The Crimes of Grindelwald, which saw dark wizard Gellert Grindelwald amass more followers and pull the powerful Credence Barebone (Ezra Miller) over to his side. As the entire Fantastic Beasts franchise is leading up to Grindelwald’s infamous battle with Albus Dumbledore (Jude Law), the third film is expected to further lay the groundwork for that conflict.

 

 

Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore is especially notable because it will feature the debut of Mads Mikkelsen as Grindelwald; he’s taking over the part from Johnny Depp, who was forced to step down last fall.

 

 

With this title, it’s clear Fantastic Beasts 3 is going all in on the controversial twist from The Crimes of Grindelwald. The 2018 film ended with the reveal that Credence is actually a long-lost Dumbledore brother named Aurelius.

 

 

It was a plot point that took many fans by surprise, since the Harry Potter series only establishes three Dumbledore sibling: Albus, Aberforth, and the late Ariana. The title The Secrets of Dumbledore all but guarantees the movie will be exploring Albus’ murky past and might also touch upon what happened with Ariana.

 

 

The Secrets of Dumbledore also hints that the Fantastic Beasts series is shifting even farther away from Newt. He will certainly continue to be a main character in the franchise, but as Dumbledore and Grindewald’s legendary battle grows ever closer, he might drift towards the background.

 

 

One has to hope that won’t happen. There are two more movies on the way following The Secrets of Dumbledore, and they each have to cover a great deal of time.

(ROHN ROMULO)