• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 6th, 2023

P8 milyong suhol kada suspek ‘kathang isip’ – Teves

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG  ni suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na “kathang isip” ang umano’y P8 milyong alok sa bawat suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Go­vernor Roel Degamo para bawiin ang nauna nilang akusasyon laban sa mambabatas.

 

 

Sa video sa kanyang Facebook page nitong Sabado, sinabi ni Teves na hindi niya maunawaan kung saan nakuha ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla ang figure na P8 million.

 

 

“Hindi ko alam saan nakuha ‘yung 8 million na number eh. Bakit hindi 7, hindi 9, hindi 10 million? Baka pumasok sa isip niya na gamitin ‘yung number 8 dahil swerte? Doon mo makikita na mga kathang isip,” ani Teves.

 

 

Naunang sinabi ni Remulla na, batay sa intel report, inalok ng P8 million ang mga gunmen na dahilan ng kanilang pagbaliktad, na nagsimula umano nang mahuli noong Marso ang itinuturing co-mastermind ni Teves na si Marvin Miranda.

 

 

Giit ni Teves, nagsisinungaling ang Justice secretary.

 

 

“Kung ano-anong lumalabas sa utak mo, hindi naman totoo. At nasabi mo pa sa publiko. Anong istura mo ngayon? ‘Di sinunga­ling, ‘di ba? So, wala: king of sablay, fake news, sinungaling,” saad ni Teves.

 

 

Para sa biyuda ni Gov. Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, may batayan ang pahayag ni Remulla kaugnay ng paggamit ng pera ng mga Teves para suportahan ang mga akusado.

 

 

Hinala rin ni Degamo, may gumagastos para mabigyan ng magagaling na abogado ang mga gunmen.

 

 

“Money talaga ‘yung gagamitin nila to get what they want, just like how it was back here in Negros Oriental — they were able to silence everyone because of money and fear,” dagdag niya.

 

 

Sa kabila ng pagbaliktad ng testimonya ng mga gunmen, naniniwala si Degamo na nananatiling malakas ang kaso laban kay Teves dahil may mga matibay umanong ebidensya para mapanagot ang mambabatas.

 

 

“There are other evidence, pieces of [evidence] na nagre-rely kami doon kaya hindi po kami natitinag.” (Daris Jose)

DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga fixers, scammers

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga  fixers at scammers na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.

 

 

Ang payo ng DBM sa publiko ay iwasan na makipag-transaksyon sa “unscrupulous individuals” na nangangako na pabibiliisn ang trannsaksyon sa ahensiya.

 

 

“The department would like to emphasize that we will never authorize any individual or group to solicit money, goods, or favor in exchange for facilitating such transactions,” ayon sa kalatas ng DBM.

 

 

“We will not, in any way, tolerate or condone false representation or solicitation of any kind as this is a clear violation of the law,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran pa ng DBM na mananatili ito at paninindigan ang integridad, kasipagan at transparency sa lahat ng proseso at transaksyon, bilang pagsunod sa umiiral na batas,  rules and regulations, lalo na pagdating sa pagre-request at pagpapalabas ng public funds.

 

 

Sinabi pa ng departamento na ang pagsusumite ng requests para sa  Local Government Support Fund– Financial Assistance (LGSF-FA) sa  local government units (LGUs) ay magagawa lamang sa pamamagitan ng igital Requests Submission for Local Government Support Fund (DRSL) matatagpuan sa DBM Apps Portal.

 

 

Ang lahat ng dokumento na  isusumite ng  LGU sa pamamagitan ng ibang paraan ay “automatically denied.”

 

 

“To prevent scammers, middlemen, fraudulent individuals, or organized groups from making representations that they can influence or facilitate the release of the LGSF-FA to LGUs, the DBM shall directly deal only with the local chief executive of the LGU concerned,” ayon sa DBM.

 

 

Kaya pinayuhan ng departamento ang lahat na maging bigilante at kaagad na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa paghahain ng tamang reklamo laban sa mga walang konsensiyang  indibiduwal.

 

 

“We urge the public to be more discerning and to report scams or other spurious activities by calling (02) 865-7-3300,” ang sinabi ng DBM. (Daris Jose)

Quezon City LGU, GSIS kapit-bisig sa pabahay program

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGSUNDO ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City government para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang ‘Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM)’ program ng pamahalaan.

 

Sa ilalim nito, ang GSIS ay magtatayo ng medium rise buildings (MRB) sa kanilang mga lote sa Barangay Fairview para sa pinaka- nangangailangang GSIS members.

 

Titiyakin naman ng Quezon City Government at pamunuan ng Barangay Fairview na mabibigyan ng in-city relocation ang mga maaapektuhang pamilya.

 

Ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ay bahagi ng selebrasyon ng ika-86 anibersaryo ng pagkakatatag ng GSIS, na pinaunlakan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

 

Lumagda sa MOA sina GSIS President at General Manager Jose Arnulfo ‘Wick’ Veloso, Vice Mayor Gian Sotto, Chief of Staff Rowena Macatao, at Barangay Fairview Chairperson Jonel Quebal na sinaksihan ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Ramon Asprer at HCDRD Acting Assistant Head Atty. Jojo Conejero.

Naging open noon sa maraming insecurities: KELVIN, nako-control at stable na ang mental health

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAKA-BUSY na Kapuso actor ngayon si Kelvin Miranda dahil tatlong pelikula ang natapos niyang gawin at isa roon ay ang romance film with Miles Ocampo and Chie Filomeno titled ‘Missed Connections’ na available na for streaming on Netflix.

 

 

Marami raw natutunan ang aktor sa kanyang role at sana ay may mapulot din ang mga manonood ng kanilang pelikula.

 

 

Naging maganda rin ang experience ni Kelvin sa  pakikipagtrabaho kay Miles Ocampo at humanga siya sa natural na pag-arte nito.

 

 

“Very natural ‘yung delivery ng mga lines ni Miles. Masaya akong naka-work siya kasi sobrang natural niya umarte and kuwela. Magaan siyang katrabaho kasi hindi siya madamot e. Kung mayroon siyang maibibigay, ibibigay niya ‘yun sa ‘yo,” pahayag pa ni Kelvin.

 

 

Naging open noon si Kelvin sa pagkakaroon niya maraming insecurities noong pasukin niya ang showbiz. Nauwi raw ang mga insecurities na iyon sa pagkakaroon ng depression at anxiety.

 

 

“Feeling ko napaaga ‘yung pag-experience ko ng midlife crisis. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa mga nangyayari sa sarili ko.

 

 

“Feeling ko nahuhuli na ako sa lahat ng bagay na kailangan ko magawa at mga pangarap ko. Kahit na kasalanan na ma-insecure, darating pa rin na makikita at kahaharapin natin siya.

 

 

Ngayon daw ay nako-control na raw ng aktor ang kanyang mga nararamdaman. Stable daw ngayon ang kanyang mental health dahil binubuhos niya ang lahat ng kanyang energy sa trabaho. Napapalitan daw iyon ng happiness dahil sunud-sunod na blessings sa career niya.

 

 

“Wala na tayong time para isipin kung ano pa ang mali at ayaw mo sa sarili. Dahil sa marami tayong trabaho ngayon, masaya ako, masaya ang pag-iisip at puso ko. I feel blessed kasi nandiyan ang mga taong parating nasa tabi ko at inaalagaan tayo.”

 

 

Ang dalawang pelikula pang natapos ni Kelvin ay ang ‘After All’ with Beauty Gonzalez at ‘Poon’ with Angel Guardian. Kabilang din si Kelvin sa cast ng action-comedy series na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, na pagbibidahan nina Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

(RUEL J. MENDOZA)

DOTr naghahanap ng consultant na gagawa ng Davao bus transit system

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP ng consultant ang Department of Transportation (DOTr) na gagawa ng kauna-unahang integrated city-wide bus service na itatayo sa Davao City.

 

 

 

Sa isang request ng expression ng interest mula sa DOTr, hinihingan ang mga consultancy firms na mag submit ng kanilang qualifications upang silang mangasiwa sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP).

 

 

 

Ang kukunin na consultant ay siyang mamamahala sa contract, supervision ng design at construction ng nasabing proyekto at pag monitor ng progress nito. Bibigyan ng DOTr ang consultant ng tatlong (3) taon: 22 buwan sa pag implement ng contracts; 12 na buwan para sa identifying faults; at 2 na buwan upang magkaron ng closure ang proyekto.

 

 

 

Magkakaroon ang DOTr ng mga shortlisted na consultants mula sa mga nag submit ng expression ng interest. Pagkatapos, ang ahensya ay gagawa ng isang competitive bidding para sa kontrata kasunod ang procurement rules na ibibigay ng Asian Development Bank na siyang financier ng DPTMP.

 

 

 

“The DPTMP seeks to set up the country’s first city-wide-bus based public transport that features performance-based employment and uses an integrated fare collection system. It will introduce a traffic management system in Davao City prioritizing bus services along a core network of around 110 kilometers. The core network of the project will form part of an integrated route with feeder lines stretching an additional 400 kilometers, with associated passenger terminal and bus terminal facilities,” wika ng DOTr.

 

 

 

Sa ilalim ng DPTMP, ang DOTr ay sisimulan ang high-priority bus system based sa four-tier structure. Ang unang tier, Metro Davao, ay idudugtong sa mga commercial centers sa palibot ng Davao City kung saan ilalagay ang backbone service na babagay sa mobility demands.

 

 

 

Ang ikalawang tier ay ang Davao Inter na siyang magsisilbing tulay sa inner areas ng lungsod papuntang central business district. Samantalang, ang ikatlong tier ay ang Davao Feeder na siyang magsisilbing link sa mga pasahero mula sa small-scale na bayan papuntang Metro Davao habang ang ika-apat na tier ay ang Davao Local na siyang magsisilbing main transport para sa mga outer areas sa paligid ng lungsod.

 

 

 

Nag-request ang pamahalaan ng $1.3 billion mula sa ADB upang gawin ang proyekto kung saan ang $800 million ay siyang gagawing pangunahing funding habang ang halagang $503 million ay siyang magiging secondary capital.

 

 

 

Ngayon 2023, ang ADB ay naglaan ng loans na nagkakahalaga ng $4 billion para sa Philippines kasama ang $1 billion para sa DPTMP.  LASACMAR

Walang Pinoy casualty sa deadly triple-train crash sa India – envoy

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG  mga Filipino ang kabilang sa nasawi o nasugatan sa nangyaring deadly triple-train collission malapit sa Balasore silangang estado ng Odisha.

 

 

Ito ang inihayag ng Embassy of the Philippines sa New Dehli, India.

 

 

Batay sa ulat ng mga otoridad halos nasa 300 na ang nasawi habang nasa 900 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ibat ibang hospital.

 

 

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Philippine envoy to India Mr. Josel Ignacio,sinabi nito na wala silang natanggap na ulat na may mga Pinoy ang nasangkot sa nangyaring insidente.

 

 

Sa panig naman ni Mr. John Boitte C. Santos, Chargé d’ Affaires ng Philippine Embassy sa India, kaniyang sinabi na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine Honorary Consulate sa Kolkata na siyang may jurisdiction sa Odisha at sinabing walang Filipino ang nasangkot sa nasabing aksidente.  (Daris Jose)

May bagong serye at show na iho-host: ALDEN, makatatambal ang isa pang JULIA sa movie sana nila ni BEA

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAPANSIN ng netizens, ang pagsama nina Jose Manalo, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.” 

 

 

Nag-paid tribute naman si Alden Richards, na isa rin sa host ng noontime show, sa pamamagitan ng Facebook caption niya ng “Loyalty. #Dabarkads Ako, Hanggang Dulo,” na may photo siya na nakaluhod sa harap ng logo ng EB.

 

 

Balitang may offer sa TVJ ang tatlong netwoks, ang Net25, Cignal One Ph at TV5 para lumipat sila at doon mag-show.

 

 

Wala pang malinaw na usapan kung saan sila lilipat at kung sino ang magiging producer nila.

 

 

Pero ang tanong ng mga netizen, makakasama ba si Alden sa kanila, na isang contract star ng GMA Network?

 

 

Isa pa, ngayon ay puno ang schedule ni Alden sa GMA-7 dahil siya ang magho-host ng “Battle of the Judges” singing competition, with Atty. Annette Gozon-Valdez, Jose Manalo, Boy Abunda and Bea Alonzo as the Judges.

 

 

May isa ring drama series na gagawin si Alden, bukod pa sa announcement na ng Viva Films na tuloy pa rin ang shooting ng Korean adaptation ng “A Special Moment,” na pagtatambalan nina Alden at Julia Barretto na siyang papalit sa original cast na si Bea.

 

 

It will be produced by Viva Films, GMA Pictures, and APT Entertainment.

 

 

***

 

 

PROUD mom si Lian Paz, sa academic achievements ng kanyang mga anak na sina Xonia at Xalene, sa dating husband niyang si Paolo Contis.

 

 

Sa Instagram ay ibinahagi ni Lian ang elementary graduation ni Xalene at recognition ceremony naman ni Xonia, ang panganay niya na nng-top 1 at incoming second year high school na.

 

 

Si Xalene naman ang bunso, ay nagtapos ng elementary with honors. IG post ni Lian ang photo nilang mag-iina, kasama ang fiancé niyang si John Cabahug.

 

 

Tanong lamang kay Paolo, natupad na kaya niya ang sinabi niya noon na may pinag-iipunan siya para sa dalawa niyang anak kay Lian?

 

 

At totoo kayang nag-request na sina Xonia at Xalene kay Lian na tanggalin na ang surname na “Contis” na gamit nila?

 

 

***

 

 

NAG-GUEST si Romnick Sarmenta sa “Fast Talk with Boy Abunda” at doon, naibahagi niya na isa siya ngayong college lecturer.

 

 

Si Romnick, ay 51 years old na ngayon at nagtuturo sa Trinity University of Asia, kung saan siya naimbitahang maging lecturer sa Media and Communication Department ng College of Arts, Sciences and Education.

 

 

“What’s funny is that most of my students say ‘Sir, pwede ba akong magpa-selfie kasi crush ka ng nanay ko’.

 

 

“So, mas feeling ko na safe ako dahil yung nanay nila ang may crush sa akin,” biro ni Romnick, na isang sikat na matinee idol at ka-love team niya noon si Sheryl Cruz.

 

 

Napapanood ngayon si Romnick sa “Unbreak My Heart” kasama sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia.

 

 

Siya si Mario, ang tatay ni Joshua na gumaganap namang si Renz.  Napapanood ang “Unbreak My Heart” Mondays to Thursdays, 9:35PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Abot-abot ang pamba-bash na inabot: PAOLO, BUBOY at BETONG, nanguna sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ABOT-ABOT ang pamba-bash na inaabot ng mga bagong host ng Eat Bulaga. 
Nagsimula na ngang mapanood ng live ang Eat Bulaga na ang mga host na ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Legaspi Twins na sina Mavy at Cassy, Betong Sumaya at ang balitang girlfriend ni Sandro Marcos na si Alexa Miro.
Expected naman na kahit sino pa ang ilagay na host sa Eat Bulaga, tiyak na iba-bash. Meron pang anak ng dating host ang nag-tweet na delicadeza at respeto naman daw patungkol sa mga bagong host.
Napaisip kami do’n kasi, ibig sabihin ba, wala na silang delicadeza at respeto dahil bilang mga artists, tumugon sila sa trabaho for a noontime show? Nabakante ang slot, dapat ba hayaan na lang? Hindi ba pwedeng isipin na nagta-trabaho lang din ang mga ito, same goes sa TVJ at ibang mga host ng Eat Bulaga dati?
Given na marami ang nalungkot, marami ang nanghihinayang at nami-miss ang original Dabarkads, pero, choice rin nila na umalis. Kaya lahat tayo ay nag-aabang ngayon sa magiging bagong pasabog nila.
Tingin namin, hindi deserve ng mga bagong host ng Eat Bulaga ngayon na tinap ng TAPE, Inc. na ipagbabash. Yung sa konsepto ng show, yung kalidad ng show ngayon, yun pwede pa… kasi talagang sa puntong ‘yan, dapat ma-prove na may maihahain silang bago sa mga manonood.
But again, unang araw pa lang nilang nag-live. Tingnan natin kung mag-iimprove at ‘yung mga komentong parang All Out Sundays lang, e, may maging pagbabago nga.
***
IBA ‘yung aura ni Gerald Anderson ngayon nang makausap namin siya sa Youtube show na Marites University.
Makikita mong relax lang at masaya. Napaka-open din niya na pag-usapan ang girlfriend na si Julia Barretto. Nang tanungin namin ito kung nakikita na niya ang sarili na posibleng si Julia na nga, bukod sa may bali-balita pa na talagang papunta na sila sa kasalan, hindi itinanggi ni Gerald nakikita na niya ito sa girlfriend.
Pero siya raw kasi ‘yung kung ano ang meron sa ngayon, ine-enjoy nila at ayaw nilang pinangungunahan ang mga bagay-bagay.
At ayon kay Gerald, “I think, ang maganda rin sa amin ni Julia, sa relationship namin, we have this—well, hindi ko naman masasabing parang may sarili kaming mundo, but we have something na sa aming dalawa, kumbaga, nagkakaintindihan kami.”
Excited din si Gerald pagdating sa mga projects niya. Excited at looking forward na raw siya na maka-trabaho si Anne Curtis at ang grupo ng BuyBust ni Direk Erik Matti.
Magiging series na ito mula sa movie version at kasama nga si Gerald dito.  Ayaw na muna raw niyang masyadong i-reveal ‘yung character na gagampanan niya pero sey niya, “Exciting siya and isa ito sa nilu-look forward ko ngayon. Actually,  binabasa ko pa lang din ang script, pero ang ganda.”
(ROSE GARCIA)

‘Di magbabago ang relasyon sa TAPE at sa Dabarkads: GMA Network, nilinaw na hindi kontrolado ang nangyari sa ‘Eat Bulaga!’

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi kontrolado ng GMA Network ang mga nangyari sa “Eat Bulaga,” na nauwi sa pag-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, at iba pang hosts sa TAPE Inc.

 

 

Ikinalungkot nga raw ng Kapuso network ang mga biglang naganap sa longest-running noontime show on Philippine Television.

 

 

“Kung may say control lang tayo, may say lang tayo sa mangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan. ‘Yun ang term nila. Pipigilan natin sila.

 

 

“Susubukan natin gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin kaya lang sa totoo hands off ang GMA diyan kasi it was an internal issue between TVJ and TAPE, Inc.,” sey ni Gozon-Valdes.

 

 

Dagdag pa niya: “So, wala naman talaga kaming alam about those issues. Nalaman lang namin ang issues kapag lumalabas sa social media, sa newspaper o sa interviews so it wasn’t right for us na makialam.”

 

 

At this point ay walang kinakampihan ang GMA: “From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito. Katulad nga ng sinabi ko it was their internal issues, it was a corporate issue”.

 

 

Tungkol sa usapin ng kontrata ng TAPE Inc. sa GMA, paliwanag ni Gozon-Valdes:

 

 

“Para siguro mas maintindihan ng mga tao ang contract kasi ng GMA is with TAPE. Wala kaming contract with TVJ as talents of or as kasama ng TAPE. Ang contract na ito ay isang blocktime agreement.

 

 

“Ang ibig sabihin nun umuupa sila ng time slot sa atin sa GMA. Binabayaran nila tayo ng upa at para sila yung laman ng noontime slot from Monday to Saturday. Kung ano ang laman nun, wala tayong kinalaman dun.

 

 

“In fact, nasa contract nila that they can change hosts, they can reformat and this contract was negotiated by Mr. Antonio Tuviera pa ang nag-negotiate nung time na ‘yun.

 

 

“We have to honor the contract as long as there is no breach of its provisions. Kasi you know iba ang contract, eh it has legal consequences.

 

 

Sinabi ni Gozon-Valdes, na hindi magbabago ang relasyon ng GMA sa TAPE, Inc. at maging sa TVJ at iba pang hosts ng Eat Bulaga.

 

 

“I fervently believe that it won’t change because iba naman ‘yung GMA and iba naman ‘yung TAPE. Labas ang GMA sa issues nila with TAPE,” diin ni Gozon-Valdes.

 

 

Hinihintay ng GMA ang pagbabalik ng noontime show. Ang TAPE umano ang magpo-produce ng show sa nasabing timeslot.

 

 

Nakahanda naman daw ang Sparkle—ang talent management arm ng GMA—na magamit ang mga talent sa show.

 

 

“Kung wala namang conflict and pumapayag yung talents why not ‘di ba? Its really a separate business kung mabibigyan naman ng trabaho yung talents namin why not and we’ve been doing this even before magka falling out years and years back.

 

 

“Tulad ni Alden galing siya sa Sparkle. Tulad ni Bianca and Ruru talagang we provide talents,” sey ni Gozon-Valdes.

(RUEL J. MENDOZA)

Kakaibang satisfaction ang naibibigay sa kanya: DINGDONG, malapit na sa puso ang hosting bukod sa acting

Posted on: June 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMIYAK ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton sa media conference ng upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Umiyak dahil sa tuwa si Angel dahil nakamit niya ang kanyang dream role na mapabilang sa isang action series.“Sobrang grateful ko. Dream role ko ‘to, yung action.
“I’m so thankful kay God kasi binigay niya sa akin ‘to and ang mga kasama ko pa sila Senator Bong tapos mga action star before, sila Sir Jeric, and all of the cast. Sobrang thankful lang talaga ako.”
Nasa cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sina Senator ‘Bong’ Revilla, Jr. Beauty Gonzalez, Max Collins, Jeric Raval, at Ms. Carmi Martin, among others.
Nagpasalamat rin si Angel sa lahat ng nagtiwala sa kanya sa pagbibigay buhay sa role na gagampanan niya sa serye.
“Sobrang saya kasama si Senator Bong sa set, as in puro tawanan lang. Sobrang saya, sobrang gaan, sobrang exciting talaga.
“Kay Ate Beauty, gusto ko rin magpasalamat kasi sobrang bait niya talaga.
“Kay Ate Max naman, sobrang bait talaga niya, as in. And si Ate Maey, sobrang makulit talaga ‘to, sobrang galing umarte.”
Kuwento pa ni Angel, tinutulungan at ginagabayan din siya ng mga batikang stars kung paano i-deliver ang kanyang mga linya.
Mapapanood ang ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ tuwing Linggo, 7:50 ng gabi, sa GMA.
***
MAHUSAY na artista, pero ayon kay Dingdong Dantes na bagamat una siyang nakilala sa showbiz bilang aktor, nagugustuhan na rin niya ang pagiging host, lalo na sa hit game show niyang ‘Family Feud’.
“Siyempre, noong umpisa acting ang gusto ko.
“Yung hosting, para sa akin, performance din yun. Napamahal din ako sa hosting ng Family Feud. More than one year ko siyang ginawa.
“Although, ganun din yung Amazing earth. So, para sa akin, medyo malapit na rin sa puso ko yung hosting.”
Ayon pa kay Dingdong, kakaibang satisfaction din ang naibibigay sa kanya ng pagho-host.
“I really enjoy it!
“Para rin siyang therapy for me kasi sa tuwing sumasampa ako sa stage, ang saya lang. Nakakalimutan lahat ng kailangan kong isipin. Ganun din naman sa acting. Pareho po siyang may bigat para sa akin, may diin, espesyal.”
Bagamat mataas ang ratings ng Family Feud, panandalian muna itong mawawala sa ere dahil magkakaroon ng season break.
Pero huwag daw mag-alala ang mga masugid na manonood ng Family Feud dahil sinigurado ni Dingdong na babalik din ito agad.
“We will be having a break and babalik naman kaagad. Magkakaroon lang ng season break pero very, very soon this year, babalik din siya. Mabilis lang ‘yan,” pahayag pa ni Dingdong.
Excited si Dingdong sa bago niyang show, ang Royal Blood.
“Halos pumi-peak na kami sa Royal Blood taping. “Siyempre, kapag nag-uumpisa ka, magwa-warm up ka, mangangapa ka.
“Ngayong talagang in the groove na kami. Ang pinakamahalaga sa lahat yung characters namin dahil binubuo yung Royal Blood ng interesting characters, na magkakapatid, and yun ang talagang magdadala ng kuwento.
“Brothers, sisters, murder mystery pa siya, so buong-buo na yung character ng bawat isa. Very exciting kapag nagsasama-sama sa isang screen kaming magkakapatid.”
(ROMMEL L. GONZALES)