• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 15th, 2023

DOH, nagsimula nang mamahagi ng bivalent Covid-19 vaccines

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“So, dumating na iyong 390,000 doses of bivalent Covid-19 vaccines which came from COVAX. So, it’s a donation, hindi ito prinocure, and as of this moment, as we speak, I think they have already been redistributed to the different region(al offices) of the Department of Health,” ayon kay Health Secretary Ted Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

“It’s going to be (stored), parang may depots. Kasi may cold chain ang vaccine. So kailangan they’re kept at the right temperature,” ayon sa Kalihim.

 

 

Ani Herbosa, mayorya ng vaccine doses ay napunta sa National Capital Region (NCR) habang ang natitira naman ay napunta sa ibang rehiyon.

 

 

Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap pa sila para makakuha pa ng mas maraming bivalent Covid-19 vaccines.

 

 

“So, what we will have to do is to prioritize who needs it first. So, number one, the elderly. Number two, iyong may comorbidity. Number three, iyong health care workers, kasi hindi ba inuna rin natin iyong healthcare workers. So nag-wane na siguro iyong immunity nila. We need to protect them also,” ayon kay Herbosa.

 

 

Winika nito na ang ilan sa mga usapin sa pagkuha ng mas maraming bivalent Covid-19 vaccines ay kinabibilangan ng registration ng  doses ng Philippine Food and Drug Administration.

 

 

“Meron lang snag and issues kasi nawala iyong public health emergency. So, the issue of the vaccine is in terms of the EUA (emergency use authorization). So, to procure it, kailangan ma-i-rehistro sa ating FDA. But we are trying hard to get all these bivalent (vaccines),” ayon kay Herbosa.

 

 

Ang Pilipinas aniya ay hindi lamang bansa na sumusubok na maghanap at makakuha ng bakuna.

 

 

Tinukoy nito na kailangan nilang simulan na bakunahan ang mga priority individuals ng  bivalent dose dahil mayroon lamang itong anim na buwan na shelf life “upon delivery.”

 

 

“Kasi kapag ang binili ko iyong nandoon na, makikita ninyo ini-isyuhan ninyo ako na nag-expire iyong bivalent vaccines kasi six months lang ang shelf life niyan, wala ng gamit. So kapag binili mo iyan out of the shelf, like this one, this donation, they end on November 23, that’s the expiry date. So, I need to start vaccinating people immediately,” ayon kay Herbosa.

 

 

Sa kabilang dako, muli namang nanawagan ang DoH sa publiko na magpabakuna at huwag maging kampante kahit pa idineklara ng  World Health Organization (WHO) na tapos na ang Covid-19 bilang public health emergency.

 

 

“But we will continue to push for people to get vaccinated because it will prevent you, especially if you are at high risk of mortality. Kasi ngayon ang usapan na hindi iyong numero ng nagka-Covid,” ayon sa Kalihim.

 

 

“Naalala ninyo nitong mga nakaraang linggo, tumataas iyong positivity rate, may nire-report kaming mga namatay. Even my hospital in PGH (Philippine General Hospital), kasi I was head of ER (emergency room), isa o dalawa lang ang na-o-ospital and sila iyong may comorbidity. And sometimes, kung may mamatay na isa o dalawa, it’s because of that comorbidity kasi mas malala ang condition niya,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

E-sabong, patuloy na binabantayan ng PNP

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Philippine National Police Chief PGen Benjamin Acorda Jr. na patuloy na binabantayan ngayon ng Pambansang Pulisya ang online sabong sa bansa.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni PGen Acorda na sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na pagdating sa mga impormasyong may kaugnayan sa patuloy na pagpapatakbo ng e-sabong o online cockfighting.

 

 

Aniya, tuluy-tuloy ang ginagawang pagtutok ngayon ng PNP Anti Cybercrime Group dito sa pamamagitan ng patuloy na cyber patrolling kasabay na rin ng pakiki-ugnayan nito sa National Telecommunications Commission.

 

 

Dagdag pa ni Acorda, sa katunayan ay mayroon nang mga operators ng e-sabong ang kanilang ipina-take down, ngunit inamin din niya na may ilang problema din silang kinakaharap ukol dito lalo na’t online isinasagawa ang pagpapataya sa sugal na ito.

 

 

Samantala, kasabay nito ay muli namang tiniyak ni Acorda na patuloy ang isinasagawang best effort ng pulisya sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang tuluyan nang matugunan at mapigilan ang paglaganap ng online sabong sa Pilipinas. (Daris Jose)

PBBM, inatasan ang Water Resources Management Office (WRMO) na bumuo ng plano

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Water Resources Management Office (WRMO) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumuo ng komprehensibong plano para protektahan ang coastal communities at Kalakhang Maynila mula sa pagbaha kabilang na ang konstruksyon ng water impounding facilities para pangasiwaan ang water resources ng bansa.

 

 

Ang kautusan ng Pangulo ay kasunod ng briefing kasama ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ukol sa kanilang flood control programs at National Irrigation Administration (NIA) hinggil naman sa pamamahala sa  mga  dammed rivers.

 

 

Sa nasabing briefing, sinabi ng Pangulo ang P351 bilyong piso na tinatantyang halaga ng flood control projects ng DPWH sa Kalakhang Maynila at maging sa mga kalapit-lugar.

 

 

“Pinapatingnan ko kung papaano ang kailangan, ano pa ‘yung dadagdag natin. Malaki, bilyon-bilyon na ang ginagastos natin para maglagay ng mga dike, maglagay ng mga waterway, mga spillway, pati pumping station dito sa NCR ay napag-usapan namin para mas marami at maging mas efficient ang paglabas ng tubig,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ang tanong naman ng Pangulo ay kung saan dapat napupunta ang tubig-baha, “Bukod doon ay papaano natin, huwag natin naman sana tinatapon ‘yung tubig dahil ay kailangan na natin ‘yang tubig na ‘yan. So gumagawa rin kami ng paraan para maipon ang tubig,” aniya pa rin.

 

 

Ani Pangulong Marcos, naghahanap ang pamahalaan ng lokasyon o lugar sa labas ng Kalakhang Maynila para maaaring gawing impounding areas para kontrolin ang pag-agos ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

 

 

“Para doon natin kokontrolin, hindi na papasok dito sa Maynila, at mayroon pa tayong naipon na tubig para sa agrikultura, para sa iba’t ibang gamit,” anito.

 

 

Binigyang diin naman ng Punong Ehekutibo ang pangangailangan ng komprehensibong plano para kontrolin kung saan dapat mapunta ang tubig-baha at kung ano ang dapat gawin.

 

 

“At ‘yan ang aming tinitingnan nang mabuti at kahit papaano ay nagagawa naman natin na maproteksyunan ang mga nakatira sa tabi ng ilog at saka ng dagat,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, nakatuon din ang pansin ng briefing sa nagpapatuloy na flood control projects sa Pampanga, Cavite, Leyte at Cagayan De Oro City, at maging sa kontruksyon ng access roads tungo sa irrigation areas na kinilala ng NIA sa ilalim ng Katubigan Program, ipinatupad kasama ng DPWH.

 

 

“The highlights included the rainwater collection system program under Republic Act No. 6716, with a total cost of Php5.86 billion for the construction and installation of 6,002 rainwater collection system in various parts of the country,” ayon sa Malakanyang.

 

 

“Among the major flood control projects that are on the pipeline include the flood protection infrastructures in the Abra River Basin, Ranao River Basin and Tagum-Libuganon River Basin, the Central Luzon-Pampanga River Floodway Flood Control Project, among others,” ayon pa rin sa Malakanyang.

 

 

Maliban sa mga nasabing inisyatiba, mino-monitor din ng pamahalaan ang climate crisis dahil sa matinding epekto sa iba’t ibang sektor.

 

 

Samantala, kabilang naman sa dumalo sa  briefing sina Executive Secretary Lucas Bersamin, DPWH Secretary Manuel Bonoan, Finance Secretary Benjamin Diokno, Defense Secretary Gilbert Teodoro, DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., Secretary Renato Solidum Jr. of the Department of Science and Technology at, Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Dumalo rin sa briefing ang iba pang cabinet officials gaya nina Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority, Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ng  Presidential Communications Office, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo; at, Atty. Romando Artes, acting chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). (Daris Jose)

“NO HARD FEELINGS”, STARRING JENNIFER LAWRENCE, MARKS THE RETURN OF RAUNCHY COMEDIES

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ONE night during dinner, Jennifer Lawrence asked her friend, writer-director Gene Stupnitsky what he was currently working on. 

 

 

Stupnitsky, a former co-head writer for The Office and writer/director of the hit comedy Good Boys, shared his inspiration: a real-life Craigslist post that producers Marc Provissiero and Naomi Odenkirk had found.

 

 

And thus No Hard Feelings was born.

 

 

In No Hard Feelings, Jennifer Lawrence plays Maddie who, on the brink of losing her childhood home, discovers an intriguing job listing: wealthy helicopter parents looking for someone to “date” their introverted 19-year-old son, Percy, before he leaves for college. No Hard Feelings, a laugh-out-loud, edgy comedy co-produced by Lawrence, opens across Philippine cinemas June 21.

 

 

Watch the red band trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=XIPxowiHRr4&t=7s

 

 

During that dinner, as Stupnitsky shared what the Craigslist post was about, Lawrence just couldn’t help cracking up. “That made me laugh extra hard, because we were having martinis,” says Lawrence. “I said, ‘Whatever you write, I’d love to read it.’ And then I read the funniest script I’ve ever read.”

 

 

To help him develop the project, Stupnitsky brought on producer Alex Saks. “Every time I read a new version of the script, it was like unwrapping a present,” she says. “Gene and [co-writer] John Phillips are always pushing for better, funnier, smarter, more grounded in character, and that’s why the script is as good as it is – they just don’t settle for what works – they always strive to push it further.”

 

 

What was Stupnitsky’s first question in writing a movie inspired by the outrageous Craigslist ad – in which some overprotective parents sought a young woman to seduce their incredibly shy and awkward son to prep him for college? “My first question was, ‘What type of parents would do this?’ My second question was ‘What’s going on in the life of a woman who responds to it?’” he says. His co-writer Phillips came up with the idea of making it “helicopter parents, and that is when everything fell into place,” continues Stupnitsky. Specifically with Lawrence in mind, Stupnitsky and Phillips wrote the character of Maddie, who, in No Hard Feelings, answers a similar ad.

 

 

“She’s a spirited, kind-hearted, fun-loving, bold, funny lady,” says Lawrence of Maddie, “but she’s also desperate. She is desperate to save her mother’s home, but the taxes keep going up, and it’s getting harder and harder for locals to maintain living wages.”

 

 

When the opportunity with Percy, played by Andrew Barth Feldman, arises, Maddie’s financial difficulties have reached a breaking point. Now, she has one summer to get the painfully uncool 19-year-old to come out of his shell – or she’ll lose everything important to her.

 

 

For the comedy to work, the writers made sure to strike the balance of making the comedy wild and outrageous, but also grounded and real.

 

 

About No Hard Feelings

 

 

Jennifer Lawrence produces and stars in No Hard Feelings, a laugh-out-loud, edgy comedy from director Gene Stupnitsky (Good Boys) and the co-writer of Bad Teacher.

 

 

On the brink of losing her childhood home, Maddie (Lawrence) discovers an intriguing job listing: wealthy helicopter parents looking for someone to “date” their introverted 19-year-old son, Percy, before he leaves for college. To her surprise, Maddie soon discovers the awkward Percy is no sure thing.

 

 

Opening in cinemas June 21, No Hard Feelings is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #NoHardFeelings

(ROHN ROMULO)

Dahil nag-react ang fans ni Jolina sa ‘Pop Icon’: ‘Asia’s Limitless Star’ title ni JULIE ANNE, ibinalik na ng GMA

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINALIK na raw sa Asia’s Limitless Star ang title ni Julie Anne San Jose na ipinang-label ng GMA-7’s “The Voice Generations” kunsaan, isa si Julie sa apat na The Voice Generations Judge.

 

 

Kasama rin niyang judges sina SB19 Stell, Billy Crawford, Bamboo at Chito Miranda.

 

 

Ilang araw na rin na pinag-aawayan o may diskusyon sa pagitan ng mga fan ni Julie at fans ni Jolina Magdangal. Ang title raw kasi na Pop Icon ay kay Jolina, as well as, being Multimedia Star.

 

 

Naglabasan na ng kanya-kanyang resibo. Mga hit records ni Jolina, hit movies at iba pa. Naglabas din ang mga fan ni Julie.

 

 

Sinubukan naming tanungin si Jolina ng reaksyon niya, pero hindi nito sinagot ang mismong tanong namin.

 

 

Sa isang banda, hindi ba pwedeng pareho silang gumamit ng title? Iba naman ang panahon ni Jolina noon at sa panahon naman ngayon ni Julie Anne, huh!

 

 

Anyway, speaking of Julie, ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Rayver Cruz, ang “Cheating Game” ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa July 26 under GMA Public Affairs and GMA Pictures.

 

 

***

 

 

MABILIS ang pick-up ni Isko Moreno sa isang episode ng ‘Eat Bulaga’.

 

 

Pwedeng sabihin na bongga ang revamped ‘Eat Bulaga’ sa pagkakakuha rito bilang isa sa mga host.

 

 

Sa segment na “G sa Gedli” kunsaan, randomly ay namimigay ng cash si Isko kasama si Buboy Villar, nang hingan ng mensahe ni Isko ang driver, ang TVJ pa rin na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang pinasalamatan nito.

 

 

Sey niya, “Maraming-maraming salamat po sa Eat Bulaga lalo na kina Tito, Vic and Joey.”

 

 

Maagap na sinabi ni Isko na, “Hayun, Tito, Vic and Joey, ‘yan ang mga kasama natin noong araw at hinding-hindi natin makakalimutan. Pero ngayon, ang bagong Eat Bulaga, lagi mo ba kaming sasamahan?”

 

 

Positibo naman itong sinagot ng driver na, “Opo, opo, lagi po kaming nanonood ng pamilya ko.”

 

 

Dahil dito, maraming pumuri kay Isko at sinasabing mahusay raw ang pagkakakasalo nito.

 

 

Although, hindi maikakaila na hindi halos mapigilan ni Buboy ang tawa sa nangyari. Pero si Yorme, na-maintain ang composure.

 

 

‘Yun nga lang, sa pangyayari rin na ito, mas lalong ipinagsisigawan ng mga netizens na obviously daw, ang tao, TVJ talaga ang alam basta Eat…Bulaga!

(ROSE GARCIA)

Makinarya ng gobyerno, siniguro na gumagana para sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ng pamahalaan na gumagana ang makinarya ng gobyerno sa harap ng patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay gayundin sa Taal at Kanlaon.

 

 

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang, kumikilos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para tugunan ang anumang  pangangailangan ng mga maapektuhang residente ng pinangangambahang pagputok ng bulkan.

 

 

Sa katunayan aniya ay tumawag na rin sa kanya si Defense Secretary Gibo Teodoro at nag-alok ng logistics ng kanilang ahensiya.

 

 

Bukod dito, nakausap na rin aniya niya si DILG secretary Benhur Abalos at nangakong magpapadala ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Samantala, sa pamamagitan ni Abalos, ang royal family ng Arab Emirates ay nagpadala na ng 50 toneladang food items sa bansa. (Daris Jose)

Hindi pinangarap na maging sikat na sikat: JUDY ANN, inaming nawalan ng gana sa buhay kaya nagrebelde

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa ika-100 episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kahapon, Martes, espesyal ang naging bisita ni King of Talk Boy Abunda.

 

Ang multi-awarded actress na si Judy Ann Santos nga ang nakasama ni Kuya Boy para sa isang heart-to-heart talk.

 

Naging emosyonal ang premyadong TV host sa pagpapakilala sa tinaguriang Soap Opera Queen at isa sa most brilliant actor sa industriya.

 

“She doesn’t to be here. Wala naman ho siyang pino-promote at malayo ang kanyang bahay. Naglakbay po ito para lang makasama natin dahil espesyal para akin ang araw na ito,” pahayag ni Kuya Boy.

 

Dagdag pa niya, “para sa akin, narito siya ngayong araw, because she isa a friend. At ang nabubuhay po ng aming munting palabas ay mga kaibigan.”

 

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Juday kay Kuya Boy, sabay sabing, “hindi naman ako ready sa emosyon na ‘yun.”

 

Nagpapasalamat nga si Kuya Boy na kitang-kita ang kaligayahan, na isang tawag lang ay pumayag agad ang aktres, at say ng aktres, “you’re welcome Tito Boy, you don’t have to say thank you.”

 

Binalikan nga ni Judy Ann na nagsimula siya sa industriya sa murang edad na walo.

 

 

“It all started with commercials. Si Kuya (Jeffrey Santos) naman talaga ‘yung talagang kinukuha, sumasabit lang ako,” nangingiting pahayag niya.

 

 

“Siya talaga ang hinahanap ng mga agent. Siya talaga ‘yung kinuha ng Regal Films at ako, mahilig akong sumama sa kanya. And then nakasama na ko sa commercial, sa mga bata, bilang pamparami.”

 

 

Inamin ni Juday na wala sa isip niya ang mag-artista at sumikat.

 

 

Ang gusto lang niya ay, “I just wanted to buy a Mighty Kid rubber shoes.

 

 

“Gusto ko lang bumili ng rubber shoes, at magkaroon ng bank account. Totoo rin naman, na gusto kong makita ang sarili ko sa TV pero hindi nakaplano ever ‘yung maging sikat.

 

 

“Hindi ko talaga inisip or naging pinangarap na gusto kong maging sikat na sikat na artista.”

 

 

Dagdag pa ng asawa ni Ryan Agoncillo, “pero ang pangarap na natatandaan ko mula noon hanggang ngayon, ay gusto kong makabili ng bahay.

 

 

“Gusto kong makabili ng sasakyan, gusto kong makapag-aral. ‘Yun lang ang alam kong gusto ko.

 

 

“Pero apart from that, siguro kaya ako nag dire-diretso kasi nag-e-enjoy ako sa nangyayari sa akin, sa experiences ko. Marami akong taong nakikilala. Marami akong kalarong iba’t-ibang bata sa set.

 

 

“Normal naman ang childhood ko, but in a different way.”

 

 

Masasabi niyang lahat ng pangarap niya ay natupad at nadagdag pa na hindi inaasahan.

 

 

“Hindi talaga ako nagpa-plano Tito Boy, ever since, kahit noong bata pa ako,” sambit niya.

 

 

“Isa pang plinano ko, gusto kong magkaanak at 26. Yung lang, hindi ako nagplano ng kahit ano. Ang gusto ko lang naman noon, gusto ko may makakasama ako, na alam kong hindi ako iiwan. At nangyari naman yun noong 26 na ako.”

 

 

Isa nga naging highlights ng showbiz career ni Juday ay nang magbida siya sa ABS-CBN drama series na “Mara Clara” kung saan nakasama niya ang kaibigan pa rin hanggang ngayon na premyadong aktres din na si Gladys Reyes.

 

 

Hindi talaga nila in-expect na maghi-hit ito sa patay na oras, hanggang sa nagsunud-sunod na ang pagdating ng film projects mula sa Regal Films at iba pang film outfits.

 

 

“Dumating ako sa point Tito Boy that I was doing three movies in one year, and two shows in one year, all at the same time” pagbabalik-tanaw ng aktres.

 

 

“Dumarating ako sa set na kinailangan ko nang tanungin yung team ko. ‘Sino nga ako dito? Sino ang direktor natin?’ Nawawala na ako sa sarili ko, and then slowly, nawawalan na ako gana sa buhay.”

 

 

Inamin niya na nalulungkot na siya at nararamdaman daw niya na wala siyang maituring na tunay na kaibigan at parang nandun lang sila dahil siya si ‘Judy Ann Santos’.

 

 

Kaya diretsong tanong sa kanya ni Tito Boy, “Nagrebelde ka?”

 

 

Na sinagot ni Judy Ann ng, “Yes.”

 

 

“Para sa sarili ko, sa pagkakataong ito, pwede kong sabihing yung pagsimula ko nu’ng teenage years ko na umiinom ako, lumalabas ako at naglalasing ako, I think yun yung rebellious point ko, na talagang, pakawala ako.

 

 

“At that time lang, walang social media, walang pruweba, walang ebidensya. Pero hindi ako nagwawala sa hindi ko bahay, o hindi pribadong lugar.

 

 

“Hangga’t maaari, hindi talaga ko pupunta sa isang inuman na masama ang loob ko na alam ko ang gusto ko gawing ngayong gabi e magwala,” sabi niya.

 

 

Dagdag pa niya, “Ina-allow ko yung sarili ko na kailangan kong pakawalan ‘tong galit na ‘to, kailangang pakawalan ‘tong frustration na ‘to.

 

 

“Kasi otherwise may maapektuhan na akong tao, may maapektuhan na akong trabaho. And they don’t deserve na maapektuhan kung anuman ang pinagdaraanan ko.”

 

 

Sinagot din ni Juday ang sikreto niya na mapanatiling nakatapak ang mga paa niya sa lupa, “Yung gratefulness kasi Tito Boy malaking factor talaga sa akin ‘yun.

 

 

“‘Yung gratitude, mag-hi lang ako sa mga tao. Alam kong with a simple ‘Hi’ and a simple smile, naha-happy ako, kailangan ko siyang ibalik.”

 

 

“Paano ko name-maintain ‘yung pagiging grounded? Sadyang pinalaki kaming ganito.

 

 

“Laging sinasabi ng mommy ko noong nasa Canada pa siya, ‘Anak sa tinatahak mo ngayon, huwag mong kakalimutan na lahat ng taong nakakasama mo, sila rin ‘yung makakasalubong mo pabalik.

 

 

“‘So, huwag na huwag mong kalilimutan ‘yung pinanggalingan mo,’” say pa ni Judy Ann.

 

 

Para sa kabuuan ng interview, puwedeng balikan sa YouTube channel ng GMA Network.

 

 

(ROHN ROMULO)

PBBM inaprubahan na ang pilot and full implementation ng food stamp program ng DSWD

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pilot food stamp projects ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang sectoral meeting ngayong araw sa Palasyo ng Malacanang kasama ang mga cabinet secretaries ng ibat ibang government agencies.

 

 

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ang nasabing programa ay tatakbo sa loob ng anim na buwan at magiging whole of government approach ang implementasyon ng proyekto.

 

 

Nasa 1 million house hold partikulae ang mga single parent, pregnant at lactating mothers ang target beneficiaries ng nasabing programa.

 

 

Nasa $3 million ang pondo na gugugulin ng gobyerno sa pamamagitan ng mga grants mula sa Asian Development Bank, JICA at French Development Agency.

 

 

Ipinaliwanag naman ni Gatchalian na ginawa nila ang pilot implementation ng programa ay para matiyak na walang pera na masasayang sa sandaling ipatupad na ang full implementation ng food stamp program.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa: RABIYA, hahanaping muli ang kanyang ama sa Amerika

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HAHANAPING muli ni Rabiya Mateo ang kanyang ama sa Amerika.

 

Balak ng beauty queen/actress na lumipad patungong Amerika sa kaarawan niya sa Nobyembre para hanapin ang kanyang ama na lumisan noong limang taon pa lamang si Rabiya.

 

“I tried to look for him, even yung mga kasing-last name niya na taga-Chicago mine-message ko pero sad ending talaga palagi. Like they don’t know my dad.
“Ang alam ko nasa US po siya, last state niya was Chicago.”

 

Noong nasa Amerika si Rabiya para sa Miss Universe 2020 na ginanap sa Hollywood, Florida na ginanap noong May 16, 2021 sinubukan na ni Rabiya na hanapin ang kanyang ama.

 

“Pero during that time, iba yung priority, like meet and greet, compete, yung mindset nasa competition dapat, I have to win.”

 

“And nung kailangan ko ng umuwi wala namang tsansa na kasi wala ng oras.

 

“So siguro ngayon na I have the resources na gusto kong maglaan po sana ng at least one month to be there and to look for him.

 

“Kung papayagan ng schedule, I was… pinag-usapan namin ni Jeric [Gonzales, boyfriend ni Rabiya], probably mga, during my birthday, November, kung papayagan ng management, gusto kong pumunta sa USA.”

 

Hindi raw siya nawawalan ng pag-asa na muling makita at makausap ang kanyang ama.

 

“Kasi in my heart I can feel na I’m gonna see him.”

 

Ang biological father ni Rabiya ay isang Indian-American national na nagngangalang Mohammed Abdullah Syed Moqueet Hashmi.

 

Samantala, gaganap si Rabiya bilang si Tasha sa ‘Royal Blood’ ng GMA.

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Napoy kasama sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at si Rhian Ramos (bilang Margaret); may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

 

 

Nasa cast rin ng Royal Blood sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil).

 

 

Kasama rin sa serye ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

 

 

Mapapanood ang Royal Blood simula June 19 weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.

 

 

***

 

 

AMINADO ang Nailandia owner na si Noreen Divina na nakilala nang husto ang kanilang nail salon at foot spa chain mula noong naging endorser nila si Marian Rivera simula noong taong 2014.

 

 

“Napakabait ni Marian,” bulalas pa ni Noreen.

 

 

Ano ang napansin niya agad sa una nilang pagkikita at pagkakakilala ni Marian?

 

 

“Ay napakabait! To think na nandun na siya sa stature na Marian Rivera, di ba? Napakabait.

 

 

“Parang, ‘Totoo ba ‘to? Artista ba ‘to? Superstar ba ‘to?

 

 

“Parang ganun. Ambait-bait niya, napaka-down-to-earth.

 

 

“At napakaganda!

 

 

“At nung na-meet ko siya may show siya sa GMA, yung Marian, ay naku, naka-tank top, dyusko gany’an lang yung waist, napakaliit, grabe!”

 

 

Host si Marian noong 2014 ng kanyang sariling musical variety show sa GMA na may titulong ‘Marian’.

 

 

Masaya si Noreen na tumagal ng siyam na taon ang samahan nila ni Marian, hindi lamang bilang negosyante at endorser, kundi bilang magkaibigan.

 

 

“Actually yung relationship namin ni Marian, hindi na more on business.”

 

 

Ilang beses na raw niyang napatunayan ang kabaitan at pagiging totoong tao ni Marian, lalo na nitong panahon ng pandemya.

 

 

Pinagkukuwento namin si Noreen tungkol dito pero mas minabuti na lang niyang isekreto kung ano ang tinutukoy niya.

 

 

“Basta ang masasabi ko, hindi na lang business ang relationship namin ni Marian, friendship na.

 

 

“Our business relationship has transcended into a strong and deep friendship,” ang nakangiting wika pa ni Noreen.

 

 

Co-owner ni Noreen sa Nailandia ang mister niyang si Juncynth Divina.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads June 15, 2023

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments