
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Nabanggit ni direk Cesar Soriano są mediacon ang torture scene na dapat iihian si McCoy ng mga Abu Sayyaf. Para hindi siya maihian ng iba, kaya siya na lang ang umihi sa kanyang sarili.
Pero ang mas matindi sa ginawa sa kanya ay ‘yung duraan siya ni Mon ng sarili nitong plema.
“‘Yun talaga ang tumatak sa akin, ang eksena namin ni Kuya Mon na dinuruan niya ako,” pag-amin niya.
“Pagka-dura sa akin, ang nasa isip ko, grabe ‘yun trabaho ko. After ng scene na ‘yun, actually hindi ako pinaiiyak ni direk Rommel, pero dumapa na lang ako at naiyak talaga ako ng totoo, at ang iyak ko as McCoy ‘yun, hindi iyak ni Fr. Rhoel, dahil hindi ko naman alam kung paano siya umiyak.
“Pero ang iyak na ‘yun parang totoo na ako na ‘yun, na sabi ko, bakit ko ginagawa ito at aabot sa duduraan ako sa mukha. Pero ang sarap sa feeling na na-sacrifice ko ang ganu’ng bagay pero ang resulta nagampanan ko ng maayos ang trabaho ko,”
NANINIWALA ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakapasok sa semifinal round ng curling mixed doubles ang pambato ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2025 Asian Winter Games sa Harbin, China.
Matapos kasi na talunin ng curling team na sina Kathleen Dubberstein at Marc Pfister ang Kazakhstan 11-2 nitong Huebes ay pasok na sila sa semis qualifiers.
Makakaharap ng Pilipinas ang curling team na mula sa Chinese Taipei ngayong araw ng Biyernes.
Nasa pangalawang puwesto ang Pilipinas sa Group B na mayroong apat na panalo at isang talo habang ang China ay nasa unang puwesto na mayroong limang panalo at wala pang talo.
PINAUWI na ng TNT Tropang Giga ang guest team na Eastern Hong Kong 109-93.
Dahil sa panalo ay nag-martsa na ang TNT sa semifinals ng PBA Commissioners cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ni Rondae Hollis-Jefferson ang Tropang Giga na mayroong 31 points, 15 rebounds, apat na assists at tatlong steals.
Habang mayroong 18 points, apat na rebounds si Rey Nambatac at 15 points naman si Poy Erram.
Nagtabla pa sa 70-all ang laro sa third quarter hanggang tuluyang nakaabanse ang TNT at nakuha ang kalamangan.
Hindi naman umubra ang 24 points ni Hayden Blankley at 16 points, walong rebounds naman ni Cameron Clark para sa Eastern.
PIRMADO na ni US President Donald Trump ang executive order sa pagbabawal sa mga transgender athletes na sumali sa mga pang-babaeng sports.
Sinabi nito na ang giyera sa sports na pambabae ay tapos na dahil ito ay para lamang sa mga tunay na kababaihan.
Dagdag pa nito na kanilang ipagtatangol ang tradition ng mga babaeng atleta kung saan hindi nila papayagan ang mga kalalakihan na talunin, sugatan o dayain ang mga babae sa kanilang sports.
Inatasan din nito ang kaniyang gobyerno na hindi nila bibigyan ng pondo ang paaralan na pinapayagan ang mga transgender athltetes na sumali sa womens team.
BINALAAN ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagbebenta ng fire extinguishers sa mga business owners na kumukuha ng fire safety clearances.
Sa isang kalatas, sinabi ni Remulla na nakahanda niyang sibakin ang mga BFP personnel na mapapatunayang may ginagawa at sangkot sa corrupt practices.
“Bawal magbenta ng fire extinguisher ang mga fire marshal at kung may ganon ireport n’yo kaagad sa akin at tatanggalin ko ‘yan on the spot,” ang sinabi ni Remulla.
“Galit na galit ako doon…Kalokohan ‘yan e. Bakit mo papahirapan ang negosyo? Nagbibigay ng trabaho ‘yan tapos gusto mo pagkakitaan lang,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ni Remulla na noong siya ay isang gobernador ng Cavite, pinagalitan niya ang mga fire personnel na sangkot sa illegal practices kabilang na ang pag-endorso ng mga kontratista para sa fire sprinklers.
Base sa BFP Memorandum Circular 2016-016, ang mga fire personnel ay pinagbabawalan na maugnay sa pagbebenta ng fire extinguishers at pag-endorso ng ‘manufacturers, dealers, o suppliers’ ng fire fighting equipment.
Nanawagan naman si Remulla sa mga local chief executive na hikayatin ang mga business owners na maghain ng reklamo laban sa mga pasaway at tiwaling BFP personnel.
“Mayors, please encourage business owners to file an ARTA complaint. Kung ma-delay pa more than one week, mag-file ng ARTA complaint, and I will personally see to it na ma-discipline sila,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business Law, dapat na ipalabas ng BFP ang Fire Safety Evaluation Clearance (FSEC) at Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa mga negosyo sa loob ng pitong araw ng trabaho. (Daris Jose)
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Interior and Local Government Undersecretary for Peace and Order Oscar Valenzuela bilang bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Ang appointment ni Valenzuela ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post, araw ng Biyernes.
Base sa listahan ng mga bagong presidential appointees na ipinalabas ng PCO, si Valenzuela ay magsisilbi bilang chairperson at permanenteng miyembro ng DDB.
Pinalitan ni Valenzuela si Catalino Cuy na naupo bilang DDB chair mula pa noong 2018.
Sa bisa ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang DDB ay nagsisilbi bilang policy-making and strategy-formulating body sa drug prevention and control.
Ang mandato ng DDB ay i-develop at i- adopt ang isang komprehensibo, integrated, unified at balanseng national drug abuse prevention at control strategy.
Si Valenzuela ay miyembro ng Philippine Military Academy “Marangal” Class of 1974.
Nahawakan din niya ang mga pangunahing tungkulin bilang isang dating police officer, nagsilbi bilang Police Assistant Regional Director for Operations ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Police Provincial Director sa Ilocos Norte.
Nang magretiro mula sa Philippine National Police, si Valenzuela ay naging pinuno ng National Terrorism Prevention Office of the Anti-Terrorism Council Program Management Center at chairperson ng Asia Pacific Economic Conference Counter-Terrorism Working Group.
Pinangunahan din niya ang Philippine Delegation sa White House Summit on Countering Violent Extremism sa Washington D.C. noong 2015.
Bilang dating Local Government Undersecretary for Peace and Order, sinuportahan ni Valenzuela ang iba’t ibang programa ng National Anti-Drug Strategy, kabilang na ang Philippine Drug Enforcement Agency’s Anti-Drug Advocacy Program. (Daris Jose)
TINIYAK ni Vice President Sara Duterte, araw ng Biyernes na “okay” siya matapos ihain ang impeachment complaint laban sa kanya.
Sa ngayon ay kinonsulta na niya ang kanyang mga abogado sa bagay na ito.
“Ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines.” ang sinabi ni VP Sara.
“Bukod dito, nais ko na lang ipaabot ang aking taos pusong pasasalamat sa mga kababayan na patuloy nagdarasal, sumusuporta, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal sa akin. Manalig kayo dahil sa taong bayan ang tagumpay,” ang sinabi pa rin ni VP Sara.
Sinabi pa ni VP Sara na nagsimula na siyang maghanda para sa impeachment proceedings simula pa noong November 2023, nang ilantad ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang planong sampahan siya ng reklamo.
“So, November of 2023, there were already lawyers doing their work for the impeachment. We leave it to the lawyers,” ang sinabi ni VP Duterte.
“I’m okay,” diing pagtiyak ni VP Sara.
Si Duterte ay in-impeach ng Mababang Kapulungan ng Kongreso araw ng Miyerkules para sa “violation of the constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, and other high crimes”.
Kailangan na magpulong ng Senado para litisin si VP Sara. Kapag napatunayang nagkasala, aalisin siya mula sa puwesto at pagbabawalan na tumakbo sa anumang public office.
“I have not talked to my friends in the Senate,” ang sinabi ni VP Sara.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang papel ang Ehekutibong sangay ng pamahalaan sa 4th impeachment complaint na isinampa laban kay Vice-President Sara Duterte.
Sa press conference ni Pangulong Marcos sa Kalayaan Hall, sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Pebrero 6, sinabi ng Chief Executive na malabong makialam ang Malakanyang sa usaping ito dahil constitutional mandate aniya ng Kongreso ang ituloy ang impeachment complaints.
No, the executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment. Of course, did we discuss it with the Speaker, did we discuss it with the other congressmen? Of course. And that tinatanong, anong plano ninyo? Ano ba talagang gusto ninyong gawin? And the – nandito na ito, hindi na namin maiwasan,” diing pahayag ng Pangulo.
(Daris Jose)