• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCAP pinahinto ng Supreme Court (SC)

EN BANC ang pagpapatupad ng no-contact apprehension   policy   (NCAP)   na   ginagawa   ng   Metropolitan   Manila   Development  Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

 

Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

“It issued the TROs without yet giving due course to the petitions,” wika ng SC sakanyang pahayag.

 

 

Ang   mga   respondents   sa   isang   TRO   ay   ang   siyudad   ng   Manila,   Quezon,Valenzuela, Paranaque, Muntinlupa at Land Transportation Office (LTO). May isa (1) pana TRO ang inilabas kung saan ang respondents ay ang Sangguniang Panglungsod ng Manila at Mayor Honey Lacuna.

 

 

Sa unang TRO, sinabi ng SC na kahit na anong apprehensions sa pamamagitan ng NCAP program at ordinances na may kaugnayan dito ay hindi pinapayagan gawinhanggang walang further orders ang Korte. Samantala,   sa   ikawalang   TRO,   ang   SC   ay   pinagbabawalan   ang   LTO   na magbigay  ng  kung  ano  man  information sa   mga  local   government   units  (LGUs)  sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

Pinaliwanag naman ni SC spokesman Brian Keith Hosaka na kasama pa rin ang MMDA kahit na hindi covered ng TRO bilang isang responsdent.

 

 

“Upon verification with the Clerk of Court, I was informed that the MMDA is covered by the TRO in theNCAP case. MMDA is covered because of its Resolution No. 16-10, Series of 2016which was the basis of the local ordinances of LGU respondents,” wika ni Hosaka.

 

 

Ayon naman sa MMDA ay hindi na muna nila ipapatupad ang NCAP dahil sa sinabi ni Hosaka na ang ahensya ay covered ng SC’s TRO sa pagpapatupad ng NCAP.Ang   unang   petisyon   na   inihain   laban   sa   NCAP   ay   ginawa   ng   Kilusan   saPagbabago ng Industriya ng Transportasyon Inc., Pasang Masda, Alliance ng Transport Operators and Drivers Association of the Philippines at Alliance of Concerned Transport Organization.

 

 

Sa ikalawang petisyon ay inihain naman ni Atty. Juman Paa kung saan niya nagbabala   na   ang   Manila   Traffic   and   Parking   Bureau   (MTPB)   ay   may   access   sa database ng LTO tungkol sa mga registradong sasakyan kasama na ang address at pangalan ng may-ari nito.

 

 

Nilinaw naman pa rin ni Hosaka na ang mga LGUs na nakalagay sa TRO ay siya lamang mga magiging respondents. Nang tinanong si Hosaka kung covered pa rin ang mga motorista na nabigyan ng  apprehension bago pa ilabas ang TRO at kung magbabayad pa rin sila ng mga multa ay wala  siyang masabi kung hindi ang  maghintay na lamang ang publiko ng actual pronouncement ng SC para sa main petitions.

 

 

Sa Jan. 24, 2023 pa ang gagawing oral arguments sa nasabing mga petisyon. “Ido   not   know   the   reason   why   the   case   was   set   for   hearing   in   January   next   year. However, in the meantime, the TRO will be in effect,” dagdag ni Hosaka.

 

 

Ayon sa SC Public Information Office na kanilang ilalagay sa kanilang website ang   mga   importanteng   resolusyon   kapag   nakuha   na   nila   ang   official  copy   mula   saOffice of the Clerk of Court En Banc.

 

 

“Likewise,   the   SC   PIO   will   be   creating   a   microsite   in   the   SC   website   inconnection   with   the   case   and   where   the   public   may  access   and   view   all   pertinent pleadings,” saad ni Hosaka.

 

 

Samantala, nalugod naman si LTO assistant secretary Teofilo Guadiz sa TROs na   binigay   ng   SC   sapagkat   mabibigyan   na   ng   pagkakataon   ang   mga   transport stakeholders at LGUs na magkaroon ng pag-uusap tungkol sa mga issues at problems sa masalimuot ng polisiya.

 

 

Dahil   naman   sa   TRO   na   inilabas   ng   SC,   ang   MMDA   ay   nagdagdag   pa   ngmaraming   traffic   enforcers   sa   mga   pangunahing   lansangan   sa   Metro   Manila.

 

 

Maglalagay sila ng mga madaming traffic enforcers sa mga lugar kung saan dati pa napinatutupad ang NCAP upang mahuli ang mga traffic violators. Ganon din ang ginawang  mga  LGUs   kung  saan  sila   ay  nagdagdag  na  rin   ng   madaming   traffic   enforcers. LASACMAR

Other News
  • KASO NG COVID SA MPD, UMABOT NA SA 77

    UMABOT na sa 77 ang kaso ng tinamaan sa Covid 19 sa hanay ng kapulisan ng Manila Police District matapos itong madagdagan .       Ayon kay  MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco na  karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa sakit ay mula sa  MPD station 11 sa Binondo.       […]

  • KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

    ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]

  • Bagong hepe ng DICT, gustong paigtingin ang cybersecurity, cybercrime detection

    NAIS ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng bagong administrasyon na paigtingin ang cybersecurity at cybercrime detection ng bansa.     “We want to improve our cybersecurity, napakaraming instances po ng mga breaches ng mga website natin and at the same time on the cybercrime detection, I’m sure marami po tayong […]