Upakang Ancajas-Rodriguez, kasado na
- Published on March 9, 2020
- by @peoplesbalita
WALA nang atrasan, tuloy ang laban.
Matapos magkaaberya ng dalawang beses ay atat nang sumuntok uli si Filipino world champion Jerwin Ancajas nang maplantsa na at muling ikasa ang bout nila ni Mexican fighter Jonathan Javier Rodriguez na gaganapin sa Las Vegas sa Abril 11.
Sa ngayon ay dibdiban ang pagpapalakas ng 28-anyos na Pinoy fighter upang upakan ang nang-aberyang si Rodriguez.
Nakansela kasi ang kanilang laban nang pumalya ang Mexicano na makapagpasa ng kanyang requirement para sa US Visa.
Nang maiskedyul uli ang girian sana nila noong Pebrero 22 ay muli na naman itong naudlot kaya ‘di na kawalan kay Jerwin kung papatulan pa niya si Rodriguez.
“Mahaba ‘yong paghahanda namin noong nakaraan at hindi natuloy. Ngayon tuloy na tuloy na,” pahayag ng coach ni Jerwin na si Joven Jimenez sa naunang report. “Nasa magandang kondisyon si Jerwin at tamang target sa training namin. Pa-peak na siya.”
Walong beses nang nadepensahan ni Jerwin ang kanyang IBF junior bantamweight belt.
-
40 sasakyang pang-dagat, dineploy
MAY kabuuang 40 na sasakyang-dagat ng China kabilang ang tatlong warships ang idineploy noong Lunes sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea upang harangin ang humanitarian mission doon ng Philippine Coast Guard (PCG). Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, anim na barko ng […]
-
Asian Athlete of the Century si ‘Pacman’ KINILALA si Manny Pacquiao bilang numero unong atleta sa buong Asya ngayong 21st century, ayon sa prestihiyosong Top 25 Asian Athletes ng ESPN.
Pinunto ng ESPN ang walang kaparis na achievements ni Pacquiao sa boxing, kung saan isa siya sa maituturing na pinakamagaling sa buong mundo kaya nararapat lang na maging No. 1 sa Asya. Hanggang sa ngayon, ang tinaguriang Pambansang Kamao na si Pacquiao pa lang ang natatanging fighter sa kasaysayan na naghari sa 8 magkakaibang weight […]
-
Mga kawani ng gobyerno hindi na papayagang makalabas
APRUBADO na ang Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na may kinalaman sa inaasahang pagpapatupad ng pilot implementation para sa gagawing alert level system sa NCR. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang naturang policy shift na naka- takdang gawin sa mga susunod na araw ay magiging dalawa na lamang ang magigiging quarantine […]