• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 10th, 2020

Tate, Vera ONE FC Ambassadors

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY pugay at inspirasyon sa tropa ng Amerikano sina dating UFC women’s bantamweight champion at current ONE Championship Vice President Miesha Tate at ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera sa Andersen Air Force Base sa Guam.

 

Isinagawa ang pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa United Service Organizations (USO) bilang pagbibigay kahalagahan sa nagawa ng ONE sa mga miyembro ng US troops na malayo sa kani-kanilang mga pamilya.

 

Kapwa itinalagang MMA Ambassador ang dalawa ng ONE FC.

 

“This trip has been spectacular. We love to do this stuff for the military. It’s so cool to see their faces light up for a second after so much sacrifice that they do,” sambit ni Tate. “I got to go on a submarine, which literally blew my mind. I have so much more respect for what they do, if that’s even possible. To go in that tiny submarine and spend all that time they have to spend there, and the dedication they have to stay on point and defend our country it’s just crazy.”

 

Nagsagawa ng meet-and-greet ang dalawang martial arts superstars at pinasyalan ang Air Force Base at Naval Base at Andersen para makiisa sa mha miyembro ng tropa.

 

“It’s my first time in Guam, so for me it’s like a new experience. I love it so much I want to come back,” sambit ni Tate. “I love to be able to meet the troops and just show them our gratitude. Sincerely, from the bottom of my heart, thank you so much for everything that you do. It means a lot, the sacrifice you are willing to give if necessary to protect what we enjoy on an everyday basis.”

 

Ikinalugod naman ni Vera ang mga programa na isinasagawa ng US para masiguro ang kapayapaan sa rehiyon at sa buong mundo.

 

“You hear these stories and you’re almost crying because it’s about passion, and family, and about connecting with each other and staying connected and helping each other,” pahayag ni Vera.

 

Naging miyembro si Vera ng United States Air Force mula 1997 hanggang 1999. Dito nagsimula an gkanyang career sa wrestling team at naging isang malaking pangalan sa mixed martial arts.

 

Sa kasalukuyan, si Vera ang longest running World Champion ng ONE.

Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus.

 

Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III ay sinabi nito na kabilang sa protocol ang pag-lockdown sa Maynila.

 

Subalit, iyon nga lamang ay premature pa kung gagawin na kaagad ito ngayon ng pamahalaan.

 

Makabubuting maghintay muna hanggang ang mga ebidensiya na mayroong community transmission at ito ang magiging dahilan para isailalim sa community lockdown o community quarantine na isa sa mga intervention na sumasalamin sa kanilang protocol para sa kanilang four-door responsed strategy.

 

Mayroon ding opsyon na isuspinde ang klase at trabaho, at siguraduhing mayroong pagdating sa paghahanda sa panig ng apektadong rehiyon, LGUs at uniformed personnel ng military at PNP para tulungan at local chief executives, local health officials sa apektadong komunidad.

 

“These are some of the options being considered but it might be premature at this point,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang banda, kailangan naman aniyang igalang ang desisyon ng local chief executive para suspendihin ang klase at iyon ay kailangang sundin.

 

Samantala, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para magsuspinde ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ngayon. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala ring magiging pagbabago sa mga nakatakdang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagdami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

Hinikayat naman nito ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang mga kapwa mga employers at manggagawa na magkaroon ng bukas na komunikasyon at kasunduan para sa alternatibong paraan ng pagtatrabaho.
Ito anila ay upang maiwasan o mabawasan ang panganib ng mga manggagawa na malantad sa COVID-19. (Daris Jose)

‘Walang sabotahe sa pagbagsak ng PNP chopper’ – Gen. Gamboa

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAWI ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang haka-haka na sabotahe o sinadya ang nangyaring pagbagsak ng Bell 429 chopper noong Huwebes kung saan sakay si Gamboa at ang pito pang opisyal ng PNP.

 

Ayon kay Gamboa na hindi siya naniniwala na may nagsabotahe sa insidente at walang matinong tao na gagawa ng pananabotahe.

 

Para kay PNP chief aksidente ang nangyari.

 

Pero hiling ni Gamboa na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng SITG Bell 429 sa pamumuno ni Lt Gen. Guillermo Eleazar.

 

Hindi pa siya nagbibigay ng opisyal na pahayag sa SITG.

 

Lahat ng sakay sa chopper ay kukuhanan ng pahayag.

 

Nasa maayos na kalagayan na ang mga ito habang naka-confine pa ang dalawang piloto at isang crew.

 

Bumubuti na rin ang kondisyon nina Maj. Gen. Jovic Ramos at May. Gen. Mariel Magaway na nasa ICU ng Asian Hospital.

Kapangyarihan ng Senado sa pagbawi sa anumang tratado, iginiit

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SUMUGOD sa Supreme Court ang limang senador sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang humingi ng ruling kung may kapangyarihan ang Senado sa pagbasura ng anumang tratado tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).

 

Dakong ala-1:30 kaninang hapon nang ihain ng abogado ng Office of the Senate President ang naturang petisyon o ang “petition for declaratory relief and mandamus.”

 

Sa kanilang petisyon para sa declaratory relief at mandamus, hiniling nina Sotto kabilang sina Senador Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Richard Gordon at Panfilo Lacson na ideklara na ang anumang tratado na pinagtibay ng Senado na dapat magkaroon ng concurrence ang Mataas na Kapulungan kapag ibinasura.

 

Anila, kailangan magpalabas ng kautusan ang SC na inaatasan ang respondents na kailangan magkaroon ng concurrence ang Senado sa Notice of Withdrawal alinsunod sa Section 21, Article VII ng 1987 Constitution.
Inihain ang petisyon isang buwan matapos ibasura ni Pangulong Duterte ang VFA dahil binawi ng State Department ang visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

 

Tinukoy na respondents sa petisyon ng mga senador sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

 

“The petition seeks a definition of the “constitutional boundaries” of the powers of the Senate and the executive branch of government, and does not concern the VFA alone,” ayon kay Drilon.

 

Sinabi naman ni Sotto na iginigiit lamang sa petisyon ang kapangyarihan ng Senado sa pagbawi ng anumang tratado.
“‘Yung ganitong klaseng kabigat na agreement na mahirap pasukan, napakahirap ng pagkakapasok dito, hindi pwedeng tapusin ‘to ng isang sulat lang. Hindi ganon kadali ang pananaw namin,” aniya.

 

Ngayong araw, may En Banc session ang Korte Suprema pero wala pang katiyakan kung makasasama ang petisyon ng mga senador sa agenda.
(Ara Romero)

Tako ni Reyes, tutumbok pa

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATULOY pa rin sa pagsargo.

 

Ito ang tiniyak ni billiards icon Efren ‘Bata’ Reyes dahil na kahit 65 taong-gulang na ay hangad pa ring makapagbigay ng karangalan para sa bansa o mga Pinoy.

 

Ginawa ng The Magician ang pahayag pagkagawad sa kanya ng Lifetime Achievement Award sa katatapos na SMC-Philippine Sportswriters Association Awards Night na sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Ayon pa sa bilyaristang Kapampangan, handa rin niyang tulungan at isalin ang kanyang mga kaalaman sa mga kabataang gustong sundan siya sa kanyang tinahak.

 

Nanawagan din si Reye sa mga sports leader ng bansa nang pagkakaisa o at huwag na ring pairalin pa ang mga personal na interes para mabigyan ng tamang suporta at serbisyo ang mga atleta. (REC)

Klase ng mga estudyante sa Navotas, sinuspinde

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAHAYAG ni Mayor Toby Tiangco noong Sabado na wala munang pasok ang lahat ng mga estudyante mula sa kindergarten hanggang college ng pribado at pampublikong mga paaralan sa Lungsod ng Navotas kahapon (Lunes, Marso 9, 2020).

 

Ito’y kasunod ng inilabas na update ng Department of Heallth (DOH) na may dalawang karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID19 sa ating bansa. Sa ngayon, lima na po ang kumpirmadong apektado ng COVID19 at dalawa sa kanila ay Pilipino.

 

Ayon kay Mayor Tiangco, layon nito na maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito sa lungsod na kahit kinumpirma ng City Health Office na walang COVED19 sa Navotas ay kailangan nating mag-ingat.

 

Kailangan pong maging proactive tayo para maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito. Ugaliin ang wastong paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, at pag-iwas sa matataong lugar. Mag-ingat po tayo at sundin parati ang good hygiene at healthy lifestyle.

 

“Liliwanagin ko lang po, wala pong kaso ng COVID19 sa Navotas. Ang ginagawa po natin ay bilang preventive measure o para maiwasan ang sakit na ito,” ani Tiangco. (Richard Mesa)

PALARONG PAMBANSA 2020, KANSELADO SA COVID-19

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 , pormal nang ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaliban sa 2020 Palarong Pambansa na gaganapin sana mula May 1 hanggang May 9, 2020.

 

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na host ng 2020 Palaro ang naging desisyon matapos ang pakikipagpulong sa DepEd at ilang stakeholders ng summer Games.

 

Ang hakbang ng lungsod ay kinumpirma rin ng tanggapan ng Marikina PIO bunsod na rin ng pangamba sa deadly virus at sakit na COVID-19.

 

Nauna rito, mismong si Teodoro ang nagpahayag na mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina City sa katauhan ng isang 86-anyos na lalaki na nagtungo kamakailan sa South Korea.

 

Bago ito, sinuspinde rin ng DepEd ang lahat ng mga nakatakda nilang national at regional events matapos umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 at kumpirmahin ng Department of Health na mayroon na ring local transmission ng virus sa bansa.

 

Ang isyu sa Palarong Pambansa sa buwan ng Mayo ay iniatang na ng DepEd ang desisyon sa Palaro board.
Hindi pa naman nagbigay ng eksaktong petsa ang ahensya kung kailan ipagpapatuloy ang mga aktibidad.
Ang Palarong Pambansa na nilalahukan ng lahat ng rehiyon mula elementarya at high school ay mahalaga sa DepEd at Philippine Sports Commission (PSC) dahil kadalasan dito nakakadiskubre ang bansa ng mga may potential na atleta para maging national athletes tulad na lamang nina Lydia de Vega, Elma Muros, Eric Buhain at marami pang iba.

 

Una rito kinumpirma ni Mayor Teodoro ang unang kaso ng coronavirus disease sa siyudad.

 

Agad na nilinaw ng mayor na ang lalaking pasyente ay hindi maituturing na local transmission ang kaso dahil may travel history ito sa pagbiyahe sa South Korea.

 

Samantala, tuloy naman ang pagdaraos ng 2020 National Schools Press Conference (NSPC) at National Festival of Talents (NFOT) dahil ang mga delegado para dito ay nasa biyahe na habang ang iba ay nakarating na sa mga venue na pagdarausan ng mga aktibidad.

 

Ang NSPC, na idinaraos na sa Tuguegarao City, Cagayan, at NFOT, na isinasagawa na sa Ilagan City, Isabela, ay naka-iskedyul na idaos mula kahapon na Marso 9 hanggang 13. (REC)

Takot sa COVID-19: Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela

Posted on: March 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang kinansela ang Panagbenga flower festival sa siyudad ng Baguio sa gitna ng takot sa COVID-19, ayon sa anunsyo ni Mayor Benjamin Magalong kahapon (Lunes).

 

Ani Magalong, ito ang nagpadesisyunan ng Baguio City Interagency Task Force on COVID-19, kasunod ng rekomendasyon na ginawa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Suspendido na rin ang lahat ng operasyon ng night market nito na epektibo ngayong araw (Marso 10) hanggang sa susunod na 14 araw.

 

Kakanselahin na rin ang lahat ng pagtitipong bahagi ng taunang selebrasyon kabilang ang Grand Street Parade na naka-reschedule sa Marso 28, Grand Float Parade sa Marso 29, at Session Road in Bloom na nakatakda mula Marso 30 hanggang Abril 5.

 

Inisyal na naka-iskedyul ang opening parade nito noong Pebrero 1, ngunit ipinagpaliban ito ng mga lokal na opisyal bilang precautionary measure.

 

Sinabi naman ni Department of Health Regional Director Amelita Pangilinan na inilagay na sa “code red” ang bansa matapos kumpirmahin ng mga awtoridad ang local transmissions sa Metro Manila. Nakapagtala ng apat na kaso ang Pilipinas nitong Linggo ng gabi, dalawa sa mga ito ang walang travel history sa labas ng bansa.

 

Nananatili pa ring ‘COVID-19-free’ ang rehiyon hanggang kahapon (Lunes).

 

Sinuspinde na rin ang Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet na orihinal na naka-iskedyul mula Pebrero 1 hanggang 23, ayon kay Magalong.

 

Samantala, ititigil muna sa ngayon ang pagsasara ng Session Road para sa mga art events at cultural gatherings.