• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 2nd, 2020

Watch Technician ginulpi ng rider

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA ospital ang bagsak ng 46-anyos na watch technician nang gulpihin ng isang rider na sinaway ng biktima dahil sa pagparada sa no-parking zone sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

Duguan nang humingi ng tulong at itakbo sa ospital ng mga opisyal at tanod  ng  barangay si Elmer Sanchez, ng  684 Rizal Avenue Extension, Brgy. 71, ng lungsod.

 

Nadakip naman ng mga tanod sa follow-up operation ang suspek na si Jason Malabuyo, 39, istambay, ng 27 Kalaanan Compound,  Brgy. 86, ng lungsod, habang naglalakad sa Macabagdal Street, alas-11:50 ng Linggo ng gabi.

 

Sa ulat, nasa shop niya ang biktima alas-2 ng Linggo ng hapon nang maispatan ang suspek na ipaparada ang kanyang motorsiklo sa isang no-parking area sa Macabagdal St. kaya’t pinaalalahanan ni Sanchez si Malabuyo.

 

Sa halip na magpasalamat ay pinagmumura ng suspek ang biktima bago niromansa ng gulpi.

 

Kasong attempted homicide at unjust vexation ang isanampa laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Domestic flights sa GCQ areas, pinahintulutan ng IATF

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang domestic flights sa mga lugar na sa ilalim ng general community quarantine, ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade.

 

Bagama’t naglabas na aniya ng kasulatan at kautusan si National Task Force against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez patungkol dito, sinabi ni Tugade na kailangan daw na aprubado ito ng mga lokal na pamahalaan.

 

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development Giovanni Lopez, may ilang local government units na tumatanggi sa ngayon na tumanggap ng domestic flights.

 

Dahil dito, napagdesisyunan ng DOTr at National Task Force against COVID-19 na payagan lamang pansamantala ang domestic flights sa mga lugar na may approval ng mga LGUs.

 

May agam-agam kasi ang ilang lokal na pamahalaan sa pagtanggap ng domestic flights, ayon kay Lopez.

 

Nauna nang inanunsyo ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia na paunti-unti nilang ibabalik ang kanilang operations ngayong buwan matapos na sabihin ng pamahalaan na luluwagan ang community quarantine measures sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. (Daris Jose)

Ginebra, Magnolia, San Miguel players negatibo sa COVID-19

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga manlalaro ng Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, at San Miguel Beermen makaraang sumailalim sa testing noong nakaraang linggo.

 

Ito ay batay sa naging anunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon Ang.

 

Dagdag ni Ang, bagamat mahalaga ang sports sa bansa, kailangang ikonsidera nang husto ang pag-iingat sa COVID-19 bago pag-isipan ang pagbabalik ng contact sports.

 

“We defer to the government’s wisdom and decision on when team-based leagues like the PBA will return especially if people’s lives are at stake. While we all miss the PBA, we need to first create a safe environment to limit the spread of the virus,” wika ni Ang.

 

Maaari rin umanong makibahagi ang PBA sa mga ginagawang recovery efforts sa pamamagitan ng palagiang pagsusuri para sa lahat ng mga nasa liga.

 

“Our players and employees have nothing to be worried about as we have assured that they will continue to receive their salaries and health benefits. And we have constantly reminded our players as well as other employees to strictly follow health protocols during this time,” ani Ang.

 

Tiniyak din ng business magnate na mahigpit na ipatutupad ang mga protocols sakaling payagan na ang pagpapatuloy ng training ng mga players sa mga darating na buwan.

Petron patuloy sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga libreng sasakyan ng health workers

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipagpapatuloy ng Petron Corporation ang pagbibigay ng fuel subsidy hanggang June 15 sa mga sasakyan na nasa pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr) na ginagamit ng mga health workers sa panahon ng corona virus disease 2019 (Covid-2019).

 

Ito ay matapos ang pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon ay General Community Quarantine (GCQ) na lamang ang ipanatutupad sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, Cagayan Valley, Calabarzon, Pangasinan, Zamboanga City, at Davao City na nagsimula noong June 1.

 

Habang ang ibang bahagi ng bansa naman ay magiging Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lamang.

 

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay para sa mga health workers ay nakapagbigay ng serbisyo sa mahigit kumulang na 1 million na ridership na naitala noong May 30, 2020.

 

Nagagalak naman ang DOTr sa tulong na binibigay ng Petron Corporation bilang isang katuwang ng DOTr na matatawag na isang milestone ngayon may pandemic sa bansa.

 

“Thus, the extension of fuel subsidy is a welcome development. Secretary Tugade, and the whole of DOTr, are grateful for Petron’s generosity to extend the assistance until June 15, for this will come a long way to further help our health workers, especially now that the NCR and its neighboring Regions have been placed under GCQ,” wika ni DOTrUsec Tuazon.

 

Simula pa noong April 8, 2020, ang Petron Corporation ay nagbibigay na ng libreng krudo sa mga sasakyan ng mga transport companies nakasali sa DOTr Free Ride for Health Workers Program sa Metro Manila.

 

Ang programang ito ay naglalayon na mabigyan ng transportation service ang mga health workers papunta ng mga ospital at medical communities habang ang bansa ay patuloy na lumalaban sa paglaganap ng COVID-19.

 

Ang Petron na nasa ilalim ng San Miguel Corporation (SMC) Infrastructure ay nagbibigay ng 50 liters ng krudo sa 60 na vehicle units kada araw na may total allocation na 3,000 liter kada araw.

 

Apat ang Petron refilling stations angunangnagbigay ng fuel subsidy samaga participating private bus units. Ang mga ito ay ang Petron stations sa Filinvest sa Alabang, Macapagal Blvd sa Paranaque City, East Avenue sa Quezon City, at saMandaluyong City.

 

Nagsimula nag DOTr Free Ride Service for Health Workers noong March 18, 2020 at ito ay isang collaborative effort sa pagitan ng DOTr at iba pang sangay ng pamahalaan kasama ang mga pribadong transport companies tulad ng RRGC at iba pa.

 

Kasama rin ang iba pang oil firms sa bansa katulad ng CleanFuel at Phoenix Petroleum Philippines Inc., Seaoil Philippines, at Total Philippines ang siyang nagbigay ng fuel subsidy hanggang noong May 31. (LASACMAR)

P1.3-T economic stimulus, baseline PCR testing target aprubahan ng Kamara sa 3rd reading ngayong linggo

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Target ng Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ngayong linggo ang ilang panukalang batas na mahalaga para sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19 at sa epekto ng krisis na dulot nito sa ekonomiya ng bansa. 

 

Kagabi, inaprubahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 6185, o ang P1.3-trillion proposed Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) -na dati ang tawag ay Philippine Economic Stimulus Act- at House Bill 6865, o ang proposed “Crushing COVID-19 Act.

 

Balak ngayon ng mga kongresista na i-extend ang kanilang plenary session ng hanggang Huwebes para aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang mga panukalang ito dahil base sa kanilang kalendaryo ay sa Hunyo 3 na ang kanilang sine die adjournment.

 

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda, isa sa mga pangunahing may-akda ng ARISE, ang pondo para sa economic stimulus na ito ay manggagaling sa Department of Finance sa na kukuhanin naman sa Bureau of Treasury, government financial institutions at government-owned corporations pati na rin sa mga bonds.

 

Sinabi rin ni Salceda na pinahihintulutan din ng panukalang ito ang Presidente na mag-realign sa loob ng anim na buwan ng mga items sa General Appropriations Act (GAA) na hindi maaring galawin upang gamitin naman sa COVID-19 response tulad ng travel at forced savings.

 

Pinalalawig din ng panukalang batas na ito ang validity ng 2019 at 2020 GAA ng hanggang 2021.

 

Maging ang kapangyarihang iginagawad ng Bayanihan to Heal as One Act ay pinalalawig din partikular na ang mga probisyon sa testing, wage subsidies, TUPAD program ng DOLE, loan payment extension, ayuda na ibinibigay ng DTI at DA, pagpapaluwag sa credit rules, health protocols para maiwasan ang pagkalat ng sakit, reallocation at realignment ng pondo.

 

Layon din ng panukalang ito na magtatag ng Economic Stimulus Board at Economic Resilience Plan.

 

Samantala, ipinaguutos naman ng Crushing COVID-19 Act na magkaroon ng baseline Polymerase Chain Reaction (PCR) testing.

 

Ito ang magsisilbing protocol para sa COVID-19 testing ng mga napapabilang sa tinatawag na vulnerable sector para ma-contain at control ang pagkalat ng naturang nakakamatay na sakit at mabawasan ang mortality rate nito sa pamamagitan ng early detection at management.

 

Hangad din nito na mapabagal ang doubling time para sa COVID-19 infections at ma-maximize ang resources ng gobyerno sa pamamagitan nang paggamit ng cost-effective methodology.

 

Base sa panukala, ang pooled baseline PCR testing ay ang pagkuha ng nasopharyngeal at/o oropharyngeal swabs mula sa vulnerable asymptomatics na naka-grupo sa 10 o limang samples.

 

Kabilang sa mga sasailalim sa pooled baseline PCR testing ay ang mga pasyente o healthcare workers na may severe o critical at mild symptoms ng COVID-19, pati na rin iyong walang nararanasang sintomas pero may relevant travel history o contact sa nagpositibo.

 

Subalit iyong mga pasyente o healthcare workers na maituturing high-risk dahil sa kanilang exposure, ay dapat indibidwal na ite-test.

 

Kasama rin sa pooled baseline testing ang mga non-health frontliners na rumiresponde sa COVID-19 crisis, tulad ng mga nasa temporary treatment at quarantine facilities, quarantine control points, National at Regional Local Risk Reduction and Management Teams, Barangay Health Emergency Response Team, at iba pa.

 

Kasama rin dito ang mga taong may existing nang sakit, iyong mga taong papasok Pilipinas galing sa ibang bansa at iba pa. (Daris Jose)

Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon.

 

Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo.

 

Sumegunda naman sa listahan ang Portuguese football star na si Cristiano Ronaldo na may kitang $105-milyon; at sumunod si Argentine striker na si Lionel Messi na may $104-milyon.

 

Ikaapat ang Brazilian footballer na si Neymar na may $95.5-milyon; habang ikalima si Los Angeles Lakers star LeBron James, $88.2-milyon.

 

Ayon sa Forbes, nakaapekto umano nang husto ang coronavirus pandemic sa unang pagsadsad sa kabuuang kita ng 100 top-paid athletes mula noong 2016.

 

Inaasahang magkakaroon ulit ng pagbaba sa susunod na taon dahil sa shutdown. (AFP)

Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni hall of famer boxer Curtis Cokes, 82

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Hall of Famer at dating welterweight champion Curtis Cokes sa edad 82.

 

Ayon sa kaniyang anak, hindi na nito nakayanan ang kaniyang heart failures.

 

Mula sa kapwa boksingero hanggang sa mga boxing fans ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga kaanak ni cokes.

 

Ipinanganak noong Hunyo 15, 1937 at naging boksingero mula 1958 hanggang 1972 kung saan hinawakan nito ang welterweight title mula 1966 hanggang 1969.

 

Matapos ang kaniyang boxing career ay naging kilalang trainer.

 

Bago naging boksingero ay naglaro ito ng baseball at basketball sa edad 17.

 

Taong 1961 ng manguna sa top 10 welterweight world rankings at 1965 ng makuha ang bakanteng Texas welterweight title.

 

Tinalo naman niya sa pamamagitan ng 15-round decision laban kay Manuel Gonzalez at makuha ang bakanteng WBA title.

COVID-19 testing backlogs sa PH, naipababa sa halos 1,700 – DOH

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Masayang ibinalita ng Department of Health na naibaba na nila kasama ang iba pang accredited na COVID-19 laboratories ang testing backlogs sa mas mababa sa 2,000 sa kabila ng mga problemang kinahaharap.

 

“So we have a total of about 1,691 backlogs as of 6 p.m. yesterday,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing ngayong Martes.

 

Nagawa rin nilang maibaba ang total backlog sa Research Institute of Tropical Medicine, na may pinakamalaking kapasidad sa COVID-19 test, sa mas mababa sa 300 na lang.

 

Ayon kay Vergeire nang masira ang exhaust system ng negative pressure ng Western Visayas Medical Center ay nagkaroon ito ng backlog na 1,168 samples nitong weekend, ngunit naibaba rin sa 505 nitong Lunes.

 

Dagdag pa ito sa 353 backlogs mula sa RITM at iba pang backlogs sa 40 iba pang labs kun kaya umabot sa 1,691 ang total backlog nitong Lunes.

 

Samantala, pinapurihan naman ni Iloilo Rep. at dating Health Secretary Janette Garin ang bagong sistema ng Department of Health sa pagrereport ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19.

 

Aniya, ito ay mas accurate at transparent kumpara sa dating pag-uulat.

 

Ikinatuwa ni Garin ang pag-amin sa mga kakulangan at sinabing ang pagkategorya ng ‘fresh’ at ‘late’ cases ay makapagbibigay ng mas malinaw na larawan sa sitwasyon ng bansa.

 

“What we see now, the fresh and the late cases, is more accurate,” ani Garin sa CNN Philippines.

 

“It’s accurate because the figures that were being given to us before was not that accurate. Because some reported too late, others had incomplete information so they could not report it.”

 

“It’s actually being transparent, it’s admitting the faults done initially. It’s correcting the data so that strategists and people will understand the degree of infection,” dagdag pa nito.

Mabilis na pamamahagi ng ayuda ng mga LGUs, kinilala ng DSWD

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Muling kinikilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mabilis na pagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP) ng mga local government units (LGU) sa tatlong rehiyon.

Base sa talaan ng mga datos ng SAP report noong ika-8 ng Mayo, mahigit siyamnapu’t tatlong porsyento (93%) ng mga LGUs na nasasakupan ng mga rehiyon ng Caraga, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR) ay nakatapos na ng pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng emergency subsidy program (ESP) sa kanilang mga lugar. Naitala ang mga sumusunod na datos: Caraga, 100%; Bicol 99.79%; at CAR, 93.92%.

 

Naging epektibong mekanismo sa mabilis na pamamahagi ang maayos na pagpaplano at koordinasyon ng mga LGUs sa DSWD Field Offices. Bukod sa ipinatupad na magkakasabay na iskedyul ng payouts sa kanilang mga nasasakupang barangay, sinigurado rin ng mga opisyal ng barangay ang pagkakaroon ng maayos na pamamahagi sa pamamagitan ng pagtatakda ng iskedyul at oras ng pagdating ng mga tatanggap ng ayuda. Upang matiyak na nasusunod ang social distancing, ang mga upuan ay inihanda at isinaayos nang may angkop na agwat sa bawat isa.

 

Sa hanay naman ng mga namamahagi ng ayuda, tiniyak ng mga LGUs na sapat ang mga payment officers sa lugar ng mga payouts. Gayundin, ang halagang iaabot sa mga benepisyaryong tatanggap ay naihanda na, kung kaya mas naging mabilis ang pamamahaging isinagawa. Paglapit ng benepisyaryo ay muli lamang niya itong bibilangin nang mabilisan upang matiyak na sapat ang halagang matatanggap, matapos ay papipirmahin sa listahan bilang katunayan na natanggap na ang ayuda. Naging kasanayan naman sa ibang lugar ang pagkuha ng litrato sa mga benepisyaryo habang tinatanggap ang kanilang ayuda.

 

Malaking bahagi rin ang ginampanan ng mga barangay tanods at local security officers sa isinagawang payouts, upang masigurado ang kaayusan at kapayapaan sa kani-kanilang mga lugar.

 

Bukod sa mga nabanggit na lugar, kinikilala rin ang LGU ng Pasig City sa paglulunsad nito ng supplemental SAP na kasalukuyang ipinagkakaloob sa humigit kumulang 160,000 pamilya na hindi napasama sa listahan ng mga nakatanggap ng ayuda ng SAP.

 

Ang iba pang mga datos at impormasyon tungkol sa pamamahagi ng SAP ay makikita sa SAP Monitoring Dashboard for Emergency Subsidy under AICS. Mangyaring bisitahin ang Official Website ng DSWD para ma-access ang nabanggit na dashboard. (Daris Jose)

P14.1B ginastos ng gobyerno sa PPEs, med equipment vs. COVID-1

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Gumastos ang pamahalaan ng P14.1 billion para sa pagbili ng protective gear, test kits, at medical equipment bilang bahagi ng pagsisikap ng bansa para mapigilan ang COVID-19. Sa halagang ito, P12.1 billion ang napunta sa pagbili ng 6,062,019 personal protective equipment (PPE) sets habang ang P1.6 billion ay ginamit naman sa pagbili ng 9 na iba’t ibang klase ng PCR test kits. Ito ang nakasaad sa weekly report ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso.

 

Ibinahagi rin ng Pangulo na ang 10 units ng automated nucleic acid extraction machines ay binili sa halagang P400 million.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na may kabuuang 1,458,000 PPE sets o 23.79% ang idineliber sa bansa.

 

Ang karagdagang 65,330 PPE sets ay binili rin gamit ang pondo mula sa dating procurement.

 

Inaasahan naman ng Pangulo na ang delivery ng test kits ay makukumpleto sa susunod na buwan.

 

Iniulat din ng Chief Executive na ang Department of Science and Technology (DOST) ay nagsimula na ng mass production ng reusable face masks na 10,000 masks kada linggo na may layunin na dagdagan ang 50,000 masks kada linggo sa katapusan ng Hunyo.

 

Ang proyekto ay naglalayong mag- produce ng 500,000 face masks, ang kalahati nito ay ido- donate sa mga frontline government workers habang ang natitira naman ay iko-contribute sa inventory ng masks ng pamahalaan.

 

Sinabi ng Philippine Textile Research Institute ng DoSt na nitong Marso ay ang re-wearable face masks ay ia-aplay sa textile water-repellent finishing technology na dinevelop ng PTRI para sa karagdagang proteksyon laban sa viruses at bakterya na kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng water droplets. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)