• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 31st, 2020

Zero COVID-19 positive itinala ng NBA

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

 

Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.

 

Lalaruin ang liga na walang manonood at pansamantalang maninirahan ang mga manlalaro sa site habang tuloy ang laro sa kumpetisyon ng kani-kanilang koponan.

 

Ayon sa ulat, sa huling test na ginawa noong July 20, lahat ng manlalaro ay nag-negatibo sa COVID-19.

 

Nakatakda ring buksan ng National Hockey League (NHL) ang kanilang season sa Aug. 1 sa isa ring secured na lugar, ayon sa ulat.

 

Wala namang balak ang Major League Baseball (MLB) na maglaro sa bio-secure bubble setting matapos nitong paigsiin ang season simula pa noong isang linggo.

 

Sinuspinde naman ng MLB ang Miami Marlins ng isang linggo matapos isang dosenang manlalaro nito ang nagpositibo sa COVID-19 na nagbabadya ng muling pagkabalam ng season.

Nadal, Djokovic at Williams nakalista na sa US Open tuneup games

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Lumahok sa US Open tune-up tournament sina top-ranked Novak Djokovic, world number two Rafael Nadal at Serena Williams.

Ito mismo ang kinumpirma ng organizers ng ATP at WTA Western at Southern Open.

Unang plano itong gagawin sana sa Cincinnati pero ito ay inilipat sa New York dahil sa coronavirus pandemic.

Gaganapin ito mula Agosto 20 hanggang 28 sa quarantine environment kung saan walang audience na papayagang manonood sa National Tennis Center sa Flushing Meadows.

Hindi naman kasama sa listahan sina Swiss star Roger Federer, Dominic Thiem at France ninth-ranked Gael Monfils.

Makakasama naman ni Williams ang 16-anyos na si Coco Gauff at defending Western at Southern champion Madison Keys.

Hindi naman nakasama sina Ashleigh Barty, Simona Halep ng Romania, kasalukuyang Wimbledon champion at fift-rated Elina Svitolina ng Ukraine at Canada six-ranked Bianca Andreescu.

30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling.

 

Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.

 

Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang pagkalat pa ng bird flu virus, na sinasabing nakakaapekto rin sa mga tao.

 

Iniuugnay ng DA ang avian flu outbreaks sa ibang bansa sa mga migratory birds, na kadalasang dumadaan din sa Pampanga.

 

Noong Hulyo 23, inanunsyo ng DA na kontrolado na nila katuwang ang lokal na pamahalaan ng Jaen, Nueva Ecija ang pagkalat ng avian influenza. (Gene Adsiuara)

Ads July 31, 2020

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 22 quarantine facilities para sa Metro Manila COVID-19 patients, patapos na – Dizon

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy umano ang paghahanap at pagtatayo ng National Task Force against COVID-19 ng isolation o quarantine facilities para sa mga magpopositibo partikular sa Metro Manila.

 

 

Magugunitang paubos na ang mga quarantine facilities na unang itinayo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni NTF deputy chief implementer Vince Dizon, una nilang ginamit ang mga hotels bilang quarantine areas at may mahigit 1,000 pang available rooms.

 

 

Ayon kay Sec. Dizon, nasa 22 quarantine facilities naman sa Metro Manila ang itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at magagamit na ito sa dalawa hanggang tatlong linggo.

 

 

Ang mega quarantine facility rin sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ay magiging operational na rin sa susunod na linggo habang ang Razon Group ay may dine-develop na 500-bed facility sa Entertainment City sa loob ng property ng Nayong Pilipino sa Parañaque City. (Daris Jose)

Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping.

 

Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas at China ay nagtutulungan pagda­ting sa mutual assistance kaya nagkaroon ng koo­perasyon ang dalawang bansa kaya tumutok sila sa bilateral relations.

 

Matatandaan na noong SONA ni Pangulong Duterte, sinabi niya na nakausap niya si Xi at pinasiguro niya dito na bibigyang prayoridad ang Pilipinas para makakuha ng bakuna laban sa coronavirus.

 

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na infection rates sa Southeast Asia na umabot na sa 83,673 kaso at 1,947 deaths.

 

Habang patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila. (Ara Romero)

Gyms, fitness centers at iba pa pinayagan nang magbukas ng IATF

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Simula sa Sabado ay inaasahang magsisibalikan na ang mga fitness buffs sa mga gyms at fitness centers.

 

Ito ay matapos ihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling buksan ang mga gyms at fitness centers sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Ngunit ito ay gagawin lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at sa limitadong operasyon.

 

“Inilabas namin ‘yung rekomendasyon kahapon at napag-usapan din kagabi, kinonfirm naman nila ‘yung mga ni-recommend ng DTI para po sa dahan-dahan na gradual reopening,” ani Lopez sa panayam ng DZMM Teleradyo.

 

Puwede na ring buksan ang mga review centers, internet shops, personal grooming services at drive-in cinemas sa 30 percent capacity lamang.

Sen. Pacquiao, hindi payag ng exhibition game

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipinapasa-Diyos ni Senator Manny Pacquiao kung ilang laban pa ang gagawin.

 

Sa interview, inihayag na fighting senator na in God’s will kung sino ang susunod niyang makakasagupa sa ibabaw ng ring.

 

Nilinaw nito na wala pang final na decision na negosasyon sa sino mang boksingero pati ang magiging petsa ng laban.

 

Inamin ng mambabatas na di muna iniisip ang kanyang next fight bagkus naka-focus kung paano tutulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa problema dulot ng Covid 19.

 

Samantala, giit ni Senator Pacquiao na hindi siya papayag ng isang exhibition game tulad ng ginagawa ngayon ng mahigpit na karibal sa boxing career nito na si Floyd Mayweather Jr.

1,943 traditional jeepneys balik kalsada

Posted on: July 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit ang mga jeepney drivers ay kinakailangan  gumamit ng QR or quick response code.

 

Ito ay isang special barcode na maaaring i-down load mula sa LTFRB website. Gagamitin ang QR codes ng mga jeepney drivers upang mapadali ang road enforcement at upang malaman na kung ang sasakyan ay pinapayagan na magsakay ng mga pasahero.

 

“We also require jeepneys to have a personal passenger insurance policy and to pass inspections proving roadworthiness,” ayon sa LTFRB.

 

Ang mga operators ay kinakailangan din na sumunod sa mga health at safety protocols na binigay ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

Habang ang buong Luzon ay nasa ilalim ng ECQ, ang lahat ng modes ng transportasyon ay pinahinto noong March upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nang nagkaron na ng mas relax na GCQ noong June 1, selected public transportation lamang ang pinayagan tulad ng P2P buses, trains, ride-hailing services at bicycles. Subalit limited passenger capacity lamang ang maaaring sumakay dito.  LASACMAR