NASAMSAM sa apat na hinihinalang drug personalites na nasakote ng pulisya sa buy-bust operation ang higit sa P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan city.
Kinilala ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, hepe ng NPD-DSOU at DDEU ang mga naarestong suspek na si Rommel Villanueva, 40, Arthur Peñalosa, 42, Hernan Potoza, 23, at Resty Santiago, 26, habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasama na si Yuki Paragatos ng Navotas city.
Bandang ala-1:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, kasama ang team ng SWAT/DMFB ang buy-bust operation sa Blk 56, Lot 25, Phase 2 F3, Dagat-dagatan, Brgy. 8, Caloocan city matapos ang natanggap na report na ang mga suspek ang nagpapakalat ng illegal na droga sa Brgy’s 8 at 26 at iba pang mga barangay sa CAMANAVA area.
Nakagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover na nagpanggap na poseur-buyer ng P7,000 halaga ng shabu.
Nang magkaabutan na ng droga at marked money ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek na naaktuhan pang sumisinghot ng shabu ang iba sa kanila habang nagawa namang makatakas ni Paragatos.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na nasa P408,000 ang halaga, P7,000 buy-bust/boodle money, ilang drug paparaphernalia at cellphone. (Richard Mesa)