• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 11th, 2020

Clippers nananatiling paborito na manalo laban sa Nuggets

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nananatili pa ring pinipili ng mga basketball experts at bettors na manalo ang Los Angeles Clippers laban Denver Nuggets sa Game 4 nila sa Western Conference Semifinals.

 

Ito ay matapos na hawak ng Clippers ang 2-1 na kalamangan sa serye nila ng Nuggets.

 

Ilan sa mga nakitang maaaring kakulangan ng Nuggets ay ang hindi paglalaro ng kanilang shooting guard na si Will Barton na mayroong injury sa tuhod at si Vlatko Cancar na mayroong injury sa paa.

 

Magugunitang naitabla ng Denver ang serye sa 1-1 noong game 2 at nakalamang ang Clippers sa game 3.

Beda may bala na panlaban sa Letran

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th  National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre.

 

Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions.

 

Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan.

 

“Alam natin na Letran is the defending champion so we are trying to redeem ourselves that we loss the crown last year,” bigkas kamakalawa ng counterpart ni Tan na si Teodorico (Boyet) Fernandez III.

 

Nawala na sa bakuran ng SBU sina seniors Clint Doliquez at AC Soberano na mga umakyat na sa  Philippine Basketball Association (PBA), pero hinirit ng Beda coach na may mga alas pa  rin siya para ipambala sa karibal a nalalapit na pagbubukas ng ika-96 na edisyon nang pinakamatagal ng liga ng kolehiyo sa bansa.

 

“We have,” giit na ng 49-anyos na tactician hinggil sa mga bagong recruit. “Medyo marami-rami nga, pero we are holding that for now kasi nga gusto naming i-secure.”

 

Mangunguna sa mga mga bagong salta pero palaban sa pulang leon ang Red Cubs champions o nakatapos na ng haiskul na sina Rhayyan Amasali, Winston Ynot, Justine Sanchez at Yukien Andrada.

 

Pero may mga nakuha ring matitinik na rekrut ang Knights sa pangunguna naman ni Rhens Joseph Abando na lumayas ng University of Santo Tomas Growling Tigers men’s basketball team ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

Si Amsali ay beterano ng international competition sa pagiging miyembro datin ng Batang Gilas PIlipinas.

 

Pihadong magandang bakbakan iyan kapag natuloy ang liga sa pagkawala ng Covid-19.

 

Abangan po natin mga mahal kong mambabasa ng People’s Balita.

PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si  Pangulong Rodrigo Roa  Duterte  na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador.

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Nagsagawa kasi ng  farewell call si Kim kay Pangulong Duterte, araw ng Lunes.

 

“I hope everything will be the same, as is,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address matapos mabanggit ang pagtatalaga ng bagong  US ambassador to the Philippines.

 

“Kim is out,” ayon sa Pangulo.

 

Bago pa ang  public address, inanunsyo na ng Malakanyang ang pagbati kay  Ambassador Kim dahil sa kanyang  “successful tour of duty” sa bansa.

 

Magtatapos na kasi ang  three-year tour of duty ni Kim  sa Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 2016.

 

Sa kabilang dako, pinagkalooban naman ni PangulongDuterte si outgoing ambassador Kim ng  Order of Sikatuna na may  ranggo  na Datu or Gold Cross.

 

“The President expressed appreciation for Ambassador Kim’s vital contributions in strengthening the alliance and partnership between the Philippines and the United States,” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.

 

Tinukoy din ng Malakanyang ang  “important milestones” ng ugnayan ng bansa sa Estados Unidos gaya ng pagbalik ng  Balangiga Bells noong Disyembre  2018.

Pinalawig din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa iba’t ibang aspeto gaya pagbahagi ng  interest, lalo na sa defense and security, trade and investments, at people-to-people exchanges.

 

Para naman kay Kim, pinasalamatan niya si Pangulong Duterte para sa   “productive bilateral engagement” sa Pilipinas.

 

“He emphasized that the US remains committed to the alliance and partnership with the Philippines that are based on shared values and meaningful history,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mga eba aawra na sa WNBL

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINUNYAG ng Women National Basketball League (WNBL) ambassadress na si Maria Beatrice ‘Bea’ Daez-Fabros na  atat na ang mga kapwa ebang baller na may mga edad 18-40 anyos para sa 1st WNBL preseason tournament darating na sa Enero 2021.

 

“It’s about time. For all female ballers this has always been a dream — to have a pro league,” bigkas ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP)-University of the Philippines Lady Maroons player.

 

Bisita siya nitong Martes kasama si WNBL executive vice president Rhose Montreal sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition na mga hinahatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

 

“There is zero apprehension among us female players. It’s been all excitement. Everybody is trying to get back in shape even from their homes. Even the older ones (in their forties) are coming out of retirement,” wakas na saad ni Daez-Fabros. (REC)

Task Force PhilHealth, kailangang maging maingat sa imbestigasyon

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG maging maingat ng Task Force PhilHealth sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa uma­no’y overpriced purchase ng IT system na umabot ng P2 billion.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangan na mayroong matibay na  ebidensya at hindi lamang testimonya dahil medaling magsalita.

 

Kailangan aniya ay  “backed up by documents, paper trail.”

 

“Alam mo, ‘yung pag-iimbestiga at kung gusto mong maghabla ng mga taong sa tingin mo ay may kasalanan, kailangan mayroon kang ebidensya, hindi lamang testimonya, kasi madaling magsalita. Kailangan ‘yun ay backed up by documents, paper trail. Kasi sasabihin mo, ‘yan sangkot ‘yan dito, iyan nagre-release ng ganito, kung salita lang, pero wala naman sa dokumento, wala sa papel, eh di-dismiss lang ‘yan ng hukuman,” ayon kay Sec. Panelo.

 

Kaya kailangan na  maingat ang Task Force diyan.

 

Sa ulat, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na target ng Task Force PhilHealth na maisumite sa Setyembre 14 ang report sa imbestigasyon hinggil sa PhilHealth controversy.

 

Ito ang inilahad ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Usec Markk Perete na kakayanin ng task force na makaabot sa 30-araw deadline.

 

Dagdag ni Perete na partikular na binusisi ng task force ang mga claim na hindi napipigilan ang IT system ng PhilHealth ang fraud gayundin ang maliit na bilang ng mga kasong administratibo at kriminal na naihain laban sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya.

 

Nilinaw ni Perete na kahit makapag-submit na sila ng ulat sa Pangulo ay malaki ang posibilidad na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kahit tapos na ang ibinigay sa kanilang 30-days period.

 

Sinabi rin ni Perete na sa ngayon balak ng task force na irekomendang magkaroon ng balasahan sa buong sistema ng PhilHealth para masolusyonan ang isyu sa katiwalian. (Daris Jose)

4 LANG NA DAYUHAN INISYUHAN NG EXECUTIVE CLEMENCY

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

APAT lamang ang dayuhan sa may 139 pinagkalooban ng executive clemencies ni Pangulong Rodrugo Duterte sa panahon ng kanyang termino.

 

Ang pahayag ay ginawa ni Jutice Secretary Menardo Guevarra matapos na batikusin ,ang ginawa niyang pagbibigay ng pardon sa Amerikang sundalo na si Joseph Scott Pemberton na nakapatay sa transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

 

Ayon kay Gievarra ang 135 pinagkalooban ng conditional absolute pardon ay pawang mga filipino at dalaea sa apat na dayuhan ay swap deal pa.

 

“This is a lot more than than the total number of pardons given during the previous administration,” ayon kay Guevarra.

 

Nabatid na may 90 o 91 inmate na may aplikasyon para sa maagang paglaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) na prinosedo noong nakalipas na Setyembre,2019 hanggang ngayon buwan pero pansamantalang sinuspinde matapos na mabulgar na may mga heinous crime convicta ang naoasama sa scheme.

 

“For those not affected by these issues, the processing ought to have continued and I presume na simple lang ang kaso and wala namang connection sa mga complication that have pointed out, patuloy ang pagga-grant ng GCTA,” ani Guevarra.

 

Sumusunod umano ang DOJ sa kautusan ni Duterte na madaliin ang paroles sa mga matatanda ng preso para lumuwag ang mga kulungan sa panahon ng COVID19 pandemics. (GENE ADSUARA)

Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year.

 

Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong taon bunsod ng epekto ng coronavirus crisis.

 

“Temporary lang ang closures nila pero kung maganda-ganda na next year, magbubukas na po sila,” wika ni Mateo.

 

Sa panig naman ni Education Secretary Leonor Briones, ang mababang enrollment turnout at ang paglipat ng mga guro sa public schools ang ilan sa mga pangunahing rason kaya nagpasya ang ilang mga eskwelahan na magsara muna.

 

“Wala pang COVID, wala pang downturn ng economy, nagma-migrate na ang private school teachers dahil ‘di mahabol ng mga maliliit na private schools ang compensation at benefits ng mga nasa public schools,” ani Briones.

 

Nagpahayag naman ng kanyang pag-asa si Briones na irerekonsidera ng naturang mga educational institution ang kanilang pasya dahil sumisigla na raw ang takbo ng ekonomiya.

 

Kasabay nito, umapela rin ang kagawaran sa mga local government units na tulungan ang mga private schools sa kanilang lugar na nahihirapang mag-operate dahil sa pandemya.

 

Sa datos mula sa ahensya, ang temporary closure sa mga paaralan ay makakaapekto sa mahigit 40,00 estudyante at mahigit 3,000 mga guro.

 

Sa panig ng mga grupo ng private schools, sinabi ni Atty. Joseph Noel Estrada ng Coordinating Council of Private Educational Associations na umaasa silang gaganda ang enrollment sa mga pribadong institusyon sa oras na malagdaan na ang Bayanihan to Recover as One Act o kilala rin bilang Bayanihan 2.

 

Sa ilalim ng panukalang batas, may nakalaang allowance para sa mga kwalipikadong estudyantem mga gurong nawalan ng trabaho at mga non-teaching personnel.

 

Ayon sa Malacanang, posibleng lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 sa susunod na linggo. (Daris Jose)

Ads September 11, 2020

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MANCAO, ITINALAGANG CYBERCRIME CENTER CHIEF

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA si dating police officer Cezar Mancao II bilang chief ng Cybercrime center.

 

Ito ang kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan si Mancao ay executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

 

Sa kabila nito, hindi alam ng DICT kung kelan magsisimulang manunungkulan si Mancao sa kanyang posisyon at wala pa rin pahayag mula sa Malakanyang.

 

Sa ilalim ng nilikhang Cybercrime Prevention Act of 2012, ang CICC ang nangangasiwa sa pagbuo ng national cybersecurity plan at gumagawa ng mga epektibong hakbang para mapigilan ang mga cybercrime activities at pag mo monitor sa cybercrimes.

 

May mandato rin ito na mag-facilitate ng international cooperation kaugnay sa intelligence, investigations, training at capacity building may kaugnayan sa cybercrime prevention, suppression at prosecution.

 

Nabatid na si Mancao,ay kabilang sa mga kinasuhan sa pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000 at ang kanyang kapwa akusado na si Senator Panfilo Lacson ay naabsuwelto sa kaso.

 

Habang si Mancao ay sumuko sa PNP noong 2017 matapos na tumakas sa National Bureau of Investigation noong 2013.

 

Inireklamo ni Mancao na angnlahat ng principal na akusado ay naabsuwelto na sa kaso at  namumuhay na ng normal habang siya ay nanatiling naka detain. (GENE ADSUARA)

TARGET ng gobyerno na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ayon kay  Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.

 

Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng 3 daan, 55 punto anim na bilyong piso.

 

Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.

 

Ang dati aniyang mahigit sa dalawang  oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at itoy sa sandaling matapos na ang proyekto. (Daris Jose)