• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 12th, 2020

Apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HIHINTAYIN muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang  deployment ban sa health workers,

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na  pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang mga nurses at iba pang  medical workers na may kontrata na nilagdaan “as of Aug. 28” subalit kailangan na konsultahin muna si Pangulong Duterte.

 

“Kinakailangan po muna konsultahin ang Presidente kasi ‘yung desisyon po na mag-impose muna ng moratorium ay desisyon po ng Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ayaw naman po namin pangunahan po ang ating Presidente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Tanging ang mga  health care workers na may existing employment contracts “as of March 8, 2020” ang pinapayagan lamang na magtrabaho sa ibang bansa dahil ang Pilipinas bilang key exporter ng mga  nurses at iba pang medical workers,  ay  nagpapanatili ng  reserve force ng medical workers para labanan ang  COVID-19 pandemic.

 

May mga grupo na kasi ng mga nurse at  medical workers  ang nanawagan sa pamahalaan na i-lift ang deployment ban. (Daris Jose)

Barcena kampeon sa WVMC half-marathon

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIDA ang beterana ng  2019 Berlin Marathon na si Nhea Ann Barcena sa kampanya ng mga pambato ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines (NMSAAP) Team na akreditado ng Philippine Athletics Track and Field  Association (PATAFA), sa kakaarangkada lang na 1st Worldwide Virtual Masters Challenge (WVMC) 2020.

 

Pinamayagpagang 38-anyos, may taas na -old, 5-2, sinilang sa Panulukan, Quezon pero residente ng Taguig City at kawani ng Alveo Land technical support, ang  women’s half-marathon 35-age level sa tiyempong 1 oras, 27 minuto at 19 na segundo

 

Lumanding pang pangalawa ang consistent winner sa mga 21K regional race ng National MILO Marathon, sa 5,000-meter footrace sa 19:50, at sa 1,500m run sa 5:14 sa nasabi ring age group.

 

Pumangalawa naman ang abogadang nakabase sa San Pedro City na si Maria Carmencita Obina-Muaña sa W50 5,000m race sa 25:59 clocking.

 

Habang ikatlo si Drolly Claravall sa W50 shot put 3-kilogram B sa distansiyang 7.96m at sa discus throw 1kg B sa layong 20.66m.

 

Idinaos ito ng World Masters Athletics (WMA) bilang pagkilala sa Toronto Team 2020 at mga atletang may 35 taon at pataas dahil sa pagkakansela ng 24th World Masters Athletics Championships (WMAC) 2020 nitong Hulyo 20-Agosto 1 sa York Lions Stadium at Varsity Stadium sa Canada dulot ng Codiv-19. (REC)

PruRide bikefest sa Nobyembre

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINANSELA  ang PruRide PH  sa kaagahan ng taon dahil sa Covid-19, pero nagbago ang ihip ng hangin para sa organizer kaya pepedal pa rin ang bikefest sa virtual edition na nga lang muna sa darating na Nobyembre.

 

“From the physical, ginawa na namin sa virtual. I definitely realized that you can also do so much when you go virtual in trying to mimic the physical,” esplika ni PRU Life UK vice president at chief customer marketing officer Allan kamakalawa.

 

Inspirasyon na ituloy pa rin ang padyakan dahil sa pagsali ng ilang Pinoy cyclist nsa unang edisyon ng ‘My Prudential RideLondon, virtual edition ng world’s biggest cycling festival na nagtampok sa libo-libong professional at recreational cyclist mula sa 70 bansa.

 

Sa siyam na araw na pagbibisikleta sa kanilang mga tinitirahang bansa, bumiyahe ang mga siklista ng kabuuang 212,043 kilometers. (REC)

 

CHED sa mga nagsusulong ng ‘academic freeze’: ‘Maghain kayo ng petisyon’

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga nananawagan ng “academic freeze” na magsumite ng pormal na petisyon upang maipagpaliban ang academic year.

 

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, dapat nakapaloob  sa petisyon ang isang pag-aaral na magiging batayan ng academic freeze.

 

“I suggest those who are proposing any change in the academic policy, do a serious study, compute the cost, look at options, look at the parameters and submit it to the commission,” wika ni De Vera.

 

Pahayag ito ni De Vera isang araw matapos ang pahayag ng Department of Education (DepEd), na nangangasiwa sa basic education program sa bansa, na mariin nilang tinututulan ang “academc freeze.”

 

Giit ng DepEd, hindi raw binibigyang-pansin ng mungkahi ang epekto ng mahabang pagkaantala sa learning process ng mga bata.

 

Una nang hinimok ng CHED ang mga pamantasan at unibersidad na magpatupad ng flexible learning kung saan ang mode of learning ay nakadepende sa resources na available sa mga estudyante at mga guro.

 

Magagawa ito sa pamamagitan ng online classes, printed at digital learning materials, at iba pa.

 

Target din ng komisyon na magsagawa ng limitadong in-person classes sa mga lugar na mababa ang risk ng COVID-19 transmission sa Enero.  (Daris Jose)

Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MANDATO talaga  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa.

 

Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan.

 

“Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung mayroon na tayong national ID system,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“In the same way, magagamit din po iyang national ID system para maiwasan iyong fraud diyan sa PhilHealth kasi at least malalaman natin kung buhay o patay iyong isang nagki-claim ng benefit,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, plano ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magsagawa ng pre-registration sa national identification system sa Oktubre.

 

Ayon kay NEDA chief Karl Chua, unang target muna nilang mairehistro ang nasa 5 milyong mga Filipino.

 

Aminado ito na isang malaking hamon ngayon ang COVID-19 pandemic.

 

Isasagawa muna nila ang pre-registration para pagdating ng registration ay hindi na sila mahihirapan pa.

 

Sa 2021 budget ay mayroong inilaan na P4.1 billion para sa implementasyon ng national ID system sa bansa. (Daris Jose)

Bayang karerista nabanas

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MASAGWA ang pag-umpisa ng karera ng mga kabayo nitong Setyembre 6 sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

 

Naging problema ang tayaan, atrasado pagtakbo ng unang karera na sa halip alas-12:00 nang tanghali pasado ala-1:00 nang hapon na bago napasibat ang mga pangarera.

 

“Masyado kasing minadali, inumpisahan nila ang karera pero ‘yung tayaan hindi  inayos, ‘di tuloy nila mapatakbo ang Race 1 kasi maliit pa ang sales,” galit na namutawi sa taga-Tondo, Maynila na kareristang si Mansuelo Payatas.

 

“Mga hindi nag-iisip. Sana habang nagre-request sila na buksan ang karera ay inasikaso na nila ang mga kailangan kagaya ng tayaan,” asar na post ni AR Jose sa Karera Facebook page.

 

Kahit pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na buksan ang karerahan, bawal pa rin ang mga Off-Track Betting stations.

 

Tinatawagan ng OD ang mga kinauukulan, katulad ng Philippine Racing Commission (Philracom) at host racing club na maayos ang mga suliranin sa pagpasok sa ikalawang linggo ng bukas ng  horseracing.

 

Kawawa naman ang mga Bayang karerista, lalo na ang mga dumayo pa mula sa Metro Manila.

 

Inaasahan ko po pong makakarating sa mga awtoridad ang hinaing at agad ding maaksyunan ang mga problema.  (REC)

AFC Cup 2020 kinansela na dahil sa COVID-19 pandemic

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

 

Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo.

 

Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy ngayong buwan.

 

Kabilang din ang AFC Solidarity Cup at AFC Futsal Club Championship UAE 2020 ang kinansela.

‘Matagumpay ang COVID-19 response, kung wala ng bagong kaso sa loob ng 28-days’ – DOH

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pa ring katiyakan ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas kahit bahagyang bumaba ang mga bagong kaso ng sakit na naitala sa nakalipas na araw.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, naka-depende pa rin sa ipinapasang data ng Disease Reporting Units (DRUs) ang numero ng kanilang inire-report na bagong confirmed cases kada araw.

 

“Maraming forecasts na ginagawa yung mga academic institutions and this serves to guide the DOH on how we will be able to move forward with our response… pinag-aaralan din yan ng DOH at ating experts.”

 

“Our reported cases are very much reliant on the submission of DRUs. Ibig sabihin, yung mga sina-submit ng mga laboratoyo, ospital at local government units.”

 

Kung maaalala, sinabi ng mga researchers mula sa UP Octa na nag-flatten na ang curve ng COVID-19 sa bansa.

 

Pero paalala ng opisyal, hindi lang numero ng mga kaso ang dapat pagbatayan ng sitwasyon. Itinuturing din daw kasi na indicator ang kapasidad ng health system, contact tracing, surveillance ng mga kaso ng sakit at testing.

 

Ani Vergeire, maaari lang sabihin na talagang matagumpay na ang COVID-19 response, kung wala nang maitatalang kaso sa loob ng dalawang linggo.

 

“We are not certain at this point. Tinitingnan pa natin, pinag-aaralan nating mabuti itong trends ng mga kaso at iba pang factors.”

“Kapag dumating yung panahon na in two incubation periods, its 28 days na wala tayong naitatalang (bagong) kaso, doon natin masasabi talaga na we had been really successful in all these things that we are doing for this response.”

COVID sa PNP 4,868 na

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umakyat na sa 4,868 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP), ayon sa ulat.

Batay sa PNP, pumalo rin sa 3,396 ang nakarekober habang nananatili sa 16 ang nasawi.

Kasalukuyan namang binabantayan ang 3,146 suspect at 735 probable cases.

Release order ni Pemberton, ipinadala na sa JUSMAG matapos pirmahan ni BuCor Dir. Bantag

Posted on: September 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaabangan na ngayon ang paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na kasalukuyang nakapiit sa Kampo Aguinaldo.

 

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag, matapos nitong pirmahan ang release order ni Pemberton ay ipinadala na ito sa Joint United States Military Advisory Group (JUSMAG).

 

Sinabi ni Bantag na ibibigay ng BuCor at Department of National Defense (DND) personne ang pirmadong release order ng dating sundalo.

 

Sa isyu naman ng kustodiya, sinabi ni Bantag na hindi na ita-transfer sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang sundalo habang nananatili sa kanyang piitan.

 

Una rito, kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na matatapos ngayong weekend ang buong proseso ng pagpapalaya at deportation kay Pemberton.

 

Gayunman, sinabi ni Guevarra na ang actual exit ni Pemberton ay magiging depende sa kanyang flight arrangements dahil ito ay isang US military personnel.

 

“The whole process of official release and deportation can be completed by the weekend. But the date of pemberton’s actual exit from the country depends on his flight arrangements, considering that he is a military personnel of the US,” ani Guevarra.