• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 16th, 2020

OVP budget para sa 2021, pinadadagdagan ng mga kongresista

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Isinusulong ng ilang mambabatas sa Kamara na taasan o dagdagan pa ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

 

Mula kasi sa P723.39-million na ipinanukala ng OVP, tanging P679.74-million lang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM). Kabilang daw sa tinapyas sa pondo ay ang nakalaan para sa pagpapalit ng anim na sasakyan ng opisina na hindi nagagamit.

 

Hindi ito ang unang beses na mas mababa sa panukalang pondo ng OVP ang inaprubahan, dahil sa nakalipas na tatlong taon sa maliit na pondo rin umikot ang operasyon ng tanggapan ng bise presidente.

 

“We make do with what we have, that has always been how it was at the Office of the Vice President,” ani Robredo.

 

Ibinida ng pangalawang pangulo sa mga kongresista ang partnerships ng kanyang tanggapan sa pribadong sektor, na nagpagaan sa hamon ng maliit na budget ng OVP.

 

Mula 2016, aabot na raw sa 558,000 na pamilya at indibidwal ang natulungan ng opisina ni Robredo, sa pamamgitan ng kanyang flagship program na Angat Buhay.

 

Ang nasabing programa ay tumawid din sa ginawang responde ng opisina ngayong “>gadgets sa mga estudyante, platform para sa mga libreng website sa mga naghahanap ng trabaho.

 

Sa mga inisyatibong ito humanga ang ilang mambabatas, kaya hiling nila ay taasan pa ang pondo ng OVP.

 

“Pinakamaliit ito na ngayong 2021, samantalang ito yung second highest official of the land, so parang hindi deserve ng OVP yung ganito kaliit na budget. Considering working talaga si Vice President Leni Robredo,” ani ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro.

 

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, na miyembro ng majority, dapat i-restore o ibalik ang tinapyas sa panukalang pondo ng OVP para magpatuloy ang mga nasimulang programa ng tanggapan.

 

“I would like to also suggest and move in some future time that we give at least 10% increase in the budget in the (Office of the) Vice President or another P72-million,” pahayag ng kongresista na nagpapadagdag pa ng P113-million pondo sa naturang opisina.

 

Ilan din sa mga nagpaabot ng suporta para taasan ang pondo ng OVP ay sina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, Baguio City Rep. Marquez Go, at Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

 

“The small budget has never been a hindrance to us, but it would help us greatly if we are given more because that would mean that we will be able to serve people and more communities,” ani Robredo.

 

Tiniyak ni Committee on Appropriations Vice-Chair Jocelyn Limkaichong na makakatanggap ng sapat na alokasyon ang OVP sa susunod na taon.

 

“Let us fill in the gaps or augment if necessary so the OVP can perform its mandate.”

 

Sa ilalim ng panukalang budget ng tanggapan ng pangalawang pangulo, 69.4% daw ang nakalaan para sa tulong pinansyal sa komunidad. Ang natitirang porsyento nito ang para sa administrative operations. (Ara Romero)

PNPA, extended ang lockdown

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

 

Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test.

 

Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan ng medical attention.

 

Matatandaang Setyembre 3, 2020 nang ma-detect ang ilang COVID positive sa ilang academy, kaya nagpatupad ng lockdown.

 

Isinalang din sa swab test ang mga kadete at lumabas na mahigit 200 sa kanila ang infected ng naturang sakit. (Daris Jose)

DepEd sa mga schools: ‘Huwag masyadong dumepende sa printed modules sa distance learning’

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na hindi masyadong dedepende sa printed modules ang mga paaralan bilang paraan sa paghahatid ng mga lesson sa mga estudyante.

 

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bagama’t kinikilala nila ang paggamit ng printed na self-learning modules na magagamit ng mga mag-aaral na hindi maka-access sa digital modules o makadalo sa online classes, hindi raw dapat ito ang maging permanenteng sitwasyon.

 

Paliwanag pa ni Briones, maliban sa mahal ay may negatibo ring epekto sa kalikasan ang paggamit ng mga modules.

 

“May implikasyon kasi ang dependence sa modular learning dahil baka uubusin natin ‘yong mga puno natin sa kaka-produce [ng learning modules]. ‘Yong demand for paper [is high],” wika ni Briones.

 

“In the long run… talagang mas expensive ang modular,” dagdag nito.

 

Dagdag pa ng kalihim, dapat na magkaroon ng hakbang para maipakilala sa mga kabataan ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral upang hindi mapag-iwanan ang mga Pilipinong estudyante.

 

“Nakakatulong talaga ‘yong mayroon nang exposure at may karanasan ang kabataan natin sa online at saka sa technology,” ani Briones.

 

Batay sa isinagawang survey ng DepEd, mas nais ng mga magulang ang modular learning bilang distance learning modality na gagamitin ng kanilang mga anak sa pasukan.

Ads September 16, 2020

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Alas, Dagdag nagpakasal

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKASAL na nitong Setyembre sa isang civil ceremony sina Philippine Basketball Association (PBA) star Kevin Louie  Alas ng North Luzon Expressway Road Warriors at PBA courtside reporter Selina Dagdag.

 

Pinaskil sa Instagram ng bagong mag-asawa kinabukasan ang mga litrato sa kanilang pag-iisang dibdib.

 

“A church wedding is what we originally planned but we always remind each other that God is sovereign, and that He is in control of everything. What’s important is our love for each other. Praise God for the gift of love,” caption ng bagong talimpuso.

 

Hinirit pa ng 28-year-old, 6-footer guard, “Excited and looking forward to celebrate with all our family and friends during our church wedding and reception next year.” (REC)

ValTrace App inilunsad sa Valenzuela

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form at mangamba sa paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19   sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang inyong unique QR code mula sa ValTrace App.

 

Maaari nang bisitahin ang http://valtrace.appcase.net at i-download ang unique QR Code.  Magsisimula naman ang No QR Code, No Entry sa mga establisyimento sa November 16, 2020, na nakasaad sa City Ordinance No. 783, Series of 2020.

 

Nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa Appcase Inc. para i-develop ang ValTrace Application. Ang mga indibidwal ay kailangang magrehistro bilang “citizen” sa ValTrace application sa pamamagitan ng pagsa-signup sa  http://valtrace.appcase.net , at “merchant” naman ang dapat irehistro ng mga establisyemento.

 

Makaraang magrehistro, ang mga indibidwal ay bibigyan ng unique ValTrace-generated QR code na maaari nilang i- store sa kanilang telepono o i-print.  Ang mga establisyemento  ay kailangang mag-install ng ValTrace QR scanner app para mabigyan ng access sa software na magagamit sa pag-scan ng QR code ng mga nagrehistro bago pumasok sa establisyemento.

 

Pagka-scan ng QR code ng rehistradong establisyemento, ang personal na impormasyon ng indibidwal ay ita-transmit sa Valenzuela Central Contact Tracing System sa Mega Contact Tracing Center para sa madaling pag-trace ng mga indibidwal.

 

Libre ang buong proseso ng pagrerehistro at paggamit ng ValTrace App.

 

Lahat ng mga kostumer, bisita at empleyado ng mga pampubliko at pribadong establisyemento ay hindi dapat papasuking nang walang ipinakikitang sariling ValTrace-generated unique personal QR Code.

 

Hindi papalitan ng QR codes ang paggamit ng Quarantine Pass dahil ito ay ginagamit pa rin sa lungsod kapag papasok sa establisyemento para sa kinakailang paglalakbay.  Isang QR Code lamang ang itatakda bawat tao.

 

Ang mga indibidwal na hindi susunod sa ordinansa ay papatawan ng administrative penalty, gayundin ang mga establisyementong hindi susunod. (Richard Mesa)

VENDORS BIBIGYAN NG LIBRENG SWAB TESTING

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INIUTOS ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na isailalim sa libreng “swab test” ang lahat ng vendors sa labing-pitong public market sa lungsod ng Maynila.

 

 

Ang naturang direktiba ay sinabi ni Yorme kina Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla at Market Administrator Zenaida Mapoy kung saan layunin ng alkalde na maging ligtas at walang sakit na COVID-19 ang mga nagtitinda sa loob ng mga pampublikong pamilihan upang mabigyan ng kapanatagan ang mga konsumer o mamimili dito.

 

 

Isasagawa ang naturang “mass testing” sa lahat ng vendors sa oras na magsimula ang operasyon ng panibago at ikalawang RT-PCR molecular lab sa Sta Ana Hospital sa susunod na linggo.

 

 

“Matutuwa pa mga vendor, bakit? Hindi gagastos ang vendor ng kwatro mil para ma-test, kase sa hirap ng buhay. So makakatipid na sila, panatag na sila, yung consumer natin, panatag din,” paliwanag ni Domagoso sa ginanap na lingguhang pagpupulong ng mga Department Heads at Officials ng Manila City Hall ngayong araw.

 

 

Dagdag pa ni Yorme, matapos isailalim sa libreng pagsusuri ang mga vendor ay isusunod naman na isailalim sa gold standard ng COVID-19 testing ang mga tsuper ng pedicab, tricycle at pampasaherong jeep, gayundin ang mga matansero. (GENE ADSUARA)

PAGAWAAN NG SIGARILYO SA BANSA, ISANG MODEL WORKPLACE

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ANG  pasilidad ng mga malalaking pagawaan ng sigarilyo  sa bansa ay model workplace sa panahon ng pandemya, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng kanyang pagbisita sa isang malaking planta ng sigarilyo.

Sa kanyang pagbisita sa planta ng Phlip Morris Fortune Tobacco Co kahapon, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang multinational firm para sa mahigpit na pagsunod nito sa safety health protocols na hinihiling ng pamahalaan upang makontrol ang pagkalat ng Covid-19.

“The chances of transmission of the virus within this facility is low. It is heavily protected by safety and health protocols,” ayon sa kalihim.

Habang inililibot ni  Philip Morris International (PMI) Director for Operations Joao Brigido ang kalihim sa PMFTC complex, napahanga ang kalihim  sa mahigpit na pagpapatupad  ng physical distancing pati na ang pagsusuot ng mga face masks at shields.

Napansin din ng kalihim ang pagkakaroon ng maraming disinfectants gaya ng alcohol na madaling ma-access ng mga mangagagawa sa strategic locations  ng pasilidad.

“It only shows the utmost sincerity of PMFTC to work with government in protecting Filipinos at workplaces,”

“I am truly glad that PMFTC has become a partner of the government in fighting CoVid 19. By promoting safety at workplace, they stay in business and preserve employment for our countrymen,” dagdag pa ni Bello.

Napag-alaman na ang pasilidad ng pagawaan ng sigarilyo ay mayroong 1,200 manggagawa.

Kasamang bumisita ni Bello ay ang chairman ng Commission in Higher Education na si Prospero de Vera na kabilang din  Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team at Marikina Mayor Marcelino Teodoro na tinalakay ang kamang-manghang kampanya ng lungsod laban sa outbreak.

Sinabi naman ng kalihim ang pangangailangan para mas mahigpit na pagtalima sa safety and helath protocol sa mga lugar ng trabaho.

“My only request from employers and workers is that they follow the guidelines of the government in fighting Covid 19.  We can defeat the virus if we fight as one,” dagdag pa ng kalim. (GENE ADSUARA)

Kalbaryo ni Pemberton, hindi pa tapos-Sec. Roque

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa  tapos ang kalbaryo ni American serviceman Marine Joseph Scott Pemberton kahit nakauwi na ito sa Estados Unidos.

 

Si Pemberton ay nauna nang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng absolute pardon makaraang mahatulang guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 sa Olongapo City.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mahaharap pa kasi si Pemberton sa court martial proceedings sa Estados Unidos.

 

Ani Sec. Roque, ito ang pangako ng mga US authorities sa isinagawang  pre-trial sa kaso laban kay  Pemberton.

 

“Pag-uwi raw po ni Pemberton tuloy pa rin ‘yung kanyang court martial proceedings at doon po malalaman kung meron pang additional na parusang ipapataw sa kanya at ‘yung kanyang qualification to remain in service,” ayon kay Sec. Roque, dating abogado ng pamilya Laude.

 

Ang pagsisiwalat na ito ni Sec. Roque ay bahagi ng kanyang adbokasiya na makapagpalaganap ng impormasyon hinggil sa mga bagay na makaaapekto sa public interest.

 

Sa ulat, nakalaya at na-deport na ang convicted killer na si Pemberton.

 

Nakaalis si Pemberton ng bansa Linggo ng umaga, Setyembre 13 sakay ng Hercules Military C-130 aircraft papuntang Kadena Air Base Okinawa, Japan na isang US Air Force Base.

 

Mula Japan ay babiyahe si Pemberton papuntang Estados Unidos sa pamamagitan ng isang commercial flight.

 

Naging mahigpit naman ang seguridad sa paglaya at pag-alis ng sundalo sa bansa: ipinagbabawal ang media maliban sa state broadcaster na PTV, at may mga nakabantay pang sundalo sa daanan ng convoy ni Pemberton.

 

Sinamahan si Pemberton ng mga tauhan ng U.S. Embassy papunta sa Ninoy Aquino International Airport, kung saan sinundo siya ng U.S. military pabalik ng Amerika.

 

Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, habambuhay nang blacklisted si Pemberton, at ituturing siyang undesirable alien at banta sa mga Pilipino. (Daris Jose)

Communication plan sa pagbubukas ng ekonomiya, ilalatag ng gov’t – Palasyo

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Maglalatag ng communication plan ang pamahalaan sa harap ng sinisimulan ng pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatawagin nila itong ‘Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay.”

 

Ayon kay Sec. Roque, paghahanap-buhay lang talaga ang nakikitang pamamaraan ng pamahalaan para muling makabangon ang ekonomiya at sa harap ng agam-agam ng publiko na mahirap bumuti ang kanilang buhay sa mga susunod na buwan.

 

Lumabas umano sa kamakailang survey na dalawa sa bawat limang adult Filipinos ang nagsasabing inaasahan na nilang mas lalala pa ang ekonomiya sa susunod pang 12 buwan.

 

Nauunawaan naman daw nila ang pagiging negatibo ng ating mga kababayan kaya kaakibat ng muling pagbubukas ng mga negosyo ay ang pangangailangang maging maingat na gagawan ng gobyerno ng isang communication plan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)