• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 24th, 2020

Magkikita-kita muli – Jimmy Alapag

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pamamaalam at sa halip ay pagkikitang muli sa lalong madaling panahon ang minensahe ni dating ASEAN Basketball League (ABL)-San Miguel Alab Pilipinas coach at Philippine Basketball Association (PBA)-San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag sa paglisan niya at kanyang pamilya para bumalik sa Estados Unidos ng Amerika.

 

“Hard to put into words the love I have for the Philippines. It’s been an incredible journey, and an experience that has been nothing but a blessing on my life. From the young, naive kid hungry just for an opportunity, to the man who fulfilled a life long dream and got a chance to see the world along the way. So many amazing memories, so many incredible people whose impact on my life will last a lifetime,” litanya ng former national at professional cager sa Instagram post niya nito lang Linggo.

 

“Yet as the past months have shown, sometimes our lives can take unexpected turns toward a path of struggle, doubt and uncertainty. But these times also give us a chance, a chance to learn more, grow more, and value what means most to us in our lives.” dagdag pa ng 42-anyos, 5-9 ang taas.

 

Kasama niyang nagtungo USA sa hangaring makapag-coach alinman sa National Basketball Association (NBA) G League o National Collegiate Athletic Association (NCAA), ang kanyang asawang si LJ Moreno at tatlo nilang supling.

 

“Not sure what lies ahead, but we have absolute trust and faith in God’s plans for our family. A new season, a new chapter. But no matter where this new path leads us, our heart will always be here in the (Philippines). Never goodbye, just see you all again soon… #NewSeason #NewChapter #Thankful #Blessed #Family #PBA #Gilas” dagdag nang nakapaglaro sa PBA sa Talk ‘N Text KaTropa at Manila Electric Company (Meralco) Bolts.

 

Maski sa Alapag Family Fun vlog na kanilang ipinost sa YouTube, iginiit din niya ang makabalik pa sa bansa sa hinaharap. (REC)

25k katao na pinaghihinalaang may Covid-19, matagumpay na na-isolate ng gobyerno

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY na na-isolate ng pamahalaan ang mahigit sa 25,000 katao na pinaghihinalaang mayroong COVID-19.

 

Layon nito na mapigil ang pagkalat ng nasabing sakit.

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Sec. Carlito Galvez, chief implementer of the country’s national plan against COVID-19, na may kabuuang 25,430 katao mula sa National Capital Region at Regions 3 at 4A ang kanilang na-isolate.

 

“Kung ito pong 25,000 na ito ay hindi natin na-isolate, ito po ay magti-triple,” aniya pa rin.

 

Idinagdag pa nito na karamihan sa mga taong dinala sa govern- ment isolation facilities ay residente ng “densely populated areas” na mayroong problema sa home quarantine.

 

“Sa Metro Manila, naging aggressive po tayo sa pagkuha sa mga positive doon sa mga areas na hindi po ma-implement na mabuti ‘yung home quarantine,” ang pahayag ni Galvez.

 

Ani pa ni Galvez, maraming Alkalde ang nagpapatupad ng “no home quarantine policy” para sa mga confirmed COVID-19 cases sa kanilang lugar para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

 

“Wala naman tayo magawa. You do it, may masabi sila,” ayon kay Pangulong Duterte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Posibleng magpatupad ng price cap sa swab test

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na magpatupad si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng price cap sa  RT-PCR o swab tests para sa  COVID-19.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque  na hindi posibleng magpalabas si Pangulong Duterte ng  isang  executive order na magre-regulate ng presyo ng swab tests.

 

“I don’t think it is impossible for him to issue this executive order. Alam ko po may mga nagnanais sa inyo bagama’t non-profit kayo na kumita; huwag naman po,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tinukoy nito ang naunang pagpapalabas ng Pangulo nang  pagtatakda ng  maximum retail price sa ilang medisina.

 

“Ibigay na po natin sa taumbayan iyong benepisyo ‘pag kayo po’y nakatanggap ng libreng makina galing sa gobyerno at sa pribadong sektor o mga libreng mga testing kits. Iyon po talaga ang pangunahing pamamaraan para mapababa po ang halaga ng testing,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, nais ng Department of Health na magkaroon ng price ceiling sa presyuhan ng mga Covid -19 testing sa bansa.

 

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, nagsumite na ang DOH ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte para maglabas ito ng isang executive order para sa regulasyon ng presyo ng mga swab testing.

 

Napansin din kasi aniya ng DOH ang malaking diperensya ng presyuhan ng mga swab test sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa.

 

Ipinaliwanag ni Vergeire na kailangan ng isang executive order mula sa Pangulo para maregulate ang bayad sa swab testing dahil sa ngayon ay mga gamot pa lamang ang saklaw ng batas para sa price ceiling.

 

Para naman matukoy ang posibleng maging price range ng swab testing, magsasagawa ang DOH ng mga survey.

 

Bukod ito makikipag-ugnayan din sila sa mga eksperto at maging sa Department of Trade and Industry para rito.

 

Sa ngayon ay naglalaro sa mahigit 3 libong piso pataas ang presyuhan ng swab testing depende sa mga ospital, laboratoryo o iba pang health institution.

 

Samantala, kinukunsidera naman ng medical experts ang RT-PCR test bilang gold standard para sa  confirmatory testing dahil nade-detect nito ang virus na dahilan ng  COVID-19. (Daris Jose)

Cemetery pass sa mga gugunita ng undas sa Navotas

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAKDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan sa mga nais maggunita ng Undas at mag-i-isyu ng pass sa mga dadalaw sa puntod ng mga mahal nila sa buhay kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod mula October 30 hanggang November 4, 2020.

 

Ang naturang hakbang ay para maiwasang dumagsa at magsiksikan ang mga bibisita sa mga puntod, hindi masunod ang 1-2 metrong physical distancing at ma-expose sila sa COVID-19 virus.

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa mga nais magunita ng Undas ay gawin ang itinakdang mga panuntunan bago o pagkatapos ng nabanggit na mga petsa.

 

Kumuha ng cemetery pass tatlong araw bago bumisita sa puntod at para makakuha nito, mag-TEXT JRT na nakalagay ang pangalan, address, edad, petsa, at araw ng pagbisita sa mga cemetery (public, catholic, immaculate garden).

 

Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass. Ang pass ay magagamit lamang sa dalawang tao alinsunod sa schedule na nakalagay. Ipakita ang cemetery pass at valid ID sa mga nakabantay sa sementeryo.

 

May tatlong time slot ang pagbisita, 7am hanggang 9am, 11am hanggang 2pm at 3pm hanggang 6pm.

 

Paalala ng local na pamahalaan na iwasang magdala ng pagkain o inuming nakalalasing, magsuot ng pface mask at face shield, at siguraduhing may 1-2 metrong distansya mula sa mga kasama.

 

Hindi naman pinapayagang lumabas ang mga wala pang 21- taong gulang o mga senior citizen para pumunta sa sementeryo alinsunod sa polisiya ng IATF para sa kanilang kaligtasan. (Richard Mesa)

BSP sa financial institutions: Sundin ang mandatory 60-day grace period’ sa mga utang

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng mga bangko o financial institutions na agad na sundin ang itinatadhana ng bagong batas na dalawang buwan na puwedeng hindi muna bayaran ang pagkakautang.

 

Sa ipinalabas na memorandum ni BSP Gov. Benjamin Diokno, sinabi nito na ang 60-days na grace period sa mga loans ay nakapaloob sa Bayanihan 2 law na epektibong naging batas simula September 15.

 

Batay sa Bayanihan to Recover As One o kaya Bayanihan 2 law, sakop ng batas ang lahat nga mga institusyon sa bansa na tuparin ang mandatory one- time 60-day grace period sa mga kasalukuyan o current at outstanding loans.

 

Nagpaalala naman ang BSP na maaari namang lumampas pa sa 60-days ang grace period nang pagbabayad ng interes o kaya naman ay utay-utay kahit higit pa sa December 31, 2020 depende sa kanilang mapagkakasunduan.

 

“The mandatory one-time 60-day grace period shall apply to each loan of individuals and entities with multiple loans,” bahagi ng memorandum ni Diokno.

Malakanyang, ginagalang ang bagong set up ng DOH

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IGINAGALANG ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Health hinggil sa  bagong polisiya nito sa pagpapaunlak ng panayam sa kanilang mga opisyal.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque,  may kani-kanyang polisiya na ipinatutupad sa bawat tanggapan.

 

Aniya, kung may bagong polisiya ang DOH ngayon na may kinalaman sa pag- i schedule ng panayam, ay wala namang problema.

 

Wala namang ideya si Sec. Roque hinggil sa polisiya ng DOH ukol  sa pagtatakda ng  interview sa kanilang mga opisyal ngunit regular din naman aniyang nagbibigay ng update ang ahensiya.

 

Ito ay sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na sumasagot sa mga katanungan sa kanya namang regular presser.

 

Sa kabilang dako, base  sa panuntunan ng DOH, kailangan munang magsumite umano ng request letter for interview ang isang media entity, dalawang araw bago ang target na panayam. (Daris Jose)

7 KATAO TIMBOG SA TUPADA

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PITONG mga sabungero ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Malabon city, kamakalawa.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na si Ronel Pacite, 43, Rizaldy Mendez, 41, Rey Loyogoy, 31, George Aclaracion, 31, Ervin Gonzaga, 33, Lorenzo Ching, 42, at Pejel Cuenco, 47.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Jeric Tindugan at PCpl Michael Oben, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at Sub-Station 5 sa pangungun ni PLT Ferdinand Espiritu at P/Capt. Carlos Cosme Jr. matapos ang natanggap na reklamo hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Orchids St. Brgy. Longos.

 

Pagdating sa naturang lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga nagtu-tupada kaya’t agad silang nagpakilalang mga pulis bago inaresto ang mga suspek.

 

Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari pa at P2,800 bet money.

 

Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa PD 1602 amended by RA 9287 ang mga suspek sa Malabon City Presecutors Office. (Richard Mesa)

Saso ginantimpalaan ng P1.099M

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINOSTE ni Yuka Saso ang maangas na laro sa tatlong araw, tumipa ng five-under 67, pero mabuting panabla lang kasama ang tatlong iba para sa pangwalong puwesto sa wakas kamakalawa (Linggo) ng 51 st Descente Ladies Tokay Classic na pinanalunan ni Nippon Ayaka Furue sa Shinminami Country Club-Mihami Course sa Aichi Prefecture , Japan.

 

Kabilang ang 68-73, naka-208 ang Philippine rookie profes- sional golfer upang makakubra pa rin ng gantimpalang ¥1,876,000 (P869,000) sa 54- hole golfest na ikaanim na bahagi ng 53 rd Japan Ladies Professional Golf Association 2020.

 

Nadagdag pa ang 19-year-old Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan ng ¥500,000(P230,000) sa pagwawagi sa side event na Driving Queen Contest sa tiniradang 270- yard laban sa 11 karibal na kinabibilangan ni former two-time champion Japanese Lala Anai.

 

Nanaig sa playoff si Furue sa kapwa Haponesang si Hiroko Azuma tapos magtabla sila sa 201 sa parehas na 68 sa last round at makamit ang ¥14,400,000 (P6.6M). May ¥7,040,000 si Azuma. Pumangatlo si Pai-Ying Tasi ng Taiwan na may ¥5,600,000.

 

Nasa radar ni Saso ang Miyagi TV Cup Dunlop Ladies Open Golf Tournament sa Setyembre 25-27 sa Miyagi na rito’y ipagpapatuloy ang asam na pangatlong titulo sa mayamang sport circuit sa kontinente na pinagigsi ng Covid-19. (REC)

28 jeepney routes muling binuksan

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan.

 

Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may operasyon sa 28 routes ang babalik sa operasyon. “This brings the total number of available jeepney units for the commuting public to 17,372 along 206 routes,” wika ng LTFRB.

 

Ayon sa LTFRB, ang mga roadworthy na traditional jeepney units na may personal passenger insurance ang kanilang papayagan lamang na mag resume ng operasyon kahit na walang special permit.

 

Ang mga drivers at operators ay kinakailangan na mag down- load ng QR code website ng LTFRB na dapat nilang ilagay sa loob ng mga unit.

 

Mayroon din 786 na modern PUJs sa ilalim ng 45 na routes at 3,854 buses sa ilalim naman ng 32 na routes na dati pang binuksan ng LTFRB.

 

May available din na point-to-point na buses serving 34 routes at 1,905 UV Express units sa ilalim ng 59 na routes.

 

Samantala, may kabuohang 20,891 na taxi units at 23,968 an transport network vehicle services ang available na magbigay ng serbisyo sa mga pasahero.

 

Ilan lamang sa mga reopened na PUJ routes ay ang mga sumusuond:

 

1. T140 Araneta University –Victoneta Ave.?McArthur
2. T141SM North EDSA – Luzon Ave (Puregold)
3. T142 Balintawak –PUC via Baesa
4. T143 BF Homes – Novaliches
5. T144 Novaliches – Bignay
6. T145 Novaliches – Pangarap Village via Quirino Highway, Novaliches
7. T 146 Novaliches – Shelterville via Congressional
8. T147 Novaliches –Urduja
9. T148 Novaliches Town Proper – Barangay Deparo
10. T149 Grotto, San Jose del Monte, Bulacan – Novaliches
11. T240 Aurora/Lauan – EDSA
12. T241 Cubao – Proj. 2&3 via 20 th Avenue, P. Tuazon
13. T242 Calumpang – LRT 2 via Aurora Blvd.
14. T340 Bel-Air – Washington
15. T341 Brgy North Bay Boulevard – Pier South via Road 10
16. T342 Divisoria – Pier South via Del Pan

 

Mayroon pa rin na mga routes na binuksan din sa Manila, San Juan, Muntinlupa, Alabang, at Bicutan. (LASACMAR)

Ads September 24, 2020

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments