• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 30th, 2020

Saso balik sa world No. 76 ranking

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINAWI ni Philippine rookie professional golfer Yuka Saso ang No. 76 sa Rolex women’s golf world rankings makalipas makihanay sa eighth place sa katatapos na 51st Descente Tokai Classic Aichi 2020 nitong Linggo sa Aichi Prefecture, Japan.

 

Inupuan na dati ang silyang iyon ng 19-anyos na Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan mula sa No. 221 sa umpisa ng taong ranggo. Pero sanhi ng kambal na pagre-reyna sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies nitong Agosto sa 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020 nakuha ang ika-76 na katayuan.

 

Nalaglag siya sa No. 78 kamakailan nang lumapag sa ika- 29 na puwesto sa Golf5 Ladies at ika-13 sa JLPGA Championship. Pero nakakuha siya ng 2.43 ranking points pa-total 51.91 sa 16 world-rated golfest upang makabalik sa 76th spot. (REC)

3 natagpuang patay sa ginagawang bahay

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NATAGPUANG wala ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan ang tatlong katao, kabilang ang dalawang nursing graduate at isang estudyante sa isang ginagawang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ang mga biktima na sina Arjay Belencio y Sarmiento, 22, estudyante; Glydyl Belonio y Mamon, 23, nursing graduate; at Mona Ismael habibolla, 22, nursing graduate, pawang natagpuang tadtad ng saksak sa kanilang katawan sa tinitirhan sa Catmon St., Phase 1, Brgy. 179, Amparo Subd., Caloocan City dakong 12:30 ng hapon.

 

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up imbestigasyon ng Caloocan city police para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto ng salarin sa insidente.

 

Ayon sa pulisya, isang kaanak ng mga biktima ang nag-utos kina Jhonny Aliansas, 30, may- asawa, panadero, ng Vanguard, Brgy. 178, Camarin, at John Roy Sarmiento, 20, binata, estudyante, ng parehong adres na puntahan ang nasabing ginagawang bahay dahil paulit- ulit nang tinatawagan sa kanilang cellphone ang mga biktima ngunit hindi sila sumasagot.

 

Pagdating nila Aliansas at Sarmiento sa naturang bahay ay nakakandado ang gate kaya’t binato nila ang bahay ngunit wala pa ring lumalabas o sumasagot.

 

Dito ay nagpasya ang dalawa na akyatin na ang bakod at at pagpasok nila ng bahay ay bumulaga sa kanila ang mga bangkay ng tatlong biktima kaya’t tumawag sila sa awtoridad at naunang rumesponde ang mga tanod na sina Geronimo Cano at Reynaldo Vecino kasama sina Patrolman Jimmy Vargas at Patrolman Gellord Catabang ng Caloocan Police Sub Station 15.

 

Ipinapalagay na isa lamang ang salarin ngunit dalawa ang ginamit na sa pagpatay, isang kitchen knife at isang icepick at posibleng kilala ng mga biktima ang salarin dahil walang palatandaang pinwersang pasukin ang bahay. (Richard Mesa)

PDu30, sinabon ang Telcos

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINANATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang telecommunications companies (Telcos) sa bansa dahil sa “lousy service” lalo pa’t ang mga esyudyanye ngayon ay naka-online classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Nakatakda na kasing magsimula ang klase sa Oktubre 5.

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na matagal na ang eternal complaint laban sa Telcos.

 

Matagal na aniyang nagbibigay ng matinding paghihirap ang Telcos sa mga Filipino.

 

Labis na ipinagtataka ng Pangulo kung bakit “very poor” ang Telcos sa bansa.

 

“Far and wide in between the years of its introduction, ang telco from the beginning or the telcos right from the beginning were already being complained of as not delivering the money’s worth of the people,” ani Pangulong Duterte.

 

“I don’t know how to go about this but may I just appeal to iyong mga telecommunications to — can you — can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public? Kasi kung kaya ko lang na mag-isang salita nandiyan na kaagad, matagal na itong natapos itong problema ng Pilipinas and even in the matter of…,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

Kaya ang apela niya sa telecommunicationsay paghusayin ang serbisyo.

 

: can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public?” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Minsan aniya, ang operations o expansion ng telcos

 

telcos ay nahahadlangan ng napakaraming requirements mula barangay.

 

“At ito namang community… Well, of course, you have every right — every citizen has the right to raise grievance,” aniya pa rin.

 

Kaya ang pakiusap ng Pang Spegulobay hayaan ang Telcos na gawin ang trabaho, hayaan ang mga ito na magtayo ng istraktura, towers kung papayagan para aniya mapahusay pa ang kanilang serbisyo.

 

“It’s a chicken and — chicken and egg thing eh. Which comes first. So your cooperation or the zeal of the telcos to do better.

 

Iyong iba — well, for one reason or another, hindi naman lahat, medyo… Of course, most of the mayors are good. I am not referring to them. I’m referring sometimes to the locals, barangay, making it hard for the telcos to improve. So saan diyan sa dalawa. Ako, kay kung sa akin lang, kung madiretso ko ito,” ang pahayag nito.

 

Isa lamang aniya ang sigurado siya at ito ay ang kailangan na magkaroon ng pag-uusap.

 

“You know, we have to talk about this seriously actually. This has been bogging the coun- try for so long. It pisses me off to no end really to be discussing this telcos because ang karamihan walang service dito, walang service doon. I said that’s chicken or egg thing. Whether it’s because of the absence of the towers, they are not allowed to build or erected, or itong walang kapasidad itong telcos to invest more,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Coach ni McGregor tiniyak na wala ng aberya sa laban kay Pacquiao

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng kilalang mixed martial arts coach John Kavanagh na matutuloy ang harapan ng kaniyang alagang si Conor McGregor at Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

 

Sinabi nito na kontrata na lamang ang kulang dahil nagkaroon na ng inisyal na pag- uusap and dalawang kampo. May mga ilang detalye pang pinaplantsa ang dalawang kampo. Nauna ng inanunsiyo ng dalawang kampo ang paghaharap nila sa 2021. Magugunitang sa buong career ng nasabing Irish fighter ay minsan lamang itong lumaban sa boxing at ito ay noong 2017 ng talunin siya ni Floyd Mayweather.

COVID-19 emergency loan program, muling binuksan ng GSIS sa mga members

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN ngayong araw ng Government Service Insurance System (GSIS) ang COVID-19 Emergency Loan program para sa mga miyembro at mga pensioners.

 

Ayon sa GSIS ang loan program ay hanggang Dec. 27 ng taong kasalukuyan.

 

Ang muling pagbubukas ng GSIS ng pautang ay matapos na pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1021 na nag-aatas para sa extension ng state of calamity sa buong bansa dahil sa pandemic.

 

Iniulat ni GSIS president at General Manager Rolando Ledesma-Macasaet na naglaan sila ng P43 billion sa naturang programa.

 

Ang mga kuwalipikadong borrowersa kahit meron pang kasalukuyang emergency loan ay puwedeng makautang ng hanggang P40,000 para bayaran din ang kanilang naunang pagkakautang sa GSIS.

 

Doon naman sa walang pagkakautang kuwalipikado silang mag-loan ng P20,000.

 

“Gusto naming mabigyan ng ginhawa ang ating active members at old-age at disability pensioners na apektado nitong pandemya at hindi pa nakikinabang sa pribilehiyong ito. To date, there are still 700,000 of our 1.3 million qualified members and pensioners who have yet to file their emergency loan application. Hopefully, the three-month application period will give them ample time to prepare the requirements and submit them to us,” ani Macasaet. “We are mobilizing our resources to help members and pensioners who need financial assistance. Of the Php43.01 billion that we have set aside for this loan facility, we have already released Php18 billion to nearly 600,000 of them.”

Diaz buhos training lang sa Malaysia

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas.

 

Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

 

Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa coronavirus disease.

 

“Saka na lang muna iyong pag-uwi, importante kasi diyan ‘yung safety talaga,” bulalas ng sundalong national athlete soldier ng Philippine Air Force (PAF).

 

Pokus lang sa ensayo ang 29- anyos may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City dahil determinadong sungkitin ang unang gold medal ng mga Pinoy sa 97 na taon sa quadrennial sportsfest.

 

“Continue pa rin ‘yung training, nandoon pa rin iyong desire kong i-represent ang country natin sa Olympics, nandoon pa rin iyong motivation ko,” panapos na wika ng weightlifter.

 

Isang Olympic qualifying tournament na lang ang kailangan salihan ni Diaz para opisyal na makakopo ng Tokyo Olympics slot. (REC)

PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito.

 

Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Paglilinaw ng LTRFB at ng MMDA na hindi daraan sa EDSA ang mga bus. Halimbawa na ang mga bus na galing Norte ay sa Mindanao Avenue dadaan patungong Katipunan, diretso ng P. Tuazon at patungo ng Cubao Araneta Center.

 

Point-to-point ang mga bus at hindi papayagang magbaba at magsakay kung saan-saan lang.

 

Ilan sa mga ruta ng mga pro- vincial buis na balik biyahe na ay mag mga sumusunod.

1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City,

2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx),

3. Lemery, Batangas – PITx,

4. Lipa City, Batangas – PITx ,

5. Nasugbu, Batangas – PITx,

6. Indang, Cavite – PITx,

7. Mendez, Cavite – PITx,

8. Tagaytay City, Cavite – PITx,

9. Ternate, Cavite – PITx,

10. Calamba City, Laguna – PITx,

11. Siniloan, Laguna – PITx at ang Sta. Cruz, Laguna – PITx. (Ronaldo Quinio)

Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension ng liga at maging ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) dahil sa team bubble training sa Casuy, Sorosogon sa gitna ng lockdown sanhi ng Covid-19.

 

Nawasak na ring tuluyan ang Espana-based squad matapos lumundag sina Mark Nonoy at Deo Cuajao patungong De La Salle University Green Archers na kaliga ng mga tigre.

 

Unang mga umeskapo si Crispin John Cansino patungong University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP di, habang sina Ira Bataller, Brent Paraiso at Rhenz Abando nagpunta sa Colegio de San Juan de Letran ng NCAA.

 

Ninong ng USTe ang Ironcon Builders sa 2019-20 UAAP Season 82 at sa 9th PBA D-League 2019. (REC)

Store owner arestado sa ilegal na refilling ng LPG

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang umano’y may-ari ng illegal liquefied petroleum gas (LPG) refilling station matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Steven Joe Gervacio Lucas, 25, may-ari ng Marben Trading at residente ng Km 17, Mac Arthur Highway, Malanday.

 

Ani Col. Ortega, lumapit sa kanila ang complainant/representative ng Petron Corporation at Isla Petroleum & Gas Corporation na si Celestino Molina Foronda, 51, brand protection agent upang humingi ng tulong hinggil sa illegal refilling, marketing at distribution ng kanila- kanilang produkto ng Marben Trading

 

Kaagad inatasan ni Col. Ortega ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) na magsagawa ng entrapment operation kontra sa suspek sa kanyang tindahan sa Km 17, Mac Arthur Highway dakong alas-3:15 ng hapon.

 

Dalawang saksi na kinilalang si Joelito Villaseñor at Gilbert Soriano na umaktong poseur- buyer ang bumili sa suspek ng tig-isang 11 kilogram LPG Petron Gasul tank na nagkakahalaga ng P730.00 at Solane gas tank na nagkakahalaga ng P750.00.

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money, agad nagbigay ng signal ang dalawang saksi kaya’t kaagad na lumapit ang mga operatiba at nagpakilalang mga pulis saka inaresto si Lucas.

 

Narekober sa suspek ang marked money at ang ilang piraso ng LPG tanks na may mga pekeng gas seal na nakuha sa kanyang tindahan. (Richard Mesa)

FIRST LOOK: DE NIRO, FREEMAN, JONES STAR IN ACTION-PACKED COMEDY ‘THE COMEBACK TRAIL’

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TBA Studios has released the official trailer for the action- packed comedy “The Comeback Trail”.

 

Watch the trailer on the following links:

Facebook: https://www.facebook.com/ 1442941139346631/posts/ 2388870428087026/

Youtube: The Comeback – Official Trailer

 

In “The Comeback Trail”, two movie producers (Robert De Niro and Zach Braff) who owe money to the mob (Morgan Freeman) set up their aging movie star Duke Montana (Tommy Lee Jones) for an insurance scam to try to save themselves. The plan is simple: “accidentally” kill Montana during a stunt and then collect the insurance money.

 

The big hitch in the plan, however, is that Montana can’t seem to die. In the trailer alone, the washed-up action star hilariously and impressively makes it out alive after each death-defying stunt.

 

Hollywood screen legends and Oscar winners—Robert De Niro, Tommy Lee Jones, and Morgan Freeman lead the star- studded cast for “The Comeback Trail”. Other cast members include Zach Braff (TV’s Scrubs), Emile Hirsch (Once Upon A Time in Hollywood), Eddie Griffin (Undercover Brother), and Kate Katzman (This Is The Year).

 

George Gallo directs from a script he wrote with Josh Posner in a remake of Harry Hurwitz’s 1982 film of the same name.

 

Coming soon to Philippine cinemas, “The Comeback Trail” is produced by Storyboard Media and distributed by Cloudburst Entertainment in the US and TBA Studios in the Philippines.

 

Join the conversation using the #TheComebackTrailPH. For updates, follow TBA Studios official social media pages. (ROHN ROMULO)