• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2020

‘Sine Sandaan’, magtatapos sa bonggang closing ceremony at virtual concert

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINA Lani Misalucha, Gary Valenciano, Martin Nievera, Isay Alvarez, Robert Seña, The Company, at Lea Salonga kasama ang Acapellago ang mga headliners sa “Sine Sandaan: The Next 100 Closing Ceremony.”

 

Ang two-hour virtual event na ito ay iho-host at i-stream online ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong 8 p.m. (September 30) sa kanilang social media accounts: YouTube (youtube.com/ FilmDevelopmentCouncilPH) at Facebook (facebook.com/ FDCP.ph)

 

After 12 months of marking milestones, recognizing achievements, and honoring the heritage of the Filipino film industry, ang year-long commemoration ng One Hundred Years of Philippine Cinema ay magsasara na isang bonggang selebrasyon.

 

Ayon kay FDCP Chairperson and CEO Liza Diño, “Sine Sandaan: The Next 100 encapsulates our aspirations for the future of Philippine Cinema. It is both in the spirit of empowering our local industry and taking those significant steps towards that future that we hope for — a future of elevation, inspiration, and collaboration.”

 

Sa pagpapatuloy pa ni Chair Liza, “This celebratory event also serves as a venue for cooperation in the film industry. Just as we officially close the Philippine Cinema Centennial Celebration, we look forward to the next hundred years wherein the industry will aim to reach greater heights, cross borders, and explore uncharted territories.”

 

Ang Sine Sandaan o Presidential Proclamation No. 622, series of 2018 ay opisyal na dineklara noong September 12, 2019 hanggang September 11, 2020, na year-long celebration sa Philippine Cinema Centennial, spearheaded by the FDCP.

 

The beginning of this milestone commemorates the September 12, 1919 release date of the first film directed and produced by a Filipino, “Dalagang Bukid” by Jose Nepomuceno. Pinirmahan ni President Rodrigo Duterte ang Sine Sandaan Proclamation noong November 8, 2018.

 

Simula noong September 12, 2019, nagdaos ng events ang FDCP tulad ng: “Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema,” 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino, Philippine Film Festival in Italy and Portugal, Luna Awards, and Film Ambassadors’ Night. It also took part in the Busan International Film Festival, QCinema International Film Festival, Tokyo International Film Festival, Southeast Asia Fiction Film Lab (SEAFIC), Berlin International Film Festival, Cannes Docs Online, Locarno Open Doors, at Hong Kong FILMART Online.

 

Ang iba pang initiatives ng Sine Sandaan initiatives ang paglulunsad ng mga sumusunod: FilmPhilippines incentive program, participation in House Committee Hearings on the Eddie Garcia Bill, issuance of Joint Memorandum Circular No. 1 on Guidelines for Working Conditions of Film Workers with the Department of Labor and Employment, Disaster/ Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program, at ang patuloy na restoration of films by the Philippine Film Archive.

 

Noong September 11, 2020, ang huling araw ng year-long commemoration of One Hundred Years of Philippine Cinema, nagdaos ang FDCP ng Opening Ceremony ng “Sine Sandaan: The Next 100 – Celebration of the Closing of the Philippine Cinema Centennial.”

 

Sa pagtatapos ng milestone celebration, kasama rin ang Cycle 3 ng FilmPhilippines incentives program, Philippine International Comics Festival, China International Fair for Trade in Services, Kre8tif! Virtual Conference in Malaysia, Film Industry Conference, First Cut Lab Philippines, Documentary Film Production Workshop with Region XI, Lutas Film Festival Dumaguete, Sine Sandaan on The Manila Times TV, WIFI: Workshops in Film Incentives, at ang Mowelfund Special Masterclass Series featuring Raymond Red.

 

Inilunsad din ng FDCP ang “Kwentong Sandaan,” na magso-showcase sa mga videos on the journey of actors, filmmakers, icons, and unsung heroes of Philippine Cinema.

 

Other launches this month are for the Philippine Film Archive website, National Registry website and mobile app, and the CreatePHFilms funding program for development, produc- tion, and distribution.

 

Magkakakaroon din #SineWikainChallenge Awarding at panghuli itong “Closing of Sine Sandaan: The Next 100 – Celebration of the Closing of the Philippine Cinema Centennial” na magaganap na ngayong gabi, kaya tumutok lang sa Facebook at Youtube ng FDCP. (ROHN ROMULO)

12 provincial bus routes binuksan

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 provincial bus routes makaraan ang anim na buwan na nakalipas simula ng magkaron ng COVID-19 outbreak upang muling makakapasok ng Metro Manila ang mga provincial buses.

 

Simula September 30, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbubukas ng 12 provincial bus routes sa pagitan ng Metro Manila at Central Luzon kasama ang Calabarzon.

 

Sinabi ng LTFRB na may 286 na buses ang papayagan na mag resume ng partial operations sa ilalim ng 12 modified routes.

 

Ang number ng mga units ay 30 percent lamang ng kabuohang 1,445 units na dati pa na pinayagan magkaron ng operasyon bago pa ang pandemic.

 

Apat na probinsya lamang ang pumayag na magkaron ng resumption ng operasyon ng public utility buses mula sa National Capital Region (NCR) at ito ay ang Batangas, Cavite, Laguna at Pampanga.

 

Lahat ng mga buses ay papayagan lamang na magsakay at magbaba ng pasahero sa designated terminals tulad ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITx) at Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

 

Ang mga pasahero ay kinakailangan na may dalang documentary requirements bago sila payagan na sumakay sa mga public buses. Kasama sa documentary requirements ay ang travel authority mula sa police, valid identification card, written consent na payag sila na sumailalim sa COVID 19 testing kung hihingin ng LGU at iba pa na papeles na kailangan ng mga authorities.

 

Lahat ng pasahero, kasama ang driver at conductor ay kailangan na sumunod sa strict health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at one-meter physical distancing. Bawal ang kumain at mag-inuman kahit na ang mag-usap sa loob ng bus.

 

Sa bagong protocols, sinasabi rin na ang mga pasahero ay kailangan kumuha ng tickets dalawang araw bago ang kanilang trip maliban kung emergency.

 

Lahat din ng PUBs ay kailangan na sumailalim sa mahigpit na sanitation services bago at pagkatapos ng bawat trip kung saan magkakaron ng regular monitoring ang LTFRB. Ang pamasahe ay ganon pa rin bago pa ang pre-pandemic.

 

“Passengers from the south areas can now travel these bus routes via PITx: Batangas City, Lemery, Lipa and Nasugbu in Batangas; Indang, Mendez, Tagaytay City at Ternate in Cavite; and Calamba City, Siniloan and Sta. Cruz in Laguna,” wika ng LTFRB.

 

Para naman sa mga pasahero mula San Fernando, Pampanga, maaari silang pumunta sa Araneta Center kung saan naroon ang mga provincial buses. (LASACMAR)

Tulak timbog sa P170-K shabu

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado habang dalawang menor de edad ang narescue sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Rowel Magbanua alyas Toto, 38, ng V Cruz St. Brgy. Tangos.

 

Ayon kay Col. Balasabas, ala- 1:55 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy bust operation kontra kay Magbanua sa Ignacio St. Brgy. BBN kung saan isang undercover police na nagpanggap na poseur buyer ang nagawang makabili sa suspek ng P500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba habang narescue naman ng mga pulis ang dalawang menor de edad na tinurn-over sa Bahay Pag-asa.

 

Nasamsam sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga ng shabu, P500 cash at buy bust money.

 

Samantala, nasakote naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela Police si Vincent Lindayug matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa Phase 1 Siudad Grande Lingunan, Valenzuela City alas-2-45 ng hapon.

 

Narekober sa suspek ang buy- bust money, dalawang plastic sa- chets ng hinihinalang shabu, cellphone bag at motorcycle Honda. (Richard Mesa)

Ads September 30, 2020

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Arocha nasasabik sa Lady Chiefs

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANANABIK ang incoming Philippine SuperLiga (PSL) rookie na si Regina Arocha ng Sta. Lucia Lady Realtors sa kanyang alma mater na Arellano University at sa women’s volleyball team nitong Lady Chiefs.

 

Pero sanhi ng coronavirus dis- ease 2019 (Covid-19) at pagkakansela ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 nitong Marso, hindi natapos ng 23 taong-gulang na open spiker ang huling karera sa women’s volleyball tournament pati ang akademiks.

 

“Will surely miss playing with this name in front of my jersey, AU, with my name at the back of it, Arocha. #drop your_sport_challenge,” paskil ng dalagang two-time Finals MVP at three-time NCAA champion sa kanyang Facebook post nitong isang araw. (REC)

Sofia, nag-post na ng pasasalamat at pamamaalam sa ‘Prima Donnas’

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST ang Kapuso teen actress na si Sofia Pablo via Instagram ng kanyang pasasalamat at pamamaalam sa GMA teleserye na Prima Donnas.

 

Hindi na nakakasama si Sofia sa fresh episodes ng naturang teleserye dahil pinagbabawal ang below 15 years old na mag- taping bilang pagsunod sa safety and health protocols na galing sa DOLE (Dept. Of Labor and Employment).

 

“Bago ang lahat I would like to thank my @gmanetwork family at sa mga boss ko sa ETV @ligoras @redgiemagno sa tiwala na binigay nila sakin para gampanan si Donna Lyn Claveria = Direk @ginalajar at Direk @ayatopacio salamat po sa lahat po ng tinuro niyo po sakin habang buhay ko po dadalahin un at salamat din po sa paniniwala sa kakayahan ko bilang isa pong artista =

 

“maraming salamat po sa pagbuo ng Team Prima Donnas = Tita @aikomelendez maraming salamat po sa lahat ng life advices na binigay at tinuro niyo po sakin = Tito @wendellramosofficial salamat po sa pagpapatawa lagi sa set = Ate @katrina_halili salamat po sa napakaraming food trip sa tent lagi! Hahaha = Tito Benjie salamat din po sa lagi pong pagpapasaya sa buong pro- duction at sa lagi pong pang gugulat sakin! Hahaha = Mamita @chandaromero_atlast salamat din po sa spa session natin sa stand by area hahaha = salamat @vince_crisostomo, @juliusmiguel_, @dayarashane @jemwell_ventinilla at @itselijahalejo sa walang sawang kulitan at bonding sa set kahit anong oras pa! Hahaha = salamat din @miggscuaderno, @ a n g e l i k a s a n t i a g o _ , @judie_delacruz13 at @willashley17 sa friendship = sa dalawa kong kapatid, @jillian at @althea_ablan30 salamat sa pagmamahal kay Len Len =

 

“Sa lahat ng #SOFIANATICS salamat sa walang sawang pagsupporta kay Len Len = salamat sa lahat ng nagmahal kay Donna Lyn Claveria = ang masayahin, positibo, makulit, mapagmahal at bunso sa tatlong Donnas = No goodbyes, see you next time = Len Len is now signing off =”

 

*****

 

PAGKATAPOS ng 11 years ay nakuha na rin ng Kapuso hunk at kauna-unahang winner ng Survivor Philippines na si JC Tiuseco ang kanyang college diploma mula sa San Sebastian College-Recoletos.

 

Nagtapos si JC ng Bachelor of Science in Commerce noong May 2009, one year pagkatapos niyang manalo sa Survivor Philippines ng GMA-7.

 

Hindi raw um-attend ng graduation niya si JC kaya hindi niya agad nakuha ang diploma niya.

 

“Diploma! So, after 100 years, kinuha ko na to dahil mas pinili ko mag-taping kaysa mag- attend ng graduation. Naging basketball player, model, track and field athlete, survivor, and actor pero tinapos ko to kasabay ng lahat ng nangyayari. Salamat sa lahat ng tumulong along the way,” caption ni JC sa kanyang post sa Instagram.

 

Aktibo pa rin si JC sa paglabas sa mga teleserye sa GMA. Huli siyang napanood sa Love You Two.

 

Happily married na si JC at apat na ang anak nila ng kanyang lawyer-wife na si Alu Dorotan.

 

*****

 

GINULAT ng Hollywood hunk na si Channing Tatum ang kanyang 17.1 milion followers sa Instagram nang i-post nito ang isang black & white photo kunsaan kita ang kanyang batak na katawan.

 

Matagal na kasing hindi nasilayan ng netizens ang Magic Mike body ni Tatum at iniisip nila na baka may third Magic Mike movie kaya naglabasan ulit ang six-pack abs niya.

 

Post ni Channing: “It’s been a long road back. Injuries, life shit, and just insanity in general. Ha daddy is finally back boooi!! Gonna be a fun next 10 year run. To all those that have been there for me and held me down through it all. I love you. I’m gonna make ya proud. Let’s goo. Also peep the purell bottle. Keep it clean out there folks. Hahaha”

 

May tinapos palang pelikula si Channing kunsaan siya rin ang director na may title na Dog. Kuwento ito ng dalawang Army Rangers na nagsama sa isang road trip para makarating sila sa libing ng kanilang fellow soldier.

 

“It’s already been a crazy ride. And we’ve only just begun. And if we survive the rest, it will be one of the most insane stories that I’ve ever been a part of. And I’ve been a part of some pretty crazy ones in this life of mine. This photo is from our first day of production on the first movie that my partner Reid and I are directing. This is our story. It’s taken us two years to get it to the starting line. The next eight weeks will be like riding a bull on sickmode in ludicrous speed. God be with us. In Dog we trust. #DogMovie @dogthefilm,” post pa ni Tatum sa IG. (RUEL J. MENDOZA)

WADE, PINILI ANG HEAT NA MANANALO KAYSA SA BEST FRIEND NA SI LEBRON SA LAKERS

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinili ni dating NBA star Dwayne Wade ang Miami Heat na manalo sa NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.

 

Ito ay matapos na tanungin siya mismo ni NBA legend at Lakers star Earvin Magic Johnson.

 

Sinabi ni Wade na mas pipiliin niyang magwagi ang Heat na dati nitong koponan kaysa sa kaibigan nitong si LeBron James ng Lakers.

 

Magugunitang nakasama ni Wade si LeBron sa Heat sa ilalim ni coach Erik Spoelstra.

 

Magsisimula ang first game ng NBA finals ng dalawang koponan sa Huwebes ng 9 ng umaga oras sa Pilipinas.

PHILHEALTH, IPAPABUWAG NI DUTERTE SA KONGRESO

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISUSULONG umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pag-abolish o pagbuwag na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna pa rin ng malawakang katiwalian sa state health insurer.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, mas mabuti ng ipabuwag ito dahil wala namang kapitalistang papatol o bibili sa korporasyong wala ng pera.

 

“Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish the— Kung i-privatize mo naman, susmaryosep, walang pera. Sinong insurer niyo? Sabihin ng mga kapitalista sa insurance, ‘kami ang magbayad? Wala kayong pondo,’” ani Pangulong Duterte.

 

Nais din ni Pangulong Duterte na magkaroon ng mawalakang balasahan o revamp sa PhilHealth.

 

“Hindi na puwedeng itong mga tao na ito there already. Entrenched na. Talagang either I’m going to revamp, consider everybody resigned there and if there’s the structure we can slowly rebuild.”

 

Inihayag ni Pangulong Duterte na ngayong araw daw nito sisimulan ang “streamlining” sa PhilHealth. (Daris Jose)

Empress, officially engaged na sa ama ng anak na si Vino Guingona

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SIGURO nga, kapag artista ka at lalo na yung passionate talaga sa pag-arte, parang kakambal na nila ang trabaho.

 

Kaya aminado ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza na sobrang na-miss daw niyang umarte.

 

Pagkatapos ngang ma-lockdown ng mahigit anim na buwan, kaka- resume lang nila ng taping para sa primetime series nilang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 

Kuwento ni Barbie, “Mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya. One of the many revelation scenes. Tapos maraming eksena din siya, eh. Tatlo o apat na eksenang magkakasunod. Four hog ang tawag namin namin.

 

“After that scenes, kinausap ako ni Direk Mark (dela Cruz) sabi niya, ‘Beh, namiss mo umarte, noh? Kasi raw, parang ang dami kong ginawa sa apat na eksenang yun na wala naman sa script. Ha ha ha! Pero nakakatuwa lang kasi, namiss ko talaga yung ganoon.”

 

Maayos din daw ang naging lock in taping nila. Para lang daw silang bumalik sa dati at kahit paano, nawala sa isip nila ang pandemic.

 

Malapit na nga ang muling pagre-resume rin sa ere ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday tulad ng Descendants of the Sun na tinapos muna ang lahat ng eksena hanggang sa finale episode.

 

*****

 

UMABOT ng limang taon nang maipanganak ng actress na si Empress Shuck ang kanyang anak na si Athalia, heto’t officially engaged na ito sa ama ng anak niya na si Vino Guingona.

 

Walang kamalay-malay si Empress na hindi lang pala ang 5-year old niyang anak ang masu-surprise sa birthday nito, may bonggang surpresa rin pala sa kanya sa Frozen-themed party na inihanda nito sa anak.

 

Kahit na naka-quarantine at walang ibang batang bisita at sila lang pamilya, halatang mahal na mahal ni Empress ang anak. Ang magsuot ng costume ni Elsa at Frozen themed-party ang wish ng bagets sa birthday niya na na-organize naman ni Empress at naluha pa ang anak sa pa-birthday surprise sa kanya ng magulang.

 

Halatang masayang-masaya rin ang bata nang makita namang lumuhod ang daddy niya sabay pakita ng engagement ring at malamang, ang tanong na, “Will You Marry Me?” sa mommy niya.

 

Kung umiyak si Athalia sa birth- day surprise sa kanya, umiyak din si Empress sa supresang pag-proposed ng ama ng kanyang anak.

 

Sabi nga ni Empress sa kanyang Instagram account, “And so this day has become even more special…It’s not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention.

 

“Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. Thank you to my siblings for helping Vino arrange this, to my parents’ blessing.” (ROSE GARCIA)

Pinsala ng ASF sa mga babuyan sa bansa umaabot na sa P32-B

Posted on: September 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HALOS umaabot na sa P32-B ang umano’y nawala na sa swine industry sa bansa mula noong mapasok ang bansa ng African Swine Fever o ASF na naging salot na sakit sa mga baboy na ikinamatay ng mga ito.

 

Ayon sa Bureau of Animal Inustry (BAI) , 31 probinsya sa buong bansa ang naapektuhan na ng ASF kung saan umabot na sa 344,000 na mga alagang baboy ng mga magsasaka ang isinailalim sa culling operation na umaabot na sa 20% na impact ng ibinaba nito sa industriya ng babuyan kung saan labis na naapektuhan dito.

 

Sinabi ng BAI na malaki ang naitulong ng mahigpit na quarantine checkpoints bunsod ng mahigpit na quarantine classifications ngunit ng lumuwag ito ay unti- unti nanamang tumaas ang kaso ng ASF sa bansa. Isa rin sa sinasabing pinag mulan ng pag pasok ng ASF sa bansa ay sa paliparan kungsaan hindi umano naging mahigpit ang mga tinatawag na animal quarantine doon.

 

Ayon pa sa BAI na malaki ang naitulong ng mahigpit na quarantine checkpoints bunsod ng mahigpit na quarantine classifications ngunit ng lumuwag ito ay unti-unti nanamang tumaas ang kaso ng ASF sa bansa.

 

Habang nananatili namang ASF Free ang Visayas at Mindanao, maliban lamang sa bahagi ng Davao Occidental. Hindi rin dapat umano ito maging dahilan ng pag taas ng presyo ng karne ng baboy sa merkado. (Ronaldo Quinio)