• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 9th, 2020

Ads October 9, 2020

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DUTERTE MAY NAITABI NG BUDGET PARA SA COVID-19 VACCINE –PALASYO

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTABI na ang pamahalaan ng pondo para ibili ang 20 milyong mahihirap na Filipino ng vaccine laban sa Covid -19 kapag naging available at handa na ito bago matapos ang taon.

 

Sa isinagawa kasing dalawang araw na pagpupulong ng mga Executive Board ng WHO, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na kakailanganin ng buong mundo ang bakuna at umaasa silang magagawa na ito bago matapos ang taong kasalukuyan.

 

“Naitabi na po natin ang budget para sa pagbili ng COVID- 19 vaccine. Alam na natin ang mekanismo,” ayon kay Presi- dential Spokesman Harry Roque.

 

“Bibili po tayo ng dosage, 2 dosage para sa 20 million na pinakamahirap nating mga kababayan. Mauuna po ang mga mahihirap,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang Philippine International Trading Corp ang bibili ng vaccine, na popondohan naman ng LandBank at Development Bank of the Philippines.

 

Naglaan ang pamahalaan ng initial na budget na P2.4 billion para sa COVID-19 vaccines, ayon Department of Health.

 

Samantala, tinatayang nasa 9 na ang experimental vaccine na inaantabayanan ngayon ng WHO-led COVAX global facil- ity kung saan oras matapos ito ay target nilang maipamahagi agad ang 2 bilyong doses sa iba’t ibang bansa sa mundo bago matapos ang taong 2021. (Daris Jose)

DOH: COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat na sa halos 330,000

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA halos 330,000 na ang tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).

 

Ngayong araw nag-ulat ang ahesya ng 2,825 na mga dagdag na kaso ng sakit. Kaya naman ang total ay umakyat pa sa 329,637. Nasa 12 laboratoryo ang bigo umanong makapag- submit ng report sa kanilang COVID-19 Data Repository System.

 

“Of the 2,825 reported cases today, 2,233 (79%) occurred within the recent 14 days (Sep- tember 24 – October 7, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (746 or 33%), Region 4A (627 or 28%) and Region 3 (211 or 9%).”

 

Mayroon ding mga nag- positibo noon pang Marso hanggang Agosto na kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.

 

Samantala, ang mga active cases ay nasa 49,989. Ang total recoveries ay nasa 273,723 na dahil sa additional 437. Habang ang total death count ay nasa 5,925 naman dahil sa 60 na nadagdag sa mga binawian ng buhay.

 

“Of the 60 deaths, 26 occurred in October (43%), 20 in Septem- ber (33%) 6 in August (10%) and 8 in July (13%). Deaths were from NCR (23 or 38%), Region 4A (12 or 20%), Region 6 (8 or 13%), Region 3 (6 or 10%), Region 11 (3 or 5%), Region 2 (2 or 3%), Region 10 (2 or 3%), CARAGA (2 or 3%), and Region 5 (1 or 2%).”

 

Nagtanggal muli ang DOH ng duplicate cases sa total cases na umabot ngayon sa 21. Ang 13 sa mga ito ay mula sa recovered cases.

 

May 14 pang recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na. (Daris Jose)

BSP nagbabala sa ibinebentang P20 coins sa internet

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na kailanman ay hindi sila nag-isyu nang tinatawag na Brilliant Uncirculated P20 peso coins.

 

Ginawa ng BSP ang paalala dahil na rin sa pagkalat sa internet o online seller na nag-aanunsiyo sa ibinebentang Brilliant Uncirculated P20 peso coins.

 

Ayon sa BSP ang P20-peso new generation currency (NGC) na nasa sirkulasyon na ay una nang ini-release ng BSP noon pang December 2019.

 

Sa ngayon nasa mahigit 2-million na mga P20 coins ang nasa sirkulasyon at nagkakahalaga ng P41.8 million.

Football legend Diego Maradona, nagpositibo sa COVID-19

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSITIBO sa coronavirus ang Argentinian football legend na si Diego Maradona.

 

Kinumpirma ito ng kaniyang abogadong si Matias Morla matapos isagawa ang swab test sa kaniyang bahay.

 

Nais kasi ng 59-anyos na dating striker na mapanatag ang loob kaya sumailalim ito sa testing.

 

Itinuturing na greatest foot- ball player of all time si Maradona at naging coach siya ng Argentine club na Gimnasia mula pa noong Setyembre 2019.

Wala ng magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanya sa 2022 elections

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na wala ng kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na Ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga.

 

Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque napara maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo ay nais ng Chief Execu- tive na pangunahan ang Pagsira at pagwasak ng mga ilegal na droga lalo na ng shabu na ginagamit na ebidensiya laban sa drug personality.

 

Naniwala si Sec. Roque na hindi pa nagbabalik ang buong tiwala ng mga Filipino sa mga drug enforcement agencies o sa Philippine National Police (PNP) kaya’t pabor aniya siya na dapat ay mayroong mga tauhan mula sa Korte at administrasyon ang mangasiwa sa pagsira ng mga nasabing drug evidence.

 

Sa pamamagitan aniya ng hakbang na ito ay wala nang iikot o magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanyang mga kandidato para sa nalalapit na 2022 national at local elections. (Daris Jose)

Diasnes, 2 iba pa gold sa taekwondo

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINALIKAT ni Cindy Joy Diasnes ang napasakamay na tatlong gold medal ng Philippine taekwondo squad nitong Linggo sa ASEAN Taekwondo Federation Online Speed Kicking Championships.

 

Namayagpag ang Pinay sa senior female 57-kilogram o featherweight, habang mga naka-gold din sina Justin Kobe Macario senior male 58-kg. flyweight,at Jeordan Dominguez sa senior male 69kg. feather- weight.

 

May limang silver pang nadaleng ang national jins mula kina Darius Venerable, Miguel Alexandre Baladad, Raphael Enrico Mella, Janna Dominique Oliva at Laizel Angela Abucay.

 

Gayundin na 10 bronze na buhat kina Rommel Pablo, Marvin Mori, Joseph Chua, Zyka Angelica Santiago, Jasmin Kaye Maoirat, Jocel Lyn Ninobla, Ju- venile Faye Crisostomo, Abigail Faye Valdez, Aidaine Khrishia Laza at Rhezie Aragon. (REC)

Sen. Cayetano tumanggi na hatian sa dalawang panukala ang CREATE bill

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang corporate income tax reform bill dahil posible raw na pahinain nito ang Kongreso bilang isang institusyon.

 

Layunin kasi ng Corporate Recover and Tax Incetives for Enterprise (CREATE) bill na bawasan ang corporate income tax rate mula 30 percent ay gagawin itong 25 percent. Gayundin ang pag-rationlaize sa incentives na natatanggap ng mga kumpanya.

 

Ayon kay Drilon, kapag tinawag daw kasi na revenue measure ang naturang panukala ay magkakaroon ng kakayahan si Pangulong Rodrigo Duterte na i-line veto ito.

 

Pahihinain din aniya nito ang kapangyarihan ng Kongreso bilang co-equal branch ng gobyerno dahil lahat ng panukala na mayroong indikasyon ng “revenue aspect” ay maaaring mag- line items veto rito ang pangulo.

 

Sinubukan naman ng senador na pawiin ang pangamba ni Cayetano dahil patuloy pa rin nilang tatalakaying ang pagbabawas sa corpoate income tax rate at rationalization ng incentives ngunit bilang magkahiwalay na paksa.

 

“I think it can be forcefully argued that the rationalization of the fiscal incentive should not be a revenue measure and therefore the authority of the President on the line-item veto should not be existing,” wika ni Drilon.

 

Paliwanag ni Senate Ways and Means Committee Chairperson Pia Cayetano na ang rationalization ng incentives ay hindi maituturing na alien sa corporate income tax dahil ina-address nito ang tax leakages at pinapababa rin nito ang tax.

 

“In the early part of our interpellation, we emphasized the fact that this is foregone revenues. Thus, we need to rationalize because otherwise, these are tax revenues that are being exempted, not being collected, being given on a silver platter,” ani Cayetano.

 

Sa kabila nito bukas naman si Cayetano na patuloy na talakayin ang naturang paksa sa mga kapwa mambabatas.

PBA bubble nilindol

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nai-report na mga nasaktan at kasiraan sa lindol Sabado ng gabi sa Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.

 

Ipinahayag kahapon ni ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial na nakumpirma lang niya ang lindol sa mga tumawag na nagtanong sa kanya at may ilang players din sa tinutuluyan ng pro league na Quest Hotel ang ‘di namalayan ang sakuna dahil sa maagang pagtulog dulot ng pagod sa mga ensayo.

 

“Earthquake in the bubble. Bubbly earthquake,” tweet ni Rain or Shine wingman Kris Rosales na nakadama ng pagkabahala at gising pang maganap ang insidente.

 

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) na 4.7 magnitude at ang epicenter nito sa Camiling at Tarlac City. Nag-bubble ang propesyonal para sa restart ng 45 th season nitong Philippine Cup 2020 elimination round sa darating na Linggo, Oktubre 11. (REC)

Duterte: Beep Cards ibigay ng libre

Posted on: October 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni President Duterte sa kanyang mga opisyales na ibigay na lamang ng libre and stored value cards o mas kilalang Beep cards sa mga commuters.

 

“Give the (Beep) card free,” ito ang kanyang sabi noong nakaraang Lunes ng magkaroon sila ng pagpupulong ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Malacanang.

 

Binigyan pansin ni Duterte ang lalhat ng sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapatupad ng cashless payment systems in public transportation lalong lalo na si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

Ang announcement ay ipinahayag matapos ang “no Beep card, no ride policy” para sa EDSA Busway buses ay ipinatupad noong Oct. 1 subalit pinahinto ni Tugade ng limang araw noong Lunes kasunod ng complaints ng mga commuters dahil kailangan pa nilang bumili ng Beep card na nagkakahalaga ng P80 at minimum na P100. Di pa kasama ang P5 fee para sa reloading. Ang minimum balance ay P65.

 

Nilinaw ni Duterte na ang cards na ipamimigay saa mga com- muters ang libre lamang subalit kailangan pa rin bumili ng load.

 

“I would like to talk to Secretary Tugade next meeting because I would raise with him the possibility of giving it free,” dagdag ni Duterte.

 

Dahil naman sa pagtuligsa sa bayad sa Beep cards, ang AF Pay- ments Inc. (AFPI), na siyang operator ng Beep card na ginagamit sa carousel buses along EDSA ay nagsabing magbibigay sila ng 125,000 na libreng cards sa mga “people in need.”

 

Ang consortium ay tinuligsa pagkatapos ang mga pasahero ng EDSA Busway ay kailangan bumili ng Beep card na nagkakahalaga ng P180. Ang card mismo ay nagkakahalaga nt P80 samantalang ang minimum load ay P100.

 

Samantala, sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpupulong sila sa AFCS providers at bus operator para sa guidelines ng order ni Duterte. Kanila rin pag-uusapan ang inter-operability ng cashless transactions.

 

“The cards would be eingineered to be readable even by another company’s AFCS and could be used not only in the EDSA Busway but also in other bus routes trainlines, modern jeepneys and other modes of transport that require cashless transactions,” ayon kay LTFRB technical chief Joel Bolano.