• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 14th, 2020

Ads October 14, 2020

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LAKERS, ALAY KAY ‘BIG BROTHER’ KOBE BRYANT ANG NBA CHAMPIONSHIP

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INIALAY ng Los Angeles Lakers sa namayapang basketball icon na si Kobe Bryant ang kanilang pagkampeon sa NBA Finals.

 

Maaalalang nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ni Bryant, anak nitong si Gianna at pitong iba pa nang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.

 

Ayon kay Anthony Davis, batid daw nilang proud si Kobe, maging ang biyuda nitong si Vanessa at ang buong organisasyon sa kanilang panalo.

 

“Ever since the tragedy, we wanted to do it for him, and we didn’t want to let him down,” wika ni Davis.

 

“I know he’s looking down on us and proud of us, I know (Bryant’s wife) Vanessa is proud of us, the organization is proud of us. It means a lot to us.

 

“He was a big brother to all of us and we did this for him.”

 

Matapos ang panalo, bumuhos sa mga kalsada ang mga fans na isinisigaw ang pangalan ni Kobe, bilang pakikiisa sa panalo ng Lakers.

 

Kaugnay nito, inamin naman ni Team President Jeanie Buss na nalulungkot sila dahil hindi na nasilayan pa ni Bryant ang pagkakadagit ng koponan ng kampeonato matapos ang isang dekada.

 

“To Lakers nation, we have been through a heartbreaking tragedy with the loss of our beloved Kobe Bryant and Gianna,” ani Buss.

 

“Let this trophy serve as a reminder of when we come together, believe in each other, in- credible things can happen.”

Arwind Santos, masayang nagsuot ng throwback jersey!

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGSUSUOT ng mga lumang yuniporme o throwback jersey ang defending champion San Miguel Beer sa binuksan na nitong Linggo, Oktubre 11 na 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.

 

Mga playing uniform iyon sa mga dekada 70, 80 at 90 sa panahon nina four-time Most Valuable Player Ramon Fernandez, Avelino (Samboy) Lim, Jr. , Hector Calma, at iba pa.

 

Pahapyaw na inabot na lang ang mga kasuotan ni SMB coach Leovino (Leo) Austria, pero iba o ilan ay mga ramdam pa sa kanilang likod ang mga iyon sa mga nasabing panahon ng propesyonal na liga.

 

Tanggap ni Arwind Santos na siya na ang may pinaka may edad sa kasalukuyang mga manlalaro ng Beermen sa bulang na 39 na taon.

 

“Pero wala pa aniya siyang arthritis,” natatawang pahayag ng 2013 MVP at nine-time champion sa media availability Linggo sa Quest Hotel sa Clark.

 

Nakakasasabay pa rin sa mga mas batang teammate ang SpiderMan ng PBA sa paglalambitin sa rim.

 

“Sabi ko sa mga bata, hindi pa time,” hirit ng 2006 first round, second overall pick.

 

May dagdag ang 6-foot-4 forward sa mga kababayan niya sa Pampanga na hindi napagbibigyan sa mga hiling na pa-selfie sa kanya.

 

“Humihingi rin po ako ng pasensiya sa mga kabalen ko na nag- aabang sa practice, pasensiya na po hindi namin kayo malapitan, makamusta. Alam ko ‘yung happiness, ‘yung pakiramdam na makapagpa-picture sa amin,” dugtong ng basketbolista.

 

Tiubong Angeles Santos kaya parang homecourt niya ang Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center na playing venue ng mga laro hanggang Disyembre. Hanggang Porac nga aniya, nararating sa paglalaro noon.

 

“Sa mga kabalen ko, dito kasi ako nagsimula, nag-pedicab pa ako nu’n,” panapos na tanaw-balik ni Santos. “Masaya ako para du’n dahil dito ako sumikat, dito ako nakilala. Kaluguran ko sila, sobra!” (REC)

2 lalaki kulong sa dalang P346-K shabu

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NABUKING ang dalang higit P346,000 halaga ng shabu ng dalawang drug suspects makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Henison Tanghal alyas Entong, 42, at Christopher Reyes, 44, pedicab driver, kapwa ng Celia 2 St. Brgy. Bayan-Bayanan.

 

Sa report ni Col. Tamayao kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-11 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad na may kaugnayan sa Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PLT Robert Kodiamat sa kahabaan ng Celia 2 Brgy. Bayan- Bayanan nang makita nila ang mga suspek na lumabag sa curfew at walang suot na face mask.

 

Inaresto ng mga pulis ang mga suspek at nang kapkapan ay nakumpiska sa kanila ang 41 piraso plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 51 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P346,800 ang halaga, dalawang weighing scale, isang kulay asul na medi- cine kit at P3,300 cash.

 

Pinuri naman ni Gen. Ylagan ang Malabon Police sa pamumuno ni Col. Tamayao dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa dalawang drug suspects na nagresulta sa pagkakumpiska ng naturang illegal na droga. (Richard Mesa)

DoF, maingat sa pag- utang ng gobyerno sa gitna ng pandemiya

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na maingat ang pamahalaan sa ginagawa nitong pag- utang sa mga local at foreign resources.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aaralan ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez ang pag- utang ng pamahalaan lalo’t may pinapangalagaang reputasyon ang bansa na may kinalaman sa pag-utang nito.

 

Ito ayon kay Sec. Roque ay ang magandang BBB+ sa credit rating ng Pilipinas na kapag napanatili ay may magandang benepisyo din namang dulot sa bansa.

 

Aniya, kapag maganda kasi ang credit rating ay mababa ang interest na nakukuha ng bansa bukod pa sa mas marami ang gustong magpautang.

 

“Kaya nga po nag-iingat sa pag-uutang ang ating Secretary of Finance Sonny Dominguez kasi importante sa kaniya na manatili iyong napakagandang BBB+ sa credit rating natin kasi habang ganiyan ang credit rating natin, mababa ang interest na nakukuha natin at maraming gustong magpautang sa atin,” ayon kay Sec. Roque.

 

Magugunitang, noong pre- SONA ay iginiit ni Sec. Dominguez ang kahalagahan ng pag- utang ngayong pandemiya lalo na’t apektado rin ng pandemya ang tax collection habang tumaas din sa kabilang banda ang expenses o gastusin ng pamahalaan. (Daris Jose)

Sesyon nina Velasco tinawag na ‘peke, circus’ ni Cayetano

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LABIS na panglalapastangan umano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara.

 

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nilabag din daw ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) dahil sa pagtitipon- tipon ng mga ito sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

 

Giniit ni Cayetano na hindi basta-basta makakapagsagawa ng sesyon ang mga kongresista base lamang sa kanilang sariling kagustuhan lalo pa ngayon ay suspended pa rin ang kanilang sesyon at nitong Martes pa babalik sa plenaryo alinsunod sa ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Inihalimbawa nito ang session na kanilang idinaos sa Batangas noong Enero kasunod nang pagputok ng Bulkang Taal kung saan isang resolusyon pa ang kinilangan na ihain at aprubahan.

 

Binalaan ni Cayetano sina Velasco na huwag ilagay sa putikan ang Kamara at huwag ding idiskaril ang pleary deliberations sa 2021 proposed P4.5 trillion national budget.

 

Marami na aniya siyang malalaking taong binangga kaya hindi siya natatakot na kumilos sa oras na malagay sa alanganin ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

 

“Remember, Congress is not a noontime show. Congress is not here for entertainment. Congress is not a circus. This is the House of the People,” saad ni Cayetano.

 

Sa kabilang dako, nangangako si Cayetano sa isang “honorable at orderly” session ngayong Martes sa kabila nang pangyayari nitong Lunes.

 

Pero umaapela ito ng pang-unawa at kooperasyon mula sa mga kapwa kongresista upang sa gayon ay masunod pa rin ang kanilang target na maaprubahan sa lalong madaling panahon ang panukalang pondo alinsunod na rin sa apela ni Pangulong Duterte.

PSC nagpaumanhin sa pamilyang Eala

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KLINARO ng Philippine Sports Commission, (PSC) na nagka-misinformation sa P3M na pinansiyal na suporta para kay tennis teen star Alexandra ‘Alex’ Eala, kaya nagpa-erratum sa official Facebook page ang government sports agency nitong Linggo upang maitama ang kamalian.

 

Erratum: “PSC would like to correct previous posting made today of a P3-Mi assistance for Alex Eala. It was an uninttended misinformation. While there was an approved board resolution to this effect, it was later clarified that this is still being processed, awaiting required documents,” nakapaskil sa FB.

 

Hinirit pa ng pahayag, We apologize to the public and the family of Ms. Eala for any misunderstanding this may have caused. The PSC stands by its commitment to support Ms. Eala on previously approved and future training activities and competition.”

 

Nagpahatid ng pagbati ang PSC sa 15-year-old Pinay netter na nag-Final Four finish sa katatapos na 124 th Fren Open Juniors 2020 girls’ single event. Pero iginiit ng kanyang mga magulang na sina Michael Francis at Rizza Eala na wala ibinigay para sa kampanya ni Eala sa Europe at United State ni isang kusing ang PSC. (REC)

GAL GADOT, napiling maging bida sa biological drama na ‘Cleopatra’

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ang Wonder Woman star na si Gal Gadot ang napiling magbida sa biological drama na Cleopatra.

 

Huling naisapelikula ang epic film na Cleopatra ay noong 1963 at pinagbidahan ito ni Elizabeth Taylor. Sa bagong version, hahawakan ito ng Wonder Woman director na si Patty Jenkins.

 

Pero nasa planning stage pa raw ang Cleopatra project at mas priority ng team ni Patty Jenkins ang pag-release ng Wonder Woman: 1984 film na hindi natuloy ang pagpapalabas sa taong ito dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ang original release date nito ay June 2020 pero na-move ito sa December 25, 2020.

 

Mukhang sa online streaming na mapapanood ang Wonder Woman: 1984 dahil takot pa rin daw ang maraming tao na manood sa sinehan sa Amerika dahil sa COVID-19.

 

Nakipag-meeting na raw si Gadot and ang team ni Jenkins sa limang studios kunsaan posibleng ma-stream ang kanilang pelikula. Kasama sa auction ay ang Netflix, Apple, Universal at Warner Bros.

 

Isa sa co-producers ng Wonder Woman: 1984 ay si Gadot at ang mister niyang si Jaron Varsano at pag-aari nila ang Pilot Wave Motion Pictures. (RUEL J. MENDOZA)

MMDA: Pasig River ferry muling nag operate ng short trips

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MULING nag operasyon ang Pasig River ferry subalit short distrance trips lamang pagkatapos maalis at matangal ang ibang water hyacinths sa nasabing ilog.

 

Ang ferry service ay mayron short distance trips mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Sta. Ana sa Manila.

 

Sa isang nakaraang statement, sinabi ng MMDA na hinto muna ang serbisyo hanggang wala pang notice mula sa management ng MMDA dahil ang water hyacinths ay nakabara sa daraanan ng ferry boats sa nasabing ilog na siyang naging problema upang hindi makadaan ang mga ferry boats at makapag operate ng tama.

 

“We used trash skimmers, boats and traps to clean up the river but they are not enough to contain the water hyacinths’ growth during the rainy season,” ayon sa MMDA.

 

Ang nakaraang suspension ay nangyari sa loob lamang ng isang linggo pagkatapos ang MMDA ay mag resume ng ferry service noong Sept. 28.

 

Noong August, ang ferry service ay binuksan din para magbigay ng serbisyo sa mga healthcare workers at government employees.

 

Sinuspende ng pamahalaan ang lahat ng klase ng transportasyon noong March pagkatapos magpatupad ng community quarantine ang pamahalaan upang huwag ng kumalat ang COVID-19.

 

Kamakailan lamang ay binigyan ng allocation ng pamahalaan ang Pasig River ferry system na nagkakahalaga ng P176 million sa 2020 General Appropriation Act upang mapabilis ang development nito.

 

Mayron 11 statations ang ferry service na may kahabaang 25- kilometer. Ang mga stations ay Escolta; Lawton; Polytechnic Uni- versity of the Philippines (PUP); Sta. Ana at Lambigan sa Manila; Pinabuhatan, San Joaquin, Maybunga sa Pasig City; Valenzuela at Guadalupe sa Makati; at Hulo sa Mandaluyong.

Naapektuhan sa pandemiya, exempted sa pagbibigay ng 13th month

Posted on: October 14th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAARING exempted sa pagbabayad ng 13th month ang mga kumpanya at business establishment na kabilang sa lubhang naapektuhan ng pandemya o mga tinuturing na “distressed company”.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang press briefing, na ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga manggagawa ng mga kumpanya at establisyimento ay excepted ngunit kailangan tukuyin muna ang batayan upang mauri ang isang kumpanya o isang negosyo bilang ‘distressed’.

 

Kailangan din aniyang patunayan ng kumpanya o bussiness establishment na ito ay distressed bago makakuha ng exemption.

 

Tutukoyin naman ng DOLE at iba pang concerned agencies ang mga kumpanya at business establishment na nauri bilang ‘distressed’ o malubhang naapektuhan bunsod ng pandemya.

 

“It will be the subject of tripartite consultation. We will define the meaning of distressed,” anang kalihim.

 

Sa halip aniyang ideklarang distressed , ang labor at management ay magdadayalogo upang talakayin ang pagsasaayos sa pagbabayad ng mga benepisyo kung saan maari munang i-delay.

 

Paliwanag ng kalihim, mahirap ang sitwasyon ngayon kaya baka pupuwedeng ang pagbabayad ng 13th month ay sa susunod a taon na lamang o sa susunod na buwan pero hindi sa ngayon. (Gene Adsuara)