• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 17th, 2020

Saso ibabalik ang bangis

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAWALA SA ang pamatay na porma ni Yuka Saso kaya nagdaang limang torneo’y isang top 10 lang ang pinakamataas na tinapos sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, magbuhat nang makadalawang sunod tagumpay sa mayamang paligsahan sa kontinente.

 

Desidido ang 19-anyos na Fil-Japanese na tubong sa San Ildefonso, Bulacan na makabawi at makuhang muli ang tikas pamatay sa pagsambulat ngayong Biyernes ng Fujitsu Ladies 2020 sa Tokyu Seven Hundred Club sa Chiba City, Japan.

 

Inihudyat nang hindi marunong mag-Nihonggo pero matatas mag-Filipino na rookie professional ang pagdomina sa edisyong ito nang pamayagpagan sa ikalawa-ikatlong mga torneong NEC Karuizawa at Nitori Ladies ‘pagkabinyag’ sa kanya pakikipagbuhol sa ikalimang puwesto sa Earth Mondahmin Cup.

 

Pero hindi na siya gaanong nakapalag pa sa korona para mabitawan ang pamamayagpag sa Player of the Year race kahit nasa ituktok pa rin naman ng money derby at sa karamihang statistika. (REC)

VICTORY PARADE NG LAKERS APEKTADO NG COVID-19

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KUMPARA sa mga tradisyunal na ginagawa, kailangan munang maghintay ang mga fans ng Lakers para sa isang victory parade matapos angkinin ng koponan ang kanilang ika-17 NBA championship.

 

Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag- iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

 

“We cannot wait to celebrate our NBA title with our fans,” pahayag ng Lakers management. “After consulting with the City and the County, we all agree that a joyful and inclusive public celebration will take place as soon as it is safe to do so. In the meantime, thank you again, Lakers Nation, for your support!”

 

Inangkin ng Lakers ang korona matapos talunin ang Miami Heat sa Game 6 ng 2020 NBA Finals sa Lake Buena Vista, Florida na tumapos sa kanilang 95-day stay sa loob ng bubble.

 

Ito ang unang NBA crown ng Lakers matapos noong 2010 kung saan nagbida ang namayapang si Kobe Bryant.

 

Nagbalik ang koponan sa Los Angeles kahapon para ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

 

Halos 1,000 tao ang nagtungo sa downtown para magdiwang habang ang ilan ay dumiretso sa Staples Center na home court ng Lakers.

 

Humalo sa pagdiriwang ng mga fans ang ilang “unruly individuals’’ na naghagis ng mga baso, bote, bato at iba pang bagay sa mga officers at 30 buildings at businesses naman ang napinsala.

 

Inaresto ng mga pulis ang 76 katao na sangkot sa nasabing panggugulo.

Operasyon ng provincial buses, mas lalawak pa sa loob ng linggong ito

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra na asahan nang mas lalawak pa ang operasyon ng mga provincial buses sa loob ng linggong ito.

 

Madaragdagan na kasi aniya ang mga ruta ng mga bus na bumabyahe patungo sa mga lalawigan.

 

Kabilang sa kanilang nakatakdang mabuksan ay ang provincial opera- tion na mula Metro manila Patungong Davao city O Vice versa.

 

Aniya, sa kanyang pakikipag- usap kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay pumayag na itong buksan ang syudad para sa mga biyaherong magmumula sa National Capital Region (NCR) basta’t matiyak lamang na masusunod ang mga minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

Aniya pa, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mas marami pang ruta sa mga lalawigan ang mabuksan sa mga susunod na araw. (Daris Jose)

THE HIGHLY-ANTICIPATED LIVE-ACTION ADAPTATION OF ‘THE PROMISED NEVERLAND’ TRAILER IS OUT

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

THE trailer to the highly-anticipated live-action adaptation of The Promised Neverland is finally here, a few months before it premieres in Japanese cinemas this December!

Watch it below:

https://www.youtube.com/ watch?v=1oiXaPeXCbo&feature=emb_logo

 

The Promised Neverland centers on a group of orphans who live a good life at the Grace Field House. That is until two kids — Emma and Norman — discover a secret about the orphanage.

 

They must then work together to plan their escape with the rest of the kids in the orphanage. The film is based on the Japanese manga series of the same name, which ran from August 2016 to June 2020. Yuichiro Hirakawa directs this film, with a script from Noriko Gotou. Minami Hamabe, Jyo Kairi, RIhito Itagaki, and Keiko Kitagawa star as Emma, Ray, Norman, and Isabella, respectively.

 

The Promised Neverland premieres in Japan this December 15. No announcement has been made yet as to whether or not the film will screen in the Philippines. For now, though, you can stream the first season of the anime adaptation on Netflix while waiting for season 2 to arrive in January 2021. (ROHN ROMULO)

Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa free vaccination.

 

Ang panigurado ayon kay Sec. Roque, para sa lahat ang gagawing pag-angkat at hindi lang para sa mga mahihirap.

 

“Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may- kaya naman po ay makakabili rin ‘no. So iyong ating mga hakbang na ginagawa ay para nga po mag- angkat hindi lang para sa pinakamahirap, kung hindi para sa lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, handa ang pamahalaan kahit ngayong taong ito na makabili ng bakuna sa corona virus gamit ang uutangin sa Landbank at Development Bank of the Philippines.

 

Pero kung sakali aniyang naririyan na ang 2021 budget, inihayag ni Roque na duon na lang posibleng hugutin ang para sa vaccine procurement at hindi na kinakailangan pang mangutang sa bangko ng gobyerno.

 

“Oo, humingi rin po tayo ‘no kasi naman ang ating ginawa ay kapag lumabas na, dapat may pera. Kasi kung hindi naman gumawa ng paraan ang Presidente, kung ngayong tao ay pupuwede nang bumili at wala pang budget for 2021, eh di hindi tayo makakabili at wala namang ganiyang budget po doon sa current budget ng 2020. So kumbaga, laging handa po tayo ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kung sumipa na po ang 2021 budget, kukunin po natin doon; hindi na kinakailangang mangutang sa bangko ‘no. Pero kung sumipa po ngayon na mayroon ng vaccine ngayong taong ito, handa rin po tayong bumili,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

DANIEL, umamin na ‘di nila napigilan ni KATHRYN na ‘di magkita

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Daniel Padilla sa virtual mediacon ng digital movie nilang The House Arrest of Us na sa panahon pala ng total lockdown noong Marso ay hindi nila napigilan ni Kathryn Bernardo na hindi magkita.

 

Talagang gumawa raw ng effort ang aktor para puntahan sa bahay niya ang katipan.

 

“Sa sobrang hirap pinuntahan ko siya ha, ha ha,” sabi ni DJ.

 

“Siguro mga dalawang araw lang kaming hindi magkita pinuntahan ko na kasi bago mag lockdown kami lang din naman ang magkasama so, after couple of days pumunta ako, ‘yun lang naman ang ruta ko, magkikita kami tapos uuwi rin ako, ganu’n lang hindi naman kami gumagala-gala kung saan-saan. Hindi kayang hindi magkita,” pagtatapat niya.

 

Hirit naman ni Kathryn, “oo, hindi kaya.”

 

Biro naman ni Robi Domingo bilang host sa mediacon, “frontliner ng pag-ibig ‘yan si Daniel.”

 

At dahil ikinasal sa The House Arrest of Us ang KathNiel ay inamin nilang dalawa na hindi pa rin nagbabago ang plano nilang magpakasal bago tumuntong ng 30 anyos ang aktor at beach wedding pa rin ang gusto nila.

 

“Pareho kami na ‘yung dream wedding namin is simple lang and very intimate, yan ‘yung beach wedding.

 

“So, every time tinatanong kami yan yung sinasagot namin na pareho namin hilig ‘yung beach. Wala namang specific date na sinabi namin na kapag ganitong year kasal na.

 

“Ayaw ko naman siyang i-pressure pero darating din yung mga bagay na yan. Mararamdaman mo naman kapag ready na kayo. So tingnan natin kung anong period.

 

“Gusto kong bumuo ng pamilya habang bata pa kami para masabayan ko ang paglaki nila, ang energy nila,” sabi ni Kath.

 

Inamin din ng aktres na hinahanda rin niya ang sarili sa edad niyang 24 ay may anim na taon pa siya.

 

“May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually, ‘yun naman talaga ‘yung plan. Of course, agree ako kasi napag- uusapan naman namin ‘yun. At nasa tamang age na kami para i- ready ang mga sarili namin pag dumating tayo sa punto na ‘yun.

 

“And now ‘yun ‘yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. As in lahat ng kailangan i-ready, kasi malaking step yun and pagdating un at least di ba ready na kami and relax na lang.”

 

Ayon naman kay Daniel ay ayaw niyang ma-pressure si Kathryn dahil alam naman niya ang mga priorities ngayon ng dalaga, willing siyang maghintay kung kailan handa na ito para sa level up ng kanilang relasyon.

 

Kaya natanong din ang KathNiel kung kumusta ang relasyon ng kani-kanilang family in real life.

 

“I think it’s safe to say na okay. Okay yung relationship ko kay tita Karla and si mama and si DJ super okay. Happy kami in real life maayos yung pamilya namin pareho.

 

“Siguro tumatag na rin sila over the years na lagi kaming magkasama so parang yung mga kapatid niya para ko na ring kapatid sila.

 

“And parang extended family ko na rin sila. So I’m happy na ganu’n yung klase ng relationship na meron kami,” pahayag ng aktres.

 

Bukod sa KathNiel ay kasama rin sina Ruffa Gutierrez, Den- nis Padilla, Arlene Muhlach, Gardo Versoza, Alora Sasam at Herbert Bautista sa The House Arrest of Us na mapapanood na thru KTX (October 24) at iWant-TFC (October 25) mula sa direksyon ni Richard Arellano handog ng Star Cinema. (REGGEE BONOAN)

2 tulak timbog sa P340-K shabu

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bagets ang arestado matapos makuhanan ng nasa P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Caloocan City Po- lice Chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Alcar Dugay, 20 ng Gonzales St. Brgy. 69 at Joon Job Payumo, 18 ng Masagana St. Brgy. 73.

 

Sa report ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, ala-1 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang mga suspek sa buy-bust operation sa Heroes Del, Brgy. 73.

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, digital weighing scale at isang P1,000 bill na nakabungkos sa 9 pcs P1,000 fake/boodle bills na ginamit bilang buy-bust money.

 

Ayon kay P/Capt. Cabildo, si Dugay ay nasa watch listed na kabilang sa dating Priority Drug Personalities ng Caloocan Police kung saan dati na itong naaresto sa illegal na droga noong April 4, 2020 subalit, nakalaya kamakailan matapos makapagpiyansa. (Rihard Mesa)

Gilas Pilipinas nakaabang sa IATF approval

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MINAMADALI na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga requirements upang mabilis na makuha ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng Gilas Pilipinas.

 

Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre.

 

Maliban sa ensayo, problemado rin si SBP program director Tab Baldwin sa pagbuo ng malakas na koponan para sa importanteng mga laro sa qualifiers — laban sa powerhouse South Korea at perennial SEA Games title contender Thailand.

 

Kaya naman gumagawa na ng paraan ang SBP para maikasa na agad ang ensayo ng Gilas Pilipinas dahil kapos na kapos na sa oras para mabuo ang chemistry ng koponan.

 

“Players are ready to play, but are we allowed to play as a team? That is the question that we are waiting for an answer up to this point,” ani special assistant to SBP president Ryan Gregorio sa programang Sports Page.

 

Isinantabi na ng SBP ang pagkuha ng mga PBA players na malabo dahil nasa Clark bubble ang lahat ng aktibong players para sa PBA Season 45 Philip- pine Cup.

 

Masuwerte ang Gilas Pilipinas dahil nariyan sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Mike Nieto at Matt Nieto na available para maglaro sa koponan.

 

Posibleng madagdagan pa ito sa oras na maayos ni dating Barangay Ginebra slotman Greg Slaughter ang pakikipag-usap nito sa Gin Kings.

 

Wala pang linaw kung makalalaro si dating UAAP Finals MVP Thirdy Ravena dahil may kontrata ito sa San-en NeoPhoenix sa Japanese B.League.

State-owned banks at panukalang 2021 national budget ang paghuhugutan ng pondo para pambili ng bakuna laban sa Covid -19

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na ang mga state-owned banks at ang panukalang 2021 national budget ang magpo-pondo sa pagbili ng Covid-19 vaccines.

 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ang magbibigay ng pondo para sa pagbili ng bakuna laban sa Covid-19 kung saan ay isasakatuparan sa pamamagitan ng state-run Philippine International Trading Corporation.

 

Ang panukalang 2021 national budget ang magkakaloob ng initial allocation na P2.5 billion para sa pagbili ng Covid-19 vaccines.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na mayroon ng pera ang pamahalaan para bumili ng bakuna kung saan ay posibleng sa Russia o China.

 

Gayunman, sinabi ng Pangulo na nais niya na magkaroon pa ng mas maraming pera upang matiyak na ang lahat ng mga filipino ay makatatanggap ng bakuna.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na P20 billion ang kakailanganin para mabakunahan ang 20 milyong katao.

 

Prayoridad na mabigyan ng bakuna ay ang mga mahihirap na Filipino at frontliners gaya ng pulis at sundalo.

 

“Hindi po mahuhuli ang mga mayayaman. They can always buy it dahil mayroon naman po silang pera,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Dy, 6 pa kabilang sa WNBL draft

Posted on: October 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA pitong mga kasapi dati ng Gilas Pilipinas o national women’s quintet sa pamumuno ni Raiza Rose Palmera-Dy ang mga pumasok sa opisyal 177 ballers para sa 1st Women’s National Basketbal League (WNBL) Rookie Draft 2020 sa San Fernando, Pampanga bago matapos ang buwang ito.

 

Kasama ng 27 na taong-gulang at 5-6 ang taas na si Dy, 29, ang anim pang former nationals sa nakatakdang pagtitipon sina April Lualhati, 32, Gemma Miranda, 25, Camille Sambile, 28, Mary Joy Galicia, 31, Marites Gadian , at Angeli Jo Gloriani.

 

Nabatid kamakalawa kay WNBL executive vice president Rhose Montreal, na ang nasabing bilang ay buhat sa mga sinala sa mahigit 700 aplikante para sa draft sa kauna-unahang professional women’s league sa bansa.

 

Mangungunba naman sa amateur at collegiate players ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 Finals 2019-20 Most Valuable Player na si Monique Del Carmen ng six-peat champion National University Lady Bull- dogs. (REC)