• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 21st, 2020

2 laborer arestado sa P56-K shabu

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG laborer ang arestado matapos makuhanan ng nasa P56, 540 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon Police Chief Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Ronaldo Jacinto, 43 ng Blk 27, Lot 70, Phase 2, Area 1 Brgy. Nbbs, Navotas City at Arjay Alejandro, 27 ng Blk 22, Lot 21, Landaska Torcillio Street Brgy. 28, Caloocan City.

 

Ayon kay Col. Tamayao, alas- 10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sa- chet ng shabu ang isang undercover pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500 marked money.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 8.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P56,540.00 ang halaga, weighing scale at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Phoenix Super LPG hindi pinaporma ang NorthPort

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DINALA ni Jason Perkins ang Phoenix Super LPG para talunin ang NorthPort Batang Pier 110-105.

 

Nagtala kasi ito ng career -high na 31 points at 12 rebounds para manatiling walang talo sa dalawang laban.

 

Pumuntos naman ng 23 points si Matthew Wright habang mayroong 17 points ang naiambag ni Justin Chua.

 

Ipinagmalaki naman ni Phoenix coach Topex Robinson na nagtulong-tulong ang mga manlalaro para manalo ang koponan.

DOH may tulong sa mga OFW na apektado ng ipinahintong COVID-19 test ng PH Red Cross

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMAGITNA na ang Department of Health (DOH) sa hidwaan ng Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa hindi pa raw bayad na mga COVID-19 tests.

 

Ayon sa kagawaran, habang patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PRC para maayos ang issue, ilang hakbang na rin ang ginawa nila para makatulong sa mga maaapektuhan nang pag- atras ng PRC sa COVID-19 tests na sakop ng PhilHealth coverage.

 

Kabilang ang sektor ng overseas Filipino workers (OFWs) at returning OFWs sa mga inaasahang apektado ng pansamantalang pagtigil ng PRC, kaya naman tinukoy ng DOH ang mga laboratoryo kung saan nila maaaring tupdin ang requirement na COVID-19 test:

 

1. Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (TALA)

2.Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center

3.Lung Center of the Philippines

4.PNP Crime Laboratory

5.Research Institute for Tropical Medicine

6.San Lazaro Hospital

7.Ospital ng Imus

8.Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital

 

Bukod dito, may lumalakad na rin daw negosasyon ang ahensya kay Sec. Vince Dizon, na siyang Testing Czar at iba pang opisina.

 

“To implement the re-routing of the specimens; and ongoing matching of the mega-swabbing facilities with identified labs.”

 

Inaasahan daw ng DOH na bababa ang pangangailangan sa testing ng returning Filipinos dahil sa ilalim ng Omnibus Guidelines ay naka-depende sa kanilang clinical assessment ang posibilidad na ma-test.

 

“Upang komprehensibong ma-address ang issues ng testing, isolation, at referral needs ng ating mga OFWs, Sec Duque has given instruction to ensure coordination with the Isolation Czar, Treatment Czar, and other implementing entities to ensure that testing and isolation strategies for managing returning Filipinos are complementary.”

 

“This means setting up and operationalizing the patient pathway of RFs in accordance to the Omnibus Guidelines — from screening, quarantine/isolation, testing, and if needed, referral to hospitals.” (Daris Jose)

JINGGOY, ipinasilip ang puntod na pinagawa ni ERAP

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Jinggoy Estrada files his Certificate of Candidacy for Senator on October 16, 2018, at the Comelec office in Manila. Photo by Angie de Silva/Rappler

IPINASILIP na ni former Senator Jinggoy Estrada sa kauna-unahang pagkakataon ang puntod na pinagawa mismo ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada, sa Tanay, Rizal.

 

Isa ito sa mga dapat abangan sa bagong episode ng YouTube channel ni Jinggoy na Jingflix.ph kung bakit nga ba nagpagawa ng kanyang puntod si President Erap.

 

“Samahan nyo po akong silipin ang puntod na pinagawa ng aking ama at silipin natin ang Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives,” sey ni Jinggoy.

 

“Ito po ang first and exclusive museum tour na mapapanood nyo lang po sa aking YouTube channel.”

 

Laman ng museo ang makulay na buhay ni Pres. Erap simula sa kanyang pagiging artista. Kabilang dito ang mga movie posters, pelikula, at mga larawan kasama ang kanyang mga naging leading ladies.

 

Hindi rin mawawala ang mga memorabilia sa unang pagsabak ni Erap sa mundo ng pulitika bilang Mayor ng San Juan na nagsimula ng pag-unlad at pagkakakilala ng lungsod. Nandoon din ang kanyang mga landmark legislations nang maging Senador noong 1987 at Bise-presidente noong 1992.

 

Ang makasaysayang panunumpa ni Erap bilang Pangulo kasabay ng ika-100 taon ng pagdeklara ng kalayaan ay mababalikan din sa museo. Nandoon din ang mga larawan ng nang lisanin ng pamilya Estrada ang Malacañang.

 

“Balikan natin ang mga masasaya at ilang mapait na alala sa aking museum tour. Malaking bahagi po ng buhay ng aming pamilya ay bahagi ng kasaysayan ng ating bayan kaya naman gusto ko po na maibahagi ito sa inyo at sama-sama natin na mapahalagahan ang ating kasaysayan,” dagdag pa ni Estrada.

 

Napapanood na ang museum tour ni Jinggoy sa kanyang YouTube channel na Jingflix.ph. (ROHN ROMULO)

Virtual 10th anniv concert ni Alden, wala ng urungan sa December

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUWEDENG alalahanin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang taong 2020 na sa kabila ng pandemya, nagawa niyang maka-survive at siguro, wala namang magko- contest na isa nga siya sa pinaka- in-demand at magtagumpay na artista kahit na sa panahong ito.

 

Noong October 10 na lang, al- though hindi naman personal na nakarating, through his video ay nagpasalamat si Alden sa panalo niya bilang “Pinakapasadong Aktor” para sa naging performance niya sa 2019 blockbuster film Hello, Love, Goodbye.

 

Aniya, “Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Here’s to more projects po and more experiences to come para sa ating lahat.”

 

Ang Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) ay grupo ng mga film educators sa bansa na nagbibigay ng parangal sa mga artists, directors, films, TV shows, and music na may positibong nai-contribute sa social studies, language, arts, and humanities.

 

At sa gitna nga ng pandemic, tuloy-tuloy lang si Alden kanyang mga TV projects kabilang na ang All-Out Sundays at Eat Bulaga! as well as several endorsements. Katatapos lang din niya ang I Can See You with Jasmine Curtis- Smith. At ang inaabangan na ng mga fan niya, ang pagdiriwang pa rin ni Alden ng kanyang 10th anniversary in showbiz sa pamamagitan ng kanyang virtual concert na Alden’s Reality ngayong December 8. (ROSE GARCIA)

Binata kulong sa marijuana

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.

 

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, alas-9:45 ng gabi, nagsasagawa ng beat patrolling sa Market St. harap ng Rikkos Roasted Chicken, Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 na si PCpl Reynaldo Panao at PCpl Mark Jayson Cantillon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Joebie Astucia nang masita nila ang suspek dahil walang suot na facemask.

 

Nang isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay umiwas at pumalag ang suspek kaya’t inaresto nila ito at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang anim na plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

 

Kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience) of RPC at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

CCP, QEFF TO STREAM FILMS ABOUT AUTISM, DEPRESSION, AND DEMENTIA FOR FREE

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

THE Cultural Center of the Philippines and the Quisumbing-Escandor Film Festival for Health partner to bring awareness to mental health and health- related issues in the country through “Balik Tanaw,” a free film online screening.

 

From October 23-30, films on Autism Spectrum Disorder, Depression, and Dementia will be screened on the CCP Vimeo channel for free. The featured films — Oh, Aking Katoto by Kelvin Aguilar, Rekuwerdo by Kristoffer Brugada, and Wish by Sheen Irerick Seekts — were part of the 3rd Quisumbing- Escandor Film Festival.

 

There will also be a live talkback and Q&A with the film directors, to be moderated by Ms. Meryll Soriano, on October 30. Catch it on the CCP Media Arts and CCP Facebook pages.

 

The one-week film screening celebrates the National Mental Health Awareness Month, putting the spotlight on important health issues and hoping to spark dialogues on mental health topics.

 

The CCP also collaborates with the Mu Sigma Phi Fraternity and the Department of Health (Philippines) to organize the 4th Quisumbing-Escandor Film Festival for Health, a nationwide film competition that focuses on Filipino people and their experiences during the COVID-19 pandemic, including the stories of those living with mental health issues.

 

The fourth installment of QEFF is now accepting film proposals and submissions. They are accepting films completed before October 1, 2020.

 

Deadline for submissions is on December 19, 2020. For complete mechanics and full details, https://forms.gle/mixWunSU57hvEVjv9.

 

Join the 4th Quisumbing- Escandor Film Festival: Bilang Nilalang as we strive to bring back the humanity to the num- bers and show that the Filipino people are more than a statistic.

 

For inquiries, contact qeff4.bilangnilalang@gmail.com

 

If your institution would like to access the QEFF3 library, contact: qeff3.mentalhealth@gmail.com

Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings.

 

Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament.

 

Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos.

 

Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal.

 

Sinabi nito na naging sulit ang pitong buwang walang tigil na pagsali sa mga virtual tournament.

 

Ang bagong layunin na nito ngayon ay ang pagpapanatili niya sa unang puwesto ng matagal na pagkakataon.

Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon.

 

Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga paliparan at pantalan, mga indibidwal mula sa mga swabbing facilities at lokal na pamahalaan, frontline health at government workers at iba pa na kasama sa ‘expanded testing’ ng Department of Health (DOH).

 

Inumpisahan ang pagpapatigil mula nitong Oktubre 14 at mananatili hanggang hindi nakababayad ang PhilHealth ng bill na aabot na sa P1,014,975 kung saan P930,993 ang ‘overdue’ na balanse.

 

Magpapatuloy naman ang COVID testing ng PRC sa mga indibidwal na nag-book sa kanila sa pamamagitan ng kanilang 1158 helpline, online, mga pribadong kumpanya at organisasyon at mga lokal na pamahalaan na direktang magbabayad. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Bigyan ng break ang ilang mga frontliners

Posted on: October 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IREREKOMENDA ni Chief Implementer Carlito Galvez kay One Hospital Command Head DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mabigyan ng bakasyon ang ilang mga frontliners.

 

Ang hakbang ay bunsod na rin ng hirit ni Presidential Spokes- man Harry Roque sa gitna ng gumagandang estado o utilization rate ng mga health facilities na nasa singkuwenta porsiyento na lamang.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ito ang magandang pagkakataong mabigyan ng break at mabigyan naman ng pahinga ang mga frontliners ngayong nalampasan na at wala na sa kritikal ang care capacity ng mga pagamutan.

 

“Maraming salamat, Sec. Galvez. Sec. Galvez, siguro po puwede nating irekomenda sa mga ospital na habang nasa 50% lang po ang ating utilization rate ng ating health facilities. baka pupuwedeng pagbakasyunin iyong ilang mga frontliners natin para sa ganoon ay makapagpahinga habang hindi pa po kritikal ang ating critical care capacity,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Opo, gagawin po natin po iyan and we will recommend that to our One Hospital Command, kay Usec. Vega po,” ang tugon naman ni Sec. Galvez.

 

Nagpasalamat naman si Sec. Roque sa mabilis na pagtugon ni Secretary Galvez sa kanyang suhestiyon na makapag- bakasyon ang ilang health workers at front liners.

 

Batay sa datos ng IATF, mayroon pang 52% available na ICU beds… 55% available na mga isolation beds habang nasa 57% naman ang availability ng mga ward beds at nasa 73% naman ang available na mga ventilators. (Daris Jose)