• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2020

3 PATAY SA PANANAKSAK SA LOOB NG SIMBAHAN SA FRANCE

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang tatlong katao matapos na sila aypagsasaksakin sa Notre Dame Basillica sa Nice, France.

 

Isa sa mga biktima na babae ay ginilitan ng leeg habang ang dalawa na binubuo ng babae at lalaki ay napatay matapos tadtarin ng saksak ng suspek.

 

Nabaril naman ng kapulisan ang suspek at kanila ng nasa kustodiya. Sinabi ni Nice Mayor Christian Estrosi na ang suspek ay makailang beses na sinambit ang “Allahu Akbar in Front of us” habang ginagamot.

 

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek.

 

Tiniyak naman ni French Prime Minister Jean Castex na kanilang iimbestigahan ang inisdente habang magtutungo naman sa lugar si French President Emmanuel Macron.

 

Magugunitang noong nagdaang dalawang linggo ay pinugutan ng suspek ang biktimang guro na si Samuel Paty matapos na gumamit ng caricature ni Prophet Muhammad sa kaniyang klase.

 

Taong 2016 ng maraming katao ang nasawi matapos na sila ay sagasaan ng isang truck.

 

SAMANTALA, kinondena naman ng mga world leaders ang nangyaring terror attack sa Nice, France na ikinasawi ng tatlong biktima sa Notre Dame Basilica.

 

Ayon kay Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, na labis ang kaniyang pakikiramay sa mga biktima at nanawagan itong pag- kakaisa para labanan ang terorismo.

 

Nagulat at nalungkot naman ang unang reaksyon ni European Parliament President David Sassoli ng mabalitaan ang nasabing insidente.

 

Ipinaabot naman ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte ang pakikiramay sa mga biktima at tiniyak na kaisa siya laban.

 

Kinansela naman ng French Muslim Council ang Mawild festivities o ang kaarawan ni prophet Mohammed bilang pakikiramay sa nasabing mga biktima.

 

Tiniyak naman ni Turkish government communications director Fahrettin Altun na hindi nila patatawarin ang sinumang naglulunsad ng racism at nagagalit sa ibang mga relihiyon.

 

Nagpahayag din ng pakikisimpatiya ang mga lider ng Saudi Arabia, The United Arab Emirates at Egypt sa nangyari.

 

Tiniyak naman ng katolika sa buong France na hindi ito bibigay sa anumang pang-aatake.

 

Nagpaabot ng pagdarasal si Pope Francis sa mga biktima ng pananaksak sa Nice, France.

 

Sinabi nito na hindi katanggap- tanggap ang terrorism at violence. Ipnagdarasal nito na gagantihan na lamang ng kabutihan ng mga mamamayan ng France ang mga gumagawa ng kasamahan.

 

Dahil sa pangyayari nagpakalat ng mahigit 7,000 na kapulisan at sundalo sa mga paaralan , simbahan at establishimento si French President Emmanuel Macron para hindi na mauulit ang insidente.

2 tulak nasakote sa Caloocan buy-bust

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa P.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na nadakma sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, alas- 9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at Tala Police Sub-Station 14 sa pangunguna ni P/Maj. Norbert Holman kontra kay Usodan Sultan, 31, (watchlisted- pusher) ng Riverside Phase 12, Tala sa Kaagapay Road, Brgy. 188 Tala. Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Sultan matapos bentahan ng P34,000 halaga ng shabu si PCpl Jake Rosima na umaktong poseur-buyer. Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,000.00 ang halaga, isang tunay P1,000 bill na nakabungkos sa 33 piraso fake P1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money. Nauna rito, alas-7:25 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa Kaagapay Road din ang watchlisted-pusher na si Jeric Torres, 43 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Marben Wandag na umaktong poseur-buyer. Narekober kay Torres ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,00 ang halaga at P7,500 boodle/buy- bust money. Kasong paglabag sa Comprehen- sive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga naarestong suspek. (Richard Mesa)

COVID tests sa mga college athletes hindi na mandatory

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na mandatory na sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ang mga atletang estudyante kapag nagdesisyon ang mga higher educational institution (HEI) ng kanilang training.

 

Ito ang naging pahayag ng technical working group na binubuo ng Commission on Higher Education (CHEd), Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health.

 

Ang nasabing desisyon ay base na rin sa isinagawang konsultasyon sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA).

 

Sinabi ni DOH health promotion policy head Rodley Carza na nasa HEI na kung magpapatupad sila ng COVID-19 testing.

 

Kabilang sa guidelines na isinama ay ang pagkakaroon ng bubble type sa mga campus at ang pagpatupad ng health measures sa mga training facilities.

 

Paglilinaw pa nila na hindi pa pinapayagan ang exhibition at kumpetisyon at tanging training lamang ang papayagan.

Backriding sa tricycle, pwede na uli sa valenzuela

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYAGAN na ulit ng Local Government ng Valenzuela City ang back-riding o pag-angkas sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.

 

Ayon kay Mayor Rex Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020, dapat lamang ay may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.

 

Kailangan ding nasusunod ang minimum health standards, katulad ng pagsuot ng mask at face shield ang driver at kanyang pasahero.

 

Paalala pa ng alkalde, isang pasahero pa rin ang papayagan na sumakay sa loob ng sidecar at lahat ng bibyahe ay kailangang sumunod sa health safety satandards.

 

Kaugnay nito, sa inilabas na fare matrix ng pamahalaang lungsod, P12 na minimum fare ng kada pasahero ng tricycle at magdadagdag ng P2 sa kada sususnod na kilometro.

 

Para naman sa special trip, P24 na ang babayaran ng pasahero simula sa terminal at magdadagdag ng P4 kada susunod na kilometro.

 

Magsisimula sa Lunes, November 2, 2020 ang pagpapatupad ng pag-angkas sa mga tricycle para mabigyan ang mga tricycle drivers ng sapat na paghahanda sa pagkabit ng kanilang mga transparent barriers. (Richard Mesa)

‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020.

 

“Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly consumption not higher than twice the ERC approved maximum lifeline con- sumption level.”

 

Batay sa inilabas na advisory ng ERC, sinabi ng tanggapan na alinsunod sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang kanilang direktiba.

 

Sa ilalim nito, lahat ng distributon utilities at retail electricity suppliers ay inaatasan din na magpatupad ng 30-day grace period sa mga customer na hindi pa rin nakakabayad ng kanilang electricity bill noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

Hindi raw pwedeng magpataw ng interes, penalty o kahit anong uri ng charges ang mga kompanya.

 

Kung lumampas man sa itinakdang 30-day grace period, dapat umanong payagan ng distributors at suppliers na makapagbayad ang customer sa loob ng tatlong buwang installment.

 

“Any unpaid balance after the lapse of the 30-day grace period shall be payable in three equal monthly installments without incurring interests, penalties and other charges.”

 

Hindi sakop ng palugit na mga araw ang government offices, agencies at mga pag-aaring kompanya ng pamahalaan.

 

Bukod sa distribution utilities at retail suppliers, inaatasan din ng ERC ng parehong direktiba ang generators/suppliers at iba pang government-owned and controlled corporation na nangangasiwa ng electric distribution. (Ara Romero)

Japanese gymnast Kohei Uchimura, nagpositibo sa COVID-19

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Japanese gymnast Kohei Uchimura.

 

Dahil dito ay pinangangambahan na hindi na makakasali si Uchimura sa international meet.

 

Ang nasabing international meet ay gaganapin sa Nobyembre 8 bilang paghahanda para sa Tokyo Olympics.

 

Nauna na kasing ipinagpaliban ang nasabing torneo na unang plano ay sa Marso subalit dahil sa coronavirus pandemic ay kinansela ito.

 

Sinabi ni Morinari Watanabe ang pangulo ng Federation International de Gymnastique (FIG) na asymptomatic si Uchimura at mabuti ang kaniyang kalusugan.

 

Muli ito ng isasailalim sa testing sa Nobyembre 5 para malaman kung sasali pa sa nasabing torneo. (REC)

Convenience store sa Valenzuela ipinasara sa pagsuway sa No QR Code No Entry policy

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINASARA ng City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) ng Valenzuela ang isang convenience store dahil sa hindi pagsunod sa No QR Code No Entry kaugnay ng paggamit contract tracing application ng lungsod.

 

Kinandaduhan ng mga kawani ng CBIAT ang Alfamart sa La Mesa, Ugong dahil sa hindi pagsunod sa itinakdang paggamit ng ValTrace app.

 

“Ayaw po sana ng City Hall umabot pa sa ganito. Pero sapat sapat na panahon na ang binigay para ang mga commercial establishments natin ay sumunod sa minimum health standards pati na din sa pag implement ng Valtrace. After numerous complaints from clients we decided to shut down this Alfamart branch in Ugong”, pahayag ni Mayor Rex Gatchalian sa kanyang facebook account.

 

Nakasaad sa Valenzuela sa City Ordinance No. 783, Series of 2020 na lahat ng mga kostumer, bisita at empleyado ng mga pampubliko at pribadong establisyemento ay hindi dapat papasuking nang walang ipinakikitang sariling ValTrace-generated unique personal QR Code.

 

Ang mga indibidwal na hindi susunod sa ordinansa ay papatawan ng administrative penalty na Php 1,000.00 sa unang paglabag, Php 3,000.00 para sa ikalawa, at Php 5,000.00 para sa ikatlo o pagkakulong ng hindi lalagpas sa 30 araw depende sa korte.

 

Ang mga establisyementong hindi susunod ay pagmumultahin ng Php 5,000.00 at suspensyon ng prangkisa o business permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa first offense, Php 10,000.00, 24 hours of community service, at suspensyon ng prangkisa o busi- ness permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa second offense, at Php 15,000.00 at kasnselasyon ng prangkisa o business permit sa ikatlong pagsuway.

 

Samantala, tumanggap ng bisikleta at cell phone na may load mula sa Department of Labor and Employment sa pakkipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) Valenzuela ang 44 mga Valenzuelano beneficiaries mula informal work sector bilang bahagi ng #Freebis Bisekletang Panghanapbuhay program para sa mga kwalipikadong indibidwal upang matulungan silang makapagsimula ng kanilang sariling delivery business. (Richard Mesa)

Pia, nakausap na si Sarah at nagka-ayos na sila

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAYA pala panay na ang post ni Sarah Wurtzbach – Manze na ‘stop hating Pia’ dahil nagka-usap at nagka-ayos na sila ng kapatid na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

 

Ang pinagkaka-diskitahan naman ngayon ng batang Wurtzbach ay ang nanay nilang si Gng. Chery Alonzo – Tyndall sa pamamagitan ng Question and Answer mula sa netizens na nasa kanyang IG stories.

 

Unang post ni Sarah ng larawan ng kaliwang kamay, “anxiety attack, how I wake up everyday, good morning.”

 

At sabay sabing, “Go ahead, what do you want to ask me?”

 

Narito ang ilan sa mga tanong ng netizens:

 

Do you hate your mom? Why? And since when?

 

“She solicited me when I was younger in exchange for money, then I got gang raped and then raped again for the second time, and she told me, I deserved it. Next.

 

Does your Mom play favorites?

 

“Not necessarily, her favorite is ‘money.’

 

How do you deal with your anxiety?

 

“By facing it head on, like right now, my anxiety is level 99999 pero go lang.”

 

Kamusta ka?

 

“I’m super anxious today but less depressed. Talking really helps or communicating with people.”

 

Does your mom ask for forgiveness, or even a simple sorry?

 

“Nope. She hasn’t approached me for 6 months since she told me I deserved it. Siya pa ‘yung lumayo LOL.

 

“FYI, she lives like 10 min drive away from me and has the keys to my house.”

 

Did you file a case when u was raped?

 

“Gang rape? Or normal rape? Sorry there were many incidents, you need to more specific.”

 

If your mom asks for you forgiveness, mapapatawad mob a siya?

 

“Sagutin niya muna tanong ko, bakit deserve ko, eh, siya ‘yung nag drive?”

 

How did you deal with your mom when she solicited you? Was she reported for child abuse?

 

“I dealt with it by suppressing the memories. I only started remembering them again this year during my therapy. Boom bitch kulong ka na.”

 

Ate Sa, why would your mom do to you? Why she’s like that? Maybe she experienced the same thing?

 

“Dunno. I don’t know what bs (bullshit) excuse, she wants to give t justify that.”

 

At what age did this all happen? Because in all your moms blogs you all seemed so happy? Sending u hugs.

 

“Based on the timeline siguro when I was about 12? But on the email she sent me, she said I was 10. And deserved it. Lol. This woman.”

 

Do you have any happy memories with your mom?

 

“Mmm right now, no. I have pure hatred towards that animal.”

 

Do you have an emotional bank or somebody to personally talk to after all these things?

 

“Yep, not enough. Literally being swallowed by the trauma on a daily basis.’

 

Inamin din ni Sarah na alam daw ng partner niya ang nangyaring raped sa kanya noon at siya rin ang dahilan kung bakit buhay pa siya, pero may mga taong hindi gusto ang ama ng mga anak niya.

 

Alam po ba ni hubby mo ‘yung rape na nangyari po sa’yo?

 

“Yeah, he’s aware. He’s the reason why I’m still here today, pero alam mon a, kasi walang trabaho at panay smoke weed daw, wala daw pakinabang sa buhay ko.”

 

Did you file a case when you were gang raped?

 

‘’Nope. My mom knew about it. Isn’t it her job to file? I was a minor that didn’t know better? Weird.”

 

Why does your mom make herself look like an ulirang lola in her vlogs? Sending healing.

 

“Ewan ko d’yan. I got my receipts to prove I’m not wrong so…just waiting for my case to be filed properly.

 

Why are you broke if you have a job? Why isn’t your hubby working?

 

“Do you know how hard it is to live in the UK? Hahaha. Kung magtatrabaho ‘yung isa, sino magaalala ng mga bata? Walang yaya dito noh.”

 

Was your mom mean to you when you were a kid’s?

 

“Hahahahahaha, YEP. Sanmig light pa more.”

 

How did your mom manipulate her viewers into believing she helped sa pag-alaga ng kids mo?

 

“She’s been manuipulative our whole lives. I’m just extremely angry now so.

 

“Pati anak ko dinadamay sa pagka-demonyo niya. ‘Wag na. It’s stops now.”

 

At dahil kilala si Sarah bilang younger sister ni Pia ay naisip na niyang nakaka-apekto ito sa imahe niya bilang kapatid ng dating Miss Universe.

 

“It’s funny how people use their newly gained power and following huh? I’m just out here dishing facts.

 

“Sorry pero I’m not a celeb so I don’t give a fuck about my reputation because I know I’m right.” (REGGEE BONOAN)

DECEMBER 22 OPENING NG NBA, LUMABO; PLAYERS ‘DI PUMAYAG

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BILANG tugon sa proposed NBA 72-game schedule na target ng liga para sa 2020-21 regular season, kasama na rito ang pagsisimula sa Dec. 22, isiniwalat ni National Basketball Players Association (NBPA) executive director Michele Roberts na karamihan sa manlalaro ay kumontra sa plano.

 

Ayon kay Roberts, nire-review nila nang husto ang pro- posal at nangangamba itong walang mabubuong desisyon ngayong Linggo.

 

“We have requested and are receiving data from the parties involved and will work on a counterproposal as expeditiously as possible,” ani Roberts.

 

“I have absolutely no reason to believe that we will have a decision by Friday. I cannot and will not view Friday as a drop-dead date.”

 

Gusto umano ng miyembro ng NBA Board of Governors ng posibilidad ng maigsing free agency period kasunod ng Nov. 18 draft at ang training camps ay magsisimula sa Dec. 1.

 

Nais ng NBA na maagang masimulan ang liga para makabawi sa naging lugi nila ngayong season.

 

Hindi naman pumayag ang ibang manlalaro sa plano ng liga dahil malaki umano ang naging sakripisyo nila sa paglalaro sa bubble kaya kailangan nilang ng mas mahabang pahinga.

 

“Our players deserve the right to have some runway so that they can plan for a start that soon,” ani Roberts.

 

“The overwhelming response from the players that I have received to this proposal has been negative.”

Pilipinas, makikinabang sa bakunang dine-develop ng United Kingdom na posibleng malikha sa katapusan ng taon

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine- develop na bakuna sa COVID 19 para sa Pilipinas.

 

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniyay magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.

 

Ayon kay Ambassador Lagdameo, may binitiwan ng pangako ang UK na magkakaruon sila ng allotment ng bakuna para sa mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

 

Tinatayang 48 million pounds ang pakakawalan nilang finances para sa mga lower income countries gaya natin.

 

Sinabi pa nito na makatatlong beses na aniya nilang nakapulong ng ASEAN London Committee si Minister of State Nigel Adams ng Foreign Commonwealth and Development Office na may kinalaman sa dinedevelop nilang bakuna.

 

Ayon aniya kay Minister Adams, malaki ang posibilidad na sa katapusan ng taon o sa unang quarter ng 2021 ay may bakuna na “made in UK”. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)