• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 25th, 2020

PAG-ALIS NG MGA DAYUHAN SA BANSA, MAGPAPATULOY HANGGANG KATAPUSAN NG TAON

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon 2020 ang pag-alis ng malaking bilang ng mga dayuhan sa bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na mula January hanggang September 2020, may 1.5 million na nga dayuhan ang dumating sa Pilipinas bago pa man ipatupad ang travel restrictions habang halos 2 milyon na mga dayuhan ang umalis ng bansa sa kahalintulad na panahon.

 

Ang dahilan ayon kay Morente ay dahil sa epekto ng Covid-19 pandemic na nagresulta sa pagpapatupad ng travel restrictions sa buong mundo.

 

“Similar to our Overseas Filipino Workers who wished to come home to their families during the pandemic, a lot of foreign nationals left as well,” ayon kay Morente.  “A lot of businesses closed, which also affected the foreign community in the Philippines,” dagdag pa nito.

 

Sa listahan ng mga dayuhang umalis ay nanguna ang Koreans na may 400,000, Americans at Chinese (300,000); at Japanese na 166,000.

 

Ayon sa datos ng BI, halos 500,000 na mga Chinese national ay narito sa bansa.

 

Ayon pa sa datos, mula 2013 hanggang 2019, may kabuuang 6.4 million na Chinese nationals ang dumating sa bansa habang mahigit 6.1 million naman ang umalis sa kahalintulad na panahon.

 

“In 2020, due to the pandemic, for the first time, we’ve seen more departures of foreign nationals than arrivals,” ayon Morente.

 

Sinabi ni Morente na 188,517 na mga Chinese nationals ang dumating sa bansa mula January hanggang September 2020 habang umabot sa 292,669 na mga Chinese nationals ang umalis naman ng bansa sa kaparehong panahon.

 

“If we look at the difference of the figures from 2013 to 2020, only 475,129 Chinese nationals from this period are left in the country,” ayon Morente.  Pero paliwanag nito na ang nasabing bilang ay hindi sumasalamin sa mga dumating noong 2013.

 

Dahil dito, ayon kay Morente na malaking epekto ito sa turismo sa bansa.

 

“The government had made significant strides in improving tourism,” ayon kay Morente.  “However, this pandemic proved to counter all previous efforts,” dagdag pa niya.

 

“You can see the effect,” paliwanag ni Morente.  “Areas that were once booming with foreign tourists, workers, or students are now empty.  We’re hoping that little by little, the confidence of foreign nationals to visit our country, invest here, work here, or study here be renewed as we work to fight this pandemic,” ayon pa sa BI chief.

 

Sa kasalukuyan ay hindi oa pinapayagan ang mga turista sa bansa.  “We hope that Covid-19 be resolved soon, so we may revive the tourism economy which was badly hit by this pandemic,” pagwawakas ni Morente. (GENE ADSUARA)

NAITALANG KASO NG COVID SA EVACUATION CENTER, INAGAPAN

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Health o DOH sa lokal na pamahalaan ng Marikina kaugnay sa naitalang kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center doon.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum, agad namang kumilos ang local health safety officer at dinala sa ospital ang evacuee kung saan siya nasuri matapos siyang mahirapang huminga.

Pinuri naman ni Vergeire ang ginawa ng Marikina LGU sa pangunguna ni Mayor Marci Teodoro at sinabing “good practice” dahil agad na inisolate o inihiwalay ang pasyente at dinala sa appropriate facility at pinasalang sa COVID-19 test.

Nang makumpirmang positibo ang evacuee ay agad na nagsagawa ng contact tracing kung saan  labing pito ang closed contacts ng nasabing evacuee.

Ayon kay Vergeire, tatlo ay kaanak at labing apat na kapitbahay ang nakasalamuha nito sa evacuation center.

Isinailalim na rin sa RT-PCR ni Mayor Teodoro ang mga close contacts at lumabas naman na lahat ay negatibo.

Gayunman, naka-quaratine pa rin ang mga close contacts ng pasyente habang patuloy silang minomonitor ng Marikina LGU.

Samantala, inaalam pa ng DOH kong may sakit na ang pasyente bago ito dalhin sa evacuation center. (GENE ADSUARA)

PSC sumaklolo sa mga atletang biktima ng bagyo

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) upang i-release ang financial assistance sa mga miyembro ng national team na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo.

Nakipag-usap na ang PSC sa national sports associations (NSAs) upang malaman kung sino-sinong mga atleta ang naapektuhan ng nakaraang mga kalamidad.

Ayon sa ulat, tumanggap ang ahensya ng mga ulat na maraming atleta at coaches, aabot na ngayon sa 57 mula sa 9 sports, ang nag-evacuate o nawalan ng tahanan dahil sa bagyong nagdala ng malakas na hangin, ulan at baha  sa  Metro Manila at karatig probinsya.

Kinumpirma ni PSC Chairman William Ramirez na mino-monitor nila ang mga miyembro ng Philippine national team na apektado ng kalamidad at binibilisan na umano nila ang proseso sa pagbibigay ng ayuda o financial assistance.

“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” ani ng sports chief.

“We will have this rolled out the soonest. We are just waiting for the final report from the NSA affairs so we can finalize everything,” pahayag naman ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Karamihan sa mga apektadong national athletes at coaches ay mula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation na naninirahan malapit sa floodways sa Rizal.

Ika-4 na Guinness Book of World Records ni Paeng

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sa ikaapat na pagkakataon ay muling pinarangalan ng Guinness Book of World Records si Filipino bowling legend Paeng Nepomuceno.

 

Mula sa dating 118 ay pinalobo ni Nepocumeno sa 133 ang kanyang career tenpin bowling championships para sa record na Most Bowling titles.

 

Nakamit ng Pinoy bow­ling legend ang kanyang ika-133 titulo noong 2019 kung saan niya pinagharian ang PTBA Mixed Open sa Quezon City sa edad na 62-anyos.

 

Si Nepomuceno rin ang naging pinakamatandang Masters champion.

 

Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Nepomuceno ang Guinness World record bilang pinakabatang World Tenpin bowling champion na ginawa niya noong 1976 Bowling World Cup (BWC) sa Tehran, Iran.

 

May pinakamarami rin siyang bowling world titles sa tatlong magkakaibang dekada (1976, 1980, 1992, at 1996 Bowling World Cup titles, 1984 World’s Invitational at 1999 World Tenpin Masters) at may pinakamaraming worldwide titles sa loob ng limang dekada.

 

Iniluklok si Nepomuceno sa Philippine Sports Hall of Fame noong Nob­yembre 22, 2018.

PDu30, balik-Davao pagkatapos ng termino sa June 2022

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PLANONG bumalik ng Davao si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa oras na natapos na niya ang kanyang termino sa Hunyo 2022.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay tugon sa ulat na di umano’y pilit na pinalulutang ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na ideya na tatakbo bilang vice president si Pangulong Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo naman sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

 

“Ang pagkakaalam ko po eh, atat na atat na si Presidenteng matapos ang kanyang termino at gusto na niyang umuwi dito sa Davao,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Iyong Duterte-Duterte tandem po na sinasabi ni Secretary Panelo, iyan po ay kanyang personal na opinyon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Matagal na kasing pinalulutang ni Sec. Panelo ang Duterte-Duterte tandem.

 

“Pag tumakbo na itong Duterte-Duterte, wala na.Di ba ninyo napapansin? Mula noon ibinigay ko ang ideyang ‘yun na baka tumakbo si Mayor Sara Duterte bilang presidente at si Presidente Duterte tumakbong bise presidente, na puwede naman, may narinig ba kayong reaksyon galing sa kaliwa o galing sa oposisyon? Wala. Wala kasi hindi nila malaman pano mag-re-react. Hindi nila akalain na puwede pala ‘yun,” ayon kay Sec. Panelo.

 

“Maraming nga…puwede pala tumakbo si presidente ng bise presidente. Puwede . Kasi ang labag lang sa Saligang Batas, ‘yung Presidente na nakaupo after six years tatakbo uli ng presidente, hindi puwede ‘yun. Pero kung tatakbo siya ng ibang position, gaya ng bise presidente puwede ‘yun.  Tingnan ninyo si Presidente Gloria Arroyo, ‘di ba tumakbong congessman. Nanalo,” dagdag na pahayag ni Sec. Panelo.

 

Nauna nang sinabi ni Sec. Panelo na kakain ng alikabok ang magtatangkang lumaban sa “Duterte-Duterte” tandem sa 2022 National Elections.

 

Aniya,  hindi mag-o-overstay si Pangulong Duterte sa Malakanyang at tatapusin niya ang kaniyang termino sa kabila ng mga isyu sa kaniyang kalusugan.

 

Binigyang diin nito na walang sinumang makatatalo kapag nag-tandem na ang mag-amang Duterte.

 

Sa katunayan, nangyari na aniya ito nang magsilbi noon si Pangulong Duterte bilang Bise Alkalde ng Davao City habang Alkalde naman si Inday Sara mula 2010 hanggang 2013.

 

May pagkakataon ding sinabi ni Sec. Panelo kay Mayor Sara na parehas sila ng tatahaking landas ng kanyang ama. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

SHAKE HANDS SA EVACUATION CENTERS, IWASAN

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IWASAN  ang physical close contact tulad ng shake hands o paghawak ng kamay at pagyakap sa mga evacuation centers.

Ito ay paalala ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees at mga opisyal na bumibisita sa mga evacuation centers.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maaring nasasabik na ang mga residente  at gustong maipakita ang kanilang pasasalamat sa mga opisyal  na nagbibigay ng ayuda ngunit lagi rin aniyang tandaan at maintindihan na may banta pa rin ng Covid-19.

Kaya naman aniya iwasan muna ang paghawak kamay, shake hands at pagyakap at kailangan pa ring mag-maintain ng physical distance dahil maari pa rin aniyang makapanghawa sa ganyang pamamaraan.

Dagdag pa ni Vergeire, maari naman aniyang magkaroon ng ibang paraan para maipakita ang taos pusong pasasalamat natin sa komunidad at mga lider ng gobyerno. (GENE ADSUARA)

Sen. Manny, ‘di talaga approve sa pagbo-boxing ni Jimuel

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALA raw problema kay Senator Manny Pacquiao ang pagiging celebrity din ng kanyang mga anak.

 

Ang panganay na si Jimuel ay isa nang amateur boxer. Si Michael ay nakikilala sa kanyang pagiging musician at si Princess naman ay isang vlogger.

 

Pero inamin ni Pambansang Kamao na sa mga ginagawa ng kanyang mga anak, hindi siya approve sa pagiging boksingero ni Jimuel. Kung siya lang daw ang masusunod, di niya papayagan ang kanyang panganay na makipag-boxing.

 

“Labag lang sa loob ko yung boxing. Yung panganay ko gustong mag-boxing talaga. Sige lang. Gusto raw niya ma-experience yung boxing, so sige lang. Pero kung ako ang tatanungin talaga, ayaw ko kasi mahirap naman talaga yung boxing.

 

“Ngayon, pinaparanas ko sa kanya yung hardwork training para malaman niya na hindi pala ganun kadali yung boxing,” diin ni Manny.

 

Ayaw isipin ni Manny na may isa sa mga anak niya na susunod sa kanyang yapak bilang isang legendary boxer.

 

“Boxing is a serious sport, na pwede mong ikamatay. Naranasan ko ‘yan na muntik na akong maano diyan sa boxing. Kaya ayaw ko namang maranasan pa ng mga anak ‘yung mga ganung experience.

 

“Ang boxing kasi is one-of-a-kind, you need to be a pro warrior to enable to sustain and fight in the ring. Ibig kong sabihin, hindi lang ‘yung pa-boxing-boxing ‘tapos lalaban ka, hindi ganun ang boxing.

 

“Ang boxing talaga, it will need your focus, your sacrifices, hardwork, and discipline. Lahat ng katangian dapat alam mo dahil ang boxing, pwede kang mamatay.

 

“Like in my experience, dalawa sa kasama ko ang namatay, ‘yung kaibigan ko pa, talagang nangyayari ‘yung ganun hindi maiiwasan,” babala pa ni Manny.

 

Sa Youtube vlog naman ni Jimuel, pinahalagahan nito ang mga naging sakripisyo ng kanyang ama bilang isang boksingero.

 

“It makes me realize the hardwork talaga that my dad did. Before, you know, he used to sleep in the gym. Ang trabaho niya lang talaga is to box lang for money kasi they’re really poor before.

 

“Lagi niyang ikinukuwento ‘yan, sometime when we’re having dinner lang, ‘yung mga pinagdadaanan niya dati. Like, he has to work a job pa after training and before training, so it’s really, really super hard.

 

“Wala pa siyang masyadong kinakain noon kasi mahirap daw maghanap ng pagkain. I just feel very blessed and it motivates me to work as hard as him.”

 

*****

 

MAGKASAMA na ulit ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo pagkatapos ng limang buwang magkahiwalay.

 

Dumating si Philmar sa Manila from Siargao kamakailan at masaya si Andi na complete family na ulit sila.

 

Uuwi raw sila sa Siargao kapag nakapanganak na si Andi. Kasalukuyang 30 weeks pregnant na si Andi sa second baby nila ni Philmar.

 

Ibig sabihin ay sa Manila magpa-Pasko at Bagong Taon ang pamilya ni Andi at Philmar.

 

Pinost ni Andi ang reunion nila sa kanyang YouTube channel.

 

“We’re here quarantining with Philmar in our house. Okay lang na hindi muna kami nakauwi ng Siargao as long as we’re complete. We’re so excited because nandito pa rin kami sa bahay, but we have Philmar now and we’re complete and we’re so excited to be sharing more of our days in the life here in the city eventually until we give birth and make our way back to the island.”

 

Umabot sa higit sa 1 million views in just two days ang video na “Our Happy Island Fam Reunion”.

 

*****

 

SA gitna ng COVID-19 pandemic, nagawa pa rin ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao na makapagpagawa ng kanilang dream house.

 

Nai-share ni Camille via Instagram ang construction ng kanilang bahay na na-delay ang pagtapos dahil sa ilang buwang lockdown at sinabayan pa ng magkakasunod na bagyo.

 

Ngayon ay dire-diretso na raw ang trabaho and hopefully, kung wala nang delay ay matatapos ito sa pagpasok ng 2021.

 

“Dreaming together and allowing God to make things happen @vjyambao1,” caption ni Camille sa IG post.

 

Ngayon lang daw naranasan ni Camille ang ma-stress dahil sa pagpapagawa ng bahay. Sa first marriage kasi niya ay gawa na ang bahay na pinatayo ng late husband niyang si Anthony Linsangan bago pa sila kinasal.

 

Kaya minsan daw ay nagugulat sina Camille at VJ sa laki na nang nagagastos nila sa pinapagawang bahay.

 

Pero kinakaya naman daw ng mag-asawa ang lahat dahil para sa kanilang mga anak ang pinapatayo nilang bahay. (RUEL J. MENDOZA)

NAMARIL NA PULIS MAYNILA, PINAGHAHANAP

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHAHANAP ng Manila Police ang kanilang kabaro matapos na umano’y barilin ang isang lalaki na nagresulta sa kanyang kamatayan at pagkakasugatn ang isa pa sa Tondo Maynila kahapon ng  madaling araw.

 

Hindi na umabot ng buhay sa  Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP Rizal St., Tondo; habang sugatan ang kasama nitong si  Mark Lester Quinones,28,binata at residente rin sa nasabing lugar.

Pinaghahanap naman  ang suspek na pulis na si  Pat Alvin Santos, na nakatalaga sa MPD Station 3-Sta.Cruz Station.

Sa imbestigasyon, naglalakad umano ang mga biktima nang  makasalubong ang suspek na lasing  at sinabihan ang mga biktima na aarestuhin.

Sumagot umano si Marga na nakatira lamang ito sa nasabing lugar na hindi umano nagustuhan ng suspek kaya agad bumunot ng baril at pinaputokan ang mga biktima.

Dahil sa pangayayari, inatake naman ng mga bystanders at kamag-anak ng mga biktima ang suspek  dahilan para maiwan ang kanyang baril habang siya naman ay tumakas.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow up operation ang mga kabaro ng suspek upang panagutan ang ginawang krimen. (GENE ADSUARA)

Alden, wish na makahanap na ng mag-aalaga sa kanya

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ANG makahanap ng may mag-aalaga naman sa kanya ang isa sa nilu-look forward na talaga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagpasok ng bagong dekada ng career niya.

 

      “May nag-aalaga naman sa akin, of course, pero siyempre, iba yung personal talaga, yun po, yun naman siguro ang magiging priority ko by 2021 aside sa career,” lahad nga niya.

 

Ngayong taon nga na ito sine-celebrate ni Alden ang 10 successful years niya sa showbiz. Na sabi nga namin sa kanya, yung narating niya ng sampung taon, hindi pa yata nararating ng dalawa o tatlong dekada ng artista sa showbiz.

 

Sa pamamagitan ng isang virtual concert, ang Alden’s Reality, the country’s first-ever reality on December 8 ang tila culminating event ng kanyang 10th year anniversary.

 

Almost sold-out na ang concert ng virtual concert ni Alden na ididirek ni Paolo Valenciano.

 

Hindi raw nainip si Alden na sampung taon na pala siya sa showbiz dahil sobrang nag-enjoy siya.

 

      “Parang looking back, ten years, nagulat na lang din po ako that I’ve reached that long already. Siguro hindi ko naramdaman na 10 years siya.

 

      “Everyday in my life, I’m enjoying. I’m really blessed that I’m here. I’m happy with all the things that happened in the past 10 years. Kasi, nabuo po niya ako bilang tao and at the same time, nabuo niya po ako bilang artist in the form of acting, singing, hosting, dancing and other more crafts that’s there.”

 

At bukod dito, hindi rin mahirap sa kanya ang ginagawa niya dahil never naman daw siyang nag-pretend.

 

      “Siguro kaya hindi rin po ako nahirapan, what you see is what you get. I’m not pretending to be someone I’m not. I’m here to learn and inspire people and of course, the unconditional love I got from people, that’s my 10 years is all about.”

 

*****

 

NATUTUWA si Jake Cuenca na nakagagawa siya ngayon ng show labas sa pagiging Kapamilya.

 

Muli nga kasing nagkasama sina Jake at Kris Bernal sa isang serye naman ngayon, ang Ate ng Ate Ko sa TV5 under the production of APT Entertainment.

 

Para kay Jake, dedma lang siya kung may nambabash sa kanya at kinukuwestiyon siya in-terms of loyalty.

 

Katwiran niya, napakaganda na nagkakaroon sila ngayon ng window para magkaroon ng chance na maka-trabaho nila ang mga taga-ibang network. Kaya raw nang i-offer sa kanya ng APT ang serye, bukod sa nagustuhan niya, tinanggap niya agad at kasama pa niya si Kris na nakasama na rin niya sa movie last year.

 

At nilinaw rin ni Jake na wala namang nabago, ang management niya ay ang ABS-CBN Star Magic pa rin at hindi siya umaalis dito.

 

Kagabi, November 23 ang pilot episode nito ng 9:30 pm. Maglalahad ito ng isang dramatic at misteryosong kwento ng dalawang magkapatid kung saan ang kanilang pagkakaiba ay naging balakid sa kanilang relasyon.       Ipapakita rin nila kung paano sila magsu-switch places matapos ang isang misteryosong krimen. The show will also tackle a psychological condition called ‘dissociative fugue’ — isang rare form of amnesia kung saan nakakalimutan ang tunay na pagkakakilanlan at iba pang mga importante at personal na impormasyon. (ROSE GARCIA)

Paratang ni VP Leni na na-bully ang kanyang mga anak dahil sa #NasaanAngPangulo, pinalagan ni Sec. Roque

Posted on: November 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN  ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na binully niya ang mga anak ni Vice President Leni Robredo makaraang banggitin niya ang mga komento nila na tila patungkol kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa social media.

 

Ayon kay Sec. Roque, sinabi  lamang niya na nagsalita ang mga anak ng bise presidente sa isyu ng #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng pananalasa  ng Typhoon Ulysses sa bansa na malayo aniya sa pambu-bully.

 

Gayunman, dedma na lamang ang Malakanyang sa pasaring ni Robredo na binully ni Sec. Roque ang kanyang mga anak.

 

Kamakailan, inakusahan ni Sec. Roque ang mga anak ni Robredo na gumawa ng pag-atake sa pangulo sa kanilang mga Twitter posts.

 

Hindi na rin ikinagulat pa ng Malakanyang ang todong pagtanggi ni Robredo na siya ang nasa likod ng hashtag  #NasaanAngPangulo.

 

Sinabi ni Sec. Roque, hayaan na lang ang Pangalawang Pangulo kung itananggi man nito ang kanyang kinalaman sa hashtag na nag-trending kamakailan.

 

Aminado si Sec. Roque na nairita si Pangulong Duterte sa naturang hashtag at hindi naman ito mapupuno kung wala itong pinanghahawakang impormasyon na si Robredo nga ang utak ng naturang pakulo.

 

Hindi naman maitatanggi na may track record si VP Leni na kung may makita itong pagkakataong birahin o pulaan ang Pangulo ay gagawin nito kesehodang may pandemya o kalamidad.

 

Paalala na lang ni Sec. Roque sa Pangalawang Pangulo, hindi ito ang panahon ng pamumulitika.

 

Ikinadismaya naman ito ng kampo ng bise presidente na inaanalyze umano ng pamahalaan ang tweets ng kanyang mga anak sa halip na mag-focus sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. (Daris Jose)