• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 5th, 2020

Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

 

Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth.

 

Giit ni Gordon, patuloy pa rin tataas ang bayarin ng PhilHealth dahil araw-araw ay may P25 milyon halaga ng COVID testing ang isinasagawa ng PRC na ipinapasagot sa PhilHealth.

 

Nakapagbayad na ang PhilHealth ng P500 milyon noong Oktubre at P100 milyon nitong Nobyembre. Nitong Nobyembre 5, sinabi ng pamahalaan na P700 milyon na ang nababayaran nila sa PRC.

 

Idinagdag pa ng Senador na lumalaki ang bayarin ng PhilHealth dahil hindi sila tumutupad sa usapan na kada ikatlong araw ay magbabayad sila, subalit sa ngayon ay nasa average na siyam na araw hanggang 12 araw bago umano magbayad ang PhilHealth. (ARA ROMERO)

‘I am excited about the first day’ – Durant

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

‘Excited’ na raw na muling makabalik sa game ang NBA superstar na si Kevin Durant sa ilalim ng bagong team na Brooklyn Nets.

 

Ayon sa two-time NBA Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP, sabik na siyang muling tumuntong sa court at sa maisuot ang kanyang jersey.

 

Kung maalala 2019 nang dumanas ng matinding injury si Durant sa Achilles.

 

Sinabi pa niya, maganda ring pagkakataon na makakasama na rin sa game ang nanggaling din sa injury na si Kyrie Irving at ang hahawak sa kanila na bagong coach na NBA legend na si Steve Nash.

 

”I am excited about the first day and putting on my practice jersey again,” ani Durant na nagsimula na ring mag-practice.

 

Sa December 22 na ang pormal na opening ng NBA pagkatapos ng preseason games (Dec. 11).

ANYARE RFID!

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Perwisyo at pasakit ang dinulot sa mga motorista sa unang araw pa lang ng “One Hundred Percent RFID” campaign sa mga tollways.  Madaling araw pa lang, ilang kilometro na ang traffic papasok at palabas sa mga tollways.

 

Sa report ng media ay umabot sa limang kilometro ang haba ng linya ng traffic sa NLEX at ganun din sa ibang tollgates.  Umusok sa galit ang mga motorista sa social media.  Anyare ba kase?  Sabi noon ng DOTr ay sapat na ang binigay nilang deadline hanggang December 1, 2020 sa mga motorista kaya wala nang cash lanes na bubuksan pero dahil sa perwisyo ay nagbukas pa rin ng cash lanes para umusad nga ang kalbaryong traffic.

 

Heto ang sinabi naming sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) noon pa – na maglagay pa rin ng cash lanes hangga’t hindi naaayos ang NAPAKARAMING PROBLEMA SA RFID TULAD NA LANG NG WALANG INTER-OPERABILITY NG MGA TOLLWAYS, PAGSASAAYOS NG MGA BARRIERS, TUGON SA MGA SUMBONG SA MGA NAWAWALANG LOAD , PAGLALAGAY NG STICKERS at marami pang iba. Pero talagang kumpiyansa ang DOTr at Toll Regulatory Board (TRB) na ituloy na ang cashless sa tollways.

 

Naglabas pa ng mga paliwanag ang DOTr sa mga katanungan ng mga motorista. Ngayon ang motorista patuloy na anagtatanong –  ANYARE? Sisisihin nila na kasalanan ng ibang motorista dahil mahilig sa “last minute” pero teka diba’t ang DOTr mismo ang nag-anunsiyo na WALANG DEADLINE ang pagkakabit ng RFID stickers at walang hulihan hanggang Enero ng 2021?

 

Kung ganun walang last minute na dapat isisi.   At kung sasabihin naman na “birth pains” lang yan ng bagong sistema ay mukhang “nakunan” yata ang sistema at hindi lang birthpains ang nangyayari. Pakiusap po sana sa DOTr at sa TRB na panatiliin muna ang mga cash lanes, dagdagan ang RFID installation stations at ayusin ang inter-operability ng Autosweep at Easytrip at kalimutan na yang deadline nila. Kung hawaan ng COVID-19 ang pinoproblema o ginagamit na katwiran maglagay ng cash trays sa mga cash lanes at hikayatin ang mga motorista na “exact toll payment ang ihanda nila”.

 

Walang mawawala sa mga concessionaire kung pananatilihin muna mga cash lanes hanggang hindi pa maayos ang lahat.  Sa RFID “prepaid” ang binayad ng mga morista at dapat may load ang mga sticker kahit hindi ka pa dumadaan ng tollgate. Halimbawa P500 pesos ang ni-load mo.

 

Pero P400 pesos lang ang nakunsumo. Yun P100 pesos na hindi pa na consume ay wala namang “moneyback”. So ilang milyong piso ang hindi nagagamit pa na ni-load ng motorista na “prepaid” sa mga tollways concessionaires, nakatambay sa banko ng mga negosyante.

 

Samantalang pag cash payment bayad ka lang pag dadaan ng tollway. Ito ba ang dahilan kung bakit kahit hindi pa maayos ang inter-operability at iba pa ay minamadali ang RFID?  (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Los Baños, Laguna Mayor Perez, patay sa pamamaril

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Patay matapos pagbabarilin si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez nitong Huwebes ng gabi.

 

Sa imbestigasyon ng kapulisan, kagagaling lamang ng alkalde sa isang public spa malapit sa municipal hall compound at habang naglalakad ito pabalik sa receiving area ng munisipyo ay nilapitan ito ng dalawang lalaki dakong 8:45 ng gabi.

 

Dalawang beses itong binaril sa ulo at mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakilalang mga suspek.

 

Dinala pa ito sa HealthServ Medical Center sa Los Baños subalit binawian din ito ng buhay.

 

Ang alkalde na dating Vice Governor ng Laguna ay isa sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga na mariing itinanggi naman ng alkalde.

 

Noong ding Mayo 2017 ay napatay matapos pagbabarilin ang nakakabatang kapatid nitong si Ruel Perez, 48 habang lulan ng motorsiklo sa Barangay Maahas.

 

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa nasabing insidente. (GENE ADSUARA)

Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakinabang sa ­libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat  na  private at public markets sa  Quezon City sa pakikipagtulungan ng  Project Ark.

 

Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito ay agad na nailipat sa  community care facilities.

 

Pinasalamatan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang Project Ark, isang private sector initiative,  sa pakiki­pagtulungan sa LGU na maibsan ang pandemic sa lungsod.

 

“We appreciate the continuous support of  Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our testing efforts as we slowly gear towards revitalizing our economy,” dagdag ni Belmonte.

 

Ayon kay City Health Department (CHD) Chief Dr. Esperanza Arias ang pooled testing ay akma sa malalaking grupo . Anya ang  samples mula sa pooled tested individuals ay agad dinadala sa  laboratories  ng  Lung Center of the Philippines (LCP) at sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

 

Ayon kay Belmonte na sa ilalim ng partnership sa Project Ark na may halagang  P4.5 million, maaari itong sumuri ng mahigit 4,000 katao. (ARA ROMERO)

COVID-19 suspect, probable cases gumaling dahil sa VCO: DOST-FNRI study

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Lumabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na epektibo bilang adjunct supplement o dagdag na sangkap sa pagkain ang virgin coconut oil (VCO) ng mga pasyenteng suspect at probable sa COVID-19.

 

Ayon sa DOST, kapansin-pansin ang pagbuti ng lagay ng clinical trial participants mula ikalawa hangang ika-18 araw ng paggamit nila sa VCO supplement.

 

“Symptoms in the VCO group significantly declined in day two and no more symptoms were observed in day 18. Compared to the controlled group that showed improvement in day 3 and no symptoms only in day 23,” ani Science Sec. Fortunato dela Pena.

 

Halos 60 pasyente ng Sta. Rose Community Hospital sa Laguna ang sumali sa trial na tumagal ng 28-araw. Ang kalahati sa kanila ay nakatanggap ng 0.6-mililleters o tatlong kutsara ng VCO kada araw, habang ang kalahati ay nakatanggap ng placebo.

 

Hindi ikinonsidera ng pag-aaral ang mga pasyenteng may history na ng komplikasyon sa puso, mataas na cholesterol, walang sintomas at mga buntis.

 

Ayon sa Ateneo faculty at miyembro ng research team na si Dr. Fabian Dayrit, ginamit nilang batayan sa pagiging epektibo ng VCO ang C Reactive Protein (CRP) sa dugo ng mga pasyente.

 

Kung bumaba raw ng 5-milligrams ang CRP sa dugo, ibig sabihin ay gumaling sa impeksyon ang pasyente.

 

“Ito yung marker na mas mababa doon ay evidence na wala kang inflammation at malinaw doon sa result nila na bumaba talaga ang CRP levels ng mga kumuha ng VCO. Yung mga hindi kumuha ay hindi gaanong bumaba, nag-stabilize lang sya,” ani Dr. Fabian.

Zoey Taberna, nag-open up sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na leukemia sa murang edad

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“Just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.” Ang leukemia, ayon sa healthline.com, “is a cancer of the blood cells.”

 

Ito ang bahagi ng madamdaming post sa Instagram ni Zoey Taberna, ang panganay na anak ng brodkaster na si Anthony Taberna. Si Zoey, 12, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia.

 

Noong  December 2, eksaktong isang taon matapos siyang ma-diagnose na may leukemia, ibinahagi ni Zoey sa Instagram ang kanyang saloobin sa pakikipaglaban sa sakit na ito sa murang edad.

 

Ayon sa post nito sa IG  “i can’t believe its already been a year aaaa. one year ago today, i was rushed to the hospital at 2am because i couldn’t walk and my legs were so painful.

 

“we had no idea on what was happening to me.”

 

Katulad ng ikinuwento ng kanyang ama sa Instagram post nito, ang buong akala ni Zoey ay simpleng karamdaman lamang ito. Hanggang sa lumabas ang resulta ng tests na isinagawa sa kanya, at nalamang mayroon siyang leukemia.

 

Lahad ni Zoey, “at first, we thought i had a problem with my bones.

 

“but after running multiple tests, i was diagnosed with bone marrow disease, which ended up to be leukemia.”

 

Dito na raw parang gumuho ang mundo ng noo’y 11-year-old pa lamang na si Zoey.

 

“i was very scared. just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.

 

“especially since i had to undergo chemotherapy. i needed to chop off all my hair.

 

“and that made me very insecure and sad all the time.”

 

“I STAYED STRONG”

 

Kahit may takot na nararamdaman, hindi ito naging dahilan upang panghinaan siya ng loob. Hinarap ni Zoey ang laban sa kanyang karamdaman nang may positibong pag-iisip.

 

Saad niya, “i really thought my life would already end there.

 

“but no. i stayed strong and did my best.”

 

Kasunod nito, pinasalamatan ni Zoey ang mga taong kasama niya sa kanyang laban sa sakit na leukemia.

 

Aniya, “i want to say thank to everyone who helped me. first, to Doctor Allan Racho along with the other doctors and nurses who handles me in the hospital.

 

“i also want to say thank my friends. thank you enzo, julius, gian, clive, dillon, rasheed, lia, raizel, arianne, margaux, clara & sam, (there’s a lot more but i can’t mention you all HAHAHA) for always comforting me and trying your best to not make me feel left out, especially when i just studied from home cause i wasn’t allowed to go to school. thanks also for always making kwento and always giving time for me even if you guys are busy.

 

“thank you also to my family and family friends for always sending love and prayers to me.

 

“thank you din po for always caring for me and making me happy.

 

“i also want to thank ate ana who took care for me ever since i was a baby and still takes care of me until now.”

 

Si Zoey ang panganay na anak ni Anthony at ng negosyanteng si Rossel Taberna.

 

Ang kanyang mga magulang ang naging giya ni Zoey upang labanan ang sakit niya. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa mga ito.

 

Mensahe niya, “next, i want to thank my parents. thank you mom and dad for helping me always.

 

“thank you for listening to me when i am having a hard time.

 

“thank you po for working hard for me and our whole family.

 

“i know you have problems now but i’m sure you will overcome them very soon!”

 

Kasunod na pinasalamatan ni Zoey ang kanyang nakababatang kapatid na si Helga.

 

Aniya, “i also want to thank my sister, helga.

 

“i know i always fight and argue with you but i hope you know that i am very grateful for you.

 

“thank you for taking care of me when i’m not feeling well.

 

“thank you for listening to me when i am overthinking or when i am having a hard time expressing my feelings.

 

“thank you din for always having my back.”

 

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Zoey ang Diyos at ang pinuno ng Iglesia ni Cristo.

 

Sabi nito, “lastly and most importantly, i want to say thank you to God.

 

“For guiding me and helping me throughout all the hardships i have been through.

 

“like our executive minister, Ka Eduardo Manalo said when he prayed for me, God will heal me. and He really did.

 

“i am a lot better now than i was before.

 

“special thanks din po kay ka rommel and tita jen dahil araw araw niyo po akong pinahiran ng langis.”

 

Sa huli, sinabi ni Zoey na marami siyang natutunan sa kanyang labang ito. Nagpasalamat din siya sa mga taong nagdasal para sa kanyang paggaling.

 

“this has been very difficult, but i have learned a lot from this experience. again, thank you all for caring for me and for supporting me.

 

“i couldn’t have done it without you all! thank you for making me feel loved and for helping me stay strong.

 

“i love you all so much. stay safe everyoneee !!”

Ads December 5, 2020

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tolentino suportado ang mga manlalaro

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

POSITIBO si Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano na isa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakatulong sa Pilipinong atleta sa ilalim ng  bagong termino ng pamumuno ni Cavite Eight Distriuct Rep. Abraham Tolentino.

 

“Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng vote of confidence sa mga lider ng bawat national sports associations (NSAs) sa isang progresibong lider na mas tutugon sa kanilang pangangailangan,” ani Cayetano nitong isang araw.

 

Ginanap ang POC elections noong Nobyembre 27 sa Parañaque City kung saan nahalal sa ikalawang pagkakataon si Tolentino bilang pangulo ng pribadong organisasyon.

 

Pinapurihan ng mambabatas ang pagiging epektibo at inspirasyon ang istilo ng liderato ni Tolentino na nakatulong na aniya upang maging isang malaking tagumpay ang Philippine 30th Southeast Asian Games 2019.

 

Ayon pa sa cahirman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), malaki ang naging ambag ni Tolentino sa muling pagkapanalo ng Pilipinas sa nasabing paligsahan na ginaganap tuwing ikalawang taon.

 

“Umaasa kaming ang pamunuan ng POC ay patuloy na bibigyan ng inspirasyon at nararapat na suporta ang ating mga atleta lalo tuwing nasa kompetisyon,” wakas ni Cayetano. (REC)

Substitute bill para sa proteksyon ng mga turista at pinag-ibayong serbisyo, aprubado

Posted on: December 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang substitute bill sa apat na panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon at pinag-ibayong serbisyo ang mga turista.

 

Ito ay House Bill 1206 ni Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, HB 3684 ni Rep. Jake Vincent Villa, HB 3954 ni Rep. Alfred Vargas at HB 4839 ni Rep. Francisco Jose Matugas II.

 

Pinangunahan ni Bohol Rep. Edgar Chatto ang TWG na bumalangkas sa panukala, na nagsabing ginamit nila bilang working template ang HB 4839 sa kanilang pagpupulong.

 

Sa paliwanag ni Matugas sa kanyang HB 4839, sinabi niya na layunin ng panukala na tugunan ang mga pag-aalinlangan ng mga turista na nagnanais bumisita sa bansa, sa mga usapin hinggil sa kakulangan ng mga mapagkakatiwalaang pasilidad ng telekomunikasyon, ang pananaw na ang bansa ay hindi ligtas na lugar para sa mga turista, at mga balitang pinagkakakitaan umano ng husto ng mga lokal ang mga turista.

 

Ang substitute bill ay mag-aamyenda sa Republic Act 9593 o ang “Tourism Act of 2009.” Sinabi ni Chatto na layon ng substitute bill na magtatag ng Tourist Protection and Enhanced Services Inter-Agency Task force na pamumunuan ng kalihim ng Kagawaran ng Turismo. (ARA ROMERO)