• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 18th, 2020

Rizal Province, Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years!

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Congratulations Rizal Province for being the Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years! Malugod ding pagbati sa Antipolo City na tinanghal sa pangatlong pagkakataon na Top 1 Most Competitive Component City in the Philippines at sa Cainta at Taytay bilang Top 1 at Top 2 Most Competitive Municipalities (first-second class) in the Philippines. Ang award na ito ay ipinagkakaloob ng DTI, BSP, DILG, TESDA, DEP ED, CHED, PSA, DOLE, DOH, DOT, PHILHEALTH, PNP, BFP, BIR, DOF-BLGF, at NEDA kada taon sa mga probinsya, lungsod at bayan na naging katangi-tangi sa mga kategoryang: Government Efficiency, Economic Dynamism, Resilience, Infrastructure Development.

 

Kasama ang mga lokal na pamahalaan sa Rizal, alay po natin ang karangalang ito sa bawat mamamayang Rizalenyo na nagpupursige at nananatiling matatag sa kabila ng pandemyang dulot ng COVID-19.

 

Huwag din po natin kalilimutan ang sakripisyo ng ating mga Frontliners para sa isang ligtas at malusog na lalawigan.

 

Taas Noo, Rizaleño! Mabuhay!

 

Narito po ang iba pang hinirang na overall winners ngayong 2020:

 

OVERALL COMPETITIVENESS WINNER PROVINCES:

  1. RIZAL
  2. DAVAO DEL NORTE
  3. CAMIGUIN

HIGHLY URBANIZED:

  1. MANILA
  2. DAVAO
  3. PASAY

COMPONENT CITIES:

  1. ANTIPOLO
  2. LEGASPI
  3. TAGUM CITY

CLASS 1 TO 2 MUNICIPALITIES:

  1. CAINTA
  2. TAYTAY
  3. BALIWAG

CLASS 3 TO 4 MUNICIPALITIES:

  1. MAMBAJAO, CAMIGUIN
  2. SAN REMIGIO, CEBU
  3. BALER, AURORA

CLASS 5 TO 6 MUNICIPALITIES:

  1. ROXAS, ZAMBOANGA DEL NORTE
  2. TAGANA-AN, SURIGAO DEL NORTE
  3. MAHINOG, CAMIGUIN

 

MPBL magiging pro league sa 2021?

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Maliban sa Philippine Basketball Association (PBA) ay magkakaroon pa ng isang professional basketball league sa bansa.

 

Ito ay sandaling magsumite ng aplikasyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Sen. Manny Pacquiao sa Games and Amusements Board (GAB) sa susunod na taon.

 

“Baka sakali magkaroon tayo ng professional basketball league pa na mga bago, hindi pa natin ma-announce kung saan at kung kailan,” sabi ni GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa MPBL.

 

Ang MPBL ay inilunsad ni Pacquiao noong Agosto ng 2017 bilang isang semi-pro league na nagtampok sa 10 koponan sa inaugural season at lumobo sa 31 tropa.

 

Sa MPBL naglalaro ang ilang players na wala nang kontrata sa PBA habang nagpapakitang-gilas din sa nasabing regional league ang mga gustong umakyat sa PBA.

Santos, katropa may tampururot kay Austria

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KLINARO Ni Leovino ‘Leo’ Austria ang ikinatatampo sa kanya ng San Miguel Beer players.

 

“Nagtatampo sila sa akin ‘yung players dahil sinasabi ko raw na matatanda na sila,” bulalas ng eight-time SMB champion coach sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

“Wala naman akong sinabing ganu’n. Ang sabi ko lang we’re not getting any younger so we have to have some backups dito sa mga veteran. Ang lumabas, mag-re-revamp ako kasi matatanda na.”

 

Pinasinungalingan ni Austria ang mga sumusulpot na report na may napipintong balasahan sa Beermen dahil sumala silang depensahan ang Philippine Cup crown sa 45th PBA bubble sa Angeles, Pampanga.

 

Quarters lang ang inabot ng serbesa.

 

Idinagdag ng 62-taong-gulang, may taas na 5-10 at tubong Sariaya, Quezon bench tactician na pareho pa rin ang starting five niya sa parating na taon kabibilangan nina Arwind Santos, Christopher Ross, Marcio Lassiter at Alexander Cabagnot Jr. na mga 33-anyos na pataas.

 

Matatawag na rin spring chicken ang panlimang si June Mar Fajardo na nag-31 nitong Nobyembre.

 

Nakatakda na ring mag-32-anyos sa na rin si Moala Tautuaa, ang humalili muna sa nagpagaling sa injury na si Fajardo sa bubble.

 

“Ang sabi ko, core ko pa rin. Sila ang nakakakuha ng 35 minutes per game,” wakas na paglilinaw ng four-time Coach of the Year ng PBA Press Corps. “Ang kailangan ko second unit, third unit, para hindi naman masunog ang first five ko.”

 

Ang apat ang mga nagdaramdam kay Austria.

 

Dalangin ng Opensa depensa na sana maayos agad ang hindi pagkakaunawaang ito para hindi na lumaki.

 

Magpa-Pasko na. (REC)

Marcial, ‘all set’ na sa kanyang pro debut sa US

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

All set na si Eumir Felix Marcial para sa kanyang inaabangang professional debut sa Huwebes (oras sa Pilipinas) sa Microsoft Theater sa Los Angeles, USA.

 

Sa ginanap na official weigh-in kanina, tumimbang ng 162.4 pounds si Marcial, habang ang kanyang kalabang si Andrew Whitfield ay may timbang na 165.8 pounds.

 

Umaasa naman ang 27-anyos na si Marcial na magbubunga ang kanyang pagsasanay sa pagharap nito sa katunggaling Amerikano sa isang four-round middleweight bout sa event ng Premier Boxing Champions.

 

Pumasok si Marcial sa Mariott Hotel bubble nitong Lunes.

 

Dalawang buwan na ang nakalilipas nang simulan ni Marcial ang pagsasanay sa ilalim ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa LA.

 

Pinasok ng Zamboanga City native ang pro boxing nang lumagdag ito ng anim na taong kontrata sa MP (Manny Pacquiao) Promotions noong Hulyo.

 

Ginagamit din ni Marcial ang kanyang training camp sa US bilang paghahanda para sa pagsabak nito sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Doha napiling host ng 2030 Asian Games

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Napili ang Doha bilang host ng 2030 Asian Games.

 

Kinumpirma ito mismo ng Olympic Council of Asia (OCA) kung saan magiging host naman ang 2034 ang Riyadh.

 

Ayon kay OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, na isinagawa ang paggawad matapos ang board meeting ng OCA.

 

Naantala pa ng ilang oras ang nasabing botohan dahil sa technical problem sa kanilang online system.

 

Nagkaroon ng alitan ang Doha ang Saudi matapos na putulin ng Saudi at kaalyado nito ang diplomatic, economic at transport ties sa Doha noong 2017.

Height requirement ng mga ahensyang pang-seguridad, aprubado na

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ng House Committtee on Public Order and Safety ang ulat ng komite sa substitute bill na naglalayong babaan ang minimum height requirement.

 

Gayundin ang pag-alis sa pagpapaubaya sa sukat ng mga aplikante sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).

 

Ang substitute bill ay inaprubahan ng komite matapos itong sumailalaim sa mga amyenda noong nakaraang pagdinig.

 

Sinimulan ding talakayin ng komite ang substitute bill sa HB 2247, HB 3065 at HB 7734  na naglalayong palakasin ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.

 

Ang panukala ay naglalayong amyendahan ang ilang probisyon sa ilalim ng RA 8551, o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.

 

Sinuspindi ng komite ang deliberasyon sa substitute bill habang hinihintay ang pagsusumite ng mga komento at suhestyon mula sa IAS, PNP at NAPOLCOM, upang ganap nang maisama sa pinal na bersyon ng panukala.

(ARA ROMERO)

1,114 iskul sasalang sa dry run ng face-to-face classes

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 1,114 paaralan ang inirekomenda ng Department of Education (DepEd) para magsagawa ng dry run sa face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19.

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mga regional directors ng ahensiya ang nagrekomenda sa naturang mga paaralan pero sinabi ni Briones na kailangan pang suriin kung nagpapatupad ng health protocols ang naturang mga eskwelahan at kung aprubado ng mga magulang at local government units.

 

Maaari aniyang mabawasan ang bilang ng mga nominated schools oras na dumaan na ang mga ito sa kaukulang pagsusuri at pagkilatis.

 

Una nang pinayagan ng Malakanyang na makapagsagawa ng dry run para sa face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na walang kaso ng COVID-19.

 

Gayunman, hindi compulsary at dapat boluntaryo ito kaya kailangan pa rin magsumite ang mga magulang ng permiso para makasali ang kanilang mga anak.

 

Itinakda ng DepEd sa Enero 11-23, 2021 ang dry run habang sa huling linggo ng Ene­ro ay ilalaan ang submission ng reports sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at evaluation para sa pinal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)

Duque sa mandatory na pagsuot ng face shield: ‘We are guided by science and evidence’

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Dinepensahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagma-mandatong magsuot na ng face shield ang publiko sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung nasa labas ng bahay.

 

“We are guided by science and evidence,” ani Duque sa press briefing nitong Miyerkules.

 

Inulan ng reklamo at kristismo mula sa ilang indibidwal at grupo ang paghihigpit pa ng pamahalaan sa paggamit ng face shield, sa gitna ng lumuluwag na panuntunan ng ibang bansa laban sa COVID-19.

 

Nakasaad sa IATF Resolution No. 88 na kakambal ng pagsusuot ng publiko sa face masks, ay ang pagsusuot din ng face shield kapag nasa pampublikong lugar.

 

“Whenever they go out of their residences, pursuant to the existing guidelines issued by the national government,” ayon sa Section 8 ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine.

 

Iginiit ni Duque na mismong mga health experts at scientists ang nagsabi na 99% protektado sa banta ng COVID-19 infection ang sabayang pagsu-suot ng face mask, face shield, at pagsunod sa tamang distansya.

 

Pero ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (US CDC), hindi nila inirerekomend ang pagsusuot ng face shield dahil wala pang malinaw na ebidensyang kaya nitong proteksyonan mula sa coronavirus ang indibidwal na magsusuot nito.

 

“Face shields have large gaps below and alongside the face, where your respiratory droplets may escape and reach others around you. At this time, we do not know how much protection a face shield provides to people around you.”

 

Sa kabila nito, umapela ang Health secretary sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standards para maiwasang mahawaan ng COVID-19 lalo na ngayong holiday season.

 

“Huwag tayo mapapagod kasi ang COVID hindi napapagod, hindi nagbabakasyon kapag Pasko at hindi natatakot kapag nagpaputok sa Bagong Taon.”

 

“Kapag hindi natin sinunod ang panuntunan ng DOH sa minimum health standard name-meligro ang ating pamilya.”

Sunog sa Paco, Maynila: 1 patay

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Isang babae ang nasawi nang maipit sa kaniyang nagliliyab na bahay sa sunog na naganap isang residential area sa Paco, Maynila dulot umano ng napabayaang rice cooker, kahapon ng madaling araw.

 

Inisyal na kinilala ang nasawi na si Loida Reyes Delayman, 54, ng Interior 29 Gomez Street, Brgy. 823 Paco, ng naturang lungsod.  Isa pang babae na inaalam pa ang pagkakakilanlan ang nasugatan sa insidente at agad na isinugod sa pagamutan.

 

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mag-umpisa ang sunog sa bahay ng pamilya Delayman na agad na itinaas sa unang alarma dahil sa biglaang pagkalat nito sa buong bahay.

 

Nahirapang maapula ng mga rumespondeng bumbero ang apoy dahil sa makitid na daan sa looban kung saan nakatirik ang bahay. Dahil din sa gawa sa light materials, naitaas sa ikaapat na alarma ang apoy dakong alas-5:25 ng madaling araw.

 

Tumagal pa hanggang alas-7:28 ng umaga bago tuluyang maapula at mapigilan ang pagkalat ng apoy saka sinundan ng pagdedeklara ng fire-out dakong alas-8:50 na ng umaga.

 

Sa isinagawang mopping operation, nadiskubre     ang bangkay ni Delayman sa loob ng natupok nilang bahay nang hindi na niya magawang makalabas.

 

Sa pahayag ng BFP, nasa 50 bahay ang nada­may kung saan nakatira ang higit sa 100 pamilya at aabot sa higit-kumulang P500,000 ang halaga ng pinsala. (GENE ADSUARA)

Ads December 18, 2020

Posted on: December 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments